Wednesday, 30 January 2008

Bawal

Umuwi ng maaga si Red. Hindi raw maganda ang pakiramdam niya. Pero hindi sya sa kanila dumiretso. Sa bahay namin ang uwi nya.

"Ang aga naman? May boom-boom pa a," sabi ko.

"Pagod ako," sagot niya.

"Ang mga bading?" tanong ko.

"Ayun, nasa disco pa," sagot niya.

Pero di ako naniwala na pagod nga si Red. Basa sya ng pawis-- ibig sabihin nagpakasawa ito sa pagsayaw.

"Maraming tao?" tanong ko.

"Marami rin," maiikli lang ang mga sagot ng bakla ngayon.

"Lalaki?" tanong ko.

"Marami din," sagot niya.

"Nakailan ka?" tanong ko.

"Isa lang," sagot niya.

Ayaw ko ring maniwala.

Tahimik lang ang bakla.

"Actually, hindi ako nakaisa. Hindi ko tinapos," sabi ni Red.

"Bakit naman?" tanong ko.

Eto ang kwento.

Cute daw si lalaki. Konting usap lang at pumayag agad ito. Dinala ni Red sa madilim na lugar. Doon nangyari ang krimen. At habang nasa posisyong pang-aso si Red at si lalaki naman ay nakapatong sa kanya, naramdaman ng bakla ang paninigas ng katawan ng kapareha.

"Akala ko malalabasan na," sabi ni Red.

"Tapos?" tanong ko.

"Hindi pala," sagot nya.

Ilang saglit na katahimikan sa parte ni Red. Itinuloy niya ang kwento.

"E naramdaman ko nga na nanigas ang katawan ng guy. Naramdaman ko rin na may konting basa. Pero tuloy-tuloy ang pagbasa ng likod ko..." kwento ng bakla.

"Ha?" singit ko.

"Inihian niya ang likod ko," sagot ng bakla.

Tawanan kami ni Kulot.

"Natigilan ako. Umupo. Nawalan ng gana. Gusto kong umiyak. Feeling ko nabastos ako," tuloy ang kwento ng bakla sa eksenang para syang biktima ng pang-aabuso.

Tawanan pa rin kami ni Kulot.

"Nag-sorry ang lalaki. Sabi niya di daw niya napigilan. Gusto ba naman nyang tapusin pa namin," patuloy ni Red.

"Ano sabi mo?" tanong ko.

"Sabi ko magbate syang mag-isa nya," sagot ni Red.

"Tapos," tanong ni Kulot na natatawa pa rin.

"Nagbate nga sya," sagot ni Red.

Tawanan na naman.

Sa nangyaring iyon kay Red, ang suggestion ko sa mga bakla ay magbaon ng extra shirt para may pampalit.

Pero ang Kulot iba ang nasa isip: "Dapat magpa-print kayo ng "Bawal Umihi Dito" shirt."

23 comments:

Mugen said...

Uy golden shower. Kinky. Lol.

charmed one said...

Kumusta naman Mandaya?

Kapag hindi ka nagpo post

Nami miss kita.

Mink: The Arabian Paladin said...

wahahaha, gusto ko yung hirit ni kulot!!! wahaha ulet

Kiks Phulumulu said...

bibili ako ng t-shirt na yan.

jericho said...

ang smart ni kulot! proud momma ka na mandaya. ipamahagi ang t-shirt na yan!

erlinda cartera said...

kainggit ang red ...na "wet"...saya ng post na to...na miss kita mandaya

empressmaruja said...

Ay go! Ibenta ang t-shirt sa Multiply.

Si Kulot huh, nagmana ng punchlines mula sa 'yo.

jake said...

diba, sibilisado at dalagang filipina pa rin si red, wa n'ya feel ang golden shower, nababuyan s'ya, winner!

mandaya, inaabangan ko ang blog mo everyday. nakaka-adik ka. kung nasa pilipinas lang ako pinuntahan na kita dyan to meet you.

iba ka ate. isa kang alamat!

reyna elena said...

hahahaha!! ilang beses ko nang ginagawan nang kwento tong Bawal Umihi, nagpalitrato pa ako sa Session Road sa bawal umihi! kaw lang pala ang makakapag bigay hustisya sa mga bawal umihi! hahahaah

jase said...

I like ur relationships :)

The Zen Bitch said...

golden shower! kaloka! pero bongga ang idea for a shirt ni kulot. bibili rin ako ng t-shirt na yan! promise!

paoring said...

Great signage yan ha!Magpaprint ng marami at ibenta sa EBAY. GO.

gibo said...

parang pagkain ng sashimi, acquired taste din ang golden shower.

jun of zerogravity said...

:D hindi ko alam kung panong magko-comment dito. ang kulit. hahaha.

aries said...

sakto mam, halin kaau na nga tshirt... pwede sad ni negosyo wehehe

kalansaycollector said...

ay kaloka.

ginawang pink urinal si ate.

mschumey07 said...

Buti at hindi sinipon si Red.

Kai Santorino said...

hahahhaa!
kailangan ba talaga ng ganung shirt? hindi kaya fetish nya yun?

Zang said...

magpaprint ako ng ganoong tshirt. thanks kulot, for the idea!

jp said...

wahaha! wahaha! laftrip!

quote unquote "isa kang alamat!"... haha ginawa kang anito. next time aalayan ka na ng sampaguita nyan. haha.

angpinaybrodkaster said...

ang pangheeee!!!

Elyong said...

Nakakawindang! Go print that shirt!

Ewan said...

ang arte naman ni red
para ihi lng e hehehe