Monday, January 21, 2008

Chasing Pavements

Sinusulat ko ito habang paulit-ulit na nakikinig sa kantang Chasing Pavements ni Adele. Maganda ang kanta. Bagay sa akin. Sayang nga lang at kailan lang ito lumabas. Dapat ay noon pa man ay ito na ang theme song ko.

Marami na akong napagdaanang relasyon. At kung ikukwento ko lahat, baka nobela ang kalalabasan nito. Pinili ko na lang sila, ayon sa kahalagahan nila sa buhay ko— batay sa mga sumunod: 1. Kung ano ako ngayon. 2.Kung ano ang natutunan ko sa kanila. 3. Kung gaano sila kagaling. 4. At kung gaano sila ka walang kwenta.



JAMES

Law graduate. Nagtatrabaho bilang acting legal officer sa isang government office. Maputi. Maganda ang katawan—resulta ng regular workout at tennis. Nagkakilala kami sa isang bar. Sa umpisa hanggang “hi” at “hello” lang. Hanggang nag-umpisang maglandian. Isang buwan ding nagdate bago niya ako inayang pumunta sa lugar niya. Doon ko nadiscover ang hilig niya kay Barbra Streisand. Dahil habang ginagawa namin ang dapat ay matagal ng ginawa, bumubirit si Barang ng “Papa Can you Hear Me.” Hindi ko ito pinansin. Mas na bighani ako sa flawless skin ni James. Mula ulo hanggang paa, walang peklat. Pati singit, parang ginamitan ng Tide Ultra. Walang pinalampas ang dila ko. Walang syang reklamo.

Mula noon, parang kami na. Mula rin noon, mas marami akong nadiscover kay James. Mahilig syang makipagdebate. Akala siguro niya nasa law school pa sya. Malay ko ba sa mga Rebulic Act na yan. Pero go pa rin ako. Kuntodo research din ako para may masabi. Pero talagang mahilig makipagpaligsahan ang James. Gusto nyang patunayang mas mataas ang inaabot ng ihi niya.

At dumating ang panahong napuno na ako sa ganitong klaseng pag-uusap. Nabitiwan ko ang di dapat bitawan. Sinabihan ko sya ng: “Kung talagang magaling ka, bakit di ka pumasa sa BAR?”

Nag-walk out sya. Wala na akong narinig pa mula sa kanya. Hindi ko sya hinanap. Kung iisipin, mas na-miss ko si Barang sa kanya. At dahil doon, naghanap ako ng kopya ng Yentl. Ngayon, saulado ko na rin lahat ng kanta sa pelikulang yon.

Mabait kung mabait si James. Malinis din siya sa katawan. Nagbi-bleach sya ng singit niya (kaya pala maputi). At isang gabi, habang akala niyang tulog na ako, nakita ko siya, naga-apply ng Ponds Cold Cream. Mas bakla pa sya sa akin.

Good riddance.



JORGE

Isang engineer. Nagtatrabaho sa isang malaking kumpanya ng gas. May asawa. May dalawang anak. Kung si James ay pogi, si Jorge naman ay gwapo. At tulad ni James, mahilig din si Jorge kay Barang.

Minsan, gusto niyang magkita kami kahit na tambak ako sa trabaho. Sandali lang daw. Early lunch lang daw. Sabi ko di ako pwedeng magtagal at busog pa ako. Pumunta pa rin sya ng office ko. Pinababa. Pinasakay sa pick-up niya.

“Listen to this,” sabi niya.

“OK” sabi ko.

Pinindot ang player. Kumakanta na si Barang ng “Coming in and out of your life is hard for me to do.”

Potah! Kinilig ako.

Ilang buwan din kaming nagsama ni Jorge. Di namin pinag-usapan ang tungkol sa pamilya niya. Di rin namin pina-usapan ang tungkol sa amin. Para sa akin, tama na yong lagi syang naandyan. Tama na yong akin muna sya bago sya umuwi sa asawa niya.

Doon ako mali. Hindi pala siya diretso uwi sa asawa niya. Nakikipagkita pa pala sya sa iba.

Ang ending: inaway ko sya. Sumulat ako ng two-page letter. Ang ganda ng pagkagawa ko sa sulat. Lahat ng galit nilabas ko. At, lahat ng ito ay sinulat ko in English.

Hindi lang yon ang ginawa ko. Sa galit ko, tinakot ko sya. Tulad ng isang tunay na office girl, sa ibaba ng letter ko ay may “cc: wife.”

Hindi na kami nagkitang muli pa ni Jorge. At tulad ng kay James, mas na-miss ko si Barang.



JOHN

Businessman mula South Cotabato. May asawa’t anak. Lingguhan lang kung pumunta ng Davao kaya naman ang lakas ng loob na yayain akong maglive-in kami. Ako naman, naki-live-in. Feeling kabit. Namili ng balde, tabo, palanggana at kurtina.

Tatlong buwan din kaming nagkasama. Hanggang sa napagod ako sa kaaantantay ng weekend— kung kailan naka-schedule syang pumunta ng Davao. Isang Biernes, dumating sya sa inuupahan naming bahay na wala na ako.

Hindi ako nag-iwan kahit maikling sulat. Klaro yon, hindi ako nagpapahabol.

Hindi sya mahilig sa music. Mas lalo kong na-miss si Barang.




DEXTER

Bagets. Semi-callboy ang dating. Walang hada kung hindi sure ang pera. Naadik lang ako sa sex. Pero matatawag pa ring relasyon kasi lagi na lang sya. Ilang buwan din akong di tumikim sa iba. Tinigilan ko sya. Hindi na cost-effective.

Lesson: Huwag magregalo ng sapatos sa lalaki. Aapakan ka niya.




PAUL

Waiter. Barkada ng boyfriend ng isang bakla. Gwapo. Maganda ang katawan. Smooth ang skin. OK na sana kami dahil umabot din kami ng five months. Hanggang sa nangyari ang isang pot session sa CR ng bar.

Wala naman akong problema sa marijuana. Ang ikinagalit ko ay ang pangyayaring habang humithit sya ay hithit-buga din ang isang bakla sa tabako niya. Nakarating agad sa akin ang kwento. Hindi ko inaway ang bakla. Hindi ko rin inaway si Paul. Diretso hiwalay ang ginawa ko.


Lesson: Huwag magregalo ng relo sa lalaki. Huwag bigyan ng props para sabihan ka ng “Your Time is Up.”




BRIX

Pang matinee idol ang beauty. Nakita ko syang naglalakad sa daan. Konting kaway, maraming smile. Lumapit sya. Join sa akin. Mula noon, kami na. Binihisan. Pinag-aral. Actually, nag-enrol lang sya. Walang natutunan. Walang natapos. Sadyang mahina ang utak. Umabot din ng isang taon ang relasyon namin.

At dahil nadala na ako sa nangyari sa amin ni Dexter, hinanapan ko ng mapapasukang trabaho si Brix. Naging cashier sa tambayang bar. Makaraan ang ilang buwan, napagkaisahan na maghiwalay. Kaya na raw niya. Nagpasalamat naman sya sa mga tulong ko.

Hindi ko pinigilan ang paghihiwalay namin. Ang totoo, gusto ko na ring kumalas dahil nakilala ko si Kulot.



KULOT

Six years na kami ni Kulot. Mula sa tabaing 17-year old boy, isa na syang ganap na binata. Yun nga lang, natural matubig pa rin ang kanyang katawan.

Masunuring bata si Kulot. Noong nagkakilala kami, tatlong taon na syang tumigil sa pag-aaral. Nakumbinse ko syang bumalik sa pag-aaral. At sa ika-apat na beses niyang mag-enrol bilang second year high school, natapos niya ito.

Tinuloy-tuloy niya ang pag-aaral hanggang natapos niya ang high school.

Di naman magastos ang Kulot. Di rin sya mahilig sa mga material na bagay. OK na sa kanya ang ang pinaglumaan kong black pants para sa kanyang school uniform. Binili ko rin sya ng sapatos, pero minsan lang kung gamitin dahil nakakantyawan daw sya ng mga kaklase dahil makintab daw ang DMs niya. Para daw syang teacher.

Pero di biro ang dinaanan ko. Sa unang tatlong taon namin, para akong Nanay. Taga-check ng assignment niya. Taga-turo. Kadalasan, ako na mismo ang gumagawa. Super guidance ang drama. Pati kalinisan sa katawan itinuro ko sa kanya. At may mga okasyong ako na mismo ang pumuputol sa kuko nya.

Mula gusgusing tambay, naging kaaya-aya sa paningin si Kulot. Lumabas ang nakatagong kagwapuhan.

Pagkatapos ng high school, nagbalak pa syang mag-college. Dinala ko sya sa city para mag-enrol ng Criminology. Matapos ang isang taon, ayaw na.

"Sayang lang ang pera mo," sabi niya.

"Bakit naman?" tanong ko.

"Kasi feeling ko di ko rin naman matatapos yan. Ngayon pa lang nawawalan na ako ng gana," sagot niya.

Di na ako nagpumilit. Desisyon nya yon.

Balik bukid kami at sumabak sa negosyo - beauty parlor at halo-halo parlor. Sya ang tagapangasiwa. Maganda ang takbo sa umpisa, pero nang maglaon e nawalan na naman ng interes. Ang solusyon, tinanggalan sya ng power at kumuha ako ng ibang bantay.

Dito nagsimula ang aming mga problema. Dahil di naman sya nag-aaral at wala na syang papel sa negosyo, bakit ko pa sya bibigyan ng pera? Nakasanayan na kasi namin na inaabutan ko sya ng pera -- either bilang school allowance o share niya sa earnings sa negosyo namin.

At dahil dito, naghiwalay kami. Tatlong buwan.

Sabi ko sa kanya: "Kung bibigyan kita ng pera na wala namang dahilan, para na kitang ginawang callboy"

Wala syang nagawa.

Matapos ang ilang buwan, at dahil na rin sa sulsol ng mga kamag-anak niya, nag-usap kami. Hindi na sya ang dating Kulot. O, bumalik sya sa dating Kulot-- gusgusin, marumi ang kuko, di maayos ang itsura.

Nag-usap kami. Nagdesisyong mag-aaral syang muli. Automotive daw. Pero dahil nag-umpisa na ang klase, sa baking/cooking class ang bagsak niya. Naiinggit ako. Nag-enrol din kasabay niya.

Ngayon, pumapasok na kami sa baking business. Interisado sya. Inuumpisahan na namin ang pagpapatayo ng pwesto.

Hanggang kailan kami? Ewan.

Straight si Kulot. Darating ang panahong magdedesisyon syang mag-asawa. Hindi ko ito ipagkakait sa kanya. Sa katunayan, willing akong magvolunteer na ako ang gagawa ng wedding cake niya. Gusto kong makitang masaya sya, sa piling ko man o sa piling ng iba. Gusto kong makitang maayos siya. Iyon naman talaga ang naging silbi ko sa buhay niya.

Pag-ibig ba ito? Sa parte ko, OO. Sa kanya, ewan.

Kahit kailanman ay di ko tinanong sa kanya kung love din ba niya ako. Mahirap na, baka di ko magustuhan ang sagot.

At kahit na sabihin niyang "I Love You," di pa rin ako maniniwala. Hindi ko naman nakikita kung ano talaga ang tunay na nasa puso niya, sa isip niya.

At kung dumating man ang panahon na mag-aasawa siya, ipagdadasal ko ang kaligayahan niya.

At, kahit kasalanan man, ipagdadasal ko rin na malandi ang magiging asawa niya at matapos itong manganak ay mahuhuli nya itong kinakalantari ng ibang lalaki. Lalayas ang babae, maiiwan ang Kulot at ang kanyang anak. Babalik sya sa akin. Instant family kami.

Sana lang naman.

Sa ngayon, kuntento na ako sa ganito.


34 comments:

Anonymous said...

Ramdam kita kapatid.

I also posted my share.

www.dcharmedone.wordpress.com

ciao!

jericho said...

naku Mandaya, parang That's Entertainment ang mga lalakeng dumaan sa buhay mo. Kaya sa tanong mo: tumataginting na TRUE!

Anonymous said...

anak na patola ... ilusiyonada ka! gusto mong ikaw ay maging si barang! tse!

Anonymous said...

Ang ganda! I knew that when I read your post noon through Empress, that you were good. Pucha! You're more than good! You're damn great!

I really like what you wrote. Feel na feel ko rin. Mula dun ki James up to Kulot. But i think you were able to express it better kesa saken.

I adore you Mandaya!!! Great, great writings!

bananas said...

...depressing man uy.

Petra Pan said...

Eto yata ang life story ng buong sangkabadingan. At yung mga hinaing mo ke Kulot, naiyak ako. Parehas pala tayong martir sa pag-ibig...

Raiden Shuriken said...

galeng nito mother... isang diamanteng prosa mula sa diwata ng Davao. nag-uusmpisa pa lang ako magkwento ng mga lalake sa buhay ko sa blog ko, ni-ratsada mo na agad ang lahat sa 'yo. hehehehe!
regards sa inyo ni kulot...

bob said...

Bihira akong magcomment, pero this time, cge na nga din.

"At, kahit kasalanan man, ipagdadasal ko rin na malandi ang magiging asawa niya at matapos itong manganak ay mahuhuli nya itong kinakalantari ng ibang lalaki. Lalayas ang babae, maiiwan ang Kulot at ang kanyang anak. Babalik sya sa akin. Instant family kami."

- may ganun talaga. hehe. Pansin ko lang, pang pito si Kulot sa listahan ng yong (her)story. Malay mo, siya na din ang yong Seventh Heaven (kung meron mang ganun).

Kudos. :)

. said...

Daming lalaki ah! Nawa'y maging habambuhay kayo ni kulot.

Straight siya? Tingin ko, ganap na siyang bisexual.

Bryan Anthony the First said...

semi-call boy talaga ha
yung una, pumasa na ba?

here's to the proj

woof!

Anonymous said...

ang galing mong magsulat...fan na talaga ako...lalo pa ngayon at nag-imbentaryo ka na ng mga lalake mo :-)

Anonymous said...

sana Mandy, matupad na iyang wish mo. iyan ang wish ko sa 'yo.

Lems said...

mabuhay ka mandaya...galing...award winning...

the boomerang kid said...

excellent writing, mandaya! feel na feel ko. you surprised me with your tender side: bittersweet, graceful, and sincere. panalo!

Anonymous said...

Kinuwento na yata ni Mandaya ang kuwento ng bawat bakla.

At feeling ko ring gawing theme song ang Chasing Pavements. hihihi

Nga pala, nag-contribute din akets.

Anonymous said...

Mandaya,

I tagged you twice: http://reynaelena.com/2008/01/21/ten-royal-questions/

at yong lalabas na entry na alas otso.

Kung busy ka, ok lang. No pressure to do them. Voluntaryness lang to.

goddess said...

sayo dapat ang palakpak..
mas madami kang boys (and gurls!) hehehe..
mwah!

Anonymous said...

mandaya, napakakulay ng buhay mo. pero napaisip lang ako sa mga sinulat mo about kulot. nararamdaman mo na ba na malapit na syang aalis? at bakit wala sa listahan si jason?

Anonymous said...

Nobelang huhuhu. True 'Te, sige lang tayo chase ng mga pavements pero it leads no way. So ano? mag chi chase ka pa ba ng pavments o rainbow na lang kaya par mas colorful.

Anonymous said...

Dearest Mandaya - thanks for the post..just what I needed right now..di ko alam-hirap talaga i-traverse ang daan ng buhay. Wish ko lang sana tumigil and just be happy where we are but sabi nga dun sa "Angels in America" - "The world only moves forward.."

Again salamat from your biggest (in terms of admiration) fan - Homie

Kiks said...

nasa background ang flaws and all ni beyonce habang binabasa ko to. at tumula ang luha ko sa: pinagdaanan, pagmumuni-muni at husay ng pagkakasulat.

kung may tatangkiliking reyna ng blogging, wala ng iba.

revelation na ito, neng!

Anonymous said...

bah, pwedeng pang-Palanca ito a. =)

Anonymous said...
This comment has been removed by a blog administrator.
goddess said...

taray...!
iba't ibang kulay ng pag-ibig!

Anonymous said...

Akala ko naman taos-puso ang pagpaparaya kay Kulot... may maitim pa rin palang hangad... hehehe!

Anonymous said...

Hi Mandaya. Please continue writing. You inspire me! You write with your heart on it. Clear and humanly gay.

Rachel said...

I feel that effemmes are finding it harder to thrive in this society. More so, getting a partner who is real as opposed to those discreet and straight-looking/acting homo persons. For one, while the niche of effemmes are the sounding-straight men, the pa-men's are rejoicing amongst themselves. Given this kind of market for effemmes I have this great frustration that we are always on the brink of maltreatment and exploitation, add to that the stigma that the society inflicts and the oppression that one feels.

Talking about love in this kind of relationship we all agreed that most are fugitive, fly-by-night, fugacious, passing, perishable, and provisional partners. Speaking of perishable you really have to consume them before they expire! From this momentary bliss we cherish whatever the status-quo is because we recognize the inevitability of its end. One has to treasure the moment and live. Simply live. Enjoy. This is an ephemeral relationship. One has to live its episodes. Be prepared for its spasmodic nature.

See my contribution--- GAY CHRONICLES

Anonymous said...

gawd.ang hirap pla ng sitwasyon mo kay kulot. nakakalungkot. I hope makaya mo yan when the time comes. para kcng and daling sabihin pero ang hrap gwin considerng how much u love him.- IAN

Anonymous said...

naloka naman ako sa ending nena. im so proud of u for sharing your love stories d2 sa post mo. ngaun ako proud sa mga kaibigan kong mga bek dahil alam ko it reflects upon u na ganun lahat kau. napakabuti nio.

keep on inspirig other people mands with your posts. mwah. God Bless and more power ;)

arjay said...

pwedeng gawan ng pelikula 'to. natawa ako dun sa "cc:wife", haha!

Anonymous said...

ang ganda naman nito... at oo, tama ka, huwag mong hayaan na tapakan ka ng kahit sino...

Danny said...

Daming boys... share naman! haha

Momel said...

Wow, hands down fucking-A! Galing!

Ewan said...

nasa january 2008...

i really feel that you really in love with kulot...

sana you're having a blast today...

p.s.

ate may nascan akong pix sa blog mo na mukhang nagaalsa balutan na si kulot... sana naman mali ang hinala ko... hmmm