Tuesday, February 5, 2008

Name Game

Alam ko, matagal bago ko ito na-post. Na-busy kasi kami ni Kulot.


Sa mga nagtatanong kung saan kami nagluluto, eto ang sagot.




Binili namin ni Kulot ang mas malaking oven noong November. Kaya naman nakayanan naming gumawa ng 35 cakes noong pasko at 55 cakes noong new year's eve.


Mula nang magsimula ang taon, hindi kami nauubusan ng order. At least may order na dalawang cakes every week. Meron ding nagpapagawa ng pizza. Minsan, macaroons. Di rin nawawala ang order ng leche flan-- kung saan mas kilala si Kulot.

This week, may umorder ng 300 cupcakes para merienda sa isang livelihood seminar na sponsored ng office ni Manny Villar, the Senate President. O di ba?

Mura lang naman ang bigay namin. P5 per piece lang.

Eto si Kulot habang nilalagyan ng glazed fruits ang ibabaw ng butter cupcakes.


At eto ang finished product namin, all 300 of them.


At nang idineliver namin ang cupcakes, may nagtanong: "Bakit walang tag?"

"Anong tag?" tanong ko.

"Yung name ng product. Yung pangalan ng may gawa," sagot ng nag-order.


OO nga ano. Ano kaya magandang pangalan sa itatayo naming bakeshop?

28 comments:

Anonymous said...

hmmm.. how about Mandaya Moore Bakeshop? or Moore-Orlis (sounds like more or less) Bakeshop? Meaning they get more while they pay less. o di ba, bongga?

atto aryo said...

Mandaya's lang. simple pero rock! :-)

Anonymous said...

Curly Tops, Curlicue/Curlycue, Mandaya

Felix said...

hello mandaya. wala akong maisip na pangalan para sa bakeshop mo thinking na alam kong may magandang kang maiisip na pangalan, kung maramikang naiiisp, bakit kaya hindi mo gawing botohan, marami kaming active readers mo.

ang isa ko lang maipapangako sa'yo at tunay kong ikasisiya ay magagawan kita ng studies ng iyong logo or ng iyong brand name. I do graphic designs, so isang malaking karangalang makapag-design para sayong pamilya. (o diba pamilya).

let me know, willing and able to do it for you, gratis! kung nandyan ka lang ako sa pilipinas a-aatend pa ako ng "blessing" ng bakeshop mo!

Mabuhay ka!

Anonymous said...

Ay magandang game 'to! *plak plak palakpak* Pangalanan natin mula kay Kulot...

"Curly Locks"

O? Parang Goldilocks?

O kaya...

"Mandaya Fields"

Parang Mrs. Fields naman!

Anonymous said...

hi mandaya,
bagong reader mo ako, saw your link ke ishna na binabasa ko rin lately. nakakaaliw kayo at ang mundong inyong ginagalawan! :-) me suhestiyon ako for a name- how about "coolot's"? a play on kulot's name, pero cool plus lots. as in lots of cool stuff. corny but i just had to say it. more power, adik na ako sa blog mo.

paul h roquia said...

wow, murag lami kaaju ang products ninjo! so i suggest 'KALAMI BAKESHOP' or simply 'LA MI BAKERY'... goodluck, 'guing!

Anonymous said...

How about

BAYOTIFUL BAKESHOPPE
FABULOSA CAKES AND DESERTS
DIVALICIOUS PASTRIES

Anonymous said...

Sweet Sensation Bakeshop kaya ang maging pangalan, dahil lovers din naman ang may ari at baker par excellence. Baka ma spread ang love to humanity. Bongga di ba!

Anonymous said...

Mandaya's
Panaderia sa Bukid

. said...

Darating kaya ang panahon na may magsusulat ng kwento ng success story niyo ni kulot...

Sana ako yun. Hehe.

jericho said...

Panaderia ni Mandaya o
Mandaya Moore-Olis'Bakery sa Bukid o
Baked with Love (nyaks!)

the boomerang kid said...

medyo hawig sa mungkahi ni gibo: BAKERY SA BUKID

isa pa:
BAKE MEEEH! BAKE MEEH!

Anonymous said...

dapat catchy at may element ng recall (parang election).

two (to three) syllables at most.

at dahil later ay magkakaroon dito ng associated LOGO (bilang identity), dapat i-consider rin kung madali bang gawing visual ang name (eg: bubuyog sa jollibee, M sa McDo).

given the above criteria, ewan, wala akong maisuggest na pangalan.

Anonymous said...

bukid bake shop since taga bukid ka miss mandaya.

:)

Anonymous said...

PWede na ring

Kulot Ribbon
Oh parang RED RIBN!!

;)
kiss
Fendi

Anonymous said...

KEYK-KEYK NYO!

ANONG PAKEYK MO (sa long hair ko)?

KEYKCITING o KEYKCITEMENT

Anonymous said...

BAKE-LA BAKESHOP?

Anonymous said...

MANDAYA'S MAGIC BAKESHOP

Anonymous said...

Mandaya's Kiks (ay pano naging bus partner si Phulumulo! heheh)

ulit...

Moore Man Cakes

hirap gyud ah!

pakontes ka! hahahah

Coldman said...

Butil ng Pawis Bakeshop.

joke lang po.

goodluck sa bakery!

Bryan Anthony the First said...

curly bottom?

Anonymous said...

Hi Mandaya -

How about (wag sana mag-demanda ang Kapamilya Network): MMK (for Mandaya Moore & Kulot) Baked Goods. Slightly run-of-the-mill pero may element of recall agad at alam ng mga utaw na close sa Bayot ng Bukid kung ano ang ibig sabihin nung acronym..Best regards..Homie..

goddess said...

i go with "Orlises"..
ang sosyal aminin mo!

ang mga products din dapat may name.. ang name dapat sa inyo ni kulot.. tsaka ng mga friends mo dyan.. si fiona, patricia, etc..

Lyka Bergen said...

Rainbow Brite Bakeshop!

Pang-tapat ke Goldilocks.

Anonymous said...

unang kagat

yan na ang pinakamagandang naisip ko.

ek manalaysay said...

hmmm... mahirap nga ito... ito kasi ang pinakamahirap sa negosyo... ung branding....

para sa akin ayus din ung Mandaya's like aryo said... it gives another meaning to the word... hindi lang pang-ethnic word ang dating

Anonymous said...

"Katas ni Kulot". Yan nalang para malasahan naman nila si Kulot.

Share what you have.hehe