Monday, August 18, 2008
Baby Bayot
Siya si Kenjo, ang baby bayot.
Dala-dala sya ng Nanay niyang si Julie noong nagbakasyon kami sa Bali-Bali Beach Resort sa Island Garden City of Samal dalawang linggo na ang nakakaraan.
Anim na taong gulang pa lang si Kenjo pero sigurado na akong bakla sya. Kita naman sa photo niya.
At dahil nasa Kinder II na ang bading, absent sya noong magliwaliw kami. At sa pagbalik nya, ni-require sya ng kanyang Teacher Janiz na magreport sa klase kung ano ang ginawa niya sa kanyang pagkawala.
Sa tulong ng kanyang ina, nagprepare ang baby bayot sa kanyang report. With complete powerpoint presentation pa ng mga pictures namin sa resort.
Eto ang buod ng kanyang report-- Si Marlee (anak rin ng isang kasamahan namin), ang malaking swimming pool at ang apat na bading (ako, si bananas, si Rolanda at si Didi).
Excited ang bata. Kumpleto detalye ang kanyang report.
"Matatawa ka kay Kenjo?" text ni Julie a day before sa scheduled reporting.
"At bakit? Ano namang kagaguhan ang ginawa niya?" tanong ko.
"Ang discription ba naman sa yo sa report niya ay "baklang parang nanay,'" reply ni Julie.
"Potang bata yan. Bakit naman ako naging parang nanay?" tanong ko ulit.
"Kasi malaki daw tiyan mo. Para ka raw buntis. Tapos, lagi mo raw silang sinisigawan ni Marlee na wag sa malalim na part ng pool," sagot ni Julie.
Potang bata!
Totoo namang lagi akong nakabantay sa mga bata.
"Hoy! Doon sa mababaw!"
"Sssst. Balik don!"
"Wag dyan, malalim na dyan!"
"Kenjo, baka mahulog ka dyan!"
"Kenjo, wag masyadong malakas ang swing!"
At eto ang pinakamaganda-- "Kenjo, kunan mo kami picture," habang ang apat na bading ay nagpose sa tabi ng pool with matching quarter turns. Todo kuha naman ng picture ang baby bayot.
Dapat noong Friday ay nagreport na si Kenjo sa kanyang lamyerda sa Davao. Pero walang nangyaring reporting.
"Ayaw kasi ng teacher niya na isali yung part na 'apat na bading'," text ni Julie sa akin.
"Bakit daw?" tanong ko.
"Kasi hindi raw yon kasali sa bakasyon nya. Dapat daw yung mga nangyari o description ng place, ng pool ang ireport niya," sabi ni Julie.
"Ang tanga namang teacher yan," sabi ko.
"Isinumbong ko na sa principal," text ni Julie.
Sabi din daw ni Teacher Janiz, pwedeng ituloy ang reporting ni Kenjo pero puputulin na ang part na na-mention ang apat na bading. Di raw magandang halimbawa sa mga kaklase nya.
"Pero ayaw ni Kenjo. Sabi nya, hindi kumpleto ang story kung wala yung part na yon," text ni Julie.
Si Kenjo. Six-years old. Baby Bayot. Nakatikim ng discrimination.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
23 comments:
..san ba ang teacher na yan at nang masampal...
siya ang hindi magandang halimbawa! bruha siya!
sinong teacher yan? hmpf! napansin ko lang na no comment ka sa "malaki ang tyan". chos!
Pook Kenjo. Magkaka-anak din si Teacher Janiz, sana hindi bading.
ay, wagi ang post! patalsikin si teacher, hindi sya magandang halimbawa sa mga bata!
Ayan ang Baby Bayot. Standing up to discrimination.
Very good. A+++++!
mel - amen!
jericho - hindi tiyan ko ang issue dito.
lyka, sana unggoy
red - isinumbong na raw sa principal
kiks - mautak na bata si kenjo. bumilib ako
Sana lang kapag sinumbong kay principal eh may mangyari.
Baka pati si principal eh sumang-ayon kay Bb. Janiz.
praning - hindi sumang-ayon ang principal. pinagalitan ang teacher.
mabuhay si julie..bihira ang nanay na ganyan. mapagpalaya.
________ na sana ang teacher, maraming ganyan sa mundo. makitid ang utak.
panalo ang batang itey.
you go gurl!
:)
gibo - mabuhay nga si julie-- single mother yan ha
mink - isa si kenjo sa mga paborito kong bata
gibo - mabuhay nga si julie-- single mother yan ha
mink - isa si kenjo sa mga paborito kong bata
una kong gamit ng powerpoint, graduate school na ako...si baby, six years old pa lang, reporting using powerpoint presentation, bow!
tarantadong teacher yan ah..
Iharap mo yang teacher sa kin! Hampasin ko yang mukha nya! Lechon de leche xa!
impaktang teacher yan!
buti na lang matinong mag-isip at principal.
at panalo ang mag-inang ito! luv em!
Maraming ganyan sa mga schools, kaya nahahawa ang mga studyante nila. V good reply ni Kenjoy, basta ayaw niya period.
saya, ang kinabukasan ng bayan at ng kabaklaan...
galing ng post!
na impress ako kay kenjo. Talagang nag-isip. Ipinaglaban niya kung ano sa tingin niya ang tama 'di tulag ng iba na basta nalang tatango kung ano sasabihin ng teacher. matalino na bata :)
okay lang po kung ililink kita? :)
jon - gagamitin sana niya ang laptop ng nanay niya. pero si julie pa rin ang gumawa ng presentation. click lang sana ang gagawin ni kenjo.
goddess - sinabi mo pa
obnoxious - ano ihahampas mo?
zen - love ko rin ang mag-ina
champagne - isang school sa zamboanga city ang school ni kenjo
bryan - sana nga
rain - link lang nang link
yaan mo, pagbalik ko sa davao, ibubukaka ko ang pukekang ko sa titser na yan! naturingan pang titser huh? eto nga ata ang state of edukeyshunalization saten! it would be funny though and am sure, pag ininvestigate mo tong titser am sure merong bading sa family nila. sya.
Kenjo, simula pa lang 'yan. Pero with your very supportive mother and a more supportive baklang parang nanay, you will have a very bright future.
ang gaganda ninyo naman sis. Pwedeng pamember. LOL!
Post a Comment