Marami na ang nagtanong sa akin kung kumusta na ang pinatayo naming bakery ni Kulot. An sagot ko- tapos na sya. Aktuali, tapos na ang main "building." Pero andami pang kailangang gawin, bilhin.
Nirechannel ko kasi ang budget.
Nagretire kasi noong May ang nanay ko. At dahil alam nyang mabuburyo sya sa bahay, nagparinig na magpapatayo daw sya ng tindahan sa may gate sa amin. Sabi niya, may pera naman daw sya na manggaling sa kanyang pension.
Ngunit iba mag-isip ang nanay ko. Tindahan ang unang plano pero computer ang unang binili.
"Bakit computer?" tanong ko.
"Tatanggap ako ng typing job. Mabilis naman akong magtype e. Marami dyang mga estudyante. Isang upuan lang ang term paper para sa akin," sagot niya.
"Akala ko ba tindahan?" tanong ko ulit.
"Kaya nga i-finance mo muna ang pagpapatayo ng tindahan, babayaran na lang kita paglabas ng lump sum ko," ang nakangiting sagot niya.
Masunuring anak ako. Ipinaliwanag ko naman kay Kulot. OK lang daw. Pamilya daw.
Kaya delayed ang opening ng bakery namin. Pero di naman kami nauubusan ng order. Lagi namang may nagbi-birthday sa bukid. Nagpapa-bake din ng banana cake ang Fiona-- hinihiwa nya ito ng pagkanipis-nipis at ibinebenta niya ito ng limang piso sa mga kasabayan niya sa internet cafe.
At dahil dito, wala gaanong ginagawa ang Kulot. Sa nakaraang dalawang linggo, busy sya sa "pag-ready" sa isang manok namin.
"Para masabong natin sa fiesta sa San Agustin," sabi niya.
"Basta hanggang dalawang libo lang ang ipupusta ko," sabi ko.
OK lang daw.
Noong isang linggo, may suggestion ang Kulot.
"Mag-alaga kaya tayo ng baboy," mungkahi niya.
"Ha?" tanong ko.
"Para sa pasko may maibenta tayo. Dalawang biik lang, ako mag-aalaga," sabi niya.
"Saan mo naman bubuhayin?" tanong ko.
"Sa amin," sagot niya.
"E ang mga kapitbahay? Residential area kaya yung lugar niyo," sabi ko.
"Walang magrereklamo. Ang magreklamo, paalisin ko. Amin kaya ang lupang nirerentahan nila," confident na sagot niya.
May punto sya.
Naka-OO ako sa plano nya.
"Kay Kuya na lang tayo kukuha ng biik, P1,300 lang ang isa. Mura na yon," sabi niya.
OO din ang sagot ko.
Pero kahapon, naiba ang ihip ng hangin.
"Huwag na lang tayo kay Kuya kuha ng biik," sabi niya.
"Bakit?" tanong ko.
"E ang asawa niya, iba ang presyo. P1,400," sabi niya.
Wala naman sanang problema sa akin ang isang daang pisong pagkakaiba sa presyo, pero matigas ang Kulot.
"Pati tayo pinapatos. Para namang di tayo pamilya," sabi niya.
Gusto ko ng baboy. Gusto ko rin ng baby.
Thursday, August 14, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
18 comments:
sana naman wag ma-baboy ang buhay nyo. good luck!
bongga ang mag-alaga ng baboy... lalo na kung ililitson sa pasko, tiba-tiba ang tubo. pero sana sumusyo na lang si mader dear sa bakery para mas lalong lumago ... suggestion lang naman, as in umeepal lang po, tao lang po! hihihi
puede naman gawing baby ang baboy... char!
gusto ko rin ng baby from kulot, wehehe.
baby na lang ang ipangalan sa bibilhing baboy.
Baby, pig in the bukid
gusto ko din yatang maranasang mag-alaga ng baboy... hmm... ano kaya?!
mas madali magbaboy..
Baboy. Baboy. Baboy. Puro na lang baboy.
Tama. Baby. Wala pang bayad.
Pero pano, Mandy? Paanoooooo?!
dapat din segurong i-orient si kulot about 'zoning', kapag residential kasi baka mapipols pawer ang piggery, kahit isa lang, malala ang bantot na igegenerate nito. kung gusto nyo, ipaubaya ko na lang ang lupa namin sa midsayap at doon kayo magbabuyan; at least matatakot malamang ang mga gustong kumubkob dun na mga milf... regards!
hindi mabilis magbago ng isip si Kulot ano? hehe. gusto ko rin ng baby ... pero dapat once a week ko lang aalagan. parang DVD na nire-renta. chos!
di pwedeng litsuning ang baby eh.
ang baboy, di rin pwedeng ilagay sa duyan.
san pipiliin mo?
hay, naku kiks. simple lang ang sagot sa problema ni Mandy. mag-ampon.
ng baby baboy!
hindi lang isa. kahit isang dosena pa.
i agree with mel - nung bata pa kami nag-aalaga kami ng babuy. pag binebenta na umiiyak kaming magkakapatid kasi alam namin na kakatayin na yung baby namin. huhuhu.
lyka - akong hindi
anon1 - ayoko kasosyo nanay ko; problema lang ang dala
mel - gusto ko yung totoong baby; yung manggagaling sa aking sinapupunan
anon2 - sampal, gusto mo?
praning - dalawang biik - sina baby boy at baby girl
mico - try mo; malaki ang kita
goddess - di ko magets
kiks - pinaplano na, mag-antay ka lang
paul - sina kulot ang may-ari ng mga lupa sa kanilang lugar-- anytime, pwede nilang paalisin ang sino man ang magrereklamo
jericho - bili ka na lang ng doll-- yung may libreng karayom
maki - susubukan kong ilagay sa duyan ang baboy -- babawiin mo ang iyong statement
red - ang baboy mong mag-isip
kiel - masyado kang madrama noong bata ka; hindi pala happy ang childhood mo. tse!
Dapat ang ginagawa sa titcher na yun, pinapa-rape sa mga bi. Aahahah.
Swerte namang bata yan, baka kabilang ang generation niya sa makakaenjoy sa "domestic partnership" law ng gobyerno.
Errr. Talagang isiningit ang baby sa usapang baboy ano? hahaha!
Aber, paano mo naman iiire ang bata? Cge nga?
papalpak yan, tested na sa NGO work namin noon, papalpak ang babuyan. promise. =)
tatay ko nga noon humingi ng funding sa akin para magtayo ng piggery. una pa lang alam ko papalpak at sinabi ko na sa kanya. pero pingbigyan ko pa rin nang ma-experience niya. sa huli, halos ibigay niya sa akin ang kalahati ng baboy na kinatay niya. =)
hehehe typical na in laws talaga pag sumali sa drama pang dysfunctional ang tirada kainis di ba? pero tama ka naman P100 lang yun but of course maganda na yung ginawa mong hinyaan mo si kulot
Post a Comment