Wednesday, November 5, 2008

Moving In

Dahan-dahang napupuno ang sampung units dito sa tinitirhan kong apartment.

Nasa Door 7 ako. Ang katabi kong Door 8 ay maglola ang nakatira. Mabait ang matanda. Ang anak niyang si Lani ay naanakan ng isang opisyal ng manufacturer ng sabon, shampoo. Cute ang anak nyang si Elena. Laging nasa bahay. Tumatubling sa sofa.


Sa Door 9, isang pamilya. May bata ring limang taong gulang.


Sa Door 10, mas malaking pamilya. May aso na di gaanong cute at dalawang ibong nagsasalita ng "Pangit." Hindi namin type ang pamilyang ito. Medyo burara. Medyo marumi ang labas ng bahay nila.


Sa Door 6 naman, bagong pamilya. May isang anak, wala pang dalawang taon. Mataba ang bata pero hindi cute. Sigurado akong di sya kagandahan paglaki. Pero ang daddy, medyo cute. Turn off nga lang dahil gutay-gutay na ang underwear niyang sinampay.


Sa Door 3, pinay at ang asawa niyang hapon. May anak na makulit. Seven-years old yata. Pero ang tsismis, hindi anak ng hapon ang bata.


May lilipat daw ngayong linggo sa Door 5. Bagong pamilya rin. Six months old daw ang anak. Sana cute ang daddy.


Kahapon, nagkita kami sandali ni Bananas. Kumain ng pasta habang pinag-uusapan ang isang raket na pagkakaperahan. Pag-uwi ko, may lumipat sa bahay ko.


Malaki ang dalang bag.




Di man lang sya nagpasabi na lilipat na pala sya sa bahay ko.

Nanonood sya ng TV nang dumating ako.

48 comments:

Anonymous said...

pagkahaba haba man daw ng prusisyon, kay mandaya pa rin ang tuloy...

i've been following the story.

yun lang.

-gibo

Anonymous said...

Ay bakit hindi mo ni-lock ang pinto?

Anonymous said...

mukhang madungis ang kulot ah? di siguro naaalagaan ng bilat kaya bumalik sayo.

Anonymous said...

hmmmmm..ateng hindi naman sa nakikialam at alam ko n masasaktan ka (kc sabi mo mahal)pero parang ang kapal naman ng mukha ni kulot. after all that happened, ni ha ni ho wala sya sinabi at binigla ka na lang na bumalik na sya??

aries said...

halaaaaaaaaaaaaa...

Anonymous said...

payts na yot! birahi na...hehehe...jok3

wandering tsinelas said...

Kerengkeng! hahaha!

Napamura ko ng makita ko ang Kulot. Wa hapen???

Oh well, ikaw naman ay nasa wastong gulang na. Alam nyo na ang tama at mali.

Make sure lang na hindi kasama ung bilat sa paglipat. :)

Dabo said...

nalungkot ako bigla.. bakit ganon..


pero natawa ako sa word verification: obilato

the boomerang kid said...

eto na ang pinaka-tambling na punch line na nabasa ko sa blog mo, ms moore. para bang na-possess ako nina nadja comaneci at bea lucero nang sabay!

does this mean, magkaka-hyphen ka na uli?

Anonymous said...

ayyyyyyyyy!!!!!!!!! (yun lang!)

- jericho -

domjullian said...

ginawang boarding house yung bahay.hehe

. said...

Magreready na ako ng ticket sa Cebu Pacific sakaling malaman ko na sumunod ang bilat sa lalaki. Gera to pag nagkataon.

Anonymous said...

Fan na ako ng blog mo hehe. Tagal ko na naririnig to, pero ngayon ko talaga binasa at sinundan storya niyo ni kulot. Good luck sa inyo ni kulot, wag sana umeksena si bilat hehe. Rampa tayo sa susunod na pagkikita-kita natin hehe.

AA

Jan said...

OMG - nakakapraning, nakakakiliti, nakakainis. Will Ms.Moore append the hyphen again to her name? Does this portend domestic bliss on the horizon? Or are we in for some literal and figurative butt-kicking by our beloved protagonist? Hays, you are in a bind and at a difficult crossroads in your life. Choose what will make you happy. Meanwhile,
here we are between posts, waiting to exhale.

... said...

Halaaaaaaaaah!

That's all.

PrincheCHA Fiona said...

Naku same scenario tayo, can relate ako, totally.







(may spare key ka din ba na nakatago sa ilalim ng welcome rag?) :p

loudcloud said...

"Pero ang daddy, medyo cute. Turn off nga lang dahil gutay-gutay na ang underwear niyang sinampay."

sumakit tiyan ko sa katatawa. hahaha.

sexymoi said...

ay,
what happened? kakaloka ang kulot ha?

blagadag said...

Maalaala mo kaya, ang hmmm hmmm mo sa akin. Na ang pitaka mo ay hindi magmamaliw.

Ang hula kong pamagat sa episode na ito ay...Lubot.

Anonymous said...

Ang lakas ah,Binigyan mo pala ng susi.Iwan mo na yan...

Ate Sienna said...

hmmmmm... hindi pa rin ako magko-comment, intayin ko ang susunod na posting.

Anonymous said...

at tinanggap mo naman with open arms (and legs??? kerengkeng hehehe!!! eh di babalik na yung hyphen sa name mo? at syempre, balik na ulit ang 'oh-yeah' moments nyo...goodluck!

Clark Can't said...

Ang masasabi ko lang, "How dare she!" Yun yung pinapauso kong expression sa opisina ngayon. Ginagamit namin to sa lalaki, babae, bakla, tomboy, hayop, bagay o pangyayari.
So yun lang, "How dare she!"

Hmp!

:P

Anonymous said...

Huh~!!@#$ *natapon kape~!

Anonymous said...

LECHEEE!!! INDI AKO MAKA-MOVE ON!!! HAHAHA!!! Bakeeeett!!! Bakeeettt! Waaaa! Huwaaaa!!!!

Anonymous said...

ginoo ko, ateng, pwede bang twice a day kang mag update ng blog mo??? Lagi namang cliffhanger ang mga kuwento..... can't wait for the susunod na kabanata sa buhay pag-ibig mo.

Siya... wag masyadong patagalin ang pag a-update at mamamatay akis sa suspense. kahit na ba minsan gusto ko nang batukan si kulot sa inis.

Anonymous said...

eh di patunay na hindi ikaw ang kabit, kundi ang asawang inuuwian! kahit na ano pa man ang sabihin ng mga loyalista mong kaibigan laban kay kulot, naku naman ateng, sa piktyur niyang nakahilata sa sopa, aba, tunay namang katakam-taka si kulot! go,go,go! forgive and forget. ibaon na lang ulit ang sama ng loob sa "oh,yeah!" moments!

Anonymous said...

ay ano ba yan?

madam...mag-isip isip ka...kung nagawa nya to sa yo ngayon, malamang...pag may nakita naman itong bilat, sasaktan nya ulit ang puso mo...

Anonymous said...

ay!

Neneng_Praning said...

naumay siguro sa bilat.

Myk2ts said...

haha magkakahypen na ba uli?





bagay sayo ang word verification: FINESCO

paul h roquia said...

sana may-i-sing ka ng 'i should have changed those stupid locks!' ayan , nakapasok tuloy si curlyhurlyburly! na alam kong sa loob-loob mo ay nakapag-aangat ng pride. sabi nga ni barbra streisand... 'if they come back again, they were meant to be'... wow, ang saya-saya seguro ng lola koh! am sure isang libot isang lunggati ang chukchaka nyo??? hahaha. am so happy for you... oh, by the way, you make pasyal naman to www.eklavumer.wordpress.com kung may panahon ka pa! aha, hahahay!

krizandy said...

hay naku, paxenxa napo at mali ang nagagamit kong blogspot nung nag post ako... (grace ang pumasok nung last time...) anyways... sana nabasa nyo yun...

honestly, na bitin ako dun...hehehe.. adik na ata ako sa mga blog post mo... hehehe...

ito yung sinabi last time
(Ur Highness!!!!

Idol kita sa pagsusulat lalong llalo na sa Buhay pag ibig, (Ako maraming inibig, wala namang nagtagal)
anyways, kung naaalala mo pa, nag usap tayo noon sa SMOKING Both sa NCCC Mall of Davao. Na i share ko sa iyo na nabasa ko ang mga kwento mo noong 2004 or 2005 ba yun? anyways sa na ma alala mo ako.. nakita ko na nga pala ang hard copy non, at sa tagal na panahon na di naman tayo nagkita at ko naman a lam kung saan ka hahanapin , kaya na misplaced ko nanaman xa.. hehehe... pero im sure makikita ko rin yun agad. pag hinanap ko na nang boung puso't kaluluwa.... hehehe...

sana naman ay pag isipan mabuti ang move on na yan, sana ay walang ibang masaktan at magamit, no panakip butas kumbaga... anyways, kayo lang ni kulot ang maaring mag decide kung ano talaga, bats ang mab uti ay ma concider ang mnga bagay na makak apekto sa mga buhay nyo, tulad ng kaligayahan at pag ibig.... ewan pero para sa akin hinahamon lang ata kayo nga pagkakataon.... relax na lng muna and mag isip mabuti...

amping always!!! unta i invite ko nimo ug visit sa inyong bukid.. hehehe... t hanks!!!)


comment ko na man sa pag dating ni kulot.... di ba kayo nagtetext at bigla na alng syang sumulpot sa bahay nyo???? pero sa tingin ko di ganun kadali ang mag hiwqalay kayo kahit sa part ni kolot... mahirap yun nu,,, alangan naman kalimunatan nalang ang 7 taon nang ganun nalang... hehehe diva???

hay.. ayo2x.... unta naa paka time na makasulat sa ako kung naka hinumdum paka sa akoa....

tsalamat...

Dawn Selya said...

Pag-ibig, masdan mo ang ginawa mo! Ganyan talaga... I can totally relate. Goodluck Mandaya!

A.Dimaano said...

Oh no! X(

Abangan ang susunod na kabanata?

- Mr. Scheez

Paul said...

Oh well... kahit ano pa man ang pag daanan eh babalik pa rin siya sa yo. Just like before.... IKAW NA JUD!

Reesie said...

yey! first time ko magcomment but i've been reading your blog for a while now.

so, ano na ang desisyon mo? are you and kulot back-in-each-others-arms ang drama? pagkatapos ng ginawa nya? nako po.. ang pag-ibig nga naman..

Anonymous said...

Question lang po: Do years really count? Is it better to hold on to something because of the years that you have been together kasi "sayang ang ilang taong pinagsamahan?" But what if it's not really working out? Are you gonna keep on deluding yourself? yun lang po.

Luis Batchoy said...

naman! Alam ko na gagawa ka ng matalinong desisyon... yun lang po... Gudlak sa inyo... mwah!

canmaker said...

hala...ang daming nag post ng comments...hihihi

abangan ko na lang ang susunod na kabanata....sana tungkol ito sa "oh yeah" moment ninyo ni kulot....sigurado panalo ang "oh yeah" na iyan....make-up sex is usually always one of the best...pero depende sa intention bakit nag make-up sex.... :-)

Tristan Tan said...

jusko nalaglag ako sa kinauupuan ko... welcome back kulot. ;) sorry fan ako ng mandaya-kulot loveteam. yun lang.

cant_u_read said...

got the mandaya moore shirt through kiks and jericho.

thanks, kumars!

Ming Meows said...

hay naku ang buhay parang life!

Unknown said...

Ang ayos ng higa ah! Parang walang nangyari? Wahahaha. Baka naniniguro si Kulot.. Iniinspeksiyon if may gutay-gutay na briefs na nakatago sa ilalim ng bed mo! At kung meron ay isusumbong ka nya sa mommy sa kabilang apartment.. Lagot!

Anonymous said...

kaya pala nung nagtetx ka ay sabe mo nasa harapan mo na sya. shets.

Anonymous said...

lurker ako. i find your posts enlightening.

i decided to comment today because i understand the confusion.

sana luminaw na. at pag nangyari iyon, sana mas masaya ka.

anuman ang maging desisyon mo.

Anonymous said...

hi mandaya. it's me again jackie.

grabe, i had to browse all the pages para makahabol ako sa labstori mo. kalocah ka teh! binasa ko tlga. May I petiks ako sa work at tlgang nagbasa ako from top to bottom.

grabe. naghiwalay na pala kau ni kulot. tsk. ganung ka late ang pagbabasa ng lola mo.

sori naman. :)

busy lang sa jowa't trabaho.

Ewan said...

ang haba ng hair mo dito ate Mandaya!!!