Tuesday, November 25, 2008

Plan A2

Nasa custody na ni Fatima ang baboy.


"OK na tayo sa baboy at manok. Pag-uwi ko na lang dyan ipapademolish ang pwesto," text ko kay Kulot.


Pwesto ang tawag namin sa pinatayong bakery sa lupa nila Kulot. Pero hindi na bakery ang naging plano namin. Nagkataon kasing tumaas ang presyo ng harina kaya naisipan naming magbago ng negosyo. Nagkataon ding nagkaroon ng krisis sa bigas noon.


"Bigasan na lang. Atsaka feeds sa manok at baboy," maalala kong sabi ni Kulot sa akin noon.


Sumang-ayon ako sa plano nya.

"Sa November na natin umpisahan. Itaon natin sa birthday mo ang opening," sabi ko noon.


Sumang-ayon sya sa plano ko.

Pero di sumang-ayon ang tadhana. May dumaang mabahong bilat. Nasira ang mga plano.


Balak kong umuwi sa bukid ngayong Biernes. May appointment ako kay vice governor Mayo Almario. Magpapasalamat ako sa kanya sa pagtulong nya kay Eproy sa application nito para maging pulis.

At sa aking pag-uwi, ipapagiba ko na ang pwesto.


"Balak ni Mama gamitin ang pwesto. Tindahan daw," text ni Kulot sa akin.


"Hindi pwede. Ipapagiba ko yan," sagot ko.


As usual, di agad nakasagot ang Kulot.


"Kung yan ang desisyon mo, wala akong magagagawa," text niya.


Di ko na sya sinagot. Pero humirit pa sya.


"Matagal na tayo. Sana man lang may maiwan sa ating pinagsamahan," text niya.


Di ko sya masagot.

26 comments:

mrs.j said...

*hug

Luis Batchoy said...

naisip ba nya ang tagal na sinasabi nya nang mag desisyon syang saktan ka? Ganda ng word verification ko... bilin... hehehehe

Tristan Tan said...

Nakakalungkot.

Anonymous said...

ang fierce ng mandaya..ang daming plano ha. hanggang Z ba ito?

- gibo

domjullian said...

:(


pwede siguro compromise dun sa bakery. wag na ginabin. singilin mo na lang si kulot dun sa mga ginastos once kumita yung balak nilang tindahan.

suggestion lang naman.

:(

... said...

Isa lang ang masasabi ko kay Kulot: MERESE!

Anonymous said...

sad..

Anonymous said...

tama yan. para alam nya ang nawala sa kanya.

buong puso kong hinahangad na ok ka, mandaya.

kaya mo yan.

Kiks said...

walang sad, sad.

go lang ng go.

ang para kay juan ay kay juan.

ang kay mandaya, kay mandaya.

Anonymous said...

How SAD..I want to share with you 'Closing Cycles' (by Paulo Coelho), Mandaya..Please reply if you are interested..Ganun talaga..If you want to move on, you must forget and shrug off everything..By doing that, you'll find the REAL YOU, and what is left after the storm. Sad but that's the only way..

. said...

Gaya mo, hindi rin ako umiisip ng pinagsamahan. Alang alang sa pagbura ng alaala, erase lahat.

Anonymous said...

gibain kung gibain, anong pinagsamahan pinagsasabi nya.

Anonymous said...

fowtah!!!!ipagiba yan!!!!kung hindi mo ipagiba yan ngayon, later on, ang bilat ang mag re-reyna jan!!! ma imagine mo ba na sa pera mo, ang BILAT ang may huling halakhak? IPAGIBA NA!!!!

Dawn Selya said...

Isn't it quite symbolic that the bakery is going to be torn down just because your relationship has been broken? Bilib ako sa 'yo mamu, you are moving on and forward with your life...

Anonymous said...

sayang naman...nagkapakinabangan naman kayong dalawa sa isa't-isa...kesa masayang...unless ire-recycle mo ang mga semento, kahoy etc...ba't di mo ipa-upa sa kanila?

yun eh suggestion ko lang naman...mukhang love (lust) ni kulot ang girl...

Anonymous said...

affirmative and assertive.
panalo ka talaga mandaya.
mandaya = ang bagong babae. :-)

Anonymous said...

I agree with the others. To really move on, you have to remove all the remnants of THAT relationship. Tanong ko lang, bakit siya yata ang may pagkasentimental sa bakery na iyan. Dahil ba mahalaga yan sa kanya o sa kikitain niya o nila?

blagadag said...

ang ganda na talaga ng teleserye na ito. mula sa kwento ng puso at pagmamahalan, kaibigan, mga badingna walang mga ari-arianna nakapaligid sa ating bidang aktres, napunta na sa ekonomiya at ari-arian at mayroon pang backround ng agraryo. at may nabanggit ng pulitiko ang ating bida. mayor. earlier, may mga fact-finding mission sa bundok na sinalihan ang bida. pwede ng gawing pelikula, madam. nakikinita ko, best picture ito sa international film festival. ipa copyright-protect mo na agad ito bago pa mapirata.

i wish you well, co-dabawenya. mabuhay ka. i kumusta mo ako kay jericho ha. di siguro nya ako matandaan pero nakita ko na sya sa hong kong in march 2000.

Anonymous said...

Hey Mandaya... I am one of your avid reader from Tokyo, Japan.. hehehe (anlayo di ba?)

ngayon lang ako mag comment sa blog mo.. I am affected sa nangyari sayo... I understand.. sabi nga ng mga Kano.. I FEEL FOR YOU.... pero... oks na yan.. move on.. wa na drama.. deadma sa drama.. kasi STR8 yan... kung bakla yan.. tapos ganyan kayo katagal.. sasamahan kitang magluksa.. kung kinakailngan umuwi ako ng Pinas.. para sumama sa vigil at magkabalikan kayo ni Kulot.. uuwi ako dyan... pero ATE.. SIster... Kafatid.. Diche... lalaki yan.. str8 nga daw.... alam mo naman... ang tingin nila sa mga Bakla eh... PERA.. kasi tayo ang mapera.. tayo ang magaling kumita ng pera.. gumawa ng pera.. hehehehe.. so deadma na... wag ng pag aksayahan ng panahon yan si Kulot.. kung ano ang sayo.. at kung ano lang ang feeling mo na dapat sa kanya.. yun lang ang ibigay mo.. kumbaga.. Separation pay.. hehhehe... Love you ateh.. be strong.. makakahanap ka rin ng para sayo.. que se hodang str8 pa yan!?!?! (kasi di sya aaming bading sya) at yun ang magbibigay sayo ng kumukutitap na buhay... (kasi ako nakita ko na.. 10yrs n kami sa April hehehe)

Love you ate and more power... always take care...

mwah mwah mwah.

C.

sexymoi said...

weh! ok lang si kulot? sana naisip niya yung pinagsamahan niyo bago siya nagloko. sheesh mga lalake talaga.
anyway, bilib ako sa tapang mo mandaya promise. sana mamana ko rin ang powers mo. i hope i can just get over everything for good. :(

Anonymous said...

This is so sad, naabangan ko love story mo from the start at eto magiging first comment ko for you.
i feel sad seeing you hurting :( hmmmm i dunno what to say about kulot, di ko man alam ano nararamdaman nya but im hoping na maisip nya yung mga gud times nyo together and how much you loved him.you hurt, you live and eventually you will move on mandaya.listen to this song "Run by leona lewis"... its really good to hear and therapeutic to listen as you go to the process of letting go of him..

Your Avid Reader,
Reza

I'll sing it one last time for you
Then we really have to go
You've been the only thing that's right
In all I've done

And I can barely look at you
But every single time I do
I know we'll make it anywhere
Away from here

Light up, light up
As if you have a choice
Even if you cannot hear my voice
I'll be right beside you dear

Louder louder
And we'll Run for our lives
I can hardly speak I understand
Why you can't raise your voice to say

To think I might not see those eyes
Makes it so hard not to cry
And as we say our long goodbye
I nearly do

Light up, light up
As if you have a choice
Even if you cannot hear my voice
I'll be right beside you dear

Louder louder
And we'll run for our lives
I can hardly speak I understand
Why you can't raise your voice to say

Slower slower
We don't have time for that
All I want is to find an easier way
To get out of our little heads

Have heart my dear
We're bound to be afraid
Even if it's just for a few days
Making up for all this mess

Light up, light up
As if you have a choice
Even if you cannot hear my voice
I'll be right beside you dear

Anonymous said...

sana maka-move on ka na before the holidays. =)

don't worry maganda ka parin

Anonymous said...

mandaya...tanong ko lang pano ung time capsule nyo ni kulot na binaon sa pwesto...sa pagkakaalala ko kasi meron ka nito noon hindi ko lang matandaan kung tinuloy mo ngang ibaon...hanga ako sa mga likha mo sa blog na to...

Anonymous said...

Ew! I'm sure madala ka at hndi mo na i pa torn down ana pwesto. in love ka pa kasi eh! Aminin!!!!!!!!! EEEEEEEEKKKKKKKKKKEEEEEEKKKKKKKKKK

Anonymous said...

bakit kaya me mga "pause" bago siya magreply sa text? hehehe baka nakikialam yung mabahong hangin na dumaan

*hugs*

Anonymous said...

Pagbabalik sa sinulat noong nakaraan:

Straight si Kulot. Darating ang panahong magdedesisyon syang mag-asawa. Hindi ko ito ipagkakait sa kanya. Sa katunayan, willing akong magvolunteer na ako ang gagawa ng wedding cake niya. Gusto kong makitang masaya sya, sa piling ko man o sa piling ng iba. Gusto kong makitang maayos siya. Iyon naman talaga ang naging silbi ko sa buhay niya.