Birthday ni Kulot bukas. Fiesta din sa kanila sa Sabado.
Kagabi (Wednesday), uminom kaming dalawa ni Kulot. Bago pa nito, nagchat kami ni Jericho. Sinabi ko sa kanya ang plano kong tapusin na ang lahat kay Kulot.
Unang bote ng Red Horse, di ko pa rin nasabi ang gusto kong sabihin kay Kulot.
Pangalawang bote, wala pa rin akong nasabi. Medyo lasing na.
Pangatlong bote, iba ang lumabas. Ang libog namin.
Nagkabuhay ang "Oh Yeah" moment namin. Ang sarap. Para kaming mga hayok.
Natulog kaming di ko man lang nabanggit ang aking plano.
Ngayong hapon lang, habang hinahanda ni Kulot ang dadalhin gamit sa kanyang pag-uwi sa bukid. Mamimiesta sya. Doon na rin sya magse-celebrate ng birthday niya bukas.
"Dalhin mo na lahat," sabi ko.
"Ha?" tanong niya.
"Dalhin mo na lahat ng gamit mo. Di ko na kaya," sabi ko.
"Di mo na kaya ang ano?" tanong nya.
"Ang ganito. Ang itago ang relasyon natin," sabi ko.
Natigil sya sa pag-eempake. Naupo. Hinarap ako.
"Ayoko na ng ganito. Tinanggap kita noon kasi akala ko kaya ko. Hindi pala," sabi ko.
"Kakausapin ko sya. Ipapaalam ko sa kanya na tayo pa rin," sabi nya.
"Hindi kita pinapapili. Hindi ikaw ang dapat magdesisyon sa usaping ito. Desisyon ko ito. Ayoko na," sabi ko.
Mahaba pa ang naging pag-uusap. Hindi ako nagpadala sa pangangatuwiran nya, o sa mga plano nya.
Hinatid ko sya sa sakayan ng bus.
Hindi ko na inantay pa ang kanyang pag-alis.
Pag-uwi ko ng bahay, nakatanggap ako ng text mula kay Kulot.
"Nakasakay na ako. Salamat," text niya.
Thursday, November 20, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
44 comments:
Sad ako! Totoo. Ewan ko ba. Ang picture ni Kulot.... nakaka-sad. Haaaaay!
ateng, nagawan mo pang picturan si kulot. Buti di nagreklamo?
mamimiss ko si kulot.
aabangan ko ang muling pagbabalik ni kulot sa mga blogs mo. amsyur di sya mabubura sa casting ng buhay mo. masarap pag bumaliksya para lang sariwain at buhayin uli ang inyo oh yeah moment kahit wala na kayo. pwamis, mas masarap yun. gusto ko nga matikman din ni jericho at mugen ang ganung eksena ng buhay.
Oo nga, nakunan mo pa siya ng picture hehe.
Ngayong single ka, have fun! Punta ka manila, samahan pa kitang mamboys!
- ey-ey
Umaasa akong may twist ang iyong kwento.
i admire you ateng. good luck. =)
That's so sad...I'm heartbroken.
awww kakalungkot naman
pati yung manok sa kahon naiiyak din yun
*hugs*
Mas mabuting masaktan ka na ngayon kaysa araw-araw kang pinapatay sa pag aalinlangan sa pagtingin sa iyo ni Kulot. It is always sad to end a relationship but life has to go on. Kaya lang... Teka, kung may Plan A may Plan B. Does it involve another person?
this is so sad
mami, lungkut-lungkutan aketch. (altho slightly natawa ako kasi nagawa mo pa syang kunan ng pic). pero at least, this proves, mahal at malaki ang respeto mo sa sarili mo. oo nga't nasaktan ka, pero mas minabuti mo na yun kesa mawalan ka ng self esteem. tama naman yun... kung hindi sya pwedeng maging iyo ng 100% at hindi nya ibibigay ang sarili nya ng 100%, wag nalang...
you deserve 101%, ateng...
kung bumalik man sya at tanggapin mong uli, harinawang this time around, ikaw na ang one and only nya.
parang ending ng Central Station...
Go Go Go ate M! Ana jud, ikaw jud dapat masunod. Malditahay. Lol
this calls for ... a chat. if you're up to it.
sigh... whatever feels right for you Mandaya... Hang in there... this too shall pass
Oh wow... My first time on your blog and this is what I see... :(
I think I gotta go back and read up on your history with this Kulot guy.
Nakakasad nga ang picture na kuha mo ni Kulot. May naramdaman akong kirot. Pramis.
:-(
madam, masakit talaga ang nangyari..pero mas masakit ang harap-harapang panloloko nya sa yo...just "mob on rowpa" ka na lang...
Naku, may balikan itong magaganap!
-gibo
sad nga.
feeling ko gurl dumadaan ka lang sa tinatawang na 'literary melacholia'; ang lahat ng ito ay isang pantasya at ang totoo ay addict ka sa 'oh yeah' moments nyo ni kulot... ektwali nakigaya na rin ako sa'yo (inggitera kasi ako!) , may bago akong boyfriend na kakulay ni obama, at tripleng oh,yeah! dahil vonggeylia xa sa bed... okey lang naman sa kanya na tawag ko sa kanya ay KULIMLIM... o dive 'k' rin? french-somalian naman siya...
inis ako kay kulot pero na-sad ako sa pag-alis niya...
pranag my kumurot sa isang bahagi ng puso ko mandaya moore. nakakalungkot. it's really sad to let go but in letting go we have to move on and no turning back. goodluck!
time to change the blog name na. tanggalin na ang orlis! pero btw, you can't have your old blog back right due to the legal battle scare?
-mac_rom_T84
So far ang pinaka sad na post mo Mandy... :-( Ang dami na ring napagdaanan nyo ni Kulot. Haaayyy... Eto lang ha... What if... What if sabihin nya sa yong magpakasal na kayo??? Ano sagot mo?
kakalungkot naman tong post na to; i was waiting for the twist pero walang dumating... i guess tinapos mo na nga ang kwento ninyo ni kulot... hope you feel well soon...
ps: tama ba ito, ang word verification ay cheati?
at tumingin ako sa malayo matapos kong basahin ito.
Heartbreaking story told in spare, steely prose. Lesser mortals would have used the occasion to vent and rant so dramatically it becomes comical, and that's putting it kindly. But it's not you.You're a master storyteller after all. Very admirable indeed.
Will Plan A hold? Maybe you have Plan B and C stashed somewhere? Maybe you have no glass to break in case of emergency after all? Whatever it is, the least I can do is to offer you my support as a fellow human being. *hugs*
Im proud of you... I know i will just be another anonymous here, but for what it is worth, 'you already did your best for him. Now its time to do your best for your self.'
Gurl!!!
I don't know what to say....
Eto na lang, paglibangan mo in the meantime. http://bancodereyna.com/?p=265
Sayo lang. Ung iba wag i-klik. Hehehe!
na-realize ko lang. bakit ganun pag straight ang guy. parang wala kang masyadong closure kasi mga one to two-liners lang ang drama. ang sarap batukan kasi parang ipinasa uli sa iyo and burden of guilt.
-mac_rom_t84
nakungkot din ako, naisip ko, di mo na ba sya mahal?
pero siguro tama nga kung ito ang tingin mong higit na magpapaligay sa yo. still...
tapusin n ang dapat tapusin!
Everything will be alright!
sana nagpapicture ka rin with matching goodbye waves kahit nakatalikod lang
Na-sad ako.
=(
ate!!! nalungkot ako... :(
sori late reading.
eto pala yung tinext mo saakin.
mahirap talaga te.
pero ganan talaga eh.
nasa sayo na lang kung papatalo kb or what.
panindigan kung yan ba talaga gusto mo.
pero nakakaloka ka, pinicturan mo pa talaga! hay..
chant ka te.
My dear Mandaya. Binabawi ko na sinabi ko sa comment no.9. I happened to open your Feb.2008 post about your and Kulot's 7th anniversary. 7 years!Baka nga puede mo pang bigyan ng isa pang chance si Kulot. Kung ako nasasaktan para sa inyo, how much more ikaw? Added to this, maski kalahating ligaya, at least meron, kaysa wala. Di ba? Well, either - or, you can follow what you think (and feel) can make you happy and contented.
tatlong komento: sayang, ganun talaga, move on.
best wishes.
ito'y pangitain lang naman, pero nakikita kong me magkakabalikan. :-)
sad naman. sana you have tried trial separation muna. :)
kidding aside, thanks for this blog. just got to see this 2 days ago and i became an instant fan. the writing style is so natural and simple yet so vibrant. it's keeping me company away from home.
pero sana, you'll find your another kulot somewhere along the way.
-Mukha79
I had an idea of the goings on between you two during my "research," and I must admit, this is just sad. You make us laugh like it's nobody else's business; who knew you can also control that other emotion?
I'm a fan!
Cheers!
sad! sad! sad! nga!!!
Post a Comment