"Dito muna ako," sabi nya.
Hindi agad ako nakaimik. Masaya na hindi. Naguguluhan.
"Paano sya?" tanong ko.
"Di nya alam na naandito ako," sagot ni Kulot.
"Ano pala alam nya?" tanong ko.
"Na nasa Tagum City ako. Sabi ko doon muna ako sa isang kamag-anak habang naghahanap ng trabaho," sagot niya.
Di ko na sya tinanong kung gaano katagal ang balak nyang tumigil sa akin. Pero may dala syang dalawang manok panabong. Ibig sabihin noon, medyo matagal. Di naman kasi pwedeng bisita lang ang pakay niya ay with matching manok pa.
Natulog lang kami noong gabing dumating si Kulot. Di pa ako ready. Chos!
Kinabukasan, maaga syang bumangon. Nagluto ng almusal. Sunny Side Up eggs at danggit. Pagbangon ko, nakaready na ang breakfast. Nililinisan nya ang ibabaw ang gas range.
"Di mo ito nililinis ano? Ang dumi na o," sabi nya.
Smile lang ako.
Kumain muna kami bago nya itinuloy ang gingawa. Pagkatapos ng gas range, nagwalis sya ng bahay. Ang bait ni Kulot. Pati lababo, nilinis nya.
Tapos sa labas naman. Inayos nya ang aking mga tanim.
"Di dapat nakalinya ang mga pots. Dapat pagkumpulin ang iba't-ibang sizes para maganda tingnan," sabi niya.
Smile uli ako.
Pagkatapos, pinaliguan nya ang kanyang mga manok.
Nang matapos ang lahat ng gawain, inasikaso naman nya ang kanyang sarili. Ginawa ang isa sa mga bagay na natutunan nya sa mga bakla. Threading para matanggal ang kanyang facial hair
Saturday, November 8, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
19 comments:
un pala tawag dun...
i still hate him...
LOL, natawa daw ako sa "threading"
Uy, masaya na naman s'ya! :)
add mo namn ako pls www.mingmeows.blogspot.com
naguguluhan ako if sya ba ay half-loyal or half-nangangaliwa.
enjoying the storyline...kumbaga gumanda ang plot ng iyong telenovela...
mas masarap naman maging mistress ah..sana 10 more episodes...
kwayet lang ako sa isnag tabi... bitin ba ang punchline sa post na to or nagpapaka emotinal distance lang ang bayot sa bukid?
Cute pala si Kulot without the facial hair. Infairnesssssssess.....
Matagal ko ng sinusubaybayan ang iyong blog. Dito ko naintindihan ang pagiging bakla ng kapatid ko at bakit nauubos ang pera niya sa mga lalaki. Sabi sa isang movie na napanood ko noon "Ang buhay daw ng isang homosexual ay napakalungkot kasi he will end up alone." Sabi pa rin ng ibang tao "Pera lang ang habol ng mga lalaki sa bakla." Pero ano pa man may karapatang pa rin lumigaya ang bawat tao sa sarili niyang pamamaraan. I will pray for you always.
hinay hinay lang usa mandaya para dili ka kaayo masakitan :-)
been an avid reader of your blog. x-link ta ha? :-)
hay naku!!!!yun lang po...
ay di ako marunong gumawa nun... pero mukhang bait baitan ang kulot. hahaha
me again... ahhh... ewan, parang kuya ang na fifeel ko kay kuya kulot... naku ateh sabihin nalang nating masama na nga sya pero perfect ka ba???? diba, ang ibig ko lang naman sabihin ay tao lang tayo kaya kung nag ka mali mag ang isa sa inyo ay pag subok lang yan ng panahon para makita natin kung gano kayo ka tatag... eCHING!!! hehehe... ang lalim non..i found 3 pages nung last na sinulat mo way back 3yrs ago... email me kung gusto mo pa yun... hehehe... krizandy@yahoo.com or text kung may time ka pa.. 09198210667
kahit ako, namiss ko si kulot. hahahaha.
ngiting-ngiti ka ba ateng?
May face nga si kulot however he's not my type.
Anyways,Hibdi ba masakit yang threading na yan??
wahahahaha champion ang threading!!!
if it feels right ... then maybe .. just maybe.. it is. ewan .. hehe
balikan talaga to ever.. itali mo kaya noh to be sure? hehehe
Marunong si Kulot mag threading ha. Ayos!
Pero syete, bakit anjan sya?! =(
- Mr. Scheezcake
manok ngayon ang pinaliliguan ni kulot, next time baka ikaw naman ang paliliguan niya mamu. di kaya? hmmm... masaya ako at binalikan ka ni kulot at, take note, hindi ikaw ang bumalik sa kanya. siyempre ikaw pa rin ang nagwagi. yun laang!
hahaha natuto na rin si kulot ha! paano kaya yung threading? turuan mo rin kaya ako mandaya.
ganyan talaga ang buhay. baka nagka-problema lang si kulot sa kabila kaya nasa iyo na naman. expect more. i'm sure babalik at babalik yung kulot na yan especially pag nagka-problema sa household nya.
Post a Comment