Monday, 29 December 2008

Babes

Ilang araw din syang makulit na nagte-text sa akin.


"Niloloko mo lang ako e," minsang text ko sa kanya.


"Hindi a. Kung gusto mo magkita tayo," sagot niya.


At nagkita nga kami. Hindi ko inexpect na sya ang makikita ko.


Bago kasi magpasko ay nakita ko na sya sa dagat. Naliligo sila ng barkada nya. Kasama ko noon si Fiona, Johnny, ang asawa nyang si Fatima at ang anak nilang si Jomat. Naglunch lang kami sa beach. At naandon nga sya at ang dalawang barkada nya. Nakamotor lang sila. Bumabad sa tubig ng isang oras at umuwi pagkatapos.


Ayaw nyang sabihin kung kanino nya nakuha ang cel number ko. Basta lang daw. Kaya noong magkita kami sa elementary school, akala ko kabarkada lang ni Pandesal ang makikita ko. Si Juven pala.


Nineteen years old na sya pero second year high school pa rin. Dumaan daw sa pagiging bulakbol. At ang claim nya ngayon, "mabait na ako."


Ang balita nga ay mabait naman na bata itong si Juven. Gumigising ng alas kwatro ng madaling araw para magluto ng almusal.


"Nakakaawa kasi si Mama kung sya pa ang gigising nang maaga," sabi nya sa akin.


Lunes hanggang Biyernes, aral ang inaatupag. Mula eskwela, diretso ng bahay. Natutulog ng maaga. Kung Sabado naman, pumupunta sya sa bukirin nila. Apat na ektarya ng niyugan.


"Pero may mga tanim ako. Saging," sabi nya.


"Mga gulay naman kay Mama," dugtong nya.


Mahaba pa ang usapan. At hindi ko ito tinapos sa hada. Naghiwalay kami ng uwi noong gabing iyon.


Pero kinabukasan, sa bahay sya naghapunan. Nagluto ako, isang bagay na hindi ko ginagawa mula noong hiwalayan. Pati fruit salad gumawa ako.


Konti lang ang kinain nya, busog na daw sya. Sa isip ko, ito pala ang sikreto nya at bakit parang wala syang taba sa katawan, puro muscles.


Konti lang din ang kinain ko para naman di nya masabing matakaw ako.


Nagkwentuhan na naman kami. Hanggang madaling araw.


"Ano ang assurance ko na hindi mo ako lolokohin?" tanong niya sa akin sa gitna ng aming pag-uusap.


"Seven years ako sa relasyon, ako ang niloko, hindi ako ang nanloko," sagot ko sa kanya.


Kwentuhan na naman.



"Ano gusto mong tawagan natin?" tanong nya.


"Bahala ka," sagot ko.


Mula noon, lahat ng sentence nya ay may "Gang," short for Gang-Gang, kalimitang tawag ng isang lalaki na naglalambing sa isang babae.


Napilitan din akong ibalik sa kanya ang paglalambing. Mula noon, may "Babes" na ang lahat ng sentence ko.


Balik kami sa kwentuhan. Nakakapagod na kwentuhan. Hanggang sa makatulog kami.


Di ko na matandaan kung bakit kinabukasan ay nagkaroon ako ng chikinini sa dibdib-- sobrang laki nito na nagmukha itong pasa.


Eto si Babes

22 comments:

Anonymous said...

Kulot din. Hehe.

Eyey

Anonymous said...

sigurado ka bang 19 years old lang siya? parang kasingtanda ko.....

o siya...siya..... basta mabait at mamahalin ka......arya!!!!!!!

Lyka Bergen said...

kamukha ni Dolphy ng sya'y bata pa.

Lyka Bergen said...

Mahirap palitan ang lokong Kulot!

Mugen said...

Cute siya. Pwede ba magpa-LBC ka ng ganyan sa manila. Yung aalagaan lang. Ehehehe.

Anonymous said...

ateh, iiwasan kita pag nagkita tayo at baka maapakan ko ang buhok mo. ^_^

migs, the manila gay guy said...

Ay I like!

Iba talaga ang alindog mo ateh!

wizzdumb said...

Hehe, may estorya na namang aabangan.

blagadag said...

At vaket di mo matandaan na nilagyan ka ng hicky? Ano ka? Na amnesia? Pokrita. Masarap ba o hindi. Tarush ng Maldita, huh. Nag ka Oh Yeah na nga sa Ganggang Babes-bebs na kwentuhan, nalimutan na? Pwede ba? Apat na ektaryang niyogan? May libreng buko salad, bukayo, gata, uling, panggatong, tuba at kung anong anek, anek na by products ng niyog sa bukid ka mam. Cute si Juven Madam. Baka yan na nga ang bigay ng Dyosa sa kabukiran para sa iyo Madam. Happy Juven Year, Madam.

Anonymous said...

in fairness, mas presentable sya kesa kay Pandesal, yun nga lang, kulot din at korek si Lyka, parang si Dolphy nga nung bata pa, or si ano, si..si.. Georgia! yung gay na kapatid ni Dolphy! joke!

Anonymous said...

hmmmm... mas gusto ko sya kesa kay pandesal... go ate!!!!

sexymoi said...

hmm cute naman ng babes ni ms mandaya :)

kiel said...

ang saya saya. babes.

Stankyrella said...

Tsura!
ang ganda! hahaha!

Happy New year teh! :D

ian said...

good for you. just keep yours open....i mean your options!

have a happening 2009.

The Zen Bitch said...

ay kulot din? hmn, mukhang pareho tayong matuwain sa mga kulot...

kyut sya, in fairview... congratulations pow!

Zang Caesar said...

ay, i like this worm rather than kulot.. pero xempre iba yung pinagsamahan ninyo ni Kulot di ba?

o xa, xa.. heto na. xa na! xa na ang itinakda ng mga propeta.

well, maybe...

chichirya said...

ay. shets natatanaw ko dito ang chikinini!

sonya sonya said...

wagi ang alindog mo te! sana makatulong sa iyong "moving-on" phase si babes. happy new year sa iyo at mga bekbek! xoxo

Steffi said...

Uy, cute siya. :)

Anonymous said...

ang sarap ni babes! pahiram naman!

-kalan porter

Ewan said...

pwde na sa akin si babes basta mabait...

at infairness kulit din siya