Tuesday, 16 December 2008

Seloso

Sobrang seloso si Pandesal.


Nakita namin ang mga barkada niya sa palengke noong Sabado ng gabi. Nag-iinuman sila. Kami naman ni Fiona, join.


"Pati kami pinagseselosan," sabi ni Ken.


"Di tayo natuloy sa beach kahapon kasi nagselos. Sabi, dapat konti lang daw. Wala yatang tiwala sa amin," sabi naman ni Badig.


"Ready na kami nang bigla na lang nagbago isip nya," dugtong ni Abla.


"Bakit daw?" tanong ko.


Sa una ay ayaw pa nilang sagutin pero pinilit ko.


"Kasi kasama si Takloy," sagot ni Ken.


Deadma ako.



"Pati yung pagpunta namin sa bahay nyo, ayaw nya ng marami ang kasama," sabi ni Abla.


"Kaya nga pagkatapos kain lumabas kami at sya lang naiwan sa loob kasi iba tingin nya sa amin," dugtong ni Badig.


"Di namin alam kung bakit sya ganon," sabi ni Ken.


Deadma pa rin ako.


Naubos ang beer. Umorder ako. At nang papalapit na ang waitress, biglang sumigaw si Fiona.


"Miss, dahan-dahan! Naapakan mo buhok nya," sabi niya sabay turo sa akin.


Deadma ang mga boys. Di nila na-gets.

27 comments:

jericho said...

nililipad ng hangin. umaabot hanggang dito!

Anonymous said...

kaw na jud ang gitakna sa mga mananagna! ikaw n ajud sa nakasuwat sa karaang napta! ikaw na jud and gamhanang bayot sa bukid madam!

mel beckham said...

Nang, ayaw kasuko ha. Mas b.y. man si Takloy.. Ingon sa akong ate kay ongo daw si Pandesal. Buotan lang unta siya para mabawi.

Roy@Siam said...

hahahahahaha? Sobrang winner ang line ni Fiona ha!

Congratz Mandaya! You're officially the Rapunzel of our Lupang Sinilangan. Will it be Pandesal or Takloy who can climb your majestic tower? I'm rooting for Pandesal dahil kahit seloso sya (a true sign of sincerity), siya ang trendsetter ng "things" and "taker".

Lyka Bergen said...

I Like Fiona. Ever. Fiona Fan ako. (Ano ang reaction ng waitress?)

Anonymous said...

penge number ni takloy! hihihihi

blagadag said...

mahaba sa kung mahaba ang long hair mo madam. pero nakaka-sad na talaga ang observation ko sa mga boys sa bukid na lumalapit lang sa grupo ng mga bading kungmay nomo. para bagang palagi nating karay-karay as sponsor ang san miguel or red horse para lang mahakot ang mga boys.

on second thought, chukemeheyehey na mag sponsor ng nomo basta may boys. kebs na kung isipin nilang boys love gays only because they are influenced by non-living things such as beer and alcohol.

sana mali ang hypothesis ko.


PAAAAAN DE SAAAAALLLLLL. mainit mainit mainit paaaa. PANNNN DE SAAAAAALLLLLL!!!

Anonymous said...

di ko alam mandaya....na ganyan ka ka-ganda!! ........at ka-landi!!

palagay ko, yung mga boys na kainuman ninyo ni fiona eh pwede mo ring maging boyfriend. naghihintay lang sau sila kung magiging crush mo rin sila. o di ba bongga!!

rAzAzO'o said...

manang mandaya, puede bang huwamon nako na si fiona? murag kyut ma na siya oy! swerte mo may fiona sa buhay nimu, ako naa lang koy spoiled nga iring nga si kulimlim! enjoy sa imong bag-ong labidabs! murag gapatwetums ka pa ra ba jud? na hala, update na lang sa imong kabiga ha? mwah!

The Zen Bitch said...

hmn, hindi ako maka-type mashado kasi hinahawi ko pa ang pagkahaba mong buhok... baka ma-suffocate ako... ju-on, is dat choo? happy ako kasi ang iyong mga posts of late ay back to the former glory of your older, happier post...

at, bongga talaga itong si fiona... i swear, big fan ako!

Neneng_Praning said...

ahhahahaah! i uber love fiona.

ateng, pakihawi ang hair nakikiliti ang tenga ko, abot-abot dito sa tandang sora.

Anonymous said...

Karerebond lang ng hair mo ate noh?
Go Go Go!!!!! Play with the boys. EEEEEEEEKKKKKKKKK!!!!!!

Kiks said...

Mahangin ba sa labas?

Mugen said...

Share the boys naman diyan. :)

Pacifico Lorenzo said...

Selos... when you're the object of it, sarap ng feeling at first. But it's one emotion that I'd rather do without - for myself and for my partner.

Ate Sienna said...

ganun???? may dramang Gelli de Belen??? VHAKET?!?!?!?!

true ba sya, mamu?? Kapag Best Actor ng Star Awards for Motion Picture lang yang dramang yan ng tinapay na yan, sasabunutan ko at kakalbuhin ko yang pukitong yan!

aba, monay or wala, mahaba naman talaga ang hair mo, davah, mamu?? So long, umaabot pa-cross ng pacific ocean, dumaong sa Califonia, dumaan ng White House at nagbababad sa Noo Yok! Sooooooo long!!!!

Go! Go! Go!

Ps. member na ako ng fans club ni fiona talaga... i swear!

Paul said...

Ikaw na jud! Ikaw na jud! Ikaw na jud! Kahibaw man mi nga anak tang tanan sa Ginoo... pero this time, maka ingon na jud ko nga naay FAVORITISM! Di na ni mao! Lahi na ni! PESTE BA POD!

Hahahaahha... :-)

Anonymous said...

nasaan na kaya ngayon si kulot? pakiramdaman mo mandaya at baka nagtatago pa rin sa puso mo!

nag-eenjoy ka lang sa attention ng mga boys ngayon pero........yun na!!

migs, the manila gay guy said...

iba ang ningning ng isang mandaya, ang tanging reyna ng kabukiran!

charoz!

hello madam!

Dawn Selya said...

Wagi si Fiona! Mabait na kaibigan... inggit ako sa haba ng buhok ni mandaya! Teka gupitin ko muna at gawing wig para naman maambunan kami ng ganda... I'm happy for you mamu.. hala, paglaruan pa ang mga lalake... at lumuhod silang lahat sa ganda mo! hehe

Anonymous said...

Atetch, request naman oh! Post Pandesal's barkada. Ok. TY.

alimuom.atbp said...

lafftrip ako ngayong gabi! hayyy...

purplePRINCEdiaries said...

gipa-hot oil na nimo imo hair te?...

Lance said...

heheheh!

Hope we could xlinks.. thanks

Yanyan said...

for just one sitting I'm able to finish reading all your entries...Wala lang nakakarelate ako sa stories ang getting curious of what will be the life in your BUKID....whew! Im getting excited as I continue reading to know what happened to your Kulot...hehehehe... I'm totally amazed with Kulo't and you as magasawa..kakainggit...for seven years, that is so amazingggg.... my longest relationship was just five months, and take note on and off, not that stable... anyways, goodluck to you kapatid...continue blogging and i'll add your site to my blog.....

domjullian said...

si kulot na lang ulit kasi.

goddess said...

ganda mo teh!
merry xmas!!!