Sunday, 21 December 2008

Ooops

Noong gabing inapakan ng walanghiyang waitress ang mahaba kong buhok, dumating si Pandesal.


Sa harap ng barkada nya, naayos ang lahat. Nag-sorry ako.


"Hindi ko naman talaga type si Takloy. Si Fiona ang may gusto," pagsisinungaling ko.


"At di ka dapat magselos sa amin. Di ka namin tataluhin," sabi ni Ken-Ken.


Ngiti lang ang reaction ni Pandesal. Ako naman, habang tumatagal, mas close sa kanya hanggang wala ng espasyo para sa holy spirit sa pagitan namin. Kiniliti ko sya. Kunwari ayaw tumawa. Kiniliti ko uli, tumawa na. OK na kami.


Hinawakan ko ang kamay niya. Pero hindi para magpa-sweet. Tiningnan ko lang kung malinis ang mga kuko nya. Malinis naman. Medyo rough nga lang ang kanyang kamay.


"O-order ako kay Chona, ang Avon lady sa aming lugar, ng lotion bukas," naisip ko.


Naisip ko rin na bigyan sya ng facial scrub, moisturizer and sunblock. Kailangan niya ng make-over.


Hindi nagtagal ang inuman namin.


"Maaga pa laro namin bukas," sabi nya.


Umalis sila. Pero bago yon, kiss muna sya sa cheek ko. Pagkatapos ng halik, hinawi ko ang aking buhok, niligpit ito sa likod ng aking tenga.


Naghiwalay kami ng landas. At habang kami'y papauwi ni Fiona, nasalubong namin ang isang grupo ng mga bagets. Pa-cute kami kahit madilim. Ang ending, nauwi ko ang isa. Bata. Sariwa. Walang alam. Andaming kiliti sa katawan.


Kinabukasan, galit na naman si Pandesal. Kapitbahay pala nila si bagets.


"Friends na lang tayo," text niya sa akin.


Gusto ko syang sagutin ng "marami na akong friends" pero di ko ginawa.


"OK" lang ang sinagot ko.

19 comments:

blagadag said...

Pagkagwapa. Maayong Pasko, Mam.

The Zen Bitch said...

baka di pa panahon na makipag-commit ka sa isang tao... baka you need more time pa to be a social (and sexual) butterfly... or baka naman you need to be with someone na di mashado seloso... baka sakali lang naman...

ryan said...

saludo ako. ang haba talaga ng hair mo, ms. mandaya.

Jake said...

LOL!!!

Anonymous said...

hahaha ... naman. bakit ba kasi parang connect the dots ang mga lalaki dyan? hehehe
- jericho -

Anonymous said...

Testing the waters ka talaga! Ingat lang. Kawawawa naman si Pandesal. Magpapasko pa naman. Tawagan mo kaya? Give love and peace to everyone kasama na sina KULOT at PANDESAL. Kaya mo kaya?

Anonymous said...

baka nga hindi pa time para sa isang serious relationship. i-enjoy muna ang pagiging single:)

Roy@Siam said...

Well, I guess you deserve to enjoy every minute of your singlehood until you think you're ready to step into that whole commitment thing again.

Pero, I full support your idea, make over Pandesal. I'm pretty sure you can make wonders out of him. Christmas present mo sa kanya, Extreme Makeover ang show!

Paul said...

Wa na jud! Di na jud ni maayo ba! Maam, unsa may gahum nimo ba? Tsk tsk daghan naman ka Christmas Gift from Mareng Santa Clauseta!

Hehehehehe...

Mugen said...

Dapat magpatawag ka ng seminar paano maka-landi ng bagets. Wala kami niyan dito sa Maynila eh. :(

krizandy said...

wew!!!! galing ah'!!! may tanong lang ako... kumusta na si EX???? ano na nagyari sa buhay nya??? alam ko masama ang tanong ko pero parang baka pwede ka naman magbigay ng kunting update about sa kanya... hehehe... thanks!!!

Kiks said...

bagetchina laban ke pandesal.

mass appeal!

Neneng_Praning said...

mas kinakamusta ka pa ng boypren ko kesa sakin. Kagabi sabi na naman "Kamusta si Mandaya?". Pinabasa ko kasi itong blog mo, natuwa siya.

Anonymous said...

landiciousssss!!!

Anonymous said...

Haha, kaya tayo magkasunod kasi malandi tayo pareho haha.

Ako din, gusto ko malinis ang kuko. Hehe.

At ang drama na "friends, friends ekek". Ang drama ko din jan, "marami na akong friends, syota ang kelangan ko". Hehe.

Ingats!

Eyey

liz said...

kulot n lang uli keysa pandesal hehe merry christmas mandaya :)

choc Sui said...

i miss kulot! Maaung Pasko!

reyna elena said...

just wishing you a merry christmas gurl! hope you have more pandesal cumming hehehe

Ewan said...

di mo mahal si pandesal!!!! pinaglalaruan mo lng ang kanyang damdamin!!! because of that,,, i hate you na ate Mandaya!!!

echoz!!!