Tatlong araw ako sa Lake Sebu sa South Cotabato.
Nagbigay kuno ng training sa mga batang lumad. Tinuruan ko sila kung paano magsulat ng kwento ng kanilang tribu. Ewan ko kung may natutunan ba sila. Pero ang gaganda ng mga kwento nila. May mga alamat, may mga love story, mayroon ding hinaluan ng kanta. Bumilib ako dahil mayaman sila sa kwento.
Natulog akong mag-isa sa kwarto. Wala po akong kasama. Di ko rin gawain ang landiin ang mga boys na participants. Professional po ako.
Sa aking paggising, ito ang bumungad sa akin
Mga batang namamangka sa lawa. Galing sila bumili ng limang pisong mantika sa tindahan malapit sa resort
Si Daddy at ang kanyang kalabaw family
Nauna akong umuwi kahapon. At dahil di man lang ako nakapamasyal, nagdesisyon akong sumakay ng motorsiklo papuntang bayan ng Surallah, kung saan sasakay ako ng van papuntang Tacurong City, then bus papuntang General Santos City, at isa pang bus pauwi ng Davao City.
Ang plano ko kasi ay kumuha ng photos habang bumabyahe papuntang Surallah, kasama ang isang machong driver.
Ang Seven Falls. Ni isa wala akong nakita. Dumaan lang po ako.
Pero naudlot ang aking sight-seeing event. Hindi kami pwedeng tumuloy. May mga pulis sa unahan. E ang driver ko, expired ang registration ng motor nya. At marami sila na ganon ang sitwasyon.
Dito ako tumambay, katabi ang Albino na kalabaw, habang naghihintay na umalis ang mga pulis. Pero matigas sila, kaya ako na lang ang naglakad sa unahan para mag-abang ng dadaang van o jeep
Kasali ang pagtambay sa gilid ng highway, naging walong oras ang anim na oras na byahe pauwi ng Davao.
Monday, March 16, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
13 comments:
apparently, it seems a couple of decade ago that i last saw this lake. this place is so rich of resources and culture as well as conflicts and state-sponsored terror that never ceased till now with the death of environment activist boy billenas. watta watse.
looks like a very serene place. di ba delikadong mamasyal sa area na to? at bakit naman kasi di nila nirerehistro ang motor? iyun ba yung mga nakaw from Manila, etc. kaya walang papeles? :-)
Charge to experience ika nga.. twas worth it naman di ba? :)
Kadalasan ang ginagawa ko pag ganyan, di ko na lang iniisip ang situasyon.. mag enjoy na lang.. gaya ng ginawa mo.. picture taking.. hahaha!
Taga davao ako. narinig ko na lake sebu many manytimes, pano ba pumunta jan? at ano ba makikita? Delikado ba kugn magdadala ng sasakyan o mas ok mag public transpo na lang? kung magdadala ng car, ok ba daan?
Pasagot na lang sa mga may alam jan hehe. TY po.
Mandaya moore. love your blog. ingats ka parati. muah
kakauwi at kakapahinga ko lang sa kama ko pero gusto ko na ulit magliwaliw... hehehehe... kainggit ka!
Ikaw nasa cebu. ako naman nasa cebu city!
I was there seven years ago. Saw three of the seven falls. Took the motorbike which the locals call "Skylab". Beautiful lake where St. Peter fish (tilapia to you and me) are harvested fresh for lunch or dinner.
ha, ano raw? may karahasan sa lake sebu? state sponsored terror? wala namang ganon sa pagkakaalam ko? taga-davao din ako but i was there last week. the roads are good. we went there via gensan-marbel route.
pictures of Lake Sebu and on the way:
http://wonderbitch.multiply.com/photos/album/65
been to lake sebu 10 years ago, the place is amazing. imagine a lake at the top of the mountains, where i ate kinilaw na tilapia, mmmm, sarap.
tnx, mandaya.
ante, kamusta man ang mga t'boli? Ni-agi diay kag tacurong? taga-tacurong bya kow... hihi
I always wanted to go to Lake Sebu. I have a lot of friends back in Davao who said that it is really nice out there. Malapit lang sana ako dun, taga Malalag lang.
I go to Lake Sebu every year..I find it very peaceful and serene. Mas natatakot pa nga ko sa Manila, maraming holdapan.
very friendly din yung mga tao doon.
Post a Comment