At dahil andaming nega comments sa huling post ko (at may isa pang nag-email sa akin ng isang mahabang sulat), minabuti kong gumawa ng hakbang.
"Hello!" text ko.
"Milagro," sagot nya.
"Hehe. Musta ka na?" tanong ko.
"K lang. Kaw?" sagot at tanong nya.
"K lang din," sagot ko.
"Galit ka?" tanong ko.
"Sa?" tanong na sagot niya.
"Sa pagdedma ko sa yo." sagot ko.
"Medyo noon. Pero wala na yon," sagot niya.
"Totoo ka?" tanong ko.
"Yup," sagot nya.
"Sure ka di ka galit?" pangungulit ko.
"OO nga," sagot nya.
"Sure?" isa pang pangungulit.
"Kol ka nga para usap tayo," sagot niya.
At tumawag ako. Nag-usap kami. Sa boses nya, hindi nga sya galit. Pero nag-sorry pa rin ako. Medyo mahaba ang naging usapan namin.
Kinumusta ko ang MP3 player nyang linggo-linggo na lamang ay nawawala ang music files at linggo-linggo rin syang nagda-download sa PC ko.
"Sa awa ng Diyos, patay na. Kahit magsave ng music, di na pwede," sagot niya.
Tumawa ako. Tumawa rin sya.
"Kumusta buhay mo dyan?" tanong ko.
"OK lang. Balik aral," sagot nya.
"Mabuti yan," sabi ko.
Andami pa naming napag-usapan. Pero gusto ko pa ring makasiguro.
"Sure ka hindi ka galit ha?" tanong ko uli.
"Hindi nga. Kung galit ako, kakausapin ba kita? Magre-reply ba ako sa yo?" sagot nya.
Naniwala ako. Pero di ako nakapagpigil, at tinanong ko sya ng "May bago ka na?"
Ayaw sumagot. Tinanong ko uli.
"Secret," tanging sagot nya.
Alam ko na ang sagot.
Wednesday, June 3, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
31 comments:
Ang tawag diyan. Closure. :)
good for him,if he has found somebody new who will hopefully love him and not ridicule him.
ay. shet. meron na siyang iba.
ambilis ng pangyayari. all happy except sa naniniwalang na ridicule si babe. that's how davao gay life is. bungga!
bakla man, nagmu-move on din...
i salute you ateng for clearing things up with him.
di ko pa nagagawa yang mandeadma, magawa nga.
he deserves to be happy to ateng...
tama si Knox Glen... mabuti nga yan na may closure kayo.....
of course he deserves to be happy,be it with a girl or a gay,as long as that person respects him and doesnt treat him like trash.alangan naman,mag antay pa siya dun sa isa na nagsawa na sa kanya di ba. ganyan pala ang davao gay life? you think that's bungga? baka bongga? hindi rin..
Kanang bagong uyab ni city babes, gurl? o gurlash?
teka, di mo pa nasagot tanong ko at ng iba.. Nag TOP ka day kang city babes? hheheheh. Tubag pls naman po.
ALso, nagadto ka GMALL last monday with scout ranger?, around 4pm, then sakay Taxi? =). Kung ikaw nga un, pugi ni scout, mapungay mga mata. :D
shabi ko na nga ba eh! Tse!
bilib ako sayo, atleast ngayon ok na kayo as friends and para sa ex babe mo hope he 's happy also.
ang mga lalake pinaglalaruan kasi pinaglalaruan din tayo... see, may bago na agad si babe in the city... mamahalin lang sila kung mapapatunayan nila na mahal nila tayong tunay. yun lang!
actually, ang concern ko ay kung alam ba at may permiso nung mga lalaking nakabalandra ang mga pagmumukha nila dito sa blog at pinagpipyestahan ng mga tao?
hala ka uy. ing ana lang dyud na ka paspas pulihan ta nila as ilang kinabuhi. erset!
this post and comments really makes me smile, which i seldom do these days. it also reminds me of my beb. nagtatampo rin sya, pero di naman umiiyak, after ko sya nakuha. ang sabi nya, porke nakuha mo na ako, di mo na inuulit. kelan tayo mag torjak uli? what can i say? am so distant away.
ay,di na-approve ang comment ko? anyway,sorry if got too carried away and said some nasty things. dunno,why i got so affected,i guess i just felt sorry for city babe,well,i hope he's happy now. so sad for me,na affected sobra sa nabasa kong last post ni mandaya,pathetic me,i should get a life.
manang mandaya,
next na tawagan mo......si KULOT!!!
gawin mo ha!! kukurutin kita pag di mo ginawa! wait na lang tau kung anong reaksyon ng kulot.......at reaksyon mo na rin pag nagkausap kau!!
i believe city babe was just a fling. hindi yun love, lust lng yun! well enway kahit lust may closure pa rin. good for both of u, and gud luck for the new partner of city babe, sana marami syang panyo!
mandaya, salamat naman at naintindihan mo kaming mga nag-react ng violently.
ate sienna, if you are still here relax lang ha... sabi nga ni blagadag - bungga!
at meron na nga.
ok lang yun natikman mo nman eh.
hindi naman siya nakaalis nang di natitikman kaya ok lang
relak na relak, candy. :)
haha ang dami kong namiss ah.. :)
happy ending ba yun???
I CAN'T GET OVER PA RIN SA PANGLALAIT MO NG MP3 MADE IN CHINA... Please, wag nang ganun next time Mandaya kasi hindi bagay sayo... Sinubaybayn kita at hindi ganun ang pagkakakilala ko sayo. Kunsabagay, the Mirror Has Two Faces ika nga. But i salute you for clearing up thing with City Babe. Taga Davao din ako.
Dapat talaga may closure. And once closed, closed na talaga. Life may become complicated.
Grabeh na itez ang blaggaders ni atashi! ang daming affected parang mga pulitiko ng kongreso at sendado para sa Con-Ass slash Hayden Koh! Kalurkey!!! emweys, try to think of it, gravacious tayis affected sa nangyayari sa mga choices ni Mamita Mandaya kasi in other way around nakikita natin ang sarili natin either sa katauhan ni Mamah Mandi o ni Papa City Bebeh...Minsan nanggagamit, gumagamit at nagamit...Hemeweys! Mother Mandaya gogogo lang! saludo parin ako sa pagiging ambasadora mo ng pag ibig ng Vehkilandia...ahihihihi...
Peace to all. I do undestand all the reactions. Sa ating mga bahagi na amg buhay ni Mandaya sa mga buhay natin (araw araw kong tinitingnan ang blog na ito),may kanya-kanya tayong favorite charater in relation lalo't higit sa lovelife ni Mandaya. Babe in the City as introduced by Mandaya seemed to be so innocent and cute that many of us wanted him to be the partner of Mandaya after we witnessed how Kulot became a big disappointment. Maybe we cannot still accept Scout Ranger because he seems to be the outsider as of the moment (di kasi namin kita ang mukha, so we cannot relate). So, Mandaya, you have to understand us. We are not only your avid readers, we are your friends who only wish happiness for you as we see it. As with any friendship, you are free to make your choices, but at least you have other perspectives to look at to when you need them. We are affected by your life because we all see ourselves in you. Sana nga may happy ending ka sa lovelife para naman we can also dream of the same thing in our own life. My only WISH - mag blog ka naman araw-araw para masaya ang lahat. Thanks again Mandaya. Be happy always!
Spread love not war
sana mas maraming panyo yung bago niya!
kalowka.
ito ang ultimate interactivity - your blog readers are influencing your decisions even on affairs of the heart (o loins lang ba?)
in the words of blagadag, bungga!
Ano ba? Chaka din talaga ang MP3 from China? What's the fuzz all about? Chaka, buki, baduy, funny, kataw-anan. So?????
And the way it was written, funny talaga!
This relationship is so passe. i've read the blog and City Babe and you
started January 10 and ended June 3. So interesting... you have a new guy. Good for you, Mandaya! Keep it up.
Post a Comment