Wednesday, August 26, 2009

Hilaw

Hindi ako nakatulog agad matapos kong sabihan syang matulog na kami. Paano ba naman, e nag-attempt pa syang hipuan ako habang ako'y nakahiga.


"Matulog na tayo, umaga na," sabi ko, sabay kuha ng unan para i-cover sa aking harapan.



Hindi ako nandidiri sa kanya. Kasalanan ko ang lahat. Naninibago lang ako sa ganitong arrangement. Hindi ako sanay makipagharutan sa isang MAYA.


Ilang oras din kaming natulog. Sya ang naunang magising.


"Magsasaing ako, gusto mo?" tanong nya sa akin.


"Sige, ikaw na bahala dyan. Tinatamad akong bumangon," sagot ko.


Sa aktong kumukulo ang sinaing nya, naubusan ng gasul.


"Wag mo ng buksan para di lumabas ang init," sabi nya.



Hinanap ko ang number ng LPG delivery, di ko makita.



Kalahating oras ang dumaan, di ko pa rin mahagilap ang number ng LPG delivery.



"Gutom ka na?" tanong ko.


"Medyo," sagot niya.


"Magbukas ka na lang ng de lata," sabi ko.


"Yung itlog na pula at kamatis sa ref na lang," sabi nya.


"Sige. Mamaya na ako kakain, di pa ako gutom," sabi ko.



Tiningnan ko ang sinaing nya.


"Hindi to hilaw?" tanong nya.


"Hindi, luto yan," sagot nya.



Naghain sya. Prinipare ang itlog na maalat with tomatoes. Umupo sa mesa. Inumpisahan ang kanyang brunch.



"Medyo hilaw pa nga ang kanin," sabi nya.


"Sabi ko naman sa yo e," sagot ko.


Ewan ko at kung ano pumasok sa utak ko at dinugtungan ko pa ito ng: "OK lang yan, MAYA ka naman. Kumakain nga kayo ng palay di ba?"


Isang mabilis na "He!" lang ang sinagot nya.


Ako naman, isang pagkalakaslakas na tawa.

Sunday, August 23, 2009

Hindi na ako sanay

May dini-date ako ngayon. Bata. Mabait naman.


At noong Sabado ng umaga, galing sa inuman, umuwi kami sa bahay.


Magkatabi sa kama, alam kong nagkukunwari syang tulog. Ganon din kasi ang ginawa ko. Hanggang sa nagdrama syang gumalaw, ngayon ay nakaharap na sa akin. Sobrang lapit na na pati pintig ng puso nya ay ramdam ko. Alam ko ang nararamdaman nya, pinagdaan ko na ito— yung tipong gusto mong gumawa ng move pero nahihiya ka, natatakot ka.


Tinulungan ko sya— umuusog din ako papalapit sa kanya. Idinantay nya ang kanyang braso sa akin. Ginawa ko rin ito. Para kaming magkayakap.

Inunahan ko na sya, dahan-dahan kong pinaandar ang aking mga daliri— hinimas ang kanyang likod, paakyat hanggang batok. Pababa naman hanggang sa garter ng kanyang briefs. Pinuntahan ko rin ang kanyang tagiliran. Nagtagal doon. Napaungol sya. Nakangisi ako.


“Eto pala ang gusto mo ha?” napaisip ako.


Inayos ko ang pagkahiga niya. Inumpisahan ang seremonyas. Dinilaan ang kanyang utong. Magkabilaan. Sinipsip ang mga ito. Palipat-lipat. Gusto nya ang ginagawa ko.


Bumaba ako. Pusod naman ang target. Dinilaan ko ito. Sinukat ang lalim nito. Pero syempre, tiningnan ko rin kung malinis ba. Kung wala bang libag na naipon, naninigas. Wala.


Sa tagiliran naman. Magkabilaan uli. Palakas nang palakas ang ungol nya. Ginanahan ako lalo.


Bumaba ako. Sa hita naman ngayon.


“Huwag dyan,” nasambit nya.


“Bakit?” tanong ko sabay check kung may mga di kaaya-ayang skin disease na di nya gustong makita ko, wala naman.


“Sobrang kiliti. Di ko kaya,” sagot nya.


“Kaya mo yan,” sabi ko.


“Please,” pagsusumamo nya.


“Focus ka lang,” sabi ko.


Inumpisahan ko sa kaliwang hita, pababa sa tuhod. Napabangon syang bigla.


“Di ko kaya ang kiliti,” sabi nya.


“Tiisin mo. Kadayawan naman ngayon e. Ito ang thanksgiving celebration natin sa bountiful harvest,” sabi ko.


Tumawa sya. Tinuloy ko ang aking ginagawa. Sa kabilang hita naman. Pati ang kabilang tuhod. Lalong lumakas ang ungol nya.


Umakyat uli ako. Sa magkabilang tagiliran. Sa pusod. Sa mga utong. Akyat –baba. Kaliwa’t-kanan. Dila. Sipsip. Kagat. Nagmistulang paintbrush ang aking dila. Nagmistulang kalaykay ang mga ngipin.


Naging palaban sya. Panakaw din ang mga pagdila, ang mga pagsisip. Gumana rin ang kanyang mga kamay.


At noong papaakyat na ako sa leeg niya-- at ang ultimate target na tenga -- may ginawa syang nagpatigil sa akin.


Tumigil ako sa ginagawa at sinabing: “Tulog na tayo.”


Alam kong nabitin sya. Pero sana ay huwag nya akong sisihin. Sa aking mga huling relasyon -- Kulot, Babe in the Bukid, Babe in the City at Ranger -- never nilang dinakma ang aking titi.


Hindi na ako sanay.

Wednesday, August 19, 2009

Videoke

Nag-videoke ang mga bakla noong huling uwi ko sa bukid.


Di naman sa pambabastos sa Necrological Services ni Tita Cory, pero napagkaisahan ng mga bakla na dapat lahat ng kakantahin ay pangpatay.


Eto ang listahan ng aming pinindot sa videoke machine:


Hindi Kita Malilimutan by Patricia


Heal the World by Glydel


You Raise Me Up by Fiona


Tanging Yaman by Red


Bayan Ko by Mandaya


At ang huling kanta: Lupang Hinirang (group singing with kamay sa dibdib).


Seryoso ang mga bakla na ito ay isang tribute sa yumaong dating presidente. Walang halong katarantaduhan.



Eto sila




Pero noong matapos na ang aming "Neurological Service," iba ang pagkaintindi ng mga nakarinig.


Pauwi, napadaan kami sa internet cafe kung saan tinanong kami ng isang binata ng: "Bakit ganon ang mga kanta nyo? Para ba yon kay Fiona?"


"At bakit naman para sa akin?" tanong ng bakla.


"Kasi may sakit ka raw," sagot ng binata.


"Sino may sabi?" tanong uli ng bakla.


"Yan ang tsismis sa high school," sagot uli ng binata.


"At ano naman ang tsismis sa high school?" tanong ni Fiona.


"Na may sakit ka nga," sagot ni binata.


Opo, kalat na ang tsismis. Opo, tsismis pa lang po.


Pinabalik kasi si Fiona sa health center. Ang sabi, kailangan nyang pumunta sa Mati City, kung saan naandon ang opisina ng Philippine National Red Cross. Kailangan daw ng resampling sa kanyang dugo.


Ilang linggo na'ng kinakabahan ang bakla. Di pa sya ready para sa resampling. Ilang linggo na rin syang di umiinom ng alak o kumakain ng karne -- yon kasi ang sabi ng taga-health center sa kanya.


Ayon pa sa bakla, ngayong linggo daw sya pupunta ng Red Cross. Wala pang balita sa bakla.





Sya nga pala, nasa Facebook na ako. Sa tulong ni Ken Lee, binuksan nya ang FB account ni Mandaya Moore.




Sushal na ako!

Tuesday, August 11, 2009

Mandayettes

Sila ang mga Mandayettes. Mga readers ko daw sila. Tatlong UP Mindanao students.

Ang isa sa kanila ay estudyante ni Johnnypanic, na mukhang ayaw talaga ng mga Diyosa na ipagtagpo ang aming landas. Hoy! Paalis ka na, di pa rin tayo nagkikita.


Enjoy ako sa piling ng mga bagets na ito. May laman ang mga bunbunan. At ang daming tanong.


Si Vince at si Jepoi




Pero kinabog sila ni Ken Lee na natulog sa bahay ko. Eto sya sa green sofa suot ang shorts at sando ni Kulot



Sa mga Mandayettes: Salamat sa pagbabasa.

Thursday, August 6, 2009

Istorbo

"Magpapakapal na ako ng mukha, magpapatulong sana ako sa yo," ang text ni Kulot sa akin.


"Bakit na naman?" tanong ko.


"Masakit pa kasi dibdib ko. Di pa rin ako makagalaw ng maayos," sagot niya.


"Tapos, ano gusto mo mangyari ngayon?" tanong ko uli.


"Magpapatulong sana ako. Gusto kong magpacheck-up. Kung pwede," sagot nya.


Pinindot ko ang celphone. Matagal. Complete paragraph ang message ko.


"Tumulong na ako. Pero anong nangyari? Ako pa ang lumabas na masama. Dapat kasi sikreto yon. E sinabi ni Malyn sa yo. Tapos, sinabi mo sa GF mo. Nagalit sya. Ako na nga ang tumulong, sa akin pa sya nagalit. E di sa kanya ka humingi ng tulong," ang pinadala kong reply.


OO, nalaman ni Kulot na nagpadala ako ng pera para sa x-ray at gamot niya. Pinaalam ito ng pinsan nyang si Malyn. At noong nagtaka ang putang GF nya kung saan sya kumuha ng pera para sa check-up gayong wala naman syang trabaho, sinabi ni Kulot ang totoo.


"Kumalampag ang bilat," text ng isang kakilala sa akin ilang araw matapos ang Mandaya-sponsored x-ray exams ni Kulot.


"Bakit na naman?" tanong ko sa texter.


"Kasi nalaman nya na pera mo ang ginamit para sa x-ray," sagot nya.


"At sinong may sabing nagpadala ako ng pera?" tanong ko.


"Inamin ni Kulot," sagot nya.


Pero ako, hindi ko inamin ang totoo. Sinagot ko na lang ang texter ng "wala akong paki sa kanila."




"OK na yon. Pinaintindi ko sa kanya. Hindi naman sya nagalit, nag-init lang ang ulo nang malaman nya ang totoo," sagot ni Kulot sa mahaba kong text.


"Tapos ngayon, sa akin ka hihingi ng tulong?" tanong ko.


"Kung pwede sana," sagot nya.


"Tapos na akong sa kalokohang yan. Ayoko na ng gulo. Istorbo lang kayo sa akin," text ko.


Matagal bago sya nakapag-reply ng "OK lang. Salamat pala sa tulong mo. Sori din kung di nasunod ang gusto mo na isekreto ang lahat."


Nag-sorry sya. Pero sa isip, ibang kasalanan ang hinihingan nya ng kapatawaran. Hindi na ako nagreply.

Tuesday, August 4, 2009

Paalam

Noong Sabado ng umaga ginising ako ni Ranger para sabihin ang isang masamang balita.


"Gising na dyan, patay na si Cory," sabi nya.


"Ha?" tanong ko.


"OO, patay na si Cory. Magkape ka na, nagpakulo na ako ng tubig," sabi nya.


Masamang balita nga. Hindi ko alam kung mas masama pa ito sa mangyayari sa gabing iyon -- paalis kasi si Ranger. Tatlong buwan syang mawawala. May training sa Cavite.


Kasalanan ko ang lahat. Kung di ko ba naman sya tinuruan kung paano isusulat ang essay niya sa isyung "Your Ideal Presidentiable," di sana nya naipasa ang exams sa unang hakbang para sa kanyang pangarap maging opisyal.


Isang buwan ko ng tinatago ang nararamdaman ko sa kanyang pag-alis. Ang totoo, hindi ko alam kung ano nga ba ang nararamdaman ko-- parang masakit na hindi.


"Tatlong buwan lang naman," sabi ko noon sa sarili.


Pero habang nagtu-toothbrush kami matapos mag-agahan noong Sabado, sinabi ni Ranger na "mami-miss ko ito."


"Ang ano?" tanong ko.


"Itong ginagawa natin," sabi nya.


At dahil hindi nga ako sigurado sa nararamdaman, sabi ko: "Sige lang, maghahanap agad ako ng kapalit mo."


Dinilatan lang nya ako.


Magtatanghali na nang umalis sya.


"Uwi muna ako sa kampo para mag-empake. Sa airport na lang tayo magkita mamayang gabi," sabi niya.


At sa airport nga kami nagkita. 9:45 p.m. ang flight niya. Alas Otso pa lang e nasa airport na kami. Matapos mag-check in, lumabas sya.


Nag-usap kami. Inubos ang nalalabing oras na magkasama. May nagtext, di ko pinansin. Para sa kanya ang oras na ito.


Noong papalapag na ang eroplanong sasakyan nya, nagpasya akong umalis.


Walang kiss. Walang yakapan. Walang handshake. Tanging "ingat" lang ang nasabi namin para sa isa't-isa.


Hindi mabigat ang loob ko sa kanyang pag-alis.


"Tatlong buwan lang naman," paalala ko uli sa aking sarili.


Sa loob ng taxi, may nagtext. Nakangisi ako. Sa isip ko, na-miss na agad ako ni Ranger.


Hindi si Ranger ang nagtext. Si Kulot.