Noong Sabado ng umaga ginising ako ni Ranger para sabihin ang isang masamang balita.
"Gising na dyan, patay na si Cory," sabi nya.
"Ha?" tanong ko.
"OO, patay na si Cory. Magkape ka na, nagpakulo na ako ng tubig," sabi nya.
Masamang balita nga. Hindi ko alam kung mas masama pa ito sa mangyayari sa gabing iyon -- paalis kasi si Ranger. Tatlong buwan syang mawawala. May training sa Cavite.
Kasalanan ko ang lahat. Kung di ko ba naman sya tinuruan kung paano isusulat ang essay niya sa isyung "Your Ideal Presidentiable," di sana nya naipasa ang exams sa unang hakbang para sa kanyang pangarap maging opisyal.
Isang buwan ko ng tinatago ang nararamdaman ko sa kanyang pag-alis. Ang totoo, hindi ko alam kung ano nga ba ang nararamdaman ko-- parang masakit na hindi.
"Tatlong buwan lang naman," sabi ko noon sa sarili.
Pero habang nagtu-toothbrush kami matapos mag-agahan noong Sabado, sinabi ni Ranger na "mami-miss ko ito."
"Ang ano?" tanong ko.
"Itong ginagawa natin," sabi nya.
At dahil hindi nga ako sigurado sa nararamdaman, sabi ko: "Sige lang, maghahanap agad ako ng kapalit mo."
Dinilatan lang nya ako.
Magtatanghali na nang umalis sya.
"Uwi muna ako sa kampo para mag-empake. Sa airport na lang tayo magkita mamayang gabi," sabi niya.
At sa airport nga kami nagkita. 9:45 p.m. ang flight niya. Alas Otso pa lang e nasa airport na kami. Matapos mag-check in, lumabas sya.
Nag-usap kami. Inubos ang nalalabing oras na magkasama. May nagtext, di ko pinansin. Para sa kanya ang oras na ito.
Noong papalapag na ang eroplanong sasakyan nya, nagpasya akong umalis.
Walang kiss. Walang yakapan. Walang handshake. Tanging "ingat" lang ang nasabi namin para sa isa't-isa.
Hindi mabigat ang loob ko sa kanyang pag-alis.
"Tatlong buwan lang naman," paalala ko uli sa aking sarili.
Sa loob ng taxi, may nagtext. Nakangisi ako. Sa isip ko, na-miss na agad ako ni Ranger.
Hindi si Ranger ang nagtext. Si Kulot.
Tuesday, August 4, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
23 comments:
The return of the comeback!!!
Confuse ang drama ng lola mo! the plot is getting exciting!
I'm sure may naramdaman kang kurot sa pyuso mo. Punyeta talagang pyuso na yan oo. Hmpppp!!!! Makaalis na nga!
ay, poetic justice?????
aray ko! balikan ba ate? hmmm
And the plot thickens!
Magandang hapon, Mandaya Moore. Bago lamang akong taga-subaybay sa iyong blog subalit gayunpaman, naintindihan ko kaagad kung bakit napakarami mong tagasubaybay at tagahanga.
Kanina lamang ay napapa-isip ako kung paano na nga ba si Kulot - and now, betcha by holy cow!
Masugid kong aabangan ang susunod na kabanata.
Ang iyong pinakabagong tagasubaybay.
PS "Saing" ba talaga ang word verification? Bwahahaha o siya, sana'y masarap nga ang panibagong sinaing na ito.
ay, nakakabitin! anong sabi ni Kulot?
Ano? Hoy, basahin mo ulit kung sino ang nag txt? At bakit ka napangiti? Hala? Ano ba ito Lord? Ang gulo na ng mundo. Ang gulo na ng isipan ko, pati nababasa ko.
"mami-miss ko ito."
"Ang ano?"
"Itong ginagawa natin,"
---kakakilig... sana may magsabi rin sakin nito.. :)
Nararamdaman ko na torn apart ka within ah.
awww... :(
ayyyy!!! winner jud ka byot as in....nagparamdam c kulot!
ayaaan!!!! umpisa na uli ng makulay na "historia de un amor" nina mandaya at kulot!
sigurado ako, nang mabasa mo na galing kay kult ang text, kumislap ang iyong mga mata, kumislot ang iyong puso, at kumirot ang iyong......(censored)!
haaay!!! "love is lovelier....the second time around........"
hahaha! galing talaga... dyan ako saludo sa mga twist mo!
mami!!!!! ang kwento mo parang kwento ng komiks. heheheh
Hahahah... that's ironic... mukhang hinuhunting ka pa rin ni kulot.. eheheh...
Nakakalungkot nga lang na iniwan ka na ni ranger... pero kung babalik sya matitiis mo bang walang dyug ng 3 months? matagal yun ah hehe
Hay buhay... Truly, when one closes a door, he opens a window. The eternal question again for you Mandaya, "to be or not to be" Sagot ko, "to be". Bahala ka na mag-isip. Just be happy.
How did you feel when you received the text? By the way, what is the text all about? (chismosa eh no)
3 months is long.. mahabaaaang panahon lalo na kung miss na miss mo na ung tao... Just stay still, you're tough enough, carry mo yan!
vekla, gustong-gusto ko talaga mga punchlines mo. yung mag-eending na yung istorya mo....biglang me blagadag....grabe talaga ever...
well, ako'y litong-lito na sa convolutions ng plotline mo....sino ba talaga ate? si ranger ba o si kulot......
alam mo, me istorya rin ako sa buhay. meron din ako noon....pero naghiwalay na kami...meron na ako ngayon....masaya na ako sa kanya...pero recently, me nag-email sa akin. sabi, "pare write back kung mabasa mo e-mail ko na ito. yup i'm the one." ma-take mo. naexcite ako. me pumitlag sa aking dibdib.
kaya naiintindihan kita ever....pag matamis ang nakalipas at me pagmamahal na kaakibat, mahirap itapon ang damdamin maski taon na ang nakalipas.
hala, mandaya goodluck..alam ko puso mo rin ang magbibigay ng tamang kasagutan sa iyo.
nakakaloka!
ingat te.. hindi imposibleng magkasala lalot 3 buwan lang :P
libing na ni cory today
tandaan kapag may umaalis, asahang may darating. wag padalos-dalos sa mga desisyon na gagawin mu, pag-isipan mabuti..
been there done that....but remember ur happier now, matured and learned...u have the choice..go back to the past or move on and enjoy the future...i always choose the my future...goodluck
hi... basta ang masasabi ko lang u got everything u need, its like ur in Charlies Chocolate factory,u always have the choice and u always find the better and the yummiest!
Anyways! teh kaw na jud ang mag decide ana kay ikaw amn ang gamhanan ana pa ang mananagna... heheheheh
"ingat"
Post a Comment