Wednesday, 19 August 2009

Videoke

Nag-videoke ang mga bakla noong huling uwi ko sa bukid.


Di naman sa pambabastos sa Necrological Services ni Tita Cory, pero napagkaisahan ng mga bakla na dapat lahat ng kakantahin ay pangpatay.


Eto ang listahan ng aming pinindot sa videoke machine:


Hindi Kita Malilimutan by Patricia


Heal the World by Glydel


You Raise Me Up by Fiona


Tanging Yaman by Red


Bayan Ko by Mandaya


At ang huling kanta: Lupang Hinirang (group singing with kamay sa dibdib).


Seryoso ang mga bakla na ito ay isang tribute sa yumaong dating presidente. Walang halong katarantaduhan.



Eto sila




Pero noong matapos na ang aming "Neurological Service," iba ang pagkaintindi ng mga nakarinig.


Pauwi, napadaan kami sa internet cafe kung saan tinanong kami ng isang binata ng: "Bakit ganon ang mga kanta nyo? Para ba yon kay Fiona?"


"At bakit naman para sa akin?" tanong ng bakla.


"Kasi may sakit ka raw," sagot ng binata.


"Sino may sabi?" tanong uli ng bakla.


"Yan ang tsismis sa high school," sagot uli ng binata.


"At ano naman ang tsismis sa high school?" tanong ni Fiona.


"Na may sakit ka nga," sagot ni binata.


Opo, kalat na ang tsismis. Opo, tsismis pa lang po.


Pinabalik kasi si Fiona sa health center. Ang sabi, kailangan nyang pumunta sa Mati City, kung saan naandon ang opisina ng Philippine National Red Cross. Kailangan daw ng resampling sa kanyang dugo.


Ilang linggo na'ng kinakabahan ang bakla. Di pa sya ready para sa resampling. Ilang linggo na rin syang di umiinom ng alak o kumakain ng karne -- yon kasi ang sabi ng taga-health center sa kanya.


Ayon pa sa bakla, ngayong linggo daw sya pupunta ng Red Cross. Wala pang balita sa bakla.





Sya nga pala, nasa Facebook na ako. Sa tulong ni Ken Lee, binuksan nya ang FB account ni Mandaya Moore.




Sushal na ako!

16 comments:

blagadag said...

add mo naman ako neng sa fb mo.

Blogie said...

Ang suwerte ko pala at na-witness ko ang pag-activate ng FB account mo. ;)

kumagcow said...

Ano name mo sa facebuk na sushal? heheh

Nako ah may sakit pala yun napano na yun.... H1N1?

Prosti said...

"Neurological Service" LOL

Lyka Bergen said...

Oh no. What's wrong with my fave, Fiona?

cronwell said...

nakaka-kaba naman yung kay Fiona. Sana hindi yun yong iniisip ko. please tell Fiona to pray hard

reyna elena said...

kaya pala taka ako! ba't umabot ang barrio mandaya sa fezbuk ko? hahaha! i was checking ang i wanna make sure na ikaw nga yon!

mrs.j said...

nakakatuwa marunong ka na te! :P ching

Bonsai Makisig said...

unsa d i sakit fiona?......

kulbaa pod ana oi.....

may naiisip ako anu kaya yun......?

mandaya unsa d i?

Anonymous said...

just discovered your blog recently and really admire your style of writing. been a fan since then.

ciao :)

Hasmin Navoa said...

ma-add nga ang lola ko :p

SOIEBEANS said...

kiat pag taman ken lee.

Bonsai Makisig said...

a. hephep hurray

b. STD siphilis

c. AIDS (wag naman sana)

d. Low Red Blood Cells (impossible)

e. HB raised to the second power

f. baka naman natapon lang or nawala kasinatanggal ang sticker sa blood bag.

haynako fiona

GENE-use said...

napakadakila naman ni ken lee. naging friends din agad tayo sa pisbok. hehehe.

Loloy said...

mandaya..pag take na ug quizzes sa facebook para mo-comment ko. haha.

ranger said...

damak si ken lee.