Tuloy pa rin ang Kulot sa kanyang pagbe-bake.
Eto ang kanyang Apple Cinnamon Muffins
Eto naman ang kanyang Choco Chip Cookies
Nagluto rin sya ng kanyang melts-in-your-mouth na Leche Flan.
Sabi ko ang uling na kalan ang gamitin at baka maubos ang gasul.
At ang sobrang egg whites...
Waiting para matuyo...
Thursday, July 26, 2007
Sunday, July 22, 2007
Cleavage
Medyo busy ako ngayon. Nasa planning stage kami sa fiesta sa purok nina Kulot. Dahil president sya ng youth group sa kanila, sya ang mamumuno sa mga activities. At dahil ako ang first lady, todo suporta ako.
Pero ang totoo, parang kami talaga ang gagawa sa lahat ng trabaho. Siya ang in-charge sa open basketball league. Ako naman sa Male Model Search chuva. Nasa conceptualization stage pa lang kami.
Pinapaplanuhan na rin namin kung saan magso-solicit para sa mga prizes at gastos. Matagal pa naman ang fiesta, sa November pa. Pero dapat ngayon pa lang ay makapag-solicit na para di kami maipit pagdating ng panahon.
Dahil same purok sina Kulot at Red, si Red ang magiging choreographer/director ng Male Model Search Ek. Medyo nabubuo na ang plano para sa show.
Sa haba ng pag-uusap, napagod kami. Break daw muna.
At dahil busy nga, eto na muna: Sina Fiona, Red at ang cleavage ni Kaye.

Friday, July 20, 2007
MG
Kahapon, fiesta sa isang maliit na barangay sa kabilang town. Aabot yata ng isang oras na byahe mula sa amin ang layo ng barangay. Ang mga bakla nasanay na na tuwing fiesta doon ay may Miss Gay Pageant. Sugod sila para sumali.
Pero pagdating sa lugar, walang MG. Bakit? Walang budget ang barangay.
"Paano yan?" tanong ni Kirat sa mga bakla.
Paano nga kasi wala silang pamasahe sa bus pabalik. Nasanay na kasi sila na may backstage fee-- P50 per talunan.
"Umpisahan na natin ang paglalakad," sabi ni Red.
"Ano ka ang layo non," sabi ni Gylel.
"Kakausapin ko si Kapitan," sabi ni Kirat.
At kinausap nga niya ang barangay captain. Medyo matagal-tagal na negosasyon. At, napagkaisahan na magkakaroon ng MG. Pero ang prize money ay super liit na tama lang para pang bus fare ng mga bakla.
"Pwede na yan," sabi ni Red.
Matagal-tagal pa bago na set-up ang sound system para sa MG. Tulong-tulong ang ilang kalalakihan, binuhat nila ang "token" o ang videoke machine at nilagay ito sa tabi ng stage.
Inumpisahan na ang show. Rampa ang mga bakla. Ang music: Brother Louie. Rampa pa rin ang bakla. Natigil ang music. Nagpanic ang bantay sa videoke machine. Dali-daling itong naghulog ng dalawang piso, pindot sa keys at tumango sa mga bakla na tila bang sinasabing "OK na".
May music na uli. "Touch by touch, you're my all time lover. Skin to skin, come undone my cover."
Walang choice ang mga bakla. Kailangan nila ng pamasahe para makauwi. Rampa na lang sila.
Mabilis ang program. Di tulad noon na patagalan sa stage ang mga bakla. This time, isang rampahan lang. Ang introduction nila, pinaikli. Lahat ng moves, sini-shortcut.
Walang talent portion. Wala na ring casual wear competition. Diretso sila sa swimsuit part na ang nanalo ay si Glydel. Sa evening gown, si Red naman ang win.
Dahil back to zero ang scoring, sumumpa si Kirat na sya ang mananalo sa question and answer portion.
Isa-isang tinawag ang mga candidates. OK naman ang mga sagot nila. Confident si Glydel na sya pa rin ang win. Ganon din ang feeling ni Kirat, mukhang tatalunin sya sa "Thank you for that very beautiful question" na opening line ni Glydel.
Akala lang ni Glydel yon. Matapos ang tanungan, meron pa pala.
"Meron po tayong final "final question," sabi ng MC.
"Ano raw?" tanong ni Glydel.
"Final, final question daw," sagot ni Red pero naka-smile pa rin habang naka-pose sa stage.
Ang Kirat, smile din. Sa isip niya, pwede pa syang bumawi.
"Actually, hindi po question. Isa pong task," sabi ng MC.
Opo. Task. Parang Pinoy Big Brother.
"At ang mananalo, sya ang mag-uuwi ng crown," dugtong ng MC.
Si Kirat ang nanalo. Sya ang hinirang ng winner ng crown.
Ang task: Pahabaan ng hinga. Patagalan sa pagsabi ng
"Happy Fiestaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa."

Wednesday, July 18, 2007
Cookie ng Ina Mo!
Alam ko, medyo di malinis ang pagluluto ni Kulot. Pero masarap naman syang tingnan. Para nyang sinasabi sa akin na: "Eat me."
Napagod sya sa katatayo. Ginawang career ang pagbe-bake. Inupuan ito.
Eto ang resulta. Kulang sa tsokolate. Ako, dahil sa pagmamahal, di nagpahalata na di nagustuhan ang kinain. Sabi ko: "Ang sarap, luto ka pa uli pero dagdagan mo ng tsokolate para magkakulay."

Friday, July 13, 2007
Light my fire
Sa pagluluto, dati eto ang gamit namin
Tapos, gumamit din kami ng ganito
Salamat sa blog ni Jun, nakabili kami ni Kulot kahapon ng
Kanina, sabi ni Kulot: "Magbe-bake ako ng chocolate cookies."
Mamaya, malalaman ko ang resulta.

Wednesday, July 11, 2007
Six Packs
Nabanggit na rin lang ni Bananas na tumaba si Kulot...
"Bakit mataba ka," tanong ko sa kanya.
"Sinong di tataba e puro kain na lang ang ginagawa ko," sagot niya.
"Pero naglalaro ka naman ng basketball. Naglalaro ka ng badminton paminsan-minsan. Tapos ang dami mo pang ginagawa tulad ng pag-ayos ng kusina. Sobrang pawis din yon," sabi ko.
"E ganito talaga ang katawan ko," giit niya.
Anong ganyan talaga ang katawan mo?" tanong ko.
"Matubig," sagot niya.
Ayaw kong maniwala.
Eto ang kulot.
Hindi ko sya tinigilan. Sabi ko dapat matipuno ang katawan niya. Dapat matupad ang pangarap kong maka-boyfriend ng macho, as in muscles and abs.
"Hindi nga pwede," sabi niya.
"Bakit nga?" tanong ko.
"Kasi may diperensya ang katawan ko," sagot niya.
Eto ang kwento nya. Noong bata pa raw sya, habang naglalaro sa tapahan (kung saan niluluto ang copra), nahulog siya. At sa kanyang pagbagsak, nauna ang kanyang pwet.
"E anong koneksyon non sa di ka pwedeng magka-abs?" tanong ko.
"Kasi, noong nahulog ako, naramdaman kong umakyat ang balakang ko," eksplika nya.
"Ha?" tanong ko uli.
"Parang umakyat yung balakang ko, parang lumapit sya sa ribs ko,' sagot nya.
"E ano nga ang kinalaman noon sa di ka pwedeng magka-abs?" kulit ko sa kanya.
"Kukulangin," sagot niya.
"Ang ano?" tanong ko.
"Ang abs," sagot niya.
"Ha?" ako uli.
"Hindi six packs. Baka four and a half packs lang," nakangising sagot niya.
Tinalikuran ko sya.

Tuesday, July 10, 2007
He's back!
Bumalik kahapon si Kulot. Happy na ako.
Ang totoo, um-attend lang sya ng leadership seminar na ini-sponsor ng simbahan. Presidente kasi sya ng Parish Youth Association sa kanilang purok.
Three days lang naman syang nawala pero nalungkot pa rin ako.
Alam ko, OA ako.

Saturday, July 7, 2007
DDD
Deep Down Depression
Everytime we say goodbye, I die a little,
Everytime we say goodbye, I wonder why a little,
Why the gods above me, who must be in the know.
Think so little of me, they allow you to go.
When you're near, there's such an air of spring about it.
I can hear a lark somewhere, begin to sing about it,
There's no love song finer, but how strange the change from major to
minor,
Everytime we say goodbye.

Friday, July 6, 2007
Huling El Bimbo
Depressed ako. Wala na si Kulot.
“Kailangang ba talagang umalis ka?” tanong ko habang nakahiga sa kama kagabi.
“OO nga e,” sagot niya, halatang nakukulitan na sa akin.
Inayos niya ang mga damit niya. Ipinasok sa bag. Pati “kikay pouch” ko hiniram niya para mapaglagyan ng toiletries nya. Itinuloy niya ang pag-empake. Di na mapipigilan ang pag-alis niya kinabukasan.
Kinabukasan, ready na sya. Nakapag-almusal na. Nakaligo na. Nakagayak na. Hinihintay na lang ang mga kasabay niya. Kinuha ang gitara. Tumutog. Punyeta!
“Kamukha mo si Paraluman,” kanta niya.
Wala sa tono.
“Nung tayo ay bata pa,” dugtong niya.
Wala pa rin sa tono.
Sumingit ako: “A pagdating sa Paraluman. C pagdating sa Nung.”
Inulit niya.
“Kamukha mo si Paraluman,” ulit niya.
Nasa tono. Nasa tiempo.
“Nung tayo ay bata pa,” dugtong uli niya.
Ganon din. Nasa tono. Nasa tiempo.
“At ang galing-galing mong sumayaw,” itinuloy niya.
Sala na naman.
“G pagdating sa Bata,” sabi ko.
Tumingin sya sa akin at sinabing: “Ay OO nga pala.”
At, Mahabaging Diyos, inulit na naman ang kanta.
“Kamukha mo si Paraluman,” kanta nya.
Sumingit uli ako: “Ikaw mag-gitara at ako ang kakanta.”
“Kamukha ko si Paraluman,” kanta ko.
Magdadalawang linggo ng ganito ang nangyayari. Magdadalawang linggo na nyang pinapraktis ang “Huling El Bimbo” ng Eraserheads pero wala pa rin. At sa tuwing pumapalpak ang kanyang pag-gitara, ako ang kanyang pinapakanta. Ako naman, kanta.
Pero ngayon, pinakita ko sa kanya na naiirita na ako.
“Nakakarindi na sa tenga ang kantang yan. Araw-araw na lang ako ang pinapakanta mo,” sabi ko.
“Nahihirapan kasi akong ipagsabay ang pag-gitara at pagkanta,” sagot niya.
“Ayoko ng kumanta,” sabi ko.
“Sige na, last na to,” sabi niya.
Iyon na ang kanyang huling "Huling El Bimbo."
Kaninang umaga, umalis si Kulot.

Tuesday, July 3, 2007
Fiona
Eto si Fiona kung naka swimsuit.
This time, hindi buto ng langka ang lumabas.
OO, medyo malapad ang katawan niya. OO, medyo malapad ang mukha niya. Kaya nga ang tawag sa kanya ay Judy Ann o Juday.
Lumiit na nga sya nyan.
"Si Juday ba yan?" tanong ko.
"Pati aso napalingon," dugtong ni Red.
Nakisali si Kulot. Hindi raw Fitrum ang iniinom ni Fiona.
Eto raw.

Sunday, July 1, 2007
Langka
May na-harvest kaming bunga ng langka sa aming orchard. Chuva lang ang orhard, nag-iisang puno ng langka sa likod ng aming maliit na bahay. Matamis sya. Juicy. At ang laman, medyo matambok.
"Sarap nya no?" sabi ko kay Kulot.
"Paanong di sasarap e katabi lang ng septic tank ang puno," dugtong niya.
Nawalan ako ng ganang kumain.
Yung dalawang hiwang maliit ay para sa aming consumption. Yung malaki naman ay para recado sa halo-halo.
At dahil tulog pa si Kaye, napagkaisahan na paglaruan sya.
Pero may kwento tungkol sa langka ang mga bakla.
Last year, naimbitahan silang magperform sa isang party ng isang barangay. Kaya ang apat na bakla, kahit di naman talaga mga performers, napa-OO kasi may bayad.
Eto ang nangyari.
Ang unang number ay kay Princess Fiona alias Juday. "It's Raining Men" ang kanyang number. Ang costume ng bakla-- swimswit na nilagyan ng beads.
Dance ang Fiona. At dahil buong lawn ang stage, sinamahan pa niya ito ng tumbling, cartwheel at split. At sa kalagitnaan ng lipsynching at sayaw niya, nakita niya ang puno ng langka. Inabot ang isang sanga at naglambitin.
Natapos ang number ni Fiona. Susunod na sana si Red nang biglang lumapit ang may birthday-- si Mrs. Santos.
"OK na yon," sabi ni Mrs. Santos
"Meron pa kaming tatlong numbers Madame," sagot ni Red.
"Hindi, OK na yung isa," mabilis na sagot ni Mrs. Santos.
"Ha?" tanong ni Red, na atat na atat ng sumayaw.
"OK na yon. Eto ang bayad. Kain na kayo at ipapahatid ko na kayo sa tricycle," sabi ni Mrs. Santos.
Nagtaka ang mga bakla at bakit biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Pinapakain na sila at sinabihan pang ipapahatid na. Ibig sabihin non, pinapauwi na sila.
At umuwi nga ang mga bakla.
Makalipas ang ilang araw, nakita ni Red si Mrs. Santos at kinausap ito.
"Madame, bakit naman di nyo pinatapos ang numbers namin?" tanong ng bakla.
"Aaaaaaa," nahihirapang sumagot ang matanda.
"Di nyo ba type ang sayaw?" tanong ni Red.
"Maganda naman ang sayaw e," sabi ni Mrs. Santos.
"Ano pala ang naging problema?" tanong na naman ni Red.
"Kasi habang sumasayaw si Fiona, noong time na nakasabit sya sa puno, may nakita ako," sagot ni Mrs. Santos.
"Ha? Ano?" tanong ni Red.
"May lumabas sa pagitan ng hita niya, at alam kong hindi yon buto ng langka," mabilis na sagot ni Mrs. Santos.
Walang masabi ang Red. End of conversation.

Subscribe to:
Posts (Atom)