Wednesday, 11 July 2007

Six Packs

Nabanggit na rin lang ni Bananas na tumaba si Kulot...

"Bakit mataba ka," tanong ko sa kanya.

"Sinong di tataba e puro kain na lang ang ginagawa ko," sagot niya.

"Pero naglalaro ka naman ng basketball. Naglalaro ka ng badminton paminsan-minsan. Tapos ang dami mo pang ginagawa tulad ng pag-ayos ng kusina. Sobrang pawis din yon," sabi ko.

"E ganito talaga ang katawan ko," giit niya.

Anong ganyan talaga ang katawan mo?" tanong ko.

"Matubig," sagot niya.

Ayaw kong maniwala.


Eto ang kulot.

Hindi ko sya tinigilan. Sabi ko dapat matipuno ang katawan niya. Dapat matupad ang pangarap kong maka-boyfriend ng macho, as in muscles and abs.

"Hindi nga pwede," sabi niya.

"Bakit nga?" tanong ko.

"Kasi may diperensya ang katawan ko," sagot niya.

Eto ang kwento nya. Noong bata pa raw sya, habang naglalaro sa tapahan (kung saan niluluto ang copra), nahulog siya. At sa kanyang pagbagsak, nauna ang kanyang pwet.

"E anong koneksyon non sa di ka pwedeng magka-abs?" tanong ko.

"Kasi, noong nahulog ako, naramdaman kong umakyat ang balakang ko," eksplika nya.

"Ha?" tanong ko uli.

"Parang umakyat yung balakang ko, parang lumapit sya sa ribs ko,' sagot nya.

"E ano nga ang kinalaman noon sa di ka pwedeng magka-abs?" kulit ko sa kanya.

"Kukulangin," sagot niya.

"Ang ano?" tanong ko.

"Ang abs," sagot niya.

"Ha?" ako uli.

"Hindi six packs. Baka four and a half packs lang," nakangising sagot niya.

Tinalikuran ko sya.

18 comments:

arlo said...

mother fields nahahawahan mo na si kulot... namamuchline na rin. weheheh

jun of zerogravity said...

nababasa ba ni kulot itong mga blog mo? panong papayat yan binilhan mo pa ng gas range?

jc.guiyab said...

hahaha aliaw naman si kulot

parang type ko na sya kasi ang cute ng sense of humor n'ya

makadalaw nga one time sa bukirin mo miss mandy at matulungan mag ka abs yang si kulot...

JOKEEEEEEEEEEEEEEEEEE

HEHEHHE

PEACE MANDY!

Kitsune said...

Ganda ng katawan ni kulot ah.

empress maruja said...

Hay naku, naalala ko yung isa kong encounter. Ang sabi ba naman habang binboda key:

"Baka mabaog ako huh!"

Ay leche! CHOS!

aryo said...

Ang gulo nyo mag-usap! Bagay nga kayo mag-asawa! :-)

MANDAYA MOORE: Ang bayot sa bukid said...

arlo, jc, ganyan talaga ang kulot may mga hirit na di ko alam kung saan galing

jun, alam nyang may blog pero di pa nya nababasa; at ang gas range, bibilhin namin ngayong hapon

kitsune, maganda ang katawan ni kulot kung naka-tshirt. pero kung nakahubad, matubig nga.

empress, meron din mga lalaki na ang line e: "Wag mong hipan at baka magbara."

pwede ba yon? kaya nga sinabing suck e

aryo, imagine mo na lang na araw-araw na ganyan ang exchanges namin ni kulot

Tonskie said...

kamusta! sister!! kala ko nawala ka na!!!!

jase said...

Ayyy... tumataba ang Kulot sa yung pagmamahal Day !!!

Eyktually, mas gusto ko nga ang majubas jubas, kaysa jupatot!

Kiks said...

funniness! mas masarap talagang maging bakla sa bukid!

MANDAYA MOORE: Ang bayot sa bukid said...

tonskie, nawala lang ako sandali.

jase, actually, gusto ko rin ang katawan niya ngayon. pero, at isa itong malaking pero, kung may pag-asang magka-abs siya, go ako.

kiks, korek! napagod na ako sa pagiging city gay

-=mink_blink=- said...

panalo si kulot ah, baka nga 5 na lang nga yung packs nya. hehehe

peace po!

netherchild said...

Haha hindi naman panget ang katawan niya ah, ok lang. Pero better siguro kung mag exercise siya anoh, may ihuhubog pa yan. Tsaka pwede na rin ang 4 1/2 abs wahahaha.
Pagtyagaan mo na, at least may abs kesa sa mukhang butete.

goddess said...

natutuwa talaga ako lagi sa mga sagot ni kulot..

nakakaasar na nakakatawa!

minsan parang wala sa sarili si kulot..

ikaw kasi eh, ndi mo kasi sinabi kay kulot ang gusto mo eh! HINDI NGA KAYA MAGKA-ABS.. mga 4 o 5 packs lang! LECHE!!!

pero effective ang kulot ah..

Lyka Bergen said...

Six Packs of Marlboro Lights... bigyan mo sya! Haaaaay!

Blogger 8508.0531 said...

o kaya six-pack na beer na lang.

gotta love the exchanges.

daniel palma tayona said...

wala akong masabi kay Kulot.
napaka-quotable ni Kulot.

pwede mong bigyan ng title na "Kulot's Quotes"

palakpak!!

br0wn_c0w said...

Yummy naman si kulot and his baby fats a! Parang sarap kurut kurutin ng love handles hahahah!