Monday, August 27, 2007

Estudyante Blues

Back to school kami ni Kulot. Dahil napahilig na rin lang kami sa pagbe-bake, nag-enrol kami sa cooking and baking class sa isang school sa city. Hindi sosyal ang school. Ang totoo, mura lang sya. P800 ang registration at P160 per session. Saturdays lang ang klase. Buong umaga. Twenty sessions.

Ang ibig sabihin nito, tuwing Friday ang babyahe kami papuntang city para mag-aral kinabukasan. May titirhan na kami para sa mga Friday sleepover.

Ang ibig sabihin nito, lalawak ang aking kaalaman sa pagluluto. O di ba?

Ang ibig sabihin din nito, mapapadalas ang posts tungkol sa mga cookies, cakes at iba pang lafang.

Start ang klase namin sa darating na sabado. Naghahanda na ang Kulot. Lagi na itong nagbabasa ng mga cookbooks. Tinatanong sa akin kung ano ang tamang pagbigkas at kahulugan ng nga cooking terms tulad ng stir, mix, fold, mash, sift at iba pa.

Ako, naghahanda na rin. Nagpagawa na ako ng floral na apron. Ching lang.

Sabi kasi sa school, kailangan daw magdala ng apron, hairnet, hand towel at dish towel. Nakabili na ako -- blue ang kay Kulot, green ang sa akin. His and Hers ang dating. Pati towels nagmatch sa mga apron namin. Pero ang hairnet, black lang talaga ang available na kulay. Balak kong magpagawa, gusto ko yung may kulay, o di kaya may silver dust para kakaiba sa buong klase.

Ngayong Sabado, balik eskwela kami.

Ngayong Sabado, ipapakilala sa mundo si Isabella.

Tuesday, August 21, 2007

Inggit

"Pinasakay ko lang sya," ang explanation ng nakangising Sharon Cuneta sa katauhan ni Patricia.

Ang Chona, nagsorry sa akin pero di pa rin binawi na type nya ang Kulot.

Ang Kulot, kulot pa rin ang buhok. Walang pakialam.

Ako, sa loob-loob ko, OK lang kesa sa nangyari noong nasa city pa kami ni Kulot.

Eto ang kwento.

Noong nag-aaral pa ang Kulot ng Criminology sa city (hanggang first year lang sya), nag-rent kami ng aming love nest - isang maliit na bahay sa loob ng isang malaking compound. Mura lang ang upa. Malapit sa office ko. Isang sakay lang din sa school niya. Ang pinakamaganda, mabait ang landlady at pamilya niya.

Biyuda na ang landlady. Dalawang anak na lang ang nakatira sa kanya. At dahil wala ng bata, nag-ampon ito ng batang lalaki-- si David. Mabait din naman ang bata. Pero may kawalanghiyaan din sya.

Minsan, nagkukwentuhan kami ng katulong ng landlady.

"Alam mo, inggit na inggit si David kay Kulot," sabi ni Katulong.

"Bakit naman?" tanong ko.

"Kasi swerte daw si Kulot," sagot ni Katulong.

"Swerte?" tanong ko.

"Kasi lagi daw niya kasama ang Daddy niya," sagot ni Katulong.

Sunday, August 19, 2007

Si Chona

Siya ang bagong salta na bakla dito sa aming bukid. Galing siya ng Davao City. Si Me-anne ang nagdala sa kanya dito.

Si Me-anne, sa mga bagong mambabasa ng blog na ito, ay ang dating beautician sa aking parlor. Dati? Kasi last month ay umalis si Me-anne. Bigla na lang nagbago ang timpla ng ulo ng bakla.

"Aalis ako," nasabi niya sa akin.

"Bakit?" tanong ko.

"Bored na ako dito," tanging sagot ni Me-anne.

Di ko sya pinigilan. Alam ni Me-anne na itinayo ko ang parlor dahil sa kanya. Di ako marunong gumupit ng buhok. Wala akong alam sa mga make-up. At dahil sa bahay ko nakatira noon si Me-anne, naisipan kong magtayo ng parlor. Ang usapan namin, after two years pwede ko ng ibenta sa kanya ang parlor. OK naman sa kanya. Pero di umabot ng two years at nagpaalam sya na aalis. Di ko sya inaway. Di ko lang sya kinibo hanggang sa tuluyan na syang umalis. Di ko rin sya kinibo noong bumalik sya makalipas ang ilang linggo sa Davao City.

"Ano pala nangyari sa kanya sa city?" tanong ko.

"Pumalpak siguro," sagot ni Fiona.

Sa pag-alis ni Me-anne, si Fiona ang pumalit bilang beautician sa parlor. Si Fiona din ang pumalit sa kwarto ni Me-anne sa bahay.

"Hindi na sya pwedeng bumalik sa parlor," ang tanging deklarasyon ko.

"Ha?" tanong ni Fiona.

"Kasi unfair naman sa yo. Ikaw ang sumalo sa parlor noong umalis sya. Di pwedeng aalis ka dahil bumalik na sya," eksplika ko.

Alam kong makakarating ito kay Me-anne. Wala naman akong narinig na angal o ano man sa kanya. In fairness, tahimik lang din sya.

Pero sa pagbalik ni Me-anne sa aming lugar, dala-dala niya si Chona. Isang baguhang parloristang bakla. Ito ang kanyang alalay. Tagaluto, tagalaba at tagalinis sa maliit na inuupahang kwarto. Si Chona ay buong araw na naghihintay sa pagbabalik ni Me-anne mula sa isang parlor na kung saan sya ay isang part-time beautician.

Sa gabi lang gumagala si Chona, nakikibarkada sa mga bakla. At gabi-gabi rin niyang sinisiraan si Me-anne. Kesyo pangit daw ang ugali. Kesyo nauubos daw ang konting kinikita sa sugal. Kesyo di pa nababayaran ang renta sa kwarto. Kesyo mababa ang tingin sa kanya.

Eto lang ang sinabi ko kay Chona: "Kung ayaw mo, umalis ka. Pero habang nasa poder ka ni Me-anne, wag mo syang sisiraan sa amin. Hindi magandang ugali yan."

Tumahimik lang ang bakla. Pero di sya tumigil. Sumulat sya kay Kulot.

"Bakit mo naman sinulatan si Kulot?" tanong ko during the confrontation.

"Wala lang," sagot niya.

"Di mo alam?" tanong ko.

"Na ano?" tanong niya.

Mukhang di nga nya alam. Eto na yata ang epekto ng daily use of cheap make up.

"Ano pala akala mo sa aming dalawa?" tanong ko.

Tumingin sya kay Patricia.

"Sabi kasi ni Patricia, magkapatid daw kayo ni Kulot," sabi niya.

Di ko nagawang magalit.

Thursday, August 16, 2007

Ang Salarin

Hindi pala para sa akin ang love letter. Para pala ito kay Kulot. Syeeet!

Inalam ko kung kanino galing ang sulat. Ginamit ko ang aking natutunan noong ako ay isa pang angel ni Charlie.

At nalaman ko kung sino ang makapal ang mukhang letter sender. Si Chona.

Pinatawag ko si Chona for a confrontation na may kasamang sabunutan at sampalan. Pero di ito nangyari. Nang makita ko sya, natawa lang ako. Di ito ang tipo ng tao na dapat kong pagselosan. Dahil hindi ako sure kung tao nga sya.


Eto sya.



Chona with Patricia.

Monday, August 13, 2007

My Admirer

May dumating na sulat para sa akin. Dinala ng isang bata-- di ko kilala pero kilala ni Kulot.

Binuksan ko ito. Binasa. Feeling high school uli ako.





Tumawa lang ang Kulot.

"Sagutin mo," sabi nya.

"Nye, ayoko nga. Di ko nga kilala yan e," sagot ko.

"Ako na lang sasagot nyan," sabi niya.

Naghanap sya ng papel at ballpen. Pumunta sa mesa. Nag-isip konti. Nagsulat. Tumawa.


Eto ang sagot niya. Walang photo kasi pinadala nya kaagad sa "mailboy."



Hello!


I like you lang.

May kausap na ako. Hanap ka na lang ng iba.


It's me,

Lucky Me Instant Mami

Tuesday, August 7, 2007

Alinlangan

OO, nag-aalinlangan ako kung ano ba talaga itong nangyayari sa amin ni Kulot.

Nasanay na ako sa kanya. Nasanay na ako na walang public display of affection-- holding hands man o akbay.

Naalala ko nga minsan may bisita kaming bading at ang bagong boyfriend niya. Ang sweet-sweet nila. Nakasandal ang lalaki sa bakla habang nagte-text. Deadma lang ako. Pero noong oras na para matulog, katabi si Kulot sa kama, nasabi ko sa kanya.

"Ang sweet nila kanina," sabi ko.

"Tapos?" tanong nya.

"Bakit di tayo ganon?" patanong na sagot ko sa tanong niya.

"Matulog na nga tayo," tanging sagot niya.

Pero makulit ako.

"Bakit nga hindi tayo ganon?" pilit ko.

"Kasi di tayo bagay sa ganon. Ang tanda na natin para magpa-sweet. Hayaan mo na sila," sagot niya.

"Bakit, pambata lang ba ang pa-sweet?" tanong ko.

"Di nga tayo bagay sa ganon," sagot niya.

"Bakit nga?" tanong ko.

Tahimik sya. Mukhang di makasagot.

"Bakit nga?" tanong ko ulit.

"Dahil dyan," sabay bunot sa bigote ko.

Tumalikod na ako. Natulog.

Pero kinabukasan, nagshave ako.

"O ayan, nagshave na ako. Pwede na tayong magpasweet," sabi ko.

Tumawa lang sya. Kumunot ang noo ko.

"Loko ko lang yung kagabi," sabi niya.

"Di pwede no, nashave ko na," sabi ko.

Tapos, nagdialogue sya.

"Nasanay na tayo na wala yang pa-sweet-sweet na yan. Di naman yan ang importante. Tumagal tayo ng sobra five years na wala yan. Yung dalawa kagabi, ang sweet-sweet ngayon, tingnan lang natin kung aabot sila ng isang taon," sabi niya.

Time ko naman para matahimik. May punto sya.

Medyo assured na sana ako na di importante sa relasyon ang PDA. Pero kaninang umaga may nangyari.

Nakahiga kami, parehong tinatamad bumangon. Pataob ang higa niya. Nakaharap sa akin ang ulo niya. Ako naman, nakatagilid harap sa kanya. Hinaplos ko ang kanyang kulot na buhok. Pinalakad ang mga daliri, pababa sa kanyang balikat at likod. Para akong treasure hunter na animoy sumusuri ng mapa sa likod niya. Ibinaba ko ang ang aking mga daliri, papunta sa kanyang bubble butt. Hinimas-himas ang kanyang bulaklaking briefs. Doon nagbalik ang aking pag-aalinlangan.

Nakapikit pa rin ang Kulot pero kita ko ang pinipigilan niyang tawa. Hindi sya nasasarapan. Bigla syang umutot.

Saturday, August 4, 2007

Sa Beach

Maaga pa lang ay pumunta na kami ng beach. Wala lang magawa. Mga dalawang oras lang kami don. Pero ang daming boys.



Eto ang isa



Eto pa




Marami sila



Malalandi pa



Di nagpatalo ang mga bakla.


Si Kaye




Sina Fiona at si Kaye

Wednesday, August 1, 2007

Patricia

Dumating si Patricia sa bahay. Makikiligo daw sya.

"Walang tubig sa inyo?" tanong ko.

"Meron," sagot niya.

"Bakit dito ko maliligo?" tanong ko uli.

"Di ako galing sa bahay," sagot niya.

"Saan ka pala galing?" tanong ko uli.

"Mamaya na pagkatapos ko ligo, ikukwento ko," tanging nasabi nya.

Hinayaan ko sya. Pagkalabas nya ng banyo, dali-dali itong pumunta sa kwarto ni Fiona, may hinanap -- ang mga gowns ng mga bakla.

Dahil di raw sya nakasali sa Miss Gay two weeks ako, ngayon daw sya magbibihis. At, kailangan daw may photo-op.

Eto ang unang bihis.




"Saan ka nga galing?" tanong ko uli.

"Sa dagat," sagot niya.




Dinala raw sya ni Dodong sa dagat. Sa mga nakabasa ng una kong blog-- si Dodong ang partner ni Kaye sa "Dugo, Dodong, Dugo" na post.

"Lasing na lasing ang Dodong," sabi ni bakla habang nagbibihis ng panibagong gown.





"Ang tagal labasan. Napagod ako," dugtong ng bakla.

"E anong ginawa mo?" tanong ko.





"Para matigil sya, nilagyan ko ng buhangin ang akin. Ayun, tumigil sya sa sakit. Hahaha!" sabi ni Patricia habang naka-pose with matching crown na parang winner.