Tuesday, August 7, 2007

Alinlangan

OO, nag-aalinlangan ako kung ano ba talaga itong nangyayari sa amin ni Kulot.

Nasanay na ako sa kanya. Nasanay na ako na walang public display of affection-- holding hands man o akbay.

Naalala ko nga minsan may bisita kaming bading at ang bagong boyfriend niya. Ang sweet-sweet nila. Nakasandal ang lalaki sa bakla habang nagte-text. Deadma lang ako. Pero noong oras na para matulog, katabi si Kulot sa kama, nasabi ko sa kanya.

"Ang sweet nila kanina," sabi ko.

"Tapos?" tanong nya.

"Bakit di tayo ganon?" patanong na sagot ko sa tanong niya.

"Matulog na nga tayo," tanging sagot niya.

Pero makulit ako.

"Bakit nga hindi tayo ganon?" pilit ko.

"Kasi di tayo bagay sa ganon. Ang tanda na natin para magpa-sweet. Hayaan mo na sila," sagot niya.

"Bakit, pambata lang ba ang pa-sweet?" tanong ko.

"Di nga tayo bagay sa ganon," sagot niya.

"Bakit nga?" tanong ko.

Tahimik sya. Mukhang di makasagot.

"Bakit nga?" tanong ko ulit.

"Dahil dyan," sabay bunot sa bigote ko.

Tumalikod na ako. Natulog.

Pero kinabukasan, nagshave ako.

"O ayan, nagshave na ako. Pwede na tayong magpasweet," sabi ko.

Tumawa lang sya. Kumunot ang noo ko.

"Loko ko lang yung kagabi," sabi niya.

"Di pwede no, nashave ko na," sabi ko.

Tapos, nagdialogue sya.

"Nasanay na tayo na wala yang pa-sweet-sweet na yan. Di naman yan ang importante. Tumagal tayo ng sobra five years na wala yan. Yung dalawa kagabi, ang sweet-sweet ngayon, tingnan lang natin kung aabot sila ng isang taon," sabi niya.

Time ko naman para matahimik. May punto sya.

Medyo assured na sana ako na di importante sa relasyon ang PDA. Pero kaninang umaga may nangyari.

Nakahiga kami, parehong tinatamad bumangon. Pataob ang higa niya. Nakaharap sa akin ang ulo niya. Ako naman, nakatagilid harap sa kanya. Hinaplos ko ang kanyang kulot na buhok. Pinalakad ang mga daliri, pababa sa kanyang balikat at likod. Para akong treasure hunter na animoy sumusuri ng mapa sa likod niya. Ibinaba ko ang ang aking mga daliri, papunta sa kanyang bubble butt. Hinimas-himas ang kanyang bulaklaking briefs. Doon nagbalik ang aking pag-aalinlangan.

Nakapikit pa rin ang Kulot pero kita ko ang pinipigilan niyang tawa. Hindi sya nasasarapan. Bigla syang umutot.

27 comments:

bananas said...

sweet fart.well...

Anonymous said...

miss moore, sa tingin ko po- tumagal kayo dahil sa gusto ninyo ang companionship ng isa't isa. baka kailangan niyo lang ng spice sa relationship ninyo. hindi naman po talaga kelangan ng affection sa isang relationship. sa tingin ko, ang kelangan lang ay 'yung nagmamahalan, comfortable kayo sa isa't isa, at alam ninyong magtatagal kayo basta magkasama kayo.

...parang kayo ni kulot. ang swerte mo. :) sana tumagal pa kayong dalawa at 'wag ka mag-alinlangan dahil hindi ka kayo pa-sweet-sweet. mahal ka niya... sigurado 'yun. kaya lang... mama na siya. o.O baka 'yung naramdaman mo is 'yung nararamdaman ng isang nagmamahal na lola sa kanyang tumatandang lolong asawa.
ayaw mo 'nun? para kayong Johnson's Floor Wax? tumatagaaaal... *teng!*

Kiks said...

I smell differently, Bananas...

Mandaya, mahirap masanay.

Minsan, mahirap maalis ang amoy sa t-shirt na matagal nang hindi nalalabhan.

palma tayona said...

mandaya... panalo talaga ang mga endings ng mga kwento mo. sa tuwinang mababasa ko mga entries mo, kailangan kong magpalit ng brief pagkatapos. nababasa ako ng ihi sa katatawa.

Anonymous said...

Hi Mandaya...

You can make yung reticence ni Kulot sa PDA a big issue or deadmahin na lang..sa akin lang kasi, we can't expect them to share the same values / characteristics of other people. Kaya nga natin minahal kasi may nakita tayong unique sa mga mahal natin. True, nakakaloka yung jowa mo e parang walang katiting na sweetness sa katawan (been there) pero if, in your assessment, the qualities that he has outweighs the ones that he hasn't, then, nasa sa iyo na yun kung guguluhin mo pa yung isip mo regarding this matter. Anyway, hope both of you are doing ok..

From your #1 fan..best regards..Homie c",)

atto aryo said...

Bwahaha!

aries said...

...and i so miss ur punchlines like these.

gudlak sa utot!

mrs.j said...

haha!... yun ang sweet!

Anonymous said...

I love your posts. Aminin ko, the comedy of it all makes it sweeter Mandaya. It takes a lot of closeness to be able to talk and act trash with someone. Not that I'm a relationship expert.

I'm your new-found fan.

Shubert Ciencia said...

kung ako si kulot, ganito ang magiging eksena habang hinihimas siya:

kulot: "magtalukob tayo ng kumot at baka makita tayo ng mga bisita."

saka niya inilabas yung utot.

Charmed One said...

nakakaloka naman ang ending. akala ko pa naman kung ano na.

masarap din kapatid na paminsan minsan may mga sweet sweet-an, but you dont have to show it to everybody, kahit na kayong dalawa lang at walang nakakakita.

Misterhubs said...

Mandaya, that was the best ending ever. :-)

Anonymous said...

YUCH!!! Ahaahhaha!

Bakla Sa Banga said...

ay, kaengget mare.

Anonymous said...

Talagang kayo na talaga ni Kulot! Tried and tested na ang relasyon nyong dalawa! Sana di magbago!

Lyka Bergen said...

Siyet!... Nasira ang Sheryl Cruz pa-sweet ng Mandaya sa otot ng Kulot.

Russ Ligtas said...

Aaaah! It had to end in a fart huh?
Nalingaw kaayo ko... in my paralyzed state,nalingaw ko. In fairness.hehe

Lems said...

ayos ang style ni kulot ah...bakit yung other couple ba nag aamuyan sila ng utot nila...kayo lang yun kaya mas sweet kayo...

Anonymous said...

imotera naman c kulot.hehehe.. pero agree ako sa kanya.eyelavet!

rhonzkie said...

i love all of your posts.. sna maraming kwento pa tungkol kay kulot.. at sna may onting pda din n maganap.. iba p rin kc kpag gnun dba..

Anonymous said...

kapatid, maraming salamat sa pag link. keep on blogging. nabasa ko na lahat posts mo..

awaiting for your next post.. ;)

Anonymous said...

mabuti ka pa di nauubusan ng kuwento. pati utot nasasali mo dito.

Anonymous said...

Hahaha! Ang galing mong magkuwento, Mandaya! Palaging may nakakatuwang twist sa ending.

ruff nurse-du-jour said...

yeah, this one is a good read. sweet, funny, simple, but very meaningful and witty. =) smooches mandaya!

kalansaycollector said...

nakakatuwa naman itey! ahihi.

sosyal perstaym kong dumalaw sa kabukiran!

Anonymous said...

Panira naman si Kulot...hahahaha!

Ewan said...

ang baho naman ate