Sunday, 19 August 2007

Si Chona

Siya ang bagong salta na bakla dito sa aming bukid. Galing siya ng Davao City. Si Me-anne ang nagdala sa kanya dito.

Si Me-anne, sa mga bagong mambabasa ng blog na ito, ay ang dating beautician sa aking parlor. Dati? Kasi last month ay umalis si Me-anne. Bigla na lang nagbago ang timpla ng ulo ng bakla.

"Aalis ako," nasabi niya sa akin.

"Bakit?" tanong ko.

"Bored na ako dito," tanging sagot ni Me-anne.

Di ko sya pinigilan. Alam ni Me-anne na itinayo ko ang parlor dahil sa kanya. Di ako marunong gumupit ng buhok. Wala akong alam sa mga make-up. At dahil sa bahay ko nakatira noon si Me-anne, naisipan kong magtayo ng parlor. Ang usapan namin, after two years pwede ko ng ibenta sa kanya ang parlor. OK naman sa kanya. Pero di umabot ng two years at nagpaalam sya na aalis. Di ko sya inaway. Di ko lang sya kinibo hanggang sa tuluyan na syang umalis. Di ko rin sya kinibo noong bumalik sya makalipas ang ilang linggo sa Davao City.

"Ano pala nangyari sa kanya sa city?" tanong ko.

"Pumalpak siguro," sagot ni Fiona.

Sa pag-alis ni Me-anne, si Fiona ang pumalit bilang beautician sa parlor. Si Fiona din ang pumalit sa kwarto ni Me-anne sa bahay.

"Hindi na sya pwedeng bumalik sa parlor," ang tanging deklarasyon ko.

"Ha?" tanong ni Fiona.

"Kasi unfair naman sa yo. Ikaw ang sumalo sa parlor noong umalis sya. Di pwedeng aalis ka dahil bumalik na sya," eksplika ko.

Alam kong makakarating ito kay Me-anne. Wala naman akong narinig na angal o ano man sa kanya. In fairness, tahimik lang din sya.

Pero sa pagbalik ni Me-anne sa aming lugar, dala-dala niya si Chona. Isang baguhang parloristang bakla. Ito ang kanyang alalay. Tagaluto, tagalaba at tagalinis sa maliit na inuupahang kwarto. Si Chona ay buong araw na naghihintay sa pagbabalik ni Me-anne mula sa isang parlor na kung saan sya ay isang part-time beautician.

Sa gabi lang gumagala si Chona, nakikibarkada sa mga bakla. At gabi-gabi rin niyang sinisiraan si Me-anne. Kesyo pangit daw ang ugali. Kesyo nauubos daw ang konting kinikita sa sugal. Kesyo di pa nababayaran ang renta sa kwarto. Kesyo mababa ang tingin sa kanya.

Eto lang ang sinabi ko kay Chona: "Kung ayaw mo, umalis ka. Pero habang nasa poder ka ni Me-anne, wag mo syang sisiraan sa amin. Hindi magandang ugali yan."

Tumahimik lang ang bakla. Pero di sya tumigil. Sumulat sya kay Kulot.

"Bakit mo naman sinulatan si Kulot?" tanong ko during the confrontation.

"Wala lang," sagot niya.

"Di mo alam?" tanong ko.

"Na ano?" tanong niya.

Mukhang di nga nya alam. Eto na yata ang epekto ng daily use of cheap make up.

"Ano pala akala mo sa aming dalawa?" tanong ko.

Tumingin sya kay Patricia.

"Sabi kasi ni Patricia, magkapatid daw kayo ni Kulot," sabi niya.

Di ko nagawang magalit.

15 comments:

mrs.j said...

bug!
haha... panalong banat na naman... honestly akala ko bilat ang chona!

Kiks said...

I thought so too. Mukhang bilasang pudendum ang hitad... Pero tunay nga kayang sinabi yon ni Patricia? Anong chika ng baklang humiram ng maraming gown at nagpapicture na sandamakmak matapos maglagay ng asin, este buhangin sa whatever nya?

Mandaya, me gayng war bang magaganap? Ano ang mode of operation, kung meron?

.: jackie :. said...

ahh un naman pala.. may i explain ang chona. yaan mo na gurl. ndi naman nia knowles.

charmed one said...

giyera ito?

day lets give peace a chance ok.

sayang ang time and effort ko sa mga di kagandahan.

mwahahahahaha

eon said...

haay, in fairness hindi mukhang ahas si chona, just someone who does his make up aided by candlelight.

and patricia might just want to stir things up a little bit. kulang ang drama sa buhay ng mga bakla without such follies.gdqpxkhz

jase said...

Ang mga bakleta talaga! Nakakatuwa talaga!

Mugen said...

Magkapatid. Haha, incest pala kung ganon. Lol.

MISTERHUBS said...

Asus, palusot lang ni Chona yan.

Lyka Bergen said...

Ang Patricia... kamukha si Judiel 'Agoo Apparition' Nieva. At bakit naman nasabi nya raw na magkapatid kayo ni Kulot ha?

Anonymous said...

Ay ganun? magkapatid? parang bongga at bagay na bagay. i change na lang kaya talaga at magiging brod kayo este brod and sis. hehehehe.

aj sotteau said...

ahihi kaloka si chona mae..siya kaya yung kontrabida nun kay ederlyn?

kayraming bakla dyan sa bukirin ninyo ate mandy..good luck at wit naman sana warla ang kahantungan ng chona encounter haha

mrs.j said...

ateng, ang aj ha... mukhang magkakapit baryo lang kayo ha?!

anu pang balita kay chona?

reaksyon ni patricia?

pang teleserye ang ganap na itech!

bananas said...

Hindi man magawang magalit, ito ang sinagot ni Mandaya kay Chona?






























"Magkapatid nga kami...pero hindi bawal sa religion namin ang incest!"

yatot said...

sabi ko n nga ba eh... janitor fish nga itong si chona at tagalinis pala ni Me-anne! hehehehe...

magkapatid? o_O hindi ba niya kilala ang dakilang mandayamoore-orlis... may hypen na kya sya!!! hehehhe

dilanmuli said...

ahahaha buti naman at di ka nagalit hehehe. kasi kung nagagalit ka kawawa naman ang payat na si chona. hahaha! at magagalit ka pa ba gayong nasayo naman ang kulot mo ahahaha!