Monday, August 27, 2007

Estudyante Blues

Back to school kami ni Kulot. Dahil napahilig na rin lang kami sa pagbe-bake, nag-enrol kami sa cooking and baking class sa isang school sa city. Hindi sosyal ang school. Ang totoo, mura lang sya. P800 ang registration at P160 per session. Saturdays lang ang klase. Buong umaga. Twenty sessions.

Ang ibig sabihin nito, tuwing Friday ang babyahe kami papuntang city para mag-aral kinabukasan. May titirhan na kami para sa mga Friday sleepover.

Ang ibig sabihin nito, lalawak ang aking kaalaman sa pagluluto. O di ba?

Ang ibig sabihin din nito, mapapadalas ang posts tungkol sa mga cookies, cakes at iba pang lafang.

Start ang klase namin sa darating na sabado. Naghahanda na ang Kulot. Lagi na itong nagbabasa ng mga cookbooks. Tinatanong sa akin kung ano ang tamang pagbigkas at kahulugan ng nga cooking terms tulad ng stir, mix, fold, mash, sift at iba pa.

Ako, naghahanda na rin. Nagpagawa na ako ng floral na apron. Ching lang.

Sabi kasi sa school, kailangan daw magdala ng apron, hairnet, hand towel at dish towel. Nakabili na ako -- blue ang kay Kulot, green ang sa akin. His and Hers ang dating. Pati towels nagmatch sa mga apron namin. Pero ang hairnet, black lang talaga ang available na kulay. Balak kong magpagawa, gusto ko yung may kulay, o di kaya may silver dust para kakaiba sa buong klase.

Ngayong Sabado, balik eskwela kami.

Ngayong Sabado, ipapakilala sa mundo si Isabella.

21 comments:

Anonymous said...

good luck kapatid.

miss ko na mga comments mo sa aking blog ha?

long time no hear.

Anonymous said...

goodluck sa cooking class nyo hehe..

uy una pla ko nag comment.yey

Anonymous said...

ba't hindi pink ang pinili mong kulay ng uniforms mo? o kaya neon green? Yung pwedeng warning light sa daan kung gabi.

Anonymous said...

juday?ikaw ba yan? winner.

Misterhubs said...

Naku, itago ang recipe. Baka nakawin ni Viktoria.

Anonymous said...

Isabella Rosellini ang dating, class ha. Cooking class.......... hehehe.

bananas said...

cooking ng ina mo!

Lyka Bergen said...

Cant wait for your Cook Book ha!

At eager ang Kulot! Baka gusto nyo ng recipe ng Chocolate Mousse, Charlotte Rousse, at Kaluskus Musmus... meron ako.

bananas said...

ako ang nakikita
ako ang nasisisi
ako ang laging may kasalanan


paggising sa umaga
sermon ang almusal(sal...sal...sal[echo] )
bago pumasok sa skwela

kapag nangangatwiran
ayaw namang pakinggan
di ko alam ang gagawin

akoy walang kalayaan
sunod sa utos lamang...

Anonymous said...

Try ka bake ng banana apple cinamon cake. Winner siya.

Anonymous said...

Ke Joji Ilagan ba ang cooking class na yan?

reyian said...

for sure this is PCT along DMSF Road in Bajada na school.. hehehe

http://reyian.blogspot.com

The Rainmaker said...

I hope you become great cooookers..hehe

Kiks said...

Magiging blog on cooking and baking na ba ito.... mala Isabella o Penelope Cruz ang dating?

Mandaya on Top!

aries said...

avah... the making ba itu ng "The Royal Mandaya Restaurant"?

MANDAYA MOORE: Ang bayot sa bukid said...

charmed one, nagcomment na ako.

anon, salamat.

jun, walang pink. simple lang ang tela ng aprons, gawa ito sa katsa.

jackie, hindi po ako si juday. mas payat ako sa kanya.

mr hubs, laging nakatago ang mga secret ingredients

anon2, di gaanong class, mumurahin lang ang tuition

bananas, cooking ng ina mo rin! tse

lyka, thanks, pero marami nito sa internet. ngayon pa lang gulong-gulo na isip ko kung ano uunahin

champagne, will try to master cookies and brownies muna. wag muna akong mag-ambisyon sa cakes

jase, mali ka dear. hrm man ang gina-offer sa joji

reyian, wrong ka rin

daniel, sana ikaw rin

kiks, baka nga

mrs.j said...

ateng congratz sa muling pagpasok!

"RATATOUILLE"- ang drama nio hanap na ng daga! ching!

Anonymous said...

hehe.. ok fine. payat na din c juday..etchos!hahaa.. may ma say lang.

lola dalaw ka sa bahay ko at maraming maka dugong ilong na post baka kako makarelate ka lang naman. comment ka kung feelsung mo. ahihhi..


ayaw mo ke marimar? char! ;)

goddess said...

Isabella "eyelashes" Granada ba kamo? Ysabella kasi yun ate. Good luck sa studies. So, next na ang tindahan/lafangan/bakery nyo ni kulot? hmm... GO!

Bryan Anthony the First said...

cge cook lang ng cook

ek manalaysay said...

sabi nga nila... the family that sifts together bakes together... ano man ang epekto nito sa iyo, eh, hindi ko na alam... ang tanong: family ba kayo ni kulot?