"Nagchange ako ng number. Ikaw ang una kong tinext. Ang bait mo kasi kaya na-inlove ako sa yo," eto ang ipinasa na text sa akin ni Red. Eto raw ang text message ng lalaki sa kanya.
"Totoo ang hula ni Madame Auring. Ikaw na lang ang hinihintay sa Bethlehem," reply ko sa bakla.
Tapos nagtext uli sya: "Date daw kami mamayang gabi. Overnite daw sa beach."
Di ko na sinagot. Busy ako sa kapapanood sa TV habang binabalita ang pag-walkout ni Trillanes at pagmartsa ni papuntang Manila Pen.
Walang pakialam ang mga bakla sa mga nangyayari sa Imperial Manila. Si Fiona, tuloy sa kanyang duty sa parlor. Si Red naman, may "home service" sa isang school sa kabilang town.
"Kailangan ko ng pera para sa date namin ngayon gabi," text niya sa akin.
Kami lang ni Kulot ang nasa bahay, nakatutok sa TV at sinusundan ang mga pangyayari.
At habang nanonood ng TV, napagusapan namin ni Kulot ang kase-celebrate lang na fiesta sa kapilya nila at ang pagod namin. Siya kasi ang presidente ng youth group doon. At bilang presidente, sya ang namahala sa mga activities tulad ng basketball tournament at pa-disco. At dahil siya ang presidente, ako ang first lady. At bilang first lady, papel ko naman ang mag-raise ng funds para sa mga activities. Sa lahat ng tumulong, salamat. Sa mga binigyan ng soliticitation letter pero di nagbigay kahit konti-- sana magkaanak kayo ng unggoy!
Nagdidilim na nang magtext uli si Red.
"Ano ipapakain ko sa guy? Bili ako ulam, dyan kami kain ha?" tanong nya.
"Bili ka na lang litsong manok dyan. Kami na sa rice," sagot ko.
"OK. Excited na ako. Umepekto ang Yam-Yam ko," text uli niya.
"Bwisit na Yam-Yam yan," reply ko.
Hindi na sya sumagot.
Sa kalagitnaan ng paglusob ng mga pulis sa Manila Pen, nagtext uli si Red.
"Wala pa sya. Wait ko daw sya dito sa terminal para sabay na kami dyan," sabi niya.
"OK," reply ko.
Isang oras na ang nakalipas. Malamig na ang sinaing namin.
"Boyshet na guy yan, niloko yata ako. Wala pa rin sya," text ni Red.
"Wait ka pa, baka nasiraan ng bus," reply ko.
Madilim na nang dumating si Fiona galing ng parlor.
"Antayin na natin si Red, sya ang may dala ng ulam. Meron daw syang ka-date na guy," sabi ko.
"A OK," tanging sagot ni Fiona na busy naman sa pagte-text habang papasok sa kwarto.
Isang oras pa nang dumating si Red. Dala-dala ang isang litsong manok. Mainit ang ulo.
"Inindyan ako," sabi niya.
"Sure ka? Baka naman may nangyari sa date mo?" sabi ko.
"Tulad ng?" tanong niya.
"Baka nahulog sa bangin ang bus," mabilis na sagot ni Kulot.
"He!" sagot ni Red sa pang-aasar ni Kulot.
"OO nga, baka naman may di magandang nangyari. Tinawagan mo ba?" tanong ko.
"OO, pero di naman sinasagot," sagot ni Red, kita sa mukha niya ang inis.
"Tawagan mo uli, baka naging busy lang," giit ko.
At tinawagan ng bakla. Naka-loudspeaker pa. Sinagot naman ang tawag.
"Hello!" sabi ni Red.
Walang sagot.
"Hello!" sabi uli ni Red.
Wala pa ring sagot.
"Hello! Saan ka na?" tanong ni Red.
"Nandito na ako," sagot ng nakangising Fiona, malalim ang boses, na nakatayo sa pintuan ng kwarto, sinasagot ang tawag ni Red.
"Pota ka!" tanging sigaw ni Red sabay bato sa hawak na listong manok.
Kasabay ng pagsurrender ni Trillanes ay ang simula ng maliit na gyera sa pagitan ni Fiona at Red.
Ang Kulot: masaya dahil litsong manok ang ulam.
Sunday, December 2, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
13 comments:
Walanghiya talaga 'yang mga baklita na yan at tinapatan si trillanes. Mahilig talaga sa social issues at gumawa rin nga local issue. Haaaay. Prankista talaga ang Fiona. Go Fiona Go. Napaka talented mo Impo!1!!!!!! Haaaaaaahhhhhahahahahaha.
ahahahah...kagaling mang-asar ng fiona.,..
winner! grabe... cnabi ko na... bet lang ni fiona lumaps ng manok!
at nabawasan kayo ng ka share sa chicken...
Natutuwa talga ako sa logs mo..:)
wahahahahaha! enjoy talaga mga kwento mo.
badtrip yang ganyan. sarap gilitan sa leeg mga nangiinjan sa date.
thank you sa lechong manok diba. hahaha.. pasaway ka tlga mandaya.
nmiss ko blog mo. sensha na ha.busy lang lumipat kxe me kumpanya. bagong adjustment na naman.. unlike dati..super petiks kaya nakakapagblog ng marami sa isang araw. haiz.
God Bless u mandz.
ang fiona nagboses shrek.
at ang red pumatol.
bungga!
pukiusap lang... sana hwag namang gawing weapon ang lechon manok... chumachaka ang lasa. san pedro ba yan?
Wa ko kerrs talaga sa nyetrang Trillanes na 'yan. Nakatutok kets sa anumang gawain ng mga bayot sa bukid.
(Feeling Big Brother ba? Ching!)
sabi ko nga ba eh.....
I Lyk Fiona!!!!!
hahaha! Grabeh!
anak nang charutera ahahahaha! grabe naman si fiona. pinaghintay niya ng matagal si red ahahahahaha!
Post a Comment