Sunday, January 13, 2008

Ang Pagbabalik

Akala ko bakasyon ang solusyon sa pagod ng katawan. Akala ko lang yon.

Pumunta ako ng Baguio. Nanginig sa lamig. Kumain kung saan-saan. Kumain ng kung ano-ano. Umakyat ng Oh My Gulay para lang kumain ng pasta. Pati SM Baguio, ang tanging non-airconditioned na mall, ay pinasok ko. Namili sa palengke. Namili sa Good Shepherd.

At matapos ang tatlong araw, bumalik ng Manila. Pero sa Kamuning pa lang ay sumakay na uli ng Jam Trans bus papuntang Cabuyao, Laguna. At kahit na overnight lang ang ginawa ko sa Cabuyao, nakakapagod pa rin.

Matapos ang limang araw na byahe, bumalik ako ng Davao.

"We would like to remind you that Davao has a No Smoking Ordinance," ang maririnig mo sa eroplano ilang minuto pa lang nang ito ay lumapag sa Pandaigdigang Paliparan ng Lungsod ng Davao.

Sa Davao, bawal manigarilyo sa public places. Sa jeep bawal. Pati sa taxi bawal.

Pero sa inyo na ang Baguio. Sa inyo na ang Manila. Sa inyo na rin ang Cabuyao, Laguna.

Wala pang isang kilometro mula sa airport, lulan ng isang non-aircon taxi, nagsindi na ako ng sigarilyo.

Nagbalik na si Mandaya.

11 comments:

johnnypanic said...

welcome back mandaya!

Anonymous said...

welcome back inang....namiss ka namin...hehehe...love the antisocial thing going on there...

Raiden Shuriken said...

hindi ka pala nagbakasyon. nagbyahe ka lang. di bale, marami pa namang next time... warm regards... keep blogging

red

Bryan Anthony the First said...

wala bang karir sa baguio?
dali kwneto

sexymoi said...

Ahaha, nagpunta ka rin pala ng Oh My Gulay... syempre napagod ang lola mo...

Anonymous said...

Aaay nakakaloka ka Ate! Law breaker ka pala hahahahaha. patay ka diyan kay Mayor Duterte. Pero bahala na basta makayosi lang. Yosi!!!! Anyone?

jericho said...

Reclaim Davao ang Mandaya. Welcome back!

Anonymous said...

Yey! Aabangan namin ang mga bagong adventures ng mga bayot sa bukid!

mschumey07 said...

Iba talaga ang sarap ng yosi. Sutil ka din talaga. Welcome back. Sayang at dumaan ka pala sa Kamuning, malapit lang ako doon. Sana nakapg-yosi man lang tayo.

aries said...

hala ka. patay kang duterte hahaha

Anonymous said...

ateng, gusto ko lang sabihin sa iyo na isa ito sa magiging paborito kong entry mo. wala lang. natuwa ako sa impact.