Ang hirap gawin. Sinubukan ko.
Noong isang gabi, may party sa bahay ni Bill. Mga kaibigan lang at ilang bagong kakilala.
May lechon de leche, pasta negra, pasta pataka (yung kahit ano na lang nilagay pero masarap), beer at emperador brandy.
Naandon din para kumanta si Jeremie, ang bulag na bilat na kumakanta sa Kanto Bar sa MTS. Acoustic ang drama nya. Pass the hat lang ang bayad.
At dahil mga kaibigan ko sila, may sinet-up sila sa akin na lalaki. OK sana ang guy. Medyo Cute. Pero may pero.
Nakareserve ang isang kwarto para sa amin.
"It's time to move on," sabi ng kaibigang kong si Jingle habang papunta kami ng guy sa room.
Pero hindi ako naka-move on. Mahirap.
Hindi magaling sa kama ang lalaki. Parang robot.
Sa kalagitnaan ng "Not-So Oh Yeah" moment namin, tumigil ako. Tumayo. Nagbihis.
"Bakit?" tanong niya.
"Wala," sagot ko.
"Bakit nga? Di mo ako type?" tanong uli nya.
"Hindi, nasa akin ang problema," sagot ko.
"Subukan natin uli," sabi nya.
"Wag na," sabi ko.
"Sige na," sabi niya sabay hawak sa kamay ko.
Hinayaan ko syang hubarin ang shirt ko. Hinayaan ko syang hubarin ang pantalon ko. Pero sadyang di marunong si lalaki.
Tinigilan ko sya.
"Galingan mo naman para maka-move on ako," sinabihan ko sya.
Sunday, November 2, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
20 comments:
HI mandaya,I hope u remember.Ako yata yung pioneer sa blog mo eh,Wala pang Olis dati.Mandaya moore pa lang.
Yung pupuntang rehab tas ang taba ko pa noon..I hope u rememebr me and upon reading.yung kulot pa rin pala yung tinitibok nang puso mo parang ang tagl niya na.
Link Exchange...Nga pala ulit.
Ay iba na yan. Iba yata ang ipa move mo ah! Wicked game ang gusto mo yata hija. Well move on kung move on nga.
it's the guy is the manyak. pramis.
Isa yang dahilan kung bakit wala ako sa mood manlalaki ngayon. Nandun man ang libog pero hindi ko alam kung may sense bang magparaos ngayong alam mong sabog-sabog ang utak mo.
Hindi ka nag-iisa.
Leche! Hahaha! An taas pala nang standard nung last one! Problema to ngayon! Hahaha!
Sinabi mo pa girl. Mahirap naman talagang mag-move on. Kahit isang milyong lalaki pa magsabi niyan, kung di pa talaga dumating yung tamang panahon, di ata tatalab yung advice nila.
Sige lang. Mahibal-an ra nimu kung kamu jud ni Kulot o dili. Ayaw lang pagdali. Ihatag ra lagi sa imo ang tubag soon.
Hope ma-ok na ka soon.
I <3 ur blog :)
at talagang tinanggal na ang hyphen Orlis huh? siguro nga kailangang gawin yun nang mapadali kundi man mapabilis ang pag move on.
here's wishing you grace, strength, will and level-headedness as you go through this.
Pamper yourself. Magpamassage ka. Facial at higit sa lahat humanap pa ng isa at isa pa at isa pa at iba pa. In other words, maghanap na ng prospect. Godd luck Mandaya!
Happiness is what you make it.
hahaha... am sure nahurt ang ego ng lalaki kaya mapilit.
makakapag move on din kayo ate, kahit walang lalaki. :)
mandaya, kaya yan. If it does not feel right, don't do it. Hindi naman kailangan ipagpilitan ang hindi tama sa pakiramdam di ba? Sabi nga ni ateng Mariah, love takes time. Sige lang. You deserve to mourn your loss, Hugggssss from the batchoy republic...
OMG! OMG! Ang music!!!! Sundin na kasi si Aimee Mann for the sake of all mankind!
OHHH-EMMM-GEEE!
Nagulantang naman ako sa nabasa ko teh. Medyo matagal naman kasi akong di nagawi dito sa blog mo. At sa aking muling pagbisita, tumambad ang hiwalayang mandaya-kulot! Haaaay!
Naku teh, i can only pray for your speedy recovery. Sabi nga ni Ateng John Lapus, "Ang mga bakla ‘pag iniwan ng jowa, mababaliw lang—iiyak… mag-e-emote… magkukulong sa kwarto… magluluto… magpapa-parlor… ’tapos may jowa na ulit. Taray!"
Go ka lang `teh! We love you! Mwah!
aguy manang, napakadificult mag move on kung hindi mo masyadong nalalagyan ng dahilan ang sarili mo to do so. magpa-oring ka nang magpa-oring... nakakadistress yon at bigla na lang hindi mo mapansin ang layo na ng namove on mo.
"Let me not pray to be sheltered from dangers, but to be fearless in facing them. Let me not beg for the stilling of my pain, but for the heart to conquer it. " Rabindranath Tagore. Hold on, dear.
mother, pag may alam kang gamot pampamove-on, sabihin mo ko kung san at magkano ha? maghahanap-hanap din ako, sabihan kita pag nakakita ako.
eto ang gusto ko sa mga posts mo... introng may kurot sa puso, madramang build-up, tapos nakaka-tumbling na punch-line... walang sinabi si m night shyamalan, promise!
hihiramin ko lang yung sinabi ni joey de leon: "kung gusto mong mag move-on, punta ka sa kalsada then pag may nakita kang bus, hakbang ka lang. yun ang move on."
joke lang! peace!
Ur Highness!!!!
Idol kita sa pagsusulat lalong llalo na sa Buhay pag ibig, (Ako maraming inibig, wala namang nagtagal)
anyways, kung naaalala mo pa, nag usap tayo noon sa SMOKING Both sa NCCC Mall of Davao. Na i share ko sa iyo na nabasa ko ang mga kwento mo noong 2004 or 2005 ba yun? anyways sa na ma alala mo ako.. nakita ko na nga pala ang hard copy non, at sa tagal na panahon na di naman tayo nagkita at ko naman a lam kung saan ka hahanapin , kaya na misplaced ko nanaman xa.. hehehe... pero im sure makikita ko rin yun agad. pag hinanap ko na nang boung puso't kaluluwa.... hehehe...
sana naman ay pag isipan mabuti ang move on na yan, sana ay walang ibang masaktan at magamit, no panakip butas kumbaga... anyways, kayo lang ni kulot ang maaring mag decide kung ano talaga, bats ang mab uti ay ma concider ang mnga bagay na makak apekto sa mga buhay nyo, tulad ng kaligayahan at pag ibig.... ewan pero para sa akin hinahamon lang ata kayo nga pagkakataon.... relax na lng muna and mag isip mabuti...
amping always!!! unta i invite ko nimo ug visit sa inyong bukid.. hehehe... t hanks!!!
kailan hu kayo mag bablog??? hehehehe... na iinip po ako sa kahihintay kung wahts next...heheheh... naubos ko kasi kahapon ang mga sinulat since last year... yung iba naka hard copy pa... ginawa kong homeork... hehehe.. na mimis ko si mandaya moore
style mo ate mandaya ha!!! :)
Post a Comment