Friday, 31 October 2008

Sa aking katahimikan

Eto ang pinagkakaabalahan ko ngayon. Dahil wala ng magbibigay sa akin ng flowers, plant na lang ako para sa sarili ko. At dahil walang lupa sa harap ng apartment, sa paso lahat.





Si Eproy, pinsan ni Kulot, ang tumao sa place ko noong ako'y namalagi sa bukid. Mabait si Eproy. Iginapang ng kanyang nanay na OFW ang kanyang pag-aaral. At dahil wala namang problema, sa bahay ko sya pinatira para makatipid. Walang ni isang bagsak na grade sa kanyang pag-aaral. Natapos nya ang kursong criminology sa loob ng apat na taon. Pagka-graduate, nagreview kaagad at kumuha ng board exams. Pumasa naman.

Ngayon, naga-apply sya bilang pulis. Umuwi sya sa bukid kahapon. Sa lunes pa raw malalaman ang resulta ng neuro exams nila.


Habang ako'y tahimik na nagtatanim, nagtext si Kulot.


"Bakit mo inutusan si Eproy na kausapin ang nanay ng babae?" tanong nya.


"Ha?" tanong ko.


"Kinausap ni Eproy ang nanay ng babae," text niya.


"E ano paki ko dyan?" tanong ko.


"Sabi ng babae, inutusan mo raw si Eproy," sabi nya.


"Gaga pala sya. Di ko inutusan si Eproy na gawin yan," tanggi ko.


Totoo. Di ko inutusan o pinakiusapan man lang si Eproy na kausapin ang nanay ng bilat. Sa pagkakaalam ko kasi, ang nanay mismo ang gusto kausapin si Eproy para kausapin nito si Kulot para hiwalayan ang kanyang anak. Yon ang sabi sa akin ni Eproy bago sya umalis.


Sinabi ko ito kay Kulot. Ayaw niya maniwala kasi yon daw ang sabi ng bilat. Ako raw ang may utos.


"Itanong mo kaya sa nanay," text ko.


"Iyon nga ang gagawin ko. Malalaman natin ang totoo," sabi nya.


"Nananakot ka?" tanong ko.


"Basta, malalaman natin ang totoo," diin nya.


Mga dalawang oras natahimik ang Kulot. Inunahan ko na sya.


"O ano? Natanong mo na?" text ko.


"OO. Sorry, tama ka," sagot niya.


Eto na ang chance ko. Sinunggaban ko na.


"Gaga pala yang girlfriend mo e. Nananahimik ako dito tapos iintrigahin nya ako. Di ko sya inaaway, tapos uunahan nya ako," sabi ko.


"Wag na nating palakihin to," sabi ni Kulot.


"Wag nya akong hahamunin. Pinabayaan ko kayo. Wala kayong narinig sa akin," sabi ko.


"Sorry na nga. Di na mauulit," text ni Kulot.


"A basta, puta yang girlfriend mo," reply ko.


Natahimik ang Kulot.

23 comments:

johnnypanic said...

ana gyud! sige te! payt!!!

reyna elena said...

Nalulungkot ako na natatawa ako! Sorry ha? Hahaha! I don't want to ride in your hinagpis or sama nang loob, but I was honestly in the very same position.

Nag-asawa ang mahal ko. Nang babae. Good for you kaya mo. Atungal buwaya ang ginawa ko. But the guy was insistent na wag ko na raw syang iistorbohin - until ikasal, kinukuha akong ninang - umayaw ako - until nanganak - kinukuha naman akong ninang nang anal - umayaw din ako. Yet deep inside, i love my man. I really do.

Why do I know that you deeply love Kulot? I can't help but follow your story ateng. One thing, bilib ako sa lakas nang loob mo, but then again, am sure kaya mo yan. Siguro inis ka nang pakinggan ang sasabihin ko, pero sasabihin ko parin dahil narinig ko na rin to many times - I hope that two of you get back together coz I do feel that Kulot does have something special for you. Di nya lang matiis what society expect from him. But if things were not meant to be, so be it. Ganun naman tayo.

You'll be fine. I hope makainuman kita. Lagukan blues.

Ate Sienna said...

alam mo, bad trip si kulot. sa tagal ng pagsasama nyo, mas feeling pa nyang kampihan pa agad yung bilat na yun kesa bigyan ka ng benefit of the doubt? tapos maghahamon pa sya? tapos nung malaman nya na nagsinungaling yung babae, biglang, "wag nang palakihin"??? nakakainis yang mga gnayang lalaki ha...

so typical... tsk...

Neneng_Praning said...

ooohhh the word "puta"... music to my ears.
Ano ba yan ateng, pati ako affected.

Plant lang ng plant, hindi lang diversion at oxygen ang pwede mangyari pati, si mother earth natutulungan mo. Oh diba, ms. earth.

Mugen said...

Pwede ba kami magpa-fund raising dito sa Manila para magbayad ng mga lalaki na mag-gagang bang dun sa babae. Pag luray luray na yung keps niya, saka natin ipatapon sa...

Indonesia?

Pbear said...

tsk tsk..
kasi naman..

IshnaVera said...

gurl!!!!

punumpuno na naman ng drama!!!

should i cut and paste your entries? kasi the last time na naging ganito kakulay ang buhay mo, natigok at na erase fom the face of the earth ang blogs mo... :D

mwah

ishna

Luis Batchoy said...

mag palit na ng number...yun lamang po..

blagadag said...

nag-uumpisa na. dahan-dahan ng magbabago ang character ni kulot sa drama ng buhay ni madam mandaya.

parang soap opera sa TFC na ang bida ay magiging kontra-bida at bibida uli...

di ako magugulat kung magigising si kulot at mapagtanto na ang girlfriend nya pala ay sinungaling at pangit ang ugali.

ating matatandaan na matalino si kulot. remember yung line nya na "buhay pa si mama, nagpapasugal na sya." may depth. kaya di malayo na marerealize din nya na ang bilat na kinahuhumalingan nya ay mababaw at walang sabaw.

abangan ang mga paghihinagpis ni kulot sa kanyang sinuong na buhay. magpapastretch kaya ang kulot? mabubuhay kaya at yayabong ang mga tanim ni madam? tubig kaya o luha ang ipandidilig nya sa kanyang mga tanim.

abangan.

cha said...

hay nakakaasar yang kulot na yan ha. antagal nyo na, andami mo ng naitulong sa kanya at sa pamilya nya tapos ganun ang gagawin nya sayo. ipagpapalit ka lang sa kinse anyos na bata. hay maghihiwalay din sila! pero pag naghiwalay sila, im sure makikipagbalikan sayo yang walang utang na loob na kulot na yan! wag mo na shang tanggapin ulit kahit na mahal mo pa din sha. wag ka ng magpaloko sa kanya. pera mo lang ang habol nya sayo. wala shang kwentang tao tandaan mo yan!

Myk2ts said...

nahayblood ako sa bilat!


lalagyan ko ng patis un minsan.

Omar said...

=C

Anonymous said...

Ay totoo pala and kasabihang, Hell has no wrath on a woman scorned. Putragis talaga oo. In love pa rin.

mel beckham said...

I hate the girl and I hate kulot more.

Joms, wag sa Indonesia. Itapon ang bilat sa Afghanistan.

Ate M, as always, kung asa imong kalipay didto pud mi. Knows na man ka unsay angayng buhaton.

Anonymous said...

Hi mother...

Sa totoo lang matagal ko nang sinusubaybayan ang makulay at mala telenovelang buhay nyo ni Kulotski.

At isa lang ang masasabi ko...mabuhay ka mama!! ituloy ang laban!!

reporting from seoul...

Sexymoi said...

"A basta, puta yang girlfriend mo," reply ko."" - perfect... wala akong masabi ate.

dabo said...

:(

it is a sad sad situation but better days will come..

sana ang kulot would find a reason to respect and be kind to your heart..

and stop reversing and justifying his actions..pretending as they are the victims..

canmaker said...

fight ate...nandito kami sa likod mo.... :-)

Ming Meows said...

wow. inaapi ang bida. cge day, ayaw jud padaug anang bilata na.

r3dguy said...

.echosera ang bilat ateh...

aries said...

mam, i remember your post sa old blog... katong i'm not a screaming faggot, i'm a scheming faggot...

la lang hahaha

Ewan said...

puta talaga yung babae na yun

i hate her for that

inggo21 said...

naiyak aku sa entry na to!!!