Monday, December 1, 2008
Mali Ako
Eto ang pwesto. Maliit lang sya.
Sabi nga ni Bagtak ito lang ang pulang pwesto sa buong probinsya.
Bakit pula?
"Kasi nakakagutom ang pula," sabi sa akin noon ni Kulot.
Pero sa loob nito, ang kulay dilaw. Bakit dilaw?
"Kasi umiiwas ang mga ipis sa dilaw,' sabi ko sa kanya.
Asul ang bubong. Ewan namin kung bakit.
Pumunta ako kahapon sa pwesto. Nagkita kami ng Nanay ni Kulot.
"Sayang kung ipapagiba mo ito," sabi niya.
Hindi ako makapagsalita.
"Rentahan ko na lang sa January. Gagawin kong tindahan," dugtong nya.
Tiningnan ko ang pwesto. Pula. Masakit sa mata. Mas masakit sa dibdib.
"Hindi po. Ipapagiba ko po sya," nasabi ko.
"Sigurado ka? Sayang kasi," sabi nya.
"Habang nakatayo yan, mare-remind lang ako. Habang naandyan kasi yan, para akong multong ligaw. Di alam saan papunta. Di makagalaw. Di ako maka-move on," sabi ko.
Hindi sya umimik.
"Yan ang magsisilbing tuldok sa relasyon namin," dagdag ko.
Nagpasalamat ako sa kanya.
"Kung di dahil sa pagtanggap mo sa akin hindi rin kami tatanggapin ng community," sabi ko.
Totoo naman kasi. Wala akong naging problema sa pamilya ni Kulot. Ito rin marahil ang dahilan bakit wala kaming naging problema sa mga tao dito sa bukid. Buong bukid alam ang relasyon namin. Malaki ang pasasalamat ko sa pamilya ni Kulot.
"Salamat din sa lahat ng nagawa mo para sa amin, para sa anak ko," sabi ng Nanay ni Kulot.
Hindi matagal ang pag-uusap namin. Umalis ako. Diresto ng terminal. Bibyahe papuntang city.
Hinatid ako ng Kuya ni Kulot sa terminal.
Seven years ago, nagpaalam ako sa Kuya ni Kulot.
"Gagawin kong boyfriend ang kapatid mo ha," nasabi ko noon sa kanya.
"Sino don?" tanong niya.
"Si Kulot," sabi ko.
"Ano? Ang dungis non," sabi nya.
Kahapon, ni-remind ako ng Kuya ni Kulot.
"Sabi ko na nga sa yo noon e," sabi nya.
"Ang sabi mo madungis sya," sabi ko.
"At sinabi ko rin na malabnaw ang utak ng kapatid ko," dugtong niya.
"Hindi ko narinig yon," dugtong ko.
Nagtawanan na lang kami.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
25 comments:
episodal!
sarap makausap ang nanay.
wait, bakit mali?
ikaw din ang nagsabi, malaki ang pasalamat mo sa pamilya ni kulot, kaya sa akin opinion lang, ibigay na mo na tindahan pagtanaw ng pasasalamat sa kabaitan nila. the store reminds you of the pain you want to get rid of...but only time can remove that pain, not the destruction of that store and what it symbolizes....
Kailan ba naging tama ang mali at kailan naging mali ang tama?
Bawat salitang sinulat mo dito ang nangungusap sa mga taong napagdaanan ang maiwan at naiwan.
parang katha sa lumang kanta, Sinong dakila, sino ang tunay na baliw.
sa lahat ng naganap at nagaganap sana ingatan mo ang puso mo.
Ayy, na archive sa book of history na pala ang lahat atetch. But, you know, history repeats itself. Maghihintay ako. EEEEEEEEEEEKKKKKK!
I wish I can fully comprehend what you have been going through. But I can emphatize. I had been there. The greatest pain I ever had is both physical and emotional (for a lack of a better term). It is something more. May sakit sa dibdib akong nadama. May kirot. Until now, it is still vivid. Di na ako umibig ng ganon katindi. Ginagamit ko na utak ko. I believe na kung gaano ka kaligaya sa isang relasyon, ganoon din kasakit ang katumbas pag naghiwalay. Ganoon lang ang buhay. It is just fair perhaps. May katumbas ang ang lahat. As you try to move on, I wish you to be strong and pray for you. Truly, we cannot have everything in this world. Whatever happiness that we have, we just savor the moment and then go on with our lives. Go forward my friend. I wish you well.
It's all right. In times like this, we are rarely presented with clear choices anyway. We stumble, grope our way out. The essential thing, however, is we move on...
On a side note, re your blog: ang lakas ng dating ng blog mo. Di ka ba nag-iisip lumipat sa sarili mong domain at webhosting? Paano, by some quirk of fate, tinopak si Mr. Google, at di mo ma access ang iyong blog. It happens. Paano na ang obra mo? Paano na kami? Hahaha. Selfish noh?
Be kind to yourself....
Good luck to you.
A door closes, another opens. Happy new year!
nathathatkowt ako... sa kooyah episode... eehem... ngayon lang ata ako naka pag re-ak ah... hmmm... koyah wag pu
mami,
sabi sa feng shui, kapag blue daw ang roof ng BAHAY, bad, kasi parang nasa ilalim ng tubig, which is not good. kung RESTAWRAN daw, pwede syang pang-breakfast o pang-lunch na business pero hindi pang-dinner.
kahit na ano ang maging desisyon mo, mami. Suportahan ta ka. alam ko hindi madali sa iyo ang anumang magiging desisyon mo about anything and everything kay kulot. pero naniniwala ako na gagawin mo ang dapat at ang makakatulong sa iyo.
di ako agree...mabait naman pala pamilya sa iyo...sabi nga ni blogie 'don't burn bridges'...paano kung magkabalikan kayo ni kulot....sayang naman...parentahan mo na lang
kakaiba ang pwesto. parang ang sitwasyon nyo ni kulot... take your time, pag isipan mo muna kung type mo talaga rumenta ng bulldozer para gibain ang pwesto. pero sa ending ano man ang sabihin ng nakararami, puso mo pa rin ang pwede mag decide Mandaya, kawchi lang ang may say dyan sa pwesto na yan.
remember, hindi ka magiging mali kung pipiliin mong gawin ang tama!
whatever ang decision...
hala uminom tayo! latok- latok...
i am certain, hindi magiging tuldok sa inyong relasyon ang pagpapagiba sa pwesto. lalo lang yun magiging mitsa ng mas malalim na resentment, lalo na galing ke Kulot. tingin ko, ang tunay na senyales na naka move on ka na e yung matanggap mo ang katotohanang matagal mo ng alam na darating at magsimula kayo bilang magkaibigan. good luck!
nakakaiyak na nakakatawa (ang last part) ang post na ito..but mostly nakakaiyak. hmp!
Hello Mandaya,
I've been following this blog and your story for quite some time now. I admire your writing. You use less words but your lines are powerful and moving. And I feel sad about what happened to you and Kulot.
Please allow me to share my opinion on this. If you and Kulot had children, or a son strongly resembles him. Would it pain you so much to see your son each time because of what Kulot did to you? I guess it would, but it will also remind you of the beauty you once shared and the fruits it bore, in this case "the only pulang pwesto".
I pray that you move on swiftly Mandaya. Keep it strong always.
Roy
Dapat sinunog mo tapos sabay tawa at iyak!
ayy... bakit ganun? nalulungkot ako. parang ang hirap naman atang pati relationship sa iba nasira din :(
This is PERFECT for you..CLOSING CYCLES by Paulo Coelho (Excerpts)..That is why it is so important (however painful it may be) to destroy souvenirs, move, give lots of things away to orphanages, sell or donate the books you have at home. Everything in this visible world is a manifestation of the invisible world, of what is going on in our hearts and getting rid of certain memories also means making some room for other memories to take their place.
Let things go.
Release them.
Detach yourself from them.
Nobody plays this life with marked cards, so sometimes we win and sometimes we lose.
Nothing is more dangerous than not accepting love relationships that are broken off, work that is promised but there is no starting date, decisions that are always put off waiting for the "ideal moment."
Before a new chapter is begun, the old one has to be finished: tell yourself that what has passed will never come back.
Remember that there was a time when you could live without that thing or that person - nothing is irreplaceable, a habit is not a need. This may sound so obvious, it may even be difficult, but it is very important.
...Closing cycles.
Not because of pride, incapacity or arrogance, but simply because that no longer fits your life. Shut the door, change the record, clean the house, shake off the dust.
Stop being who you were, and change into who you are.
Gets mo?? 'Yun na!!
Napagiba na?
Ano ba naman to?!!! isang buwan lang ako di naka pag bisita dito may breakup at gibaan na?!!! Kaka lungkot naman! Nasaan na ba si Kulot at para ma straight ko ang hair nya kahit pati sa baba!!
Pang MMK na talaga ang estoryang to!!
;(
gibain na! now na!
Teka! i need to catch up, last time I read was ung nag-move in si kulot ng walang sabi-sabi.
Dama ko ang kaalatan dito at dama ko ang nais mong mangyari. magbabasa mun ako pabalik.
Teka! i need to catch up, last time I read was ung nag-move in si kulot ng walang sabi-sabi.
Dama ko ang kaalatan dito at dama ko ang nais mong mangyari. magbabasa mun ako pabalik.
Hi,
I'm Hazel Jones and I work in a company interested in blog advertising. I found your blog engaging and I'm contacting you to ask if you are interested in blog post sponsorship.
If you are interested, kindly mail back at teamcasino[at]dcemail[dot]com, indicating your blog for reference, and I'll send you back pricing details, guidelines and processes. Looking forward to doing business with you.
Sincerely,
Hazel Jones
huwag mo nang ipagiba. gawin na lang nating teamcasino. At least may sponsor ka na. Pinapatawa lang kita, N
i feel that this is IT...
i also say goodbye to Kulot
Post a Comment