Thursday, February 26, 2009

Puson

Sa ngayon, di ko muna gagamitin ang puso ko, yan ay kung meron pa. Pero di maikakaila na may puson pa ako. At ito ang sumasakit kung kasama ko si Babes.


Tulad na lang nito




Sa totoo lang, nagsasawa na ako sa kanya.


At, sigurado akong di ko sya mami-miss kahit na di ko sya makikita ng limang araw. Bukas kasi, pupunta ako ng Bohol.

Saturday, February 21, 2009

Mabuti pa ang saging

Pagkatapos ang palitan ng text messages, walang nangyari. Tumigil sya. Ayaw siguro mabuko.


Ako naman, tumigil na rin. Under strict instructions din ang mga bakla na wag ng magsalita. Pabayaan na si Kulot.


Tuloy ang buhay. At noong Valentine's Day, ni isa sa dalawang babes ko ay di ko kasama. Sinadya ko ito.


"May lakad ako sa city," ang sabi ko kay Babes in the bukid.


"May aasikasuhin ako sa bukid," ang sabi ko naman kay Babes in the city.


Ang totoo, nasa city ako. At noong February 14, nasa bahay lang ako, kasama si Bananas, ang housemate nyang si Jim, si Dasya at ang jowa nya. Nagluto ako ng pasta, herbed chicken at brownies. Pagkatapos kumain, uminom ng Benguet coffee.


Bakit wala ni isa sa mga babes? Naisip ko lang naman-- na ayokong masanay na sa tuwing sasapit ang araw na yon ay kailangang kasama ko ang aking karelasyon.


At noong pauwi na sila, tinanong ako ni Bananas bakit wala si Babes in the City.


Sinagot ko sya ng: "When I woke up this morning, I realized I no longer have a heart."

Tuesday, February 17, 2009

Magbasa

Dahil matagal bago ako nakareply sa text nyang magkita kaming tatlo, sinundan nya ito ng isa pa.



"Ayaw mo kasi alam mong hindi totoo, dahil alam mong gawa-gawa lang ng mga bakla ang kwento. Sinisiraan lang nila girlfriend ko," text nya.



Ang kapal naman, naisip ko. Dumilim ang aking paligid, pero si Babes in the City, na nasa harap ko at kumakain ng chicken bar-b-que, ay nakangiti pa rin. Ang cute ng dimple nya. Nainspire ako. Binibigyan nya ako ng lakas na lumaban. Salamat Babe.


"Sige, magkita tayo. Yan ay kung kakayanin mo ang malalaman ng girlfriend mo kapag nagkita tayo. Gusto mong malaman nya ang katotohanang hindi ka sa Tagum pumunta. Na tumira ka ng dalawang linggo sa bahay ko. Kaya mo?" text hindi.


Sya naman ang di makasagot. Ipinagpatuloy ko ang pagbanat.


"Ngayon sasabihin mong magaling gumawa ng kwento ang mga bakla. Sino kaya ang magaling gumawa ng kwento? Di ba gawa-gawa mo lang din ang kwentong nasa Tagum ka e nasa akin ka pala?" text ko.


Di pa ako tumigil.


"Gusto mo rin ba malaman ng girlfriend mo na gusto mo noon na dalawa kami? Na gusto mong kayo pa rin at itago lang natin ang atin? Na hindi ako pumayag sa ganong plano?" text ko.


Hindi sya nagreply.


Natapos na sa pagkain si City Babe. Lumipat kami sa Kasagingan, isang coffee shop. Wala pa ring sagot si Kulot. Ayaw ko pa ring tumigil. Di nagawang alisin ng Banana shake ang init ng ulo ko.


"Ngayon ikaw ang di makasagot. Ganito na lang. Kahit di na tayo magkita. Gusto mong malaman ng girlfriend mo ang totoo? Magbasa sya ng blog ko. Naandon lahat. May pictures pa," text ko.


Lalong walang reply.

Saturday, February 14, 2009

Face-off

Wala ako sa bukid nang mangyari ang lahat. Ibinalita lang sa akin ng mga bakla ang lahat sa tulong ng texting.


Kumakain kami ng chicken bar-b-que sa Banoks ni City Babe nang may nagtext sa akin.


"Galit ka raw?" ang tanong ng text.


Hindi ko kilala ang number, kaya tinanong ko ng "Sino to?"


"Ako," tanging sagot. Alam ko na kung sino.


Sinagot ko sya ng: "Matagal na, ngayon mo lang nalaman?"


Sinagot nya ako ng: "Alam ko. Pero bakit pati mga bakla inaaway ako. Bakit pati sina Glydel inaaway ang GF ko?"


"Malay ko dyan," sagot ko.


"Sobra na ang pinagsasabi ni Glydel sa kaklase ng GF ko," sabi niya.


"E kasi naman yang girlfriend mo, nakikialam din," sagot ko.


"Wala naman syang ginagawa," inosenteng sagot ni Kulot.


"Anong wala? Pinagkakalat niya sa mga kaklase nya na noong nasa Tagum City ka raw ay pinuntahan kita. At doon mo ako hiniwalayan," text ko.


"Sino may sabi nyan?" tanong nya.


"Kaklase niya ang nagsabi. Yan daw ang ipinagkakalat ng GF mo," sabi ko.


"Baka gawa-gawa lang ng mga bakla yan. Alam mo naman siguro kung gaano kagaling gumawa ng kwento ang mga bakla," sabi nya.



Nawalan na ako ng ganang kumain. Inabot ko kay City Babe ang inihaw na pecho. Nakangiting tinanggap ng bata. Ako, nakasimangot na.


"Hindi gawa-gawa ng mga bakla ang kwento. Bakit di mo kaya itanong sa girlfriend mo," text ko.


"Nagpapadala ka kasi sa sulsol mg mga bakla," text niya.


"Itanong mo nga sa girlfriend mo. Pero sure ako, hindi nya aaminin," text ko.


"Mas mabuti pa siguro mag-usap tayo. Ako, ikaw at ang babae," sabi nya.


Matagal bago ako nakapag-reply.

Thursday, February 12, 2009

Tira-Tira lang




Sya si Paulene, ang bagong miyembro ng grupo. Third year high school. Tumatambay sa parlor kasama ang mga batang tomboy sa bukid namin.


Noong Biernes, JS Prom ng High School. At sa mga bading nanghiram (aktuali, renta) ng "casual" outfit ang karamihan sa mga tomboy. P100 lang.


At habang sinusukat nila ang mga gowns ni Fiona, karamihan sa mga ito ay recycled galing sa ukay-ukay, nakita nila ang photo album.


"Di ba si ano to?" tanong ng isang tibo habang nakatingin sa picture ni Kulot.


"OO. Yan ang jowa ni _____ noon," sagot ni Fiona.


"Sya ang boyfriend ng kaklase namin," dugtong naman ng isang tibo.


"Maldita sya. Lagi kong kaaway. Buti sana kung matalino, e ang boba naman. Laging nangongopya," dugtong ni Paulene.


"At ayaw pa magpahiram ng cel," dugtong pa rin ni Paulene.


"Bakit? Ano ba cel nya at ayaw ipahiram?" tanong ni Fiona.


Dinescribe ni Paulene ang cel.


"Hindi kanya yon, kay _____ yon," sabi ni Fiona.


Natahimik lahat maliban kay Paulene.


"May alas na ako," sabi ni Paulene.



Maganda naman ang kinalabasan ng JS Prom. Nabusy ang mga bading. Ang daming mukhang inayos. P100 lang per face. Ang gaganda ng mga tomboy. Si Amay, ang negosyanteng tomboy sa aming lugar, sumuporta din. Sinilip nya ang prom, sinigurong di nagugutom o nauuhaw ang mga miyembro ng kanyang lahi.


Pero ang pinakamagandang nangyari, kung matatawag man itong maganda, ay naganap noong Lunes.


Nasa loob ng classroom si Paulene nang nilapitan niya ag Bilat.


"Pahiram naman ng cel," sabi niya.


Ayaw.


"Pahiram," sabi uli ng bakla.


Ayaw pa rin.


"Bakit ayaw mo magpahiram e hindi naman yan sa iyo. Kay Kuya ______ yan no," mabilis na sabi ng bakla.


Magsasalita pa sana ang Bilat nang lumapit ang isang tibo at sinabing "Tira-tira na lang ang nakuha mo. Seven years sila ni Kuya ______, tapos siningitan mo."



Walang nagawa ang Bilat. Umiyak ito.


At sumabog ang World War II.

Thursday, February 5, 2009

Scrub

Late na nang pumunta kami sa beach. Babad lang ang plano kasi nga ang init. Pero iba ang nasa isip ni Fiona at Re-Re. Nagmistulang Spa ang black sand beach sa aming lugar.




Sa right leg





Sa kabila naman





At kung saan nakatago ang kanyang "darkest moment"

Sunday, February 1, 2009

Para sa Akin

"Happy Monthsary!" yan ang text sa akin ni Babes in the Bukid noong Miyerkules.


Natawa ako. Sinagot ko na lang rin sya ng "Happy Monthsary too."


Nasa city ako noong araw na yon, lilipat na kasi ang uupa sa extra room ko sa apartment.


At nang dumating si Babes in the City, pinakita ko ang text ng isa sa kanya.


Natawa din sya.


"Buti pa sya naalala. Ikaw, hindi," sabi ko.


Kumunot ang noo nya. Nagtataka.


"OO no, parehong araw. Kasi noong una kaming magkita, first text ko rin sa yo," sabi ko sa kanya.


Kumunot lalo ang noo nya. May halong inis na ngayon.


Buong maghapon kaming nagsama pero di pa rin sya nag-greet ng "Happy Monthsary!"


Noong gabi na, pinag-online nya ako. May sorpresa daw sya.





Eto