Thursday, 12 February 2009

Tira-Tira lang




Sya si Paulene, ang bagong miyembro ng grupo. Third year high school. Tumatambay sa parlor kasama ang mga batang tomboy sa bukid namin.


Noong Biernes, JS Prom ng High School. At sa mga bading nanghiram (aktuali, renta) ng "casual" outfit ang karamihan sa mga tomboy. P100 lang.


At habang sinusukat nila ang mga gowns ni Fiona, karamihan sa mga ito ay recycled galing sa ukay-ukay, nakita nila ang photo album.


"Di ba si ano to?" tanong ng isang tibo habang nakatingin sa picture ni Kulot.


"OO. Yan ang jowa ni _____ noon," sagot ni Fiona.


"Sya ang boyfriend ng kaklase namin," dugtong naman ng isang tibo.


"Maldita sya. Lagi kong kaaway. Buti sana kung matalino, e ang boba naman. Laging nangongopya," dugtong ni Paulene.


"At ayaw pa magpahiram ng cel," dugtong pa rin ni Paulene.


"Bakit? Ano ba cel nya at ayaw ipahiram?" tanong ni Fiona.


Dinescribe ni Paulene ang cel.


"Hindi kanya yon, kay _____ yon," sabi ni Fiona.


Natahimik lahat maliban kay Paulene.


"May alas na ako," sabi ni Paulene.



Maganda naman ang kinalabasan ng JS Prom. Nabusy ang mga bading. Ang daming mukhang inayos. P100 lang per face. Ang gaganda ng mga tomboy. Si Amay, ang negosyanteng tomboy sa aming lugar, sumuporta din. Sinilip nya ang prom, sinigurong di nagugutom o nauuhaw ang mga miyembro ng kanyang lahi.


Pero ang pinakamagandang nangyari, kung matatawag man itong maganda, ay naganap noong Lunes.


Nasa loob ng classroom si Paulene nang nilapitan niya ag Bilat.


"Pahiram naman ng cel," sabi niya.


Ayaw.


"Pahiram," sabi uli ng bakla.


Ayaw pa rin.


"Bakit ayaw mo magpahiram e hindi naman yan sa iyo. Kay Kuya ______ yan no," mabilis na sabi ng bakla.


Magsasalita pa sana ang Bilat nang lumapit ang isang tibo at sinabing "Tira-tira na lang ang nakuha mo. Seven years sila ni Kuya ______, tapos siningitan mo."



Walang nagawa ang Bilat. Umiyak ito.


At sumabog ang World War II.

26 comments:

MrCens said...

in fairness ang ganda/gwapo ng ngiti. parang ung kay karylle, nung itinanong sya ni boy abunda kung buntis ba sa mandaya, ay mali, si marian rivera pala.

ma'am (sir) mandaya, di kapa naka move-on?

ang saya! parang marami pa ang aabangan...

sexymoi said...

weow, liit na mundo...

Anonymous said...

ha ha ha. what goes around comes around. bow. -jayaureus

Anonymous said...

OMG! OMG! OMG!
im excited kung ano ang susunod na magaganap. :)

Elyong said...

Naku patay... baka giyera na talaga to..

mel beckham said...

Hala, may giyera ulet...

Oliver said...

bwahahaha!!! EYE LAAAAV EEEET

blagadag said...

Aliloya, aliloya. Aliloya, Aliloya. Aaaaaaaaaaaaalllliloyaaa!.

Yffar (^^,) said...

ay pasweet si pauline..

hhhehehehe

the Siege Malvar said...

Pagamit naman sa kinse anyos.

Mugen said...

Ang SAYA!!! Hahahaha.

jannis said...

taray. parang Ang Babaeng Hinugot Sa Tadyang lang ang eksena.

Ming Meows said...

taray!

Gram Math said...

ano kaya mangyayari sa susunod?

purplePRINCEdiaries said...

gosh...parang gossip girl ang eksena...

johnny yambao danganan said...

Ay Ate, nasa 'yo talaga huling halakhak!

Geisha said...

naku! kawawang bilaT! aabagan ko ang kahihinatnan ng world war2~

Diwata said...

hindi ko magets kung bakla ba o tomboy si paulene... parang pang-unisex ang mukha nya..

Anonymous said...

Nakikita ko pa rin and BITTERNESS. Sweeten it up pleazeeee. PEACE!!!

balyan diwata said...

ay sana one day masilayan din namin ang feslak ng bilat... sumisikip nag mundo ninyo ni kulot mandaya baka isang araw face to face kumprontahan na ito, at LIVE sa The Buzz!!!

Roy@Siam said...

And the plot thickens...

Take it easy Mandaya, You've already won the war in my book.

R

biatch said...

bawiin ang celphone maam,bawiin mo, BILIIIISSSS!!!!! at ibigay kay Pauline...

Dawn Selya said...

kawawa naman ang bilat... umiiyak na lang... :) mas feel ko pa rin si kulot para sa yo Mandaya... hmmm.. magkakabalikan pa kaya?

|jeph| said...

Mandaya, ano ba naman ang mga followers..
Parang maledukada ang karamihan.. Puro paghihiganti, poot at pananakit ang nasa isip..

SHOCKER!
Hahahaha. ;P

Anyway, WW II???
Shocks!!!!
Keep safe. ;)

Anonymous said...

tama!!!! ang cell phone para kay Pauline!!!! fotah talaga ang bilat!!! and let the games begin@@@@!!!!!!

burrito said...

para kayong si penelope cruz at javier bardem sa vicky cristina barcelona. magkamatayan na, pero for life! chos!