Saturday, 14 February 2009

Face-off

Wala ako sa bukid nang mangyari ang lahat. Ibinalita lang sa akin ng mga bakla ang lahat sa tulong ng texting.


Kumakain kami ng chicken bar-b-que sa Banoks ni City Babe nang may nagtext sa akin.


"Galit ka raw?" ang tanong ng text.


Hindi ko kilala ang number, kaya tinanong ko ng "Sino to?"


"Ako," tanging sagot. Alam ko na kung sino.


Sinagot ko sya ng: "Matagal na, ngayon mo lang nalaman?"


Sinagot nya ako ng: "Alam ko. Pero bakit pati mga bakla inaaway ako. Bakit pati sina Glydel inaaway ang GF ko?"


"Malay ko dyan," sagot ko.


"Sobra na ang pinagsasabi ni Glydel sa kaklase ng GF ko," sabi niya.


"E kasi naman yang girlfriend mo, nakikialam din," sagot ko.


"Wala naman syang ginagawa," inosenteng sagot ni Kulot.


"Anong wala? Pinagkakalat niya sa mga kaklase nya na noong nasa Tagum City ka raw ay pinuntahan kita. At doon mo ako hiniwalayan," text ko.


"Sino may sabi nyan?" tanong nya.


"Kaklase niya ang nagsabi. Yan daw ang ipinagkakalat ng GF mo," sabi ko.


"Baka gawa-gawa lang ng mga bakla yan. Alam mo naman siguro kung gaano kagaling gumawa ng kwento ang mga bakla," sabi nya.



Nawalan na ako ng ganang kumain. Inabot ko kay City Babe ang inihaw na pecho. Nakangiting tinanggap ng bata. Ako, nakasimangot na.


"Hindi gawa-gawa ng mga bakla ang kwento. Bakit di mo kaya itanong sa girlfriend mo," text ko.


"Nagpapadala ka kasi sa sulsol mg mga bakla," text niya.


"Itanong mo nga sa girlfriend mo. Pero sure ako, hindi nya aaminin," text ko.


"Mas mabuti pa siguro mag-usap tayo. Ako, ikaw at ang babae," sabi nya.


Matagal bago ako nakapag-reply.

20 comments:

Anonymous said...

i'd like to see the film version of your life directed by danny zialcita. hehehe

Luis Batchoy said...

para que?

Anonymous said...

Exited ka Ateh, I'm sure. Miss you much kasi ang dramanetch mo noh. Haaay, pag ibig!!!!!

PB Gandanghari said...

anong reply mo teh?
BOOK 2 ito! hahahaha :D

mel beckham said...

duh, ayaw na nang oi..


word verification: ander

Ming Meows said...

hala sige mag-usap na kayo bago pa ito umakyat sa Supreme Court.

Neneng_Praning said...

ooooohhh i love the drama.

warlahan na itey!

Mugen said...

Kaabang-abang ang susunod na kabanata. :)

MrCens said...

wow! parang teleserye, may season 2, 3...and so on and so forth. ano kayang magandang sub title? hmmppp... mandaya: kapag straight na ang kulot o di kayay, hinugot ka lang sa aking tadyang.

next entry mo na nga lang mr. mandaya ung title...

peace from dubai!

Elyong said...

Sabi ko na nga ba, giyera talaga ang pututunguhan nito... hehehe.. parang pelikula na to..

blagadag said...

deal, sa Peninsula Hotel kayo mag-usap. Pen ng HongKong ha o kaya sa Singapore pero mas okay sa Hong KOng. may home base ka. andon si Kiks at Jericho. Sabihin mo na ang attire is formal, coat and tie at mag gown si bilat. Kung di nila kaya sa Men Seng na lang. Isama mo si Duterte, madam.

[G] said...

baka magkapalit kayo ng mukha ng bilat ha.

Mugen said...

Mas bagay sana kung meron kang entourage. Dapat kasama pati yung mga boys mo. Ewan ko lang kung hindi shock and awe ang kalabasan ng inyong pagtatagpo.

Anonymous said...

makipag balikan kana kasi kay kulot para mapasaakin na si babes in the city

Anonymous said...

whatever kulot!

cant_u_read said...

...ng?

matagal bago nakapag-reply ng ano? bitin! :-(

hindi ako sure kung nakapagpasalamat na ko sa mandaya shirt na pinadala mo thru kiks. kung hindi pa, salamat, kapateed! :-)

blacksoul said...

Ano na bang nagyari sa mundo?

3rd year highschool pinatos?

Palaban na talaga mga kabataan ngayon

Anonymous said...

"cguro i still can't get over you"..

that's not my comment to your post..I am just sharing with you what my ex-bf told me on Valentine's Day. Part of me 'kinilig' siyempre! Feeling ko ang haba-haba ng hair ko..Oopss, be careful! Baka matapakan mo!!

Que sera, sera..Kung talagang ukol, dapat malaki ang bukol!! Sey mo??!!!

sexymoi said...

exciting!!

Anonymous said...

deadma na...huwag mo na kausapin. obviously nag-aaway si kulot at ang bilat tungkol sa mga "chismis"....at ang gusto lang ni kulot ay ang mag usap kayo para ma-linawan ang bilat at magka-ayos sila kulot at bilat....huwag ka pagagamit....tandaan ang inis, siya ang talo....pabayaan mo sila mainis....hahaha