Tuesday, 17 February 2009

Magbasa

Dahil matagal bago ako nakareply sa text nyang magkita kaming tatlo, sinundan nya ito ng isa pa.



"Ayaw mo kasi alam mong hindi totoo, dahil alam mong gawa-gawa lang ng mga bakla ang kwento. Sinisiraan lang nila girlfriend ko," text nya.



Ang kapal naman, naisip ko. Dumilim ang aking paligid, pero si Babes in the City, na nasa harap ko at kumakain ng chicken bar-b-que, ay nakangiti pa rin. Ang cute ng dimple nya. Nainspire ako. Binibigyan nya ako ng lakas na lumaban. Salamat Babe.


"Sige, magkita tayo. Yan ay kung kakayanin mo ang malalaman ng girlfriend mo kapag nagkita tayo. Gusto mong malaman nya ang katotohanang hindi ka sa Tagum pumunta. Na tumira ka ng dalawang linggo sa bahay ko. Kaya mo?" text hindi.


Sya naman ang di makasagot. Ipinagpatuloy ko ang pagbanat.


"Ngayon sasabihin mong magaling gumawa ng kwento ang mga bakla. Sino kaya ang magaling gumawa ng kwento? Di ba gawa-gawa mo lang din ang kwentong nasa Tagum ka e nasa akin ka pala?" text ko.


Di pa ako tumigil.


"Gusto mo rin ba malaman ng girlfriend mo na gusto mo noon na dalawa kami? Na gusto mong kayo pa rin at itago lang natin ang atin? Na hindi ako pumayag sa ganong plano?" text ko.


Hindi sya nagreply.


Natapos na sa pagkain si City Babe. Lumipat kami sa Kasagingan, isang coffee shop. Wala pa ring sagot si Kulot. Ayaw ko pa ring tumigil. Di nagawang alisin ng Banana shake ang init ng ulo ko.


"Ngayon ikaw ang di makasagot. Ganito na lang. Kahit di na tayo magkita. Gusto mong malaman ng girlfriend mo ang totoo? Magbasa sya ng blog ko. Naandon lahat. May pictures pa," text ko.


Lalong walang reply.

37 comments:

Bleeding Angel said...

move on... life is beautiful...

Anonymous said...

go, mandaya!!
im so proud of you!!!!

johnnypanic said...

da! hilom lageh!

blagadag said...

good. baka matuto pa syang mag blog. hihihi. hula ko, nalagas ang mga buhok ni kulot. nyahahahaha.

Elyong said...

Patay talaga si kulot kapag nalaman ng girlfriend niya ang blog na ito... abangan ko na lang ang susunod na kabanata.

Take note, ang word verification ay "inatay" nakikialam ba naman si google... hahahaha!!!

MrCens said...

kasagingan, banoks? hahaiizz, miss davao so much...

homeric29 said...

Go Mandaya...I'm rooting for you.

Kapal talaga ng mukha - nananahimik ka na't lahat may gana pa silang manggulo.

Take care and more power.

Anonymous said...

Ayyyy! grabe na banat na yan Atetch ha. Parang ga impyerno talaga ang nakita kung hate sa 'yo. Dahil ba na hindi mo matanggap na nakakita na ang mahal mo ng iba at iniwan ka at ang makapagpapasaya sa 'yo ay ang makita siya na naghirap? I still believe sa Karma. Kaya stop na noh! Leave him alone and move on. Simple ba?

Anonymous said...

napakalupit mo ate!!!!!naiiyak ako. hu-hu-hu-hu....hi-hi-hi......!

josko napakadrama ng lab istori na ire!!

pwede ba, ayoko ng hindi sumasagot!! ayoko ng silence! ayoko ng "No comment"! pasagutin mo ang kulot!! pigain mo!

Charles Stephenson Suarez said...

baka dumerecho ang buhok ni kulot

Anonymous said...

para lalong walang maisagot si kulot, ipadala mo picture ni babe in the city,telling him na there's a new man in your life and nakamove on ka na and there's no use of meeting him and bilat. tingnan lang natin kung di siya magselos kay babe in the city. mas pogi yata sa kanya. Go, fight mandaya, fight!

mel beckham said...

Dah! Merese. Enough na nang. It's his loss. Ilubong na lang siya sa dimples ni Babes.

Neneng_Praning said...

ROAR!!! gusto ko sabunutan si Kulot. Pwede ba ateng?

Anonymous said...

go mandaya! i really love your blog! can't wait to see what happens next. :)

Anonymous said...

aling mandaya at kay kulot na rin,

wag na kayong magsakitan pa!

kung tapos na kayo...e di tapos!! pag itinuloy pa ba ninyo ang sakitan na yan eh magkakabalikan pa kayo? eh di hindi na!! pwes stop na!!! wala nang bubuuin pang relasyon...pwede!!
.....unless mahal nyo pa ang isa't isa!!

alimuom.atbp said...

way to go.

Ming Meows said...

blackmail ba etoh?

pag nagkita kayong tatlo, maghanda ng redwine at mag-ala Cherie Gil. Kailangan andun si Babes at may audience para bongga.

Anonymous said...

Move on na ateng!!! Sabi nga nila "the oppossite of love is not hate, it's indifference" and "the best revenge is being happy". Kaya queber na lang kuya. Baka isipin nya bitter ocampo ka. Tema! Bitter Ocampo ka nga ba?

sexymoi said...

palaban ang lola. :) go girl! :)

Gram Math said...

eheheh, grabe naman ang away na ito. pero your decision before na hindi na maging kau is definitely a wise decision. galing mo!

Ate Sienna said...

*masigabong pumapalakpak*

Ang galing ng mamu ko!!!!!! Eh di wala syang masabi! Sisihin pa ba ang mga sisterz! Da NERVE!!!!

Anonymous said...

ang taray ng beauty mo ms. mandaya...

nakakatuwang basahin ang blog mo. nakakainspire ang lakas ng loob mo! i wish i have the same strength.

Luis Batchoy said...

ten thousand cheers for mandaya! Kalagot ana oi! Hehehehe

jake said...

i agree..nakakalungkot..minahal nyo ang isa't isa..so just move on...masaya na sya..i'm sure masaya kna rin ke babes...good luck!!

Anonymous said...

tandaan...ang inis, siya ang talo....maganda ka, at maraming nagmamahal sa iyo...iyon ang importante....stay happy!

banshee said...

buti nga sa kulot na yan! PUNYEMAZ na babae akala mo.... hmmmppffft!

go go go mandaya!

big_berto said...

patay ang bluff ni kulot. :-D

Steffi said...

Amen Mandaya. :D

Anonymous said...

Mandaya, move on. Be happy. Your bitterness and vengeful attitude is slowly killing you. Alisin mo ang pride mo. Admit that your affair with Kulot was the closest thing you had to marital bliss at di kayang ibigay ni Babes yun. Let go.

olan said...

ateh talaga... move on na... time to let go na... hayaan mo na... tutal sa bandang huli ikaw pa rin naman ang panalo di ba. ikaw parin ang pinag aagawan! daladalawa pa nga di bah. hehehe. so sa kasagingan ka pala tumamaby. di kaya ikaw yung nakita ko kamakailan doon kasama nga yung si city babe. ikaw yun tlga! tsk tsk tsk... sayang, dapat nilapitan kita at nagpaauthograph ateh.... meet u up naman madam! nasa davao lang ako.

Anonymous said...

ATENG, INUMPISAHAN NILA...TAPUSIN MO NA!!!!! magharap-harap na at ilabas ang katotohanan!!!! tingnan natin kung sino ang gagapang sa lusak!!!

burrito said...

sa blackmail nauwi ang 7 years. chos!

rainisrian said...

hmmm.. can't wait what will happen next.

jericho said...

hahaha. bongga. taas noo! hehehe

Anonymous said...

OH MY EFFIN' GAWD!!!
--- Kulot's Bloody Girlfriend

ZeroGravity said...

Ahhh, may ganito palang kwento. Kailangan ko na talagang ma-update dito. Nabanggit yata ito ni shubert sa huli namin inuman. sabi niya, "updated ka ba sa love story ni mandaya?" lol.

sanggrepirena said...

go!!!!!Mandaya have a confidence to face them all and prove it lalo na kay kulot na hes not a lost ug kanang iyang uyab sipaa ingna gwapa diay ka!!!!!!!