Wednesday, August 26, 2009

Hilaw

Hindi ako nakatulog agad matapos kong sabihan syang matulog na kami. Paano ba naman, e nag-attempt pa syang hipuan ako habang ako'y nakahiga.


"Matulog na tayo, umaga na," sabi ko, sabay kuha ng unan para i-cover sa aking harapan.



Hindi ako nandidiri sa kanya. Kasalanan ko ang lahat. Naninibago lang ako sa ganitong arrangement. Hindi ako sanay makipagharutan sa isang MAYA.


Ilang oras din kaming natulog. Sya ang naunang magising.


"Magsasaing ako, gusto mo?" tanong nya sa akin.


"Sige, ikaw na bahala dyan. Tinatamad akong bumangon," sagot ko.


Sa aktong kumukulo ang sinaing nya, naubusan ng gasul.


"Wag mo ng buksan para di lumabas ang init," sabi nya.



Hinanap ko ang number ng LPG delivery, di ko makita.



Kalahating oras ang dumaan, di ko pa rin mahagilap ang number ng LPG delivery.



"Gutom ka na?" tanong ko.


"Medyo," sagot niya.


"Magbukas ka na lang ng de lata," sabi ko.


"Yung itlog na pula at kamatis sa ref na lang," sabi nya.


"Sige. Mamaya na ako kakain, di pa ako gutom," sabi ko.



Tiningnan ko ang sinaing nya.


"Hindi to hilaw?" tanong nya.


"Hindi, luto yan," sagot nya.



Naghain sya. Prinipare ang itlog na maalat with tomatoes. Umupo sa mesa. Inumpisahan ang kanyang brunch.



"Medyo hilaw pa nga ang kanin," sabi nya.


"Sabi ko naman sa yo e," sagot ko.


Ewan ko at kung ano pumasok sa utak ko at dinugtungan ko pa ito ng: "OK lang yan, MAYA ka naman. Kumakain nga kayo ng palay di ba?"


Isang mabilis na "He!" lang ang sinagot nya.


Ako naman, isang pagkalakaslakas na tawa.

25 comments:

Ate Sienna said...

eh mami, dito kasi sa states, minsan dalawang pa-minta ang mag-dyowa. akala mo talaga min na min pero maya-maya magkaholding hands. so ibig bang sabihin, pareho silang maya?

loloy said...

hahahaha. mayang bongol pero palaban. "he!" ------> sosyal ang sagot na etetch! biglang nabakla!

rudeboy said...

Uy! Napapahalakhak na siya!

Medyo hilaw pa nga ang sinaing, pero basta hindi malasado, kakainin mo pa rin ito.

parteeboi said...

aray... grabe ka naman teh...

Unknown said...

di na ako amgpapakachoosy pa:)

Lyka Bergen said...

eh kung horny ang mga toh? anong tawag sa kanila?... maya pula?

garampingat said...

keri na yan ma'am..

Anonymous said...

kalerki talaga ang mga maya... no offense huh kasi madami din naman akong friends na maya pero pakatotoo kayo esp if kahit anong gawin iyong pagpapaka straight acting eh lalong lumalabas pagkabayot niyo... hahaha

Yj said...

ah so yung kanin pala ang hilaw...

akala ko ikaw hihihihihi parang virgin lang arrive mo nun....

Bonsai Makisig said...

service for hire mandaya.ganahan gud na siya gud.

Bonsai Makisig said...

asa gani imuhang jauz diri davao mandaya? di kaba uuwi sa pista sa friday?

Diwata said...

hahaha... dogshow kaau ka teh! maya baya ko! hahaha. lahi gyud ang drama sa mga oyotar noh kay self service nalang after sa buffet. jody-ann jud na pwede sa mga mayette. hahaha

Anonymous said...

sori di ako relate, ano ba yung MAYA?

Anonymous said...

Ay! bukelya! Chaka na! Go ate go! EEEEEEEEEEEEEEEHHHHHHHHHHHHH!!!!!!

Paul said...

Maya = Visayan term used for Pa-mhin. And people are saying na yung ibon na maya eh bingi daw... Tapos, pag may pamhin na dumaan, tinutuksong bakla... tapos, tong mga baklang to, nagbibingi bingi-an. Kaya, na coin sila na Maya. Kasi mga bingi daw. Mga binging bakla. Ahihiihihihi...

Tama ba ako Kumareng Mandy?

Maya maya pano ka ginawa?

Anonymous said...

Hahahaha! Kilala ko to! Kilalang kilala!

Anonymous said...

hi mandaya! it's me jackie! naku nabuhay ako. im blogging again since yesterday.hahaha!! i changed my URL pala, it's

http://eykeykey.blogspot.com please change it my dear. thanks! :D

Anonymous said...

maya ged! tagam.

-candy wrapper

john said...

Meron talang ibon na ang name is Mayang Bongol or in tagalok, mayang bingi. Binebenta sa Visayas. Akalo ko joke ng mga bakla lang

johnnypanic said...

ka tam-is ba uy. :)

MrCens said...

mayang kumakain ng palay!

ang saya....

Bi-Em Pascual said...

nabuang na naman ako sa post mo ateng... tuksuhin ba? at least an gets nya yung chararat mesh! eh pareho naman kayung maya di ba? keri lang magtukaan... sabagay, akengkay nga rin, wit ko feelangga makipag-chukchakan sa kalahi ko... dili man ako cannibal day!

Bi-Em Pascual said...

me award ka sa blog ko... come and get it... lurve kita eh...

Lasher said...

Hehehe...

Ewan said...

ano pong ibig sabihin ng maya??? bakti maya??