Thursday, August 6, 2009

Istorbo

"Magpapakapal na ako ng mukha, magpapatulong sana ako sa yo," ang text ni Kulot sa akin.


"Bakit na naman?" tanong ko.


"Masakit pa kasi dibdib ko. Di pa rin ako makagalaw ng maayos," sagot niya.


"Tapos, ano gusto mo mangyari ngayon?" tanong ko uli.


"Magpapatulong sana ako. Gusto kong magpacheck-up. Kung pwede," sagot nya.


Pinindot ko ang celphone. Matagal. Complete paragraph ang message ko.


"Tumulong na ako. Pero anong nangyari? Ako pa ang lumabas na masama. Dapat kasi sikreto yon. E sinabi ni Malyn sa yo. Tapos, sinabi mo sa GF mo. Nagalit sya. Ako na nga ang tumulong, sa akin pa sya nagalit. E di sa kanya ka humingi ng tulong," ang pinadala kong reply.


OO, nalaman ni Kulot na nagpadala ako ng pera para sa x-ray at gamot niya. Pinaalam ito ng pinsan nyang si Malyn. At noong nagtaka ang putang GF nya kung saan sya kumuha ng pera para sa check-up gayong wala naman syang trabaho, sinabi ni Kulot ang totoo.


"Kumalampag ang bilat," text ng isang kakilala sa akin ilang araw matapos ang Mandaya-sponsored x-ray exams ni Kulot.


"Bakit na naman?" tanong ko sa texter.


"Kasi nalaman nya na pera mo ang ginamit para sa x-ray," sagot nya.


"At sinong may sabing nagpadala ako ng pera?" tanong ko.


"Inamin ni Kulot," sagot nya.


Pero ako, hindi ko inamin ang totoo. Sinagot ko na lang ang texter ng "wala akong paki sa kanila."




"OK na yon. Pinaintindi ko sa kanya. Hindi naman sya nagalit, nag-init lang ang ulo nang malaman nya ang totoo," sagot ni Kulot sa mahaba kong text.


"Tapos ngayon, sa akin ka hihingi ng tulong?" tanong ko.


"Kung pwede sana," sagot nya.


"Tapos na akong sa kalokohang yan. Ayoko na ng gulo. Istorbo lang kayo sa akin," text ko.


Matagal bago sya nakapag-reply ng "OK lang. Salamat pala sa tulong mo. Sori din kung di nasunod ang gusto mo na isekreto ang lahat."


Nag-sorry sya. Pero sa isip, ibang kasalanan ang hinihingan nya ng kapatawaran. Hindi na ako nagreply.

25 comments:

rudeboy said...

Ayon sa mga nakatatanda, dapat nang tigilan ni Kulot ang pakikiapid sa babae. Labag ito sa batas ng kalikasan, at ngayon, unti-unti na niyang nadarama ang malupit na paghihiganti ng tadhana.

Sana'y mamulat siya sa mga signos. Mapalad siya't hindi sabay na bumuka ang lupa nang siya'y magpatihulog mula sa puno ng kaalaman.

Anonymous said...

It just goes to show na nasa bilat ang loyalty niya. It seems like you need to reassess your relationship with him. Is it still reasonable to consider him a friend?

Mugen said...

Good.

Diwata said...

ati, sayo humingi ng tulong kasi purissima ang bilat. skwalalumpur ang gagah... hahahah... nakakainis yung ganon noh? ur trying so hard to move on and get him out of your system and yet, siya, parang wala lang, bigla bigla nalang nagpapapansin... making things more difficult again... and yet, hanggang ganun nalang yun.

Anonymous said...

Kulot had my sympathy before, pero ngayon, I'm telling you, it's time na kalimutan mo na siya. Hindi siya naging karapatdapat sa pagmamahal mo noon, hindi rin siya naging karapatdapat sa tulong mo ngayon. Don't be guilty. You have done your part. He is not your responsibility anymore. Whatever happens, ang mga tao sa paligid niya ang may tungkuling tulungan siya. As for you, think also of your self. Sana nga si Ranger na...

Brix said...

Nakakalungkot. Difficult it maybe but extend help without any expecting for anything in return.

At the end of the day, what matters most is what is between you and your God. Nothing else.

johnnypanic said...

Gaba ra! Paet man jud na di ka katabang niya karong siya na gyud ang nangayo. Pero teh uy, samok jud bitaw na'ng ikaw pa jud ang kasapotan sa lain bisan ikaw pay nitabang. Pasagdi ma'am. Nakatabang na ka niya.

blagadag said...

naku madam. panindigan mo na yan. sabi ko na noon pa na malalaman yan ni kulot. ayun, warla na si bilat. pag tinulungan mo pa uli yan, naku, di ako magtataka kung magpakatihulog na naman si kulot sa puno ng aratiles, puno ng santol, puno ng balimbing, chico, bukayo, este nyog, mani, kamatis talong, etc, para makalapit uli sya sa yo. baka magkaroon uli ng pulang panaderya sa bukid. donya esta santaclaus ka talaga. char.

dawnselya said...

naku mandaya wag na wag ka ng tumulong. enough na yan. ikaw pa ang napapasama. pag binigyan mo pa ng pera, para mo na ring sinampal ang sarili mo.
gagamitin ka lang ng mga lalaki dahil pera lang ang habol nila. kasi naman eh, bakit kasi pa pipi ang gusto nila wala naman silang mapapala....

Anonymous said...

siguro kung ako si bilat.. magpapaka kumbaba ako.. magpapasalamat ako sa malaking naitulong mo sa lalaking mahal ko.. yung ay kung TOTOO man talaga na mahal ni bilat si kulot..

haaayyy ate.. you have a good heart.. sana di nga lang ma over ang pag ttake advantage nila sa kabaitan mo..

sexymoi said...

weow... parang nasanay na ang kulot na sayo tumatakbo pag me problema? pero pag masaya sa iba siya?

Luis Batchoy said...

Hanggang dito na lamang po at maraming salamat!

burrito said...

pinapakita lamang neto na kailangan ka pa rin nya. pero ikaw, kailangan mo pa ba sya?

Anonymous said...

dear kulot,
utang na loob, lubayan mo na si ateng mandaya. since pinili mo ang bilat mo, doon ka humingi ng tulong. you don't deserve an ounce of pity from mandaya. hmpft!

Anonymous said...

Tsug! Aray, sakit naman ng heart ko! Love kasi ba. Punyeta talaga. Tse! Makaalis na nga ulit.

Lasher said...

Serves him right, I guess. Sana ang eksenang ito ay di mangyari saken. =)

Anonymous said...

hay naku mga beklas, mahal pa ni kulot si ate and vice-versa.

kaya lang..... hindi natin nababasa, hindi natin naririnig, hindi natin nakikita, hindi natin nararamdaman!

kasi nga ang mga puso nila ang may alam noon!

sabay kanta ng, "sa may bahay ang aming bati, meri krismas na malwalwati..." ay mali!!!

Bonsai Makisig said...

baka kailangan talaga mandaya.....ask you friends nalang about the matter....

bilat man jud kinahanglan lol/.

John Bueno said...

ur a gud person...wag n lamang po, tama na yung naawa k ng isang beses k? wag na mag paloko...

Lyka Bergen said...

Haaaay... buti naman. Kala ko, eh...

Anonymous said...

i so hate kulot pero siguro help na lang him as a good citizen, not as a friend or ex-jowa. tapos nun tapos na talaga. iba na kasi kapag health ang usapan..

Anonymous said...

mahal mo pa si kulot, mandaya. aminin mo sa sarili mo.

blagadag said...

kung kailangan talaga ni kulot ng tulong, ilapit mo sa manghihilot. kung di man, sa pcso o sa caritas davao, cwl, davao death squad, task force davao o di kaya kay scout ranger. tutal, magaling magmasahe si scout ranger. mabait naman si ranger eh. yung asawa nga nya, inuwi nya pa pagkatapos nyang sunduin sa lalaki nito. ay, mali yata?

Anonymous said...

kailangan lang naman nya ng pera. nothing else.ano ba kayo this not love for crying out loud. naging bangko central lang si ateng.

Anonymous said...

Ate, mag move on ka na. Alisin na ang galit sa puso mo. I believe para maalis yan, force yourself to like him as a friend. After all, napaligaya ka rin niya noon. Why not help him? Show to yourself and the world you are beyond revenge and bitterness. I think you can learn a lesson or two from Vicky Belo