Kahapon, fiesta sa isang maliit na barangay sa kabilang town. Aabot yata ng isang oras na byahe mula sa amin ang layo ng barangay. Ang mga bakla nasanay na na tuwing fiesta doon ay may Miss Gay Pageant. Sugod sila para sumali.
Pero pagdating sa lugar, walang MG. Bakit? Walang budget ang barangay.
"Paano yan?" tanong ni Kirat sa mga bakla.
Paano nga kasi wala silang pamasahe sa bus pabalik. Nasanay na kasi sila na may backstage fee-- P50 per talunan.
"Umpisahan na natin ang paglalakad," sabi ni Red.
"Ano ka ang layo non," sabi ni Gylel.
"Kakausapin ko si Kapitan," sabi ni Kirat.
At kinausap nga niya ang barangay captain. Medyo matagal-tagal na negosasyon. At, napagkaisahan na magkakaroon ng MG. Pero ang prize money ay super liit na tama lang para pang bus fare ng mga bakla.
"Pwede na yan," sabi ni Red.
Matagal-tagal pa bago na set-up ang sound system para sa MG. Tulong-tulong ang ilang kalalakihan, binuhat nila ang "token" o ang videoke machine at nilagay ito sa tabi ng stage.
Inumpisahan na ang show. Rampa ang mga bakla. Ang music: Brother Louie. Rampa pa rin ang bakla. Natigil ang music. Nagpanic ang bantay sa videoke machine. Dali-daling itong naghulog ng dalawang piso, pindot sa keys at tumango sa mga bakla na tila bang sinasabing "OK na".
May music na uli. "Touch by touch, you're my all time lover. Skin to skin, come undone my cover."
Walang choice ang mga bakla. Kailangan nila ng pamasahe para makauwi. Rampa na lang sila.
Mabilis ang program. Di tulad noon na patagalan sa stage ang mga bakla. This time, isang rampahan lang. Ang introduction nila, pinaikli. Lahat ng moves, sini-shortcut.
Walang talent portion. Wala na ring casual wear competition. Diretso sila sa swimsuit part na ang nanalo ay si Glydel. Sa evening gown, si Red naman ang win.
Dahil back to zero ang scoring, sumumpa si Kirat na sya ang mananalo sa question and answer portion.
Isa-isang tinawag ang mga candidates. OK naman ang mga sagot nila. Confident si Glydel na sya pa rin ang win. Ganon din ang feeling ni Kirat, mukhang tatalunin sya sa "Thank you for that very beautiful question" na opening line ni Glydel.
Akala lang ni Glydel yon. Matapos ang tanungan, meron pa pala.
"Meron po tayong final "final question," sabi ng MC.
"Ano raw?" tanong ni Glydel.
"Final, final question daw," sagot ni Red pero naka-smile pa rin habang naka-pose sa stage.
Ang Kirat, smile din. Sa isip niya, pwede pa syang bumawi.
"Actually, hindi po question. Isa pong task," sabi ng MC.
Opo. Task. Parang Pinoy Big Brother.
"At ang mananalo, sya ang mag-uuwi ng crown," dugtong ng MC.
Si Kirat ang nanalo. Sya ang hinirang ng winner ng crown.
Ang task: Pahabaan ng hinga. Patagalan sa pagsabi ng
"Happy Fiestaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa."
Friday, July 20, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
10 comments:
Mwahahahahahahahahahahahahahahahaha! Ang galing galing ni baklang kirat! Ang ibinawas sa mata, naidagdag sa ngala-ngala!
nyahahahahhhahahahahahaha
at least may kanya kanya silang award...
sana post mo uli ung MG nung last year...masaya din un...
Yaiks! Ginawang children's party! Bwehehe.
Meron sigurong hasang yang si Kirat. Siguro sa palikpik siya humihinga. Yang touch by touc na yan, hinding-hindi nakakalimutan pag nakakarinig ako ng videoke sa barrio. Yang brother Loui naman na yan, nagulat ako ng kinanta ni tatay nung mag-videoke dito sa bahay.
ahahahahahahahahahahahahahahahahahahaahahahahaha!!!!
winner si kirat.
miss mandy bat di ka sumali???
ikaw si kirat no?
Omg!
Mayjah nga ang task!
Publish mo naman pic ni kirat, tita mandy.
very nice kaya lang bitin, sana may pictures ate. pero i loved the post.
do you like samson? check out my latest post and analyze the song with me.
hey po.. salamat sa pagdaan..
bat nag po di kayo sumali? hehe
love ur site ha. mala wanda.hehehe ;) link mo ko ha?lilink kita kapatid :D
Post a Comment