Mas kilala sya bilang disco girl. Lahat na yata ng disco sa neighboring towns at barangay ay napuntahan na nya. Sa katunayan, nakilala ko si Herman noong minsan ay dumayo sya sa disco sa aming bukid.
Arteng babae ang Herman. Maganda ang katawan nito. Makinis ang balat. Mahaba ang legs. Pero lahat ng bagay, kasali na doon si Herman, ay may pero.
Hindi sya kagandahan. Ayon sa mga bakla, may pagkakabayo ang kanyang mukha.
Pero pinanindigan pa rin nya ang kanyang pagiging girl. At kung naging girl man si Herman sa totoong buhay, magagalit ang mga femenista sa kanya.
Para sa kanya kasi, katangian ng isang tunay na babae ang tumahimik lang kahit inaapi.
Minsan, kahit lantaran ng binabastos sya ng mga boys, wala pa ring imik ang bakla.
Minsan naman, sinasaktan na sya ng isang hada, di pa rin lumaban ang bakla.
“Pa-girl kasi,” sabi ni Red.
“Kung sa akin ginawa yon, tiyak na rumble ang ending,” dugtong ni Fiona.
“Sa laki ba naman ng katawan mo, para ka ng isang buong gang,” mabilis na dugtong ko sa sinabi ni Fiona.
Ngunit kakaiba si Herman. Dibdiban sa kanya ang katagang “World Peace.” At, pinanindigan pa rin niya ang pagiging disco girl.
Last week, kasama ang ilang bakla, pumunta si Herman sa bayan ng Tarragona. Town fiesta noon at may disco.
Hatinggabi pa lang ay tapos na ang disco dahil sa pinapatupad na curfew. At pauwi na sa tinutuluyang bahay ng isang kaibigan nang tinawag ito ng tatlong kalalakihan.
“Gusto nyo?” tanong ng isa sa mga lalaki ka Herman at sa kasama nitong bakla-- si Ariel.
Sino ba naman ang hihindi?
Dinala ang mga bakla sa isang madilim na lugar malapit sa ginagawang bagong municipal hall. Ginawa nilang motel ang malalaking culverts na hindi pa naililibing sa nahukay ng drainage system.
Dalawang culverts ang pagitan nina Herman at Ariel sa isa't-isa. Tig-iisa sila ng lalaki. Ang natirang walang partner ay nagsilbing lookout.
Pero mga ilang minuto pa lang ay may narinig si Ariel.
“Huwag,” sabi ni Herman.
Hindi ito pinansin ni Ariel.
Tapos, narinig na naman niya si Herman.
“Aray!” sigaw ng bakla.
Kinabahan na ang bakla. Tumigil sa paghada sa partner niya.
Di nagtagal, sumigaw si Herman ng: “Takbo na bakla!”
Ginawa ito ni Ariel. Takbo sya papunta sa tinutuluyan nila. Hinanap ang mga kasamahang bakla. Dali-dali silang pumunta sa construction site.
Gamit ang ilaw sa isang lighter na may “laser light,” hinanap nila si Hernan.
Eto ang nakita nila: Si Hernan, duguan, may saksak sa dibdib.
Bukas ang libing ni Hernan.
Thursday, September 27, 2007
Tuesday, September 25, 2007
The Power of Three
Sina Oyang, Facundo at Kandoy ay magkakapatid. Silang tatlo ay may kanya-kanyang “powers.”
Si Oyang ay kilala bilang manggagamot sa aming bukid. Kung may nararamdaman kang di maganda- mula kabag, naipit na ugat hanggang dislocated joints - sa kanya ang takbo mo. Siguradong magagamot ka ni Oyang. Ang problema, mangangamoy ga-as pagkatapos ng treatment.
Si Facundo naman ay kilala bilang manggagamot ispiritwal. Kung may naka-crush sayo na maligno at ayaw kang lubayan, sa kanya ang takbo mo. Kung biglang lumaki ang isang pisngi mo, malamang nasampal ka ng engaknto, Kung namaga ang iyong talampakan, malamang nakaapak ka ng duwende. Lahat ng iyan kayang lunasan ni Facundo.
Si Kandoy ay may kakaibang power. Kilala ito bilang pinakamalakas na lalaki sa aming bukid noong kabataan nito. Kwento ng mga matatanda, maging ng mga medyo bata-bata, ibang klaseng lakas daw meron itong si Kandoy. Dati raw, nakakabuhat ito ng troso. Minsan naman, at maraming nakakita nito, hinila nito ang isang jeep na naanod sa ilog.
Sikat ang magkakapatid mula noon hanggang ngayon. Ang masama nga lang, pumanaw na si Kandoy noong isang buwan. Ilang taon na rin itong bed-ridden matapos atakehin sa puso. At noong namatay sya, bumalik ang mga kwento-kwento tungkol sa magkapatid at sa mga kapangyarihan nila.
At naging usap-usapang rin ay kung kanino ipinamana ni Kandoy ang kanyang “dagun” o ang tinatawag na power.
Sabi kasi, naipapasa ito sa huling taong nasa tabi niya bago ito namatay.
Eto ang problema: Noong mamamatay na si Kandoy, hawak-hawak niya ang kamay ni Re-Re— ang baklang apo.
Pero deny ang bakla na sa kanya ipinasa ng Lolo Kandoy nya ang dagun.
“Wala nga e,” sabi niya.
“Ang sabi kasi kung hindi naipasa, idadaan na lang sa panaginip,” sabi ni Kulot.
“Nanaginip ka ba?” tanong ko.
“OO,” sagot ni Re-Re.
“Anong panaginip mo?” tanong ni Kulot.
“Nagrereklamo si Lolo,” sagot niya.
“Reklamo?” tanong ko.
“Na pangit daw make-up ko sa kanya. Bakla pa naman daw ako tapos di raw maganda pagkaayos ko sa kanya,” sagot ng bakla.
“Totoo naman e. Mukhang patay ang Lolo mo,” sabi ko.
“Patay nga no,” singit ni Kulot.
“Dapat kasi sa patay di mukhang patay. Dapat mukhang natutulog lang. Yung tipong di maputla ang dating,” depensa ko.
“E kung ganon, dapat siguro e nakatagilid si Lolo Kandoy sa kabaong para parang natutulog lang talaga,” nakangising sagot ni Kulot.
“Pwede ring nakatakip ang braso niya sa kanyang mga mata na para bang nasisilawan sya sa liwanag ng ilaw na nakapalibot sa kanya,” dugtong ko.
“Di naman pangit pagkaayos ko e. Mary Kay nga gamit ko na make-up e,” sabi ng bakla.
“Pangit nga. Sobrang putla,” sabi ko.
“Maputla nga pero di naman ganon kapangit,” di siguradong suporta ni Kulot.
Di nakaimik ang Re-Re.
Pero di na namin kinulit si Re-Re at baka bigla itong magalit at magwala. Baka bigla na lang kaming pagbubuhatin nito na parang mga troso tulad ng pagkakakilala sa lolo niyang si Kandoy.
Sa ngayon, tatanggapin namin ang salita ni Re-Re na di sa kanya ipinasa ni Kandoy ang dagun. At kung sa kanya man ipinasa ang dagun, wala akong dapat ikabahala.
Apo ni Oyang si Kulot.

Friday, September 21, 2007
Wala na si Chona
Kahapon ang huling araw ni Chona sa bukid namin.
Umaga pa lang mainit na ang ulo ni Me-anne.
“Wala sigurong pera,” intriga ni Red.
“Hindi a. Bagong bale yon sa parlor ni Inday,” depensa ni Fiona.
Si Inday “Vicky” Cubelo ang may-ari ng parlor na pinapasukan ni Me-anne matapos siyang umalis sa poder ko, pumunta ng city at bumalik wala pang isang buwan. Sa parlor ni Inday, mas maliit ang kita ni Me-anne dahil liban pa sa hati sila sa kita, hati rin sila sa customer. Sa parlor ko kasi, hati nga kami sa kita pero kanya lahat ng kliyente.
At dahil dito, mas maliit ang kinikita niya ngayon. Dati, libre syang tumira sa bahay ko. Ngayon, nangungupahan sya. Ngayon, nagbabayad sya ng kuryente at tubig. Di na rin libre ang kain nya.
Pero masaya si Me-anne nang umalis sya sa poder ko. Sya kanyang pag-alis, natupad ni Me-anne ang gusto nya.
“Di kasi sya reyna noong nandito pa sya,” sabi ni Red.
“Anong reyna?” tanong ko.
Para kay Red, at sa ibang bading na rin, kailangan daw ni Me-anne na ipakita sa tao na sya ang “reyna.” Na sya ang amo.
“Di ko naman sya ginawang alalay dito a,” depensa ko.
“Hindi nga, pero di ka rin naman nya ginawang alalay,” dugtong ni Fiona.
Doon pumasok ang usapin tungkol kay Me-anne at ang relasyon niya kay Melfor.
Tatlong taon na ang nakalipas mula nang umalis si Melfor, ang baby bayot na galing ng mas bukid pa sa bukid naming at nakumbinsing maging alalay ni Me-anne na noon ay meron pang sariling parlor.
Masipag ang Melfor. Maaga pa lang ay nagwawalis na ito ng parlor. Sya rin ang nagluluto ng almusal, tanghalian at hapunan nila ni Me-anne. Sya rin ang tumatakbo sa palengke para bumili ng merienda sa hapon.
Pero sabi nga, lahat ng tao ay may diperensya. At di exempted dito si Melfor.
Dahil baby bayot at bagong salta sa poblacion, mahilig si Melfor sa videoke. Para sa amin normal lang ito. Nanibago lang ang Melfor sa mga bagay na pinapaandar ng kuryente.
At di lang kanta ang ginagawa ni Melfor. To the tune of “Black is Black,” sinisingitan niya ito ng tumblings, cartwheels at splits. Dito nainis si Me-anne. Sumisikat si Melfor. Nasa kanya ang atensyon ng mga tao. Nagagawa ng “alalay” ang mga bagay na di magawa ng “amo.”
At sa inis ni Me-anne, kinalbo nya si Melfor. Ang baby bayot, lumayas. Ang huling balita namin ay nasa Panabo City na ito sa Davao del Norte. At may balita pa kami na isa na itong spinner sa “hubo-hubo” night club doon. At ang mas nakaka-eskandalo na balita – nakabuntis ito ng isang GRO at may anak na sila.
Ewan kung dapat ba kaming matuwa sa nangyari kay Melfor— ang kanyang pag-alis, pagiging spinner, at maging ang tsismis na may asawa’t anak na ito ngayon. Si Melfor lang ang makakasagot nito.
Pero sa kaso ni Chona, medyo sure kami na masaya ito na wala na sya sa poder ni Me-anne.
Matagal na itong nagrereklamo pero di makadesisyon na tuluyan ng umalis at bumalik ng city. Nag-offer na ako sa kanya na bigyan sya ng pamasahe pauwi pero ayaw niya. Minsan nga pwede syang maki-hitch sa ambulance na magdadala ng pasyente sa city pero di sya sumakay.
Hanggang sa nangyari ang nangyari kahapon.
Umaga. Nakahiga pa ang Me-anne. Ang Chona, tapos ng magluto ng almusal at bumalik sa paghiga.
“Yot, bangon na dyan,” sigaw ni Me-anne.
“Ha?” tanong ng bakla.
“Bangon na!” pasigaw pa rin.
“Una ka na kain, nakaluto na ako,” sabi ng bakla.
Bigla na lamang itong sinampal ni Me-anne. Ewan kung sampal ba na matatawag ang nangyari— buong palad, ang mga daliri nakabuka. – Mas matatawag pa na hampas ang ginawa ni Me-anne.
Iyak si Chona. Hinabol ito ni Me-anne. Takbo palabas ng bahay ang bakla. Iyak pa rin. Hanggang sa nakarating ng bahay namin.
At sa bahay nag-iiyak ang bakla, di alintana na kasabay ng agos ng luha niya ang pagkabura ng kanyang mumurahing make-up.
Sa kalagitnaan ng kanyang pag-iyak, dumating ang isang bata na may dala-dalang plastic bag. Laman nito ang mga ukay-ukay na gamit ni Chona. Inabot din ng bagets ang dalawang daang piso, pamasahe raw ni Chona pauwi ng city.
Di na nagdalawang isip ang bakla, umalis ito- dala ang karanasan bilang “alalay” sa mundo ng pagiging “amo” ni Me-anne.

Tuesday, September 18, 2007
Alamat
"Noong unang panahon, may isang puno na ang bunga ay nakalalason," umpisa ni Kulot.
"Tapos?" tanong ko.
"Ilang tao na rin ang namatay sa pagkain ng prutas nito. Kaya mula noon, iniiwasan na ito ng mga tao," dugtong niya.
"Tapos?" tanong ko ulit.
"Isang araw, may dumating na diwata. Sabi ng diwata: 'Tinanggalan ko na ng lason ang prutas. Pwede niyo ng kainin yan,'" tuloy sa kwento ni Kulot.
"Tapos?" tanong ko na naman.
"Ayaw maniwala ng mga tao. Hanggang sa may isang batang babae na pumitas ng prutas at kinain ito. Hindi sya nalason," sabi ni Kulot.
Magtatanong pa sana ako pero dinugtungan niya agad ang kwento.
"Mula noon, hindi na nakakalason ang prutas. Mula noon ay tinawag itong lansones," sabi niya.
Naniwala ako sa kanya pero tinanong ko pa rin kung saan nya nakuha ang kwento.
"Sa Alamat ni Mama," sagot niya na may dugtong pang "Meron din alamat ng Chocolate Hills at Pinya."
Nagbalik na kami sa dati naming sitwasyon. Parang walang alitan, layasan na nangyari.
Totoo man o hindi ang version ng "Alamat" ni Kulot, sigurado akong matamis ang lansones na kinakain namin habang kinikwento nya ito.

Sunday, September 16, 2007
OK, Fine
Friday. Wala pa ring text. Gabi na at ito ang kinakanta ko.
Pero dumating ang Kulot noong mag-aalas-osto na. Kunwari patuloy ang drama ko at di gaanong masaya.
"Kumain ka na," sabi ko.
"Hindi pa," sabi niya.
"Hindi tanong yon," sabi ko.
Kumain sya. Ako naman, pumasok ng kwarto-- kunwari ready na matulog.
Mabilis lang ang kain nya. Tapos pumasok sya ng kwarto.
"Anong lulutuin ko bukas?" tanong niya.
"Ewan ko sa yo. Basta ako nakapamili na ng ingredients ko. Late ka na. Sarado na mga grocery stores sa ganitong oras," sagot ko.
Lumabas sya. Sinilip ang ref. Tiningnan ang mga lalagyan. Binuklat ang folder ng mga prinout recipes.
Bumalik sya sa kwarto. Binuksan ang drawer. Kumuha ng gamit. Naligo.
Ako, again, nagtulug-tulugan hanggang sa nakatulog.
Pagkagising kinabukasan, parang walang nangyari. Balik sa dating gawi.
Pero sa loob-loob ko, patas na kami. Bumawi ako sa baking class namin.
Dalawang loaves ng Whole Wheat Bread ang ginawa ko.
Siya, Spanish Bread lang.

Wednesday, September 12, 2007
May load pero...
Kinabukasan na sya nakapagtext uli.
"Sori, na-lowbat. Naiwan ko dyan ang charger. Nakasaksak pa nga hanggang ngayon ang cel," text niya.
"OK," tanging reply ko.
"Uwi ka ngayon?" tanong niya.
Matagal bago ako nakasagot.
"Hindi," maikling sagot ko.
"Bakit?" tanong niya.
"Natutong kang umalis na walang paalam, matuto kang bumalik ng kusa," reply ko.
Wala na namang reply.

Tuesday, September 11, 2007
Walang Reply
Hindi natapos sa mahimbing na tulog ko ang alitan namin ni Kulot. Tinuloy-tuloy ko ito kinabukasan.
Kinaumagahan, as usual, una akong nagising-- ang ganda yata ng tulog ko at sure akong puyat ang isa dahil sa hilik ko. Nagpakulo ng tubig na tamang-tama lang isang tasa-- this time, talagang nananadya ako. Nagkape mag-isa. Nagyosi. Tumunganga.
At nang bumangon ang Kulot, nagpakulo din siya ng sarili niyang tubig. At sa aktong uupo na sa ng mesa, sya namang pagtayo ko at lakad pabalik ng kwarto.
Humiga ako. Nagtulog-tulugan hanggang sa nakatulog. Nagising na lang ako nang nagpriprito na sya ng isda para pananghalian.
Dumiresto ako ng banyo. Naligo. Nagbihis. Umalis.
Pumunta ako ng bahay ng Nanay ko para magbigay ng instructions -- tungkol sa mga gamot niya at diet. Mag-iisang oras na akong nasa bahay nang magtext ang Kulot.
"Una na akong umuwi. Galit ka sa akin at di mo naman ako kinikibo," text niya.
"OK," ang tanging sagot ko.
Nagtxt sya uli.
"Usap na lang tayo pag-uwi mo," sabi niya.
"Hindi na lang ako uuwi. Dito na lang muna ako sa amin. Aalagaan ko na lang nanay ko," reply ko.
"Kung tatawag ka at papagalitan ako, mamaya na lang kasi nakakahiya, nasa bus pa ako," text niya.
Hindi ako nagreply.
Pero ang Kulot, ayaw akong tigilan. Text pa rin sya.
"Sorry pero wala naman talaga akong ibang ibig sabihin sa sinabi ko kagabi. Sinagot ko lang naman ang tanong mo, tapos nagalit ka bigla."
"Uminit ang ulo ko noong sinabi mong para kong sinasadyang humilik ng malakas," sagot ko sa kanya.
Sya naman ang di nagtext back.
"Tapos ngayon aalis ka na para bang kasalanan ko pa? Ngayon gusto mong maki-share ako sa kasalanan?" text ko sa kanya.
Walang reply.
"Insensitive ka kasi," dagdag text ko.
Wala pa ring reply.
Limang oras na ang nakalipas, walang reply.

Sunday, September 9, 2007
Hilik
Naospital ang Nanay ko. High Blood. Umabot ng 160/120 ang BP niya. Ang may sala-- nasobrahan ng kain ng durian.
Kaya naman napaaga ang pagpunta ko ng city-- imbes na Friday, dahil Sabado ang baking class namin, Wednesday pa lang ay bumyahe na ako kasama ang Kulot.
Ilang araw din akong na-busy sa pag-aasikaso kay Mama. Bantay sa ospital. Bili ng pagkain. Punta Philhealth. Tapos, takbo naman para kumustahin ang Kulot.
Kahit pagod, gumising pa rin ng maaga para sa Saturday baking class namin ni Kulot. At sa kalagitnaan ng pagmi-mix ko para gumawa ng choco chip cookies sa klase (easy lang ito kasi nga ilang beses na namin itong nagawa sa bahay), nagtext ang sister ko.
"OK na Mama, pwede na labas today," ang text nya.
Itinuloy ko ang paggawa ng cookies. OK naman ang kinalabasan. Pagkatapos ng klase, diresto ako ng ospital. Si Kulot, diretso sa tinutulayan naming bahay.
Gabi na nang magkita kami uli ni Kulot. Nanonood sya ng TV. Ako, pagod at diresto tulog.
Mga alas dos ng madaling araw nang mamalayan kong wala sa tabi ko si Kulot. Nasa labas ito at naninigarilyo.
"Hindi ka pa natutulog?" tanong ko.
"Hindi ako makatulog," sagot niya.
"Bakit?" tanong ko.
"Ang lakas ng hilik mo," sagot niya.
Tumalikod ako. Bumalik ng kwarto. Nahiga.
Ilang minuto lang ay bumalik sya at nahiga.
"Ang lakas ng hilik mo. Binaba ko na ulo mo kanina para medyo humina pero binalik mo pa rin," sabi niya.
Tahimik pa rin ako.
"Para ka namang nananadya e," dugtong niya.
Dito uminit ang ulo ko.
"Pagod ako. Alam mong naospital si Mama. Wala akong tulog. Stressed ako. Plus, namublema pa ako sa ipambabayad sa ospital. Tapos, naandito ka pa. Umuuwi pa ako para i-check kung OK ka lang. Kung ang concern mo lang ang pagtulog mo at ang hilik ko, bahala ka sa buhay mo. Hindi kita poproblemahin. Di ko problema ang hirap mo sa pagtulog dahil sa lakas ng hilik ko," sabi ko.
Siya naman ang tumahimik.
"Sasabihin mo pang para akong nananadya. Ano naman ang makukuha ko kung gawin ko yon?" sabi ko.
Tahimik pa rin sya. Nag-antay ako ng salita mula sa kanya pero wala.
Hanggang sa nakatulog ako. Malamang, malakas pa rin ang hilik ko.

Monday, September 3, 2007
Yes!
Noong Sabado nag-umpisa ang baking class namin ni Kulot. Alas sais pa lang ng umaga ay gising na kami. Dapat sana ay hindi kami late dahil alas otso ang klase. Pero hindi, may ibang plano ang Kulot. Feeling siguro niya ay cake sya at kailangang maganda ang presentation.
Mga kalahating oras sya sa banyo. Sa umpisa, akala ko constipated sya, pero rinig ko ang pagbuhos nya ng tubig, ibig sabihin noon ay naliligo na sya. Pero ang tagal pa rin niya maligo. Alam ko na— gumagawa sya ng commercial ng shampoo at sabon.
Nang makalabas sya ng banyo, turn ko na naman para maligo. Ilang minuto lang ako kasi late na. Pero paglabas ko, di pa ready ang Kulot. Nasa harap pa rin ito ng salamin— inaayos ang kanyang buhok. Ang tagal. Pabalik-balik ang suklay.
Noong nakuntento sa ayos ng buhok nya, akala ko magsusuot na ng t-shirt, di pa pala. Ang hinayupak, ang Nivea body lotion ko ang pinagdiskitahan.
“Hoy!” sigaw ko.
“Dry ang skin, baka aircon ang room,” sabi niya.
“Ka-cheapan ang school natin, di aircon ang rooms don,” sabi ko.
“Baka lang,” sabi niya.
Pinabayaan ko sya. Pero may ginawa pa sya. Ginamit nya ang aking Oil of Olay.
“Hoy!” sigaw ko uli.
“Konti lang,” sabi nya.
“Anong konti lang?” tanong ko.
“Konti lang naman yan o,” sagot niya habang pinapakita ang Oil of Olay sa kanyang palad.
“Hindi ganyan ang paggamit niyan,” sabi ko.
“Paano pala?” tanong niya.
“Sa tips lang ng fingers nilalagay yan, hindi sa palad. Mahal yan kaya dapat tipid,” sabi ko.
“E di sa leeg ang sobra,” sabi niya.
Haaaaay.
Nang matapos na nya ang kanyang mga ritwal e quarter to eight na. Papalabas na kami ng gate nang sinabi nyang may nakalimutan sya, sabay balik sa bahay.
“Ano nakalimutan mo?” tanong ko pagbalik nya.
“Magpabango,” sagot niya habang nakangisi.
A ewan.
Nag-taxi kami papuntang school. Di kami late. Mas marami pa sa amin ang huling dumating. Fifteen lang kami sa klase. Tama si Kulot, aircon ang room namin. Pero sabi ng teacher, si Ms M, na sa aircon room daw muna kami tutal lecture pa lang naman ang gagawin niya. Next week, doon na daw kami sa katabing kitchen room— hindi aircon at mukhang super init.
OK lang ang first day of school namin. Wala gaanong hirap. Lecture lang naman. Puro lang theories and baking terms. Pero may problema kay Ms M na sa tingin ko ay magiging problema ko rin para kay Kulot. Baka kasi dahil teacher si Ms M ay iisipin na ni Kulot na tama lahat ng sasabihin nya.
“Alam ko namang mali sya,” nasabi ni Kulot sa akin pagkatapos ng klase namin.
Ano ba ang mga mali ni Ms M?
Marami. Eto ang ilan:
Ang pagbigkas nya ng Yeast ay Yest.
Ang Crust niya ay Crush.
Ang Wheat niya ay Wet.
At minsan ay nadudulas sya. Ang Flour nya ay Floor.

Subscribe to:
Posts (Atom)