Sina Oyang, Facundo at Kandoy ay magkakapatid. Silang tatlo ay may kanya-kanyang “powers.”
Si Oyang ay kilala bilang manggagamot sa aming bukid. Kung may nararamdaman kang di maganda- mula kabag, naipit na ugat hanggang dislocated joints - sa kanya ang takbo mo. Siguradong magagamot ka ni Oyang. Ang problema, mangangamoy ga-as pagkatapos ng treatment.
Si Facundo naman ay kilala bilang manggagamot ispiritwal. Kung may naka-crush sayo na maligno at ayaw kang lubayan, sa kanya ang takbo mo. Kung biglang lumaki ang isang pisngi mo, malamang nasampal ka ng engaknto, Kung namaga ang iyong talampakan, malamang nakaapak ka ng duwende. Lahat ng iyan kayang lunasan ni Facundo.
Si Kandoy ay may kakaibang power. Kilala ito bilang pinakamalakas na lalaki sa aming bukid noong kabataan nito. Kwento ng mga matatanda, maging ng mga medyo bata-bata, ibang klaseng lakas daw meron itong si Kandoy. Dati raw, nakakabuhat ito ng troso. Minsan naman, at maraming nakakita nito, hinila nito ang isang jeep na naanod sa ilog.
Sikat ang magkakapatid mula noon hanggang ngayon. Ang masama nga lang, pumanaw na si Kandoy noong isang buwan. Ilang taon na rin itong bed-ridden matapos atakehin sa puso. At noong namatay sya, bumalik ang mga kwento-kwento tungkol sa magkapatid at sa mga kapangyarihan nila.
At naging usap-usapang rin ay kung kanino ipinamana ni Kandoy ang kanyang “dagun” o ang tinatawag na power.
Sabi kasi, naipapasa ito sa huling taong nasa tabi niya bago ito namatay.
Eto ang problema: Noong mamamatay na si Kandoy, hawak-hawak niya ang kamay ni Re-Re— ang baklang apo.
Pero deny ang bakla na sa kanya ipinasa ng Lolo Kandoy nya ang dagun.
“Wala nga e,” sabi niya.
“Ang sabi kasi kung hindi naipasa, idadaan na lang sa panaginip,” sabi ni Kulot.
“Nanaginip ka ba?” tanong ko.
“OO,” sagot ni Re-Re.
“Anong panaginip mo?” tanong ni Kulot.
“Nagrereklamo si Lolo,” sagot niya.
“Reklamo?” tanong ko.
“Na pangit daw make-up ko sa kanya. Bakla pa naman daw ako tapos di raw maganda pagkaayos ko sa kanya,” sagot ng bakla.
“Totoo naman e. Mukhang patay ang Lolo mo,” sabi ko.
“Patay nga no,” singit ni Kulot.
“Dapat kasi sa patay di mukhang patay. Dapat mukhang natutulog lang. Yung tipong di maputla ang dating,” depensa ko.
“E kung ganon, dapat siguro e nakatagilid si Lolo Kandoy sa kabaong para parang natutulog lang talaga,” nakangising sagot ni Kulot.
“Pwede ring nakatakip ang braso niya sa kanyang mga mata na para bang nasisilawan sya sa liwanag ng ilaw na nakapalibot sa kanya,” dugtong ko.
“Di naman pangit pagkaayos ko e. Mary Kay nga gamit ko na make-up e,” sabi ng bakla.
“Pangit nga. Sobrang putla,” sabi ko.
“Maputla nga pero di naman ganon kapangit,” di siguradong suporta ni Kulot.
Di nakaimik ang Re-Re.
Pero di na namin kinulit si Re-Re at baka bigla itong magalit at magwala. Baka bigla na lang kaming pagbubuhatin nito na parang mga troso tulad ng pagkakakilala sa lolo niyang si Kandoy.
Sa ngayon, tatanggapin namin ang salita ni Re-Re na di sa kanya ipinasa ni Kandoy ang dagun. At kung sa kanya man ipinasa ang dagun, wala akong dapat ikabahala.
Apo ni Oyang si Kulot.
Tuesday, September 25, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
9 comments:
Aay parang confident ka 'ata ate na gagamutin ka ni Kulotz kung babalian ka ni Rere, nang dahil ba ang dagun ni Oyang ay kay Kulotz na? Dapat sa iyo ibigay, apo-in-law ka n'ya eh at mukhang bagay sa yo. hehehehe!!!!
buhay pa lola ni kulot? may proposal ako sa kanya pero saka ko na lang sasabihin.
:-D
Hmmm... baka me power na rin si Kulot mo Mama? Di mo ba naa-amoy?
ako naaamoy ko lykes...bery strong. ass in bery!
aba! descendant pala itong si kulot ni oyang... baka may powers din sya!
Zsa Zsa Zaturnnah versus Captain Barbell?
Sana ke Rere mapunta ang superstrength.
Kay Kulot mapunta ang superendurance. Lumalakas habang tumatagal.
susyal gaas ang lbann very kinky ang kulot... gaas ang gmit nio ha! un nA! im bck ateng!
Nako Mandaya, baka next entry mo, discovery mo ng powers ni kulot!
parang bato lang ni narda na ibinigay nia ke ding para maipamana. hehe..
shalah naman ang kulot. eh di pano yan? maipapamana na ke kulot?
Post a Comment