Tuesday, 11 September 2007

Walang Reply

Hindi natapos sa mahimbing na tulog ko ang alitan namin ni Kulot. Tinuloy-tuloy ko ito kinabukasan.

Kinaumagahan, as usual, una akong nagising-- ang ganda yata ng tulog ko at sure akong puyat ang isa dahil sa hilik ko. Nagpakulo ng tubig na tamang-tama lang isang tasa-- this time, talagang nananadya ako. Nagkape mag-isa. Nagyosi. Tumunganga.

At nang bumangon ang Kulot, nagpakulo din siya ng sarili niyang tubig. At sa aktong uupo na sa ng mesa, sya namang pagtayo ko at lakad pabalik ng kwarto.

Humiga ako. Nagtulog-tulugan hanggang sa nakatulog. Nagising na lang ako nang nagpriprito na sya ng isda para pananghalian.

Dumiresto ako ng banyo. Naligo. Nagbihis. Umalis.

Pumunta ako ng bahay ng Nanay ko para magbigay ng instructions -- tungkol sa mga gamot niya at diet. Mag-iisang oras na akong nasa bahay nang magtext ang Kulot.

"Una na akong umuwi. Galit ka sa akin at di mo naman ako kinikibo," text niya.

"OK," ang tanging sagot ko.

Nagtxt sya uli.

"Usap na lang tayo pag-uwi mo," sabi niya.

"Hindi na lang ako uuwi. Dito na lang muna ako sa amin. Aalagaan ko na lang nanay ko," reply ko.

"Kung tatawag ka at papagalitan ako, mamaya na lang kasi nakakahiya, nasa bus pa ako," text niya.

Hindi ako nagreply.

Pero ang Kulot, ayaw akong tigilan. Text pa rin sya.

"Sorry pero wala naman talaga akong ibang ibig sabihin sa sinabi ko kagabi. Sinagot ko lang naman ang tanong mo, tapos nagalit ka bigla."

"Uminit ang ulo ko noong sinabi mong para kong sinasadyang humilik ng malakas," sagot ko sa kanya.

Sya naman ang di nagtext back.

"Tapos ngayon aalis ka na para bang kasalanan ko pa? Ngayon gusto mong maki-share ako sa kasalanan?" text ko sa kanya.

Walang reply.

"Insensitive ka kasi," dagdag text ko.

Wala pa ring reply.

Limang oras na ang nakalipas, walang reply.

15 comments:

charmed one said...

ay naku parehong pareho tayo kapatid. ganyang ganyan din ako. kaya sobrang nakikita ko sarili ko habang binabasa ko post mo hahahahaha.

Anonymous said...

Kakainis talaga pag di tayo tinitext back grrrrrr!!!!!! Makataas blood pressure ate noh? Bigyan mo lang yan ng load, baka naubusan lang hehehehe!

engz said...

hala ang sweet...

hihi..

aabangan ko ang araw na ipo-post mong nagbati na kayo.sigurado may mangyayaring exciting..nyahaha..

Anonymous said...

yay!

Lyka Bergen said...

Naubusan ng LOAD si Kulot, Bruha!

migs, the manila gay guy said...

walang ganyanan, mandaya! walang ganyanan!

papaiyakin mo na naman ako sa paghihiwalay ninyo, mga bakla kayo! STOP IT!

make love not war! WORLD PEACE!

(sensya na, drama queen mode ako hehehe!)

reyian said...

basi walay load. hehehehe

goddess said...

naku, baka naubusan ng load..!

goddess said...

naku, baka naubusan ng load!

MISTERHUBS said...

Tama na yang tampuhan na yan. Magbati na kayo. :)

Paul said...

Baka walang load. Nagpasa load ka kasi muna at baka magreply na.

Ahihihiihihi... ;-)

aries said...

aaaaaawww ang cute naman...may LQ

big_berto said...

tsk tsk tsk. delikado. pero ganyan talaga ang isang relasyon. :-D

jun of zerogravity said...

Nakows, ang misis ko nabubuntis parati matapos kaming mag-away at magkabati.

asan ang mga picture niyo habang nag-aaway?

.: jackie :. said...

baka he's just finding the right words para sagutin ka. baka nga naman ma offend ka kung magrereply na namn xa ng kung ano ano.. diba? might as well wait for him to cool off. mainit pa kxe cold war nio e.