Naospital ang Nanay ko. High Blood. Umabot ng 160/120 ang BP niya. Ang may sala-- nasobrahan ng kain ng durian.
Kaya naman napaaga ang pagpunta ko ng city-- imbes na Friday, dahil Sabado ang baking class namin, Wednesday pa lang ay bumyahe na ako kasama ang Kulot.
Ilang araw din akong na-busy sa pag-aasikaso kay Mama. Bantay sa ospital. Bili ng pagkain. Punta Philhealth. Tapos, takbo naman para kumustahin ang Kulot.
Kahit pagod, gumising pa rin ng maaga para sa Saturday baking class namin ni Kulot. At sa kalagitnaan ng pagmi-mix ko para gumawa ng choco chip cookies sa klase (easy lang ito kasi nga ilang beses na namin itong nagawa sa bahay), nagtext ang sister ko.
"OK na Mama, pwede na labas today," ang text nya.
Itinuloy ko ang paggawa ng cookies. OK naman ang kinalabasan. Pagkatapos ng klase, diresto ako ng ospital. Si Kulot, diretso sa tinutulayan naming bahay.
Gabi na nang magkita kami uli ni Kulot. Nanonood sya ng TV. Ako, pagod at diresto tulog.
Mga alas dos ng madaling araw nang mamalayan kong wala sa tabi ko si Kulot. Nasa labas ito at naninigarilyo.
"Hindi ka pa natutulog?" tanong ko.
"Hindi ako makatulog," sagot niya.
"Bakit?" tanong ko.
"Ang lakas ng hilik mo," sagot niya.
Tumalikod ako. Bumalik ng kwarto. Nahiga.
Ilang minuto lang ay bumalik sya at nahiga.
"Ang lakas ng hilik mo. Binaba ko na ulo mo kanina para medyo humina pero binalik mo pa rin," sabi niya.
Tahimik pa rin ako.
"Para ka namang nananadya e," dugtong niya.
Dito uminit ang ulo ko.
"Pagod ako. Alam mong naospital si Mama. Wala akong tulog. Stressed ako. Plus, namublema pa ako sa ipambabayad sa ospital. Tapos, naandito ka pa. Umuuwi pa ako para i-check kung OK ka lang. Kung ang concern mo lang ang pagtulog mo at ang hilik ko, bahala ka sa buhay mo. Hindi kita poproblemahin. Di ko problema ang hirap mo sa pagtulog dahil sa lakas ng hilik ko," sabi ko.
Siya naman ang tumahimik.
"Sasabihin mo pang para akong nananadya. Ano naman ang makukuha ko kung gawin ko yon?" sabi ko.
Tahimik pa rin sya. Nag-antay ako ng salita mula sa kanya pero wala.
Hanggang sa nakatulog ako. Malamang, malakas pa rin ang hilik ko.
Sunday, September 9, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
14 comments:
sabihin mo kay mader take care of her health
at sa hilik issue, suggest ko jan e i-pod...tapos play sya ne mga enya...ganyan
pahamak na durian..pinagmulan ng pagkahospital na nagresulta sa pagod na kinailangang itulog na sinamahan naman ng nananadyang hilik...
kaya ayoko kumain nyan eh..hihi..
* unang tikim ko sa durian, narating ko ang nirvana..hindi ko na ginawang umulit pa.
nag-aaral ako ng kulam? baka gusto mo akong i-commission? tumatanggap ako ng services kahit pa man nasa experimental stage pa lang ako.
Hindi nakaemote ang Kulot.
Minaricel mo kasi.
Aaaaay, sign of progrees na yang paghihilik. Overweight ka kaya ate? Hehehehehe.
hay...
naalala ko tuloy lalo ang away namin..
huhuhu...
durian ang may kasalanan ng lahat.
but i can relate kapatid, sabi ng bestfriend ko, madalas kapag sleep over namin, malakas daw akong humilik especially kapag pagod or lasing. kailangan daw mauna siyang matulog sa akin. or else lumilipat siya at sa sala siya natutulog.
pero para sa akin, parang unfair naman yata si kulot.
i forgot to mention.
i hope your mom feels better and remind her to mind what she eats.
yaan mo nakapatid. mauunawaan ka naman ni kulot.xmpre nagising lang.
talk to him nalang ;)
ako misis ko immune na sa hilik ko. nag-evolve yata tenga niya.
at korek si kiks, minaricel mo nga siya.
mandaya, buti naman at ok na si mama mo. pero may pagka-slight inconsiderate si kulot. or baka nami-miss ka lang kaya nag-emote.
panalo ang sagot. hahaha. puta ka!
mahal ka ni kulot...im sure mahal din nya ang hilik mo...
Drama toh! Tama si Kiks! Si Maricel ang gaganap!
Post a Comment