Kahapon ang huling araw ni Chona sa bukid namin.
Umaga pa lang mainit na ang ulo ni Me-anne.
“Wala sigurong pera,” intriga ni Red.
“Hindi a. Bagong bale yon sa parlor ni Inday,” depensa ni Fiona.
Si Inday “Vicky” Cubelo ang may-ari ng parlor na pinapasukan ni Me-anne matapos siyang umalis sa poder ko, pumunta ng city at bumalik wala pang isang buwan. Sa parlor ni Inday, mas maliit ang kita ni Me-anne dahil liban pa sa hati sila sa kita, hati rin sila sa customer. Sa parlor ko kasi, hati nga kami sa kita pero kanya lahat ng kliyente.
At dahil dito, mas maliit ang kinikita niya ngayon. Dati, libre syang tumira sa bahay ko. Ngayon, nangungupahan sya. Ngayon, nagbabayad sya ng kuryente at tubig. Di na rin libre ang kain nya.
Pero masaya si Me-anne nang umalis sya sa poder ko. Sya kanyang pag-alis, natupad ni Me-anne ang gusto nya.
“Di kasi sya reyna noong nandito pa sya,” sabi ni Red.
“Anong reyna?” tanong ko.
Para kay Red, at sa ibang bading na rin, kailangan daw ni Me-anne na ipakita sa tao na sya ang “reyna.” Na sya ang amo.
“Di ko naman sya ginawang alalay dito a,” depensa ko.
“Hindi nga, pero di ka rin naman nya ginawang alalay,” dugtong ni Fiona.
Doon pumasok ang usapin tungkol kay Me-anne at ang relasyon niya kay Melfor.
Tatlong taon na ang nakalipas mula nang umalis si Melfor, ang baby bayot na galing ng mas bukid pa sa bukid naming at nakumbinsing maging alalay ni Me-anne na noon ay meron pang sariling parlor.
Masipag ang Melfor. Maaga pa lang ay nagwawalis na ito ng parlor. Sya rin ang nagluluto ng almusal, tanghalian at hapunan nila ni Me-anne. Sya rin ang tumatakbo sa palengke para bumili ng merienda sa hapon.
Pero sabi nga, lahat ng tao ay may diperensya. At di exempted dito si Melfor.
Dahil baby bayot at bagong salta sa poblacion, mahilig si Melfor sa videoke. Para sa amin normal lang ito. Nanibago lang ang Melfor sa mga bagay na pinapaandar ng kuryente.
At di lang kanta ang ginagawa ni Melfor. To the tune of “Black is Black,” sinisingitan niya ito ng tumblings, cartwheels at splits. Dito nainis si Me-anne. Sumisikat si Melfor. Nasa kanya ang atensyon ng mga tao. Nagagawa ng “alalay” ang mga bagay na di magawa ng “amo.”
At sa inis ni Me-anne, kinalbo nya si Melfor. Ang baby bayot, lumayas. Ang huling balita namin ay nasa Panabo City na ito sa Davao del Norte. At may balita pa kami na isa na itong spinner sa “hubo-hubo” night club doon. At ang mas nakaka-eskandalo na balita – nakabuntis ito ng isang GRO at may anak na sila.
Ewan kung dapat ba kaming matuwa sa nangyari kay Melfor— ang kanyang pag-alis, pagiging spinner, at maging ang tsismis na may asawa’t anak na ito ngayon. Si Melfor lang ang makakasagot nito.
Pero sa kaso ni Chona, medyo sure kami na masaya ito na wala na sya sa poder ni Me-anne.
Matagal na itong nagrereklamo pero di makadesisyon na tuluyan ng umalis at bumalik ng city. Nag-offer na ako sa kanya na bigyan sya ng pamasahe pauwi pero ayaw niya. Minsan nga pwede syang maki-hitch sa ambulance na magdadala ng pasyente sa city pero di sya sumakay.
Hanggang sa nangyari ang nangyari kahapon.
Umaga. Nakahiga pa ang Me-anne. Ang Chona, tapos ng magluto ng almusal at bumalik sa paghiga.
“Yot, bangon na dyan,” sigaw ni Me-anne.
“Ha?” tanong ng bakla.
“Bangon na!” pasigaw pa rin.
“Una ka na kain, nakaluto na ako,” sabi ng bakla.
Bigla na lamang itong sinampal ni Me-anne. Ewan kung sampal ba na matatawag ang nangyari— buong palad, ang mga daliri nakabuka. – Mas matatawag pa na hampas ang ginawa ni Me-anne.
Iyak si Chona. Hinabol ito ni Me-anne. Takbo palabas ng bahay ang bakla. Iyak pa rin. Hanggang sa nakarating ng bahay namin.
At sa bahay nag-iiyak ang bakla, di alintana na kasabay ng agos ng luha niya ang pagkabura ng kanyang mumurahing make-up.
Sa kalagitnaan ng kanyang pag-iyak, dumating ang isang bata na may dala-dalang plastic bag. Laman nito ang mga ukay-ukay na gamit ni Chona. Inabot din ng bagets ang dalawang daang piso, pamasahe raw ni Chona pauwi ng city.
Di na nagdalawang isip ang bakla, umalis ito- dala ang karanasan bilang “alalay” sa mundo ng pagiging “amo” ni Me-anne.
Friday, September 21, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
9 comments:
e bruha naman pala yang si me-anne e...
hi mandy.. remember me? lol... di nako nagbblog pero go comment parin
Ayyy domestic violence. Sampal kayo dyan, mainit pa!!!!!!!!!!!!!!.
ay, parang gusto kong kalbuhin si me-anne!!! GRRRR!
how tragic naman.
minsan hindi natin maintindihan kung ano ang tumatakbo sa isip ng ibang tao. kailangan lang nating intindihin sila.
Talaga lang ha? Me ambisyon pa pala ang Me-anng yan.
Tumaba sya. Tumaba sya sa sobrang ingget.
Fell ko tuloy ang Chona...
Ang salbahe naman nyang Me-Anne na yan! Cherie Gil!
Oppressive si Me-an. Iba talaga pag ang isang hampas lupa ay nakatikim ng kaunting kapangyarihan...di pa man gaanong powerful, nag-aastang powerful na.
ibagsak si Me-an. Ang payo ko kay Chona ay pumunta dito sa city. may kilala ako sa karapatan, pwede nating ireklamo si Me-an. Pwede ring isangguni sa Commission on Human Rights and case na it.
Magagalit and United Nations Special Rappurteur nito.
kala ko naman namayapa na ung vheyk.
i feel so sad about chona. cguro ndi lang un ung natamo nia ke me-anne. e sa takot na din cguro, hindi nya makwento lahat. haiz.
Hay naku, tatlong taon mula ngayon, mababalitaan niyo na lang na may iniyot na babae si Chona. At siya ay magiging Papa na.
Post a Comment