Sunday, 16 September 2007

OK, Fine

Friday. Wala pa ring text. Gabi na at ito ang kinakanta ko.





Pero dumating ang Kulot noong mag-aalas-osto na. Kunwari patuloy ang drama ko at di gaanong masaya.

"Kumain ka na," sabi ko.

"Hindi pa," sabi niya.

"Hindi tanong yon," sabi ko.

Kumain sya. Ako naman, pumasok ng kwarto-- kunwari ready na matulog.

Mabilis lang ang kain nya. Tapos pumasok sya ng kwarto.

"Anong lulutuin ko bukas?" tanong niya.

"Ewan ko sa yo. Basta ako nakapamili na ng ingredients ko. Late ka na. Sarado na mga grocery stores sa ganitong oras," sagot ko.

Lumabas sya. Sinilip ang ref. Tiningnan ang mga lalagyan. Binuklat ang folder ng mga prinout recipes.

Bumalik sya sa kwarto. Binuksan ang drawer. Kumuha ng gamit. Naligo.

Ako, again, nagtulug-tulugan hanggang sa nakatulog.

Pagkagising kinabukasan, parang walang nangyari. Balik sa dating gawi.

Pero sa loob-loob ko, patas na kami. Bumawi ako sa baking class namin.

Dalawang loaves ng Whole Wheat Bread ang ginawa ko.

Siya, Spanish Bread lang.

11 comments:

engz said...

ito na ang pinakamagandang post na nagawa ng isang blogger para sa akin... syeeet, lahat ng ingredients nandito na...mandaya you are the best.

Dos Ocampo said...

Mandaya! Dito ka na pala? Grabe, kala ko kung ano na nangyari sayo...

Binisita mo na ba yung blog address mo dati/ ayun, arabo na may ari... hehe

bananas said...

Spanish bread? at least ha...kung ako yon, star bread papalapang ko sa kanya.

mrs.j said...

tumatagal ah.. pero kahit pa i still feel un love nio sa isat isa! andun padin ang care!

mikkoi12 said...

mandaya, isa kang dyosa!

good luck sa inyo ni kulot!

Kiks said...

Nagbukas ng PC. Unang klinick ang bookmark on Mandaya. Binasa ang post. Napangiti. Pumalakpak.

Nagitla ang mga kaopisina.

yatot said...

ay oo nga... tama si dos... iba na ang may-ari... akalain mong dalawa kayong nakaisip ng name na ito "mandayamoore"...

hahhaha... spanish bread lang... di ba maliit lang iyon... hahahha... kinulang sa ingredients...

teka... hindi ako ingittero no.... hahhaha

charmed one said...

Mandaya, wag nang patagalin yan. tama na ang star drama presents. sayang ang time.

life is too short.

Kiks said...

jPero wait.

Spanish bread din ba ang sa kanya?

Spanish bread na sunog?

.: jackie :. said...

pride has to go down. ego has to let go. give each other a chance to talk dear.

jase said...

Oy may mga career competition na sila!

Higher level na talaga ang pagsasama nyo! Ching!