Wednesday, 22 October 2008

Demotion

Lunes ng tanghali. Sixteen hours matapos akong hiwalayan ni Kulot. Nagtext sya.


"Sorry kagabi. Nalasing ako," text niya.


Matagal bago ako ng nagreply ng "Anong magagawa ng sorry mo? Nasaktan na ako. Di rin nito mabubura ang katotohanang may GF ka na."


Matagal rin bago sya nagtext uli.


"Napilitan lang akong magtext kagabi. Gusto kasi nya hiwalayan kita. Gusto nya mabasa ang text ko sa yo," sabi nya.


"At ginawa mo naman," mabilis na reply ko.


"Pero ayoko talagang maghiwalay tayo," giit nya.


"E ginawa mo na. Hiniwalayan mo na ako," giit ko rin.


"Ginawa ko lang yon para di nya ako hiwalayan," sabi nya.


"Ayaw mong kayo ang maghiwalay, tapos ako ang hiniwalayan mo?" tanong ko.


Matagal bago sya nagtext ng "Pwede pa rin naman tayo a."


"Tapos, sya?" tanong ko.


"Itago lang natin," sabi niya.


"Ang alin?" tanong ko.


"Ang relasyon natin," mabilis na sagot niya.


Gagawin nya akong kabit.

31 comments:

Jake said...

Ay break na pala kayo ni Kulot? May girlfriend na pala s'ya, tapos gusto ka rin n'ya kaya lang "hide" ang relationship, ok din si Kulot ah, namamangka sa dalawang ilog!

Hhmmm, magiging maayos din ang lahat!

Neneng_Praning said...

pota!

un lang.

reyna elena said...

hahaha as usual, concubine hahaha ba't nga ba ganun na lang tayo?!

honestly, if that was my jeff, tatanggapin ko saksakin mo man ako hahaha

but honestly what for really? di ba?

johnnypanic said...

pahak sad si kulot da.

Pestogirl said...

letcheflan talaga tong mainit na hiwalayan.
mas importante pa nga siguro 'to kesa sa milyones na dapat ideposito ko sa bangko mo.
pano ang mga upcoming orders para sa kapaskuhan?
sang kitchen magluluto si kulot?

Anonymous said...

hay! nakakaHB naman si kulot.

Mugen said...

unfair!!!!

burrito said...

after all those years, ikaw pa talaga ngayon ang itatatago. ang saya.

Lyka Bergen said...

Kalechehan!

mel beckham said...

Hayahay kaayo si Kulot. shet!


Basta Ate M, kung saan ka masaya, doon din kami.

biatch said...

HUWAAT???!!! di rin naman masyadong makapal mukha niya ano?! Never settle for anything less gurl.i would rather lose the person I love than lose whatever dignity I have left.

Lems said...

what for...ni hindi ka nga nya kayang ipaglaban sa gf nya...masasaktan ka lang sa huli kasi ngayon pa lang pinamumukha na sayo kung sino ang pinipili nya, makipagbalikan ka kung walang lihiman...

pero kung secret lang ang lahat, talo ka, wag mo ng saktan pa ang sarili mo...

let go!

karla said...

never settle for second best...unless you're willing and able to do it....

ang hindi ko talaga nagustuhan ay sa text lang ang inyong sagutan. wa man lang siyang balls na humarap sa yo para sabihin ang gusto niya. decency man lang dava, at the very least?

para que pa ang tagal ng inyong pagsasama kung sa isang text message lang pala ito magtatapos. letch.

Aris said...

unfair, ms. mandaya! tilian mo si kulot ng: "una kang naging akin!"

Anonymous said...

hindi lang sha ang lalaki sa mundo. you deserve a better man. kung alam mo lang kung paano mo binibigyan ng kulay ang mundo ng maraming nagbabasa sa blog mo. HIndi nga kita kilala ng personal pero nagalit ako para sa yo, at nasaktan din. tapos, inisip ko, iparating ko lang sa yo: you do deserve a better man. pagpalain ka ng langit, mandaya.

alimuom.atbp said...

aray ko...

r-yo said...

gusto ko sanang matuwa dahil naging exciting at kaabang-abang na naman ang posts mo. pero di pwede dahil alam kong mabigat sa loob mo ang mga nangyayari. nway, ganyan talaga buhay; minsan na po-promote, minsan nade-demote. na sa yo naman kung kaya mong panindigang mag-resign.

blagadag said...

papiliin mo sya. ikaw o ang babae nya. pero kung ako, sa babae na sya. di ko na pwede mapagkatiwalaan ang mga lalaking ganyan. baka sa iyo pa sila mag hide.

blagadag said...

hello madam. di ako matahimik. please give me kulot's celfun number. i wanna launch a txt campaign. kakausapin ko yung txtpower na i barage ng magagandang mensahe si kulot para maintindihan nya yung pinagsasabi nyang itago nyo ang relasyon nyo sa babae nya. unfair yun sa babae nya. alam nya ba yun? at nasasaktan kaming mga fans mo madam. pero sabihin mo lang kung gusto mo ng martyrdom, kung gusto mo pang manatili sa piling (divided by two) ni kulot. buti nga kung may half ng piling ka pa kasi wala na talaga kaming magawa na tagasubaybay mo kundi ang intindihan ang kalagayan at emotion mo. seriously, we feel for you and please take care of yourself. kaya mo yan. kaya natin yan. muah!

Ate Sienna said...

hay naku, mami, sinabi na ng mga sisters lahat ng dapat kong sabihin. (at natawa ako ng malakas sa sinabi ni Aris). sekon da mowshen ko lahat ng sinabi nila.

basta, preyowber pa rin ako for you... at isang yakap ng mahigpit :)

Luis Batchoy said...

at papayag ka naman?

PBR said...

Magsuot ka ng anything brown, para maging Dirty Mistress in Brown ka!

hahaha!

Claudine barretto to ateh! :D

Zai said...

ay grabe, mas kulot pa sa buhok ni kulot ang kaguluhan ng isip nya ha. un lang masasabi ko.

John Halcyon von Rothschild said...

Cut your loses and end it right there. Stay away from those straight guys. They'll give you nothing but heartache.

Anonymous said...

Hahaha! Wow! Lakas ng loob ng kupal!

Anonymous said...

Mahal ka ni kulot dahil KAILANGAN ka niya, hindi ka niya kailangan dahil MAHAL ka niya. save yourself mandaya. un lng. bow. -jayaureus

Sexymoi said...

ate,
alam ko gasgas na tong linyang to pero sasabihin ko pa rin. you deserve someone better than kulot. promise... hindi pwedeng lagi na lang may reserba. am sure hindi naman tayo nilagay sa mundong ito para maging 2nd lang no. nalungkot ako sa posts mo... :(

The Zen Bitch said...

kaloka. gusto kong tilian at pandilatan ng mga mata yang si kulot. pero, it's not my place... ano gagawin mo?

dabo said...

first time ko mag-comment yata dito.. pero used your head.. maayos din ang lahat and for sure you'll get by..and eventually shine!

tc..

Empress Maruja said...

Sana pinaglaban ka niya, eh hindi. So it kinda reflects kung ano tingin niya sa 'yo.

Ewan said...

reality check ulit!!

ang mahalaga mahal ka ng tao kahit na no. 2 or no. 3 or kahit anu pa man sa buhay nya...

respect and love talaga ang mahalaga..