Friday, 10 October 2008

Hiling

Humiling ako ng drama sa relasyon namin ni Kulot. Ibinigay naman.

Nag-umpisa ito nang may natanggap na text si Kulot. Nabusy sya sa pagtetext. Nagduda ako.


“Sino yan?” tanong ko.


“Wala,” sagot nya.


“Anong wala e nagtetext ka dyan?” tanong ko uli.


“Wala to, textmate lang,” sagot niya.


“May kinalolokohan ka na naman?” tanong ko.


“Hindi a,” sagot niya.


“Girlfriend mo?” pangungulit ko.


“Sa text lang,” sagot niya.


Inamin nya. May girlfriend sya. Sa text lang.



“Kailan lalampas sa text yan?” tanong ko.


“Hindi mangyayari yon. Nasa city sya. Naandito ako. Di ko pa nga nakikita to. Malay ko kung maganda o pangit,” sabi niya.


Hindi ako kunteto sa sagot.


“Harap-harapang lokohan naman yata yan,” akusasyon ko.


“Hindi kita niloloko. Libangan lang to,” sabi niya.


Tumahimik ako.


“Mula noong nagkabalikan tayo, hindi ako nagloko. Walang iba, ikaw lang,” sabi nya.


Naniwala ako. Totoo naman e.


“Sasabihin ko sa yo kung may girlfriend na ako,” dugtong nya.


Nabigla ako.


“May plano ka?” tanong ko.


“Wala pa. Pero kung dumating man ang panahon, sasabihin ko sa yo. Hindi kita lolokohin,” sagot niya.


“Paano tayo? Paano mga plano natin?” tanong ko.


“Pagdating ng panahon, ikaw naman ang magdedesisyon,” sagot niya.


“Paano ako?” tanong ko.


“Sasabihin ko naman sa babae e. Ikaw naman ang nauna,” sagot niya.


“E kung di sya pumayag?” tanong ko.


“Paiintindihin ko sya,” sagot nya.


“Paano kung papipiliin ka nya?” tanong ko.


“Ewan ko. Di ko pa masagot yan. Sasagutin ko yan pagdating ng panahon,” sagot nya,


Natahimik kami pareho. Matagal.


“Kung ikaw ang nasa lugar ko, ano kaya mararamdaman mo?” tanong ko.


“Ewan ko. Di ko alam,” sagot niya.



Natahimik na naman kami.



“Ngayon pa lang, nasasaktan na ako,” tanging nasabi ko.

21 comments:

Mugen said...

Ginawa sa akin yan ng ex ko dati. Hinamon ko siya, sabi ko. Mas mabilis ako makakahanap ng babae sayo.

Natahimik siya.

At tumigil sa pantasya niyang pagiging bisexual.

mel beckham said...

Ate M, 'wag kang magpaka-martyr. Naa ko ka-ila duha kabuok. Ang isa gi-firing squad sa Luneta. Ang isa gibaril pagnaog sa eroplano.

I hope Kulot will change his mind.

bananas said...

so this is the reason why you texted me early in the morning to tell me that---"DDD ako ngayon."




ipapatay na ba natin si kulot?
tell.

blagadag said...

nagsisis ako kung bakit binasa ko ang entry mo. nasaktan ako. gusto kong hampasin ng walis si kulot. gusto kong iparamdam sa kanya na ang manok at baboy ay di pwedeng magsama sa buhay. anuvayan. na depress ako.

Tristan Tan said...

winner ang mga lines! ;)

Kiks said...

be careful what you wish for, sabi nila.

it may turn out to be a Macbeth na lasang Lydia's Lechon pakbet.

Panget.

fuchsiaboy said...

alam mo ang matalik kong kaibigan at ang jowa nya ganyan na ganyan ang nangyaring drama sa kanila. parang na-dejavu ako kasi ang script parehong pareho. nagsimula rin sa text. tapos nag meet for softdrinks sa may tindahan. tapos may overnight sa beach. tapos nasundan pa ang dapat nang matapos.


wala na sila ngayun ng jowa nya. :(

Myk2ts said...

ouch. isang malaking ouch yun. talagang wala tayong laban sa mga petchay. huhuhu

Empress Maruja said...

Naku, hayan na ang drama. Papasok kaya si Jayson sa eksena?

Neneng_Praning said...

Huwag ka masyadong mabahala, hindi pa naman natin sigurado ano ang kahahantungan. Huwag mong pabayaang mandohan ng episode na ito ang relasyon ni kulot. Be Happy!

jon said...

Palagi akong nagdaraan para magbasa at ito na yata ang pinakamalungkot...

blagadag said...

sabihin mo lang mam kung ano matulong ko. kung gusto mo burahin sa mundo ang ka txt ni kulot, pwede. kunin mo yang cell number ni txtm8 para malaman ang location nya. ipa DDS agad. kung gusto mo, celfun na lang ang ipaagaw natin sa kawatan, ipauna i snatch ang sa girl, tapos sunod agad na mawala ang celfun ni kulot. kasi naman, di lang ikaw angnasasktan. isa ka buhay na soap opera at marami kang followings ma. isipin mo. di lang ako ang aatakehin sa puso, marami. eh di yang maldita na lang na yan ang burahin sa eksena. kung oangit naman, kuna mo agad ng litrato at i post mo at itanong mo kay kulot kung talagang ipagpapalit ka sa pangit na yun. para tuloy kaming mga re-writers ng soap opera script sa entry mo na to. d ko matapos tapos ang pamamalantsa ko ng attire sa office for this week. hahay. daig pa ang pag crush ng US stock markets ang impact na dulot ng entry mo. sure pa.

The Zen Bitch said...

hay... for all we know, baka wala namang kahantungan yan...

sensya na kung cliche ang mga susunod... pero, cross the bridge na lang when you get there...

isa pa... hope for the best, prepare for the worst...

alimuom.atbp said...

sabi nga nung... forgettable horror movie na naging linya sa kanta ni Fergie na narinig kong kinanta ng mga forgettable starlets sa ASAP:

"be careful what you wish for..."

whatever happens, i'm sure: unforgettable na ang love story nyo ni kulot.

kiel said...

agree ako kay neneng. maaari namang hanggang dyan lang yan. pero kung hindi... kung ako, i will fight tooth and nail para di maagaw ang mahal ko. i will give him a million reasons why he cannot leave me.

Bryan Anthony the First said...

reading between the lines, parang di maganda ang takbo ng isip ni kulot...

Mark Xander Fabillar said...
This comment has been removed by a blog administrator.
tcbeartakeshi said...

Drama overload. I hope your doubts on Kulot don't hold water. I sensed fear, I sensed trouble but good luck. Bonne chance!!!!

johnnypanic said...

sakit pud na uy. pero pain in the future tense, even if already felt in the present. unsa ba, binayot! char! ok ra na te

Ronnan Tristan said...

Yang mga pechay na yan!!! sinusunog yan!!! hahahaha

Ewan said...

kulot has all the rights to say what he wanted...

reality check