Thursday, 23 October 2008

Kabit

"Gagawin mo akong kabit?" text ko kay Kulot


"Hindi naman sa ganon. Ayoko lang maghiwalay tayo," sagot niya.


"Hiniwalayan mo na nga ako," mabilis na sagot ko.


"Kaya nga sinasabi ko sa yo na pwede namang tayo pa rin pero itatago lang natin ang ating relasyon," sabi niya.


"Bakit mo gustong tayo pa rin e may girlfriend ka na?" tanong ko.


"May pinagsamahan tayo. Matagal na tayo," sagot niya.


"Hindi mo naisip yan bago ka nanligaw sa babae?" tanong ko.


Walang sagot.


Gusto kong prangkahin pero di ko nagawa.


"Sa tingin mo, di magbabago pagtingin ng girl sa yo kung wala ka ng pera, kung wala ka ng porma?" tanong ko.


"Hindi sya ganon," mabilis nyang sagot.


"Kung disenteng babae sya, dapat hindi ka nya sinagot habang tayo pa. Bakit ngayon lang sya nagdemand na hiwalayan mo ako?" text ko.


Walang na namang sagot.


"Noon pa man naandyan na ako. Gusgusin ka pa lang, naandyan na ako. Kahit noong namumuti pa sa an-an ang noo mo, naandyan na ako. E sya, ngayon lang," sinabi ko kahit alam kong di dapat.



Wala pa ring sagot.


"Ayokong relasyon natin ang nakatago. Alam ng lahat na tayo. Malalaman ng lahat na siningitan ako. Sya ang lalabas na kahiya-hiya. Ayokong maging kabit," deklarasyon ko.


"Sorry. Hindi kita mapipilit," text niya.


Matagal bago ako nagkalakas ng loob na itanong sa kanya kung sino ba ang babae niya.


Ayaw sagutin. Huwag na lang daw.


Dahil ayaw nyang sagutin, ako ang nagimbestiga. Tinext ko ang isang kaibigan niya. Sinulsulan. Tinakot hanggang mapilitang sabihin sa akin kung sino ang bilat.


Maliit ang bilat. Bata pa. Kinse anyos pa lang.

27 comments:

aries said...

be strong tita... be strong...

blagadag said...

kinse pala ha. kausapin mo ang girl neng. bigyan mo ng education on what to expect when having sex. kung di kaya, sulatan mo. tapos i copy furnish mo rin ang tatay at nanay nya.

at saka, makunan mo ng picture. pot mo dito para mahusgahan namin.

manawagan na rin ako sa lahat na magbabarang.

sinayang lang ni kulot ang kinabukasan nya. i sequester na lahat ang gamit sa bakery. katayin na ang mga baboy at gawing tusino at longganisa at ibenta sa tabi ng parlor.

blag ba yang si kulot at si kinse. earase na sya sa casting.

let it go madam.

Mugen said...

Andaming expletives ang nasa dulo ng dila ko. Subalit ngayon, isang mahigpit na yakap ang ibibigay ko sa iyo Mandaya.

johnnypanic said...

ha? chinorva ni kulot, fifteen years old? maternal versus virginal ba etoh?

makaningning man pud uy

Tristan Tan said...

oh my gawd...

mel beckham said...

Juice ko Kulot. Bantay Bata 163!

Anywhore, I'm sure Ate M, hindi tatagal ang relasyon nila. Itataya ko ang buhay ng mga manok ko (except Jenascia). That's it. Hihi

Zang said...

ay. corrupting minor si kulot! ahahaha...

Luis Batchoy said...

haynaku... ipinagpalit ka sa bilat na mas bata, mas sariwa, at syempre pa... mas madaling lokohin. NAMAN! POTAH! Well... Kapal ng pagmumukha ng kulot ha! Bagay nga sila ng gurl... Ateng... hugs kitah!

ate sienna said...

homaygas!!!!!

mamaya na ako kokomen ulit. hinihimatay pa ako....

Anonymous said...

saludo ako sa desisyon mo. mahirap pero kaya mo yan.

juice ko? kinse anyos? kebata bata pa, lumalandi na? i have a feeling hindi sila magtatagal ni kulot.

Lyka Bergen said...

15? May hinahanap pa rin si Kulot na wala sa bata. Or di kaya,.. na wala sa bakla?

No offense Mands, pero yan ang tama.

Files said...

Wawa naman to! Ayaw ko rin maging kabit lang! Ikaw naman na una ano.. unsaon nalang ang Bakery!

FILES

Anonymous said...

ay nakakaloka.....15 years old pa...wala kang laban dyan..does that mean na pedophiliac ang kulot?

Anonymous said...

gusto ko sanang sabihin that Kulot is corrupting a minor but then again,as of now,I can barely see minors behaving as if they're really minors.Teenagers nowadays are more liberated,lots of "baby p_t_'s and baby p_kp_k".

The Zen Bitch said...

kinse? kalowkah! hmn, mukhang hinahanap ni kulot ang kanyang sarili sa batang babae na ito... pero kadiri pa rin... pero kung ganyan ang edad ng gulay... mukhang di magtatagal ang relasyong ito... sa iyo pa rin babagsak si kulot... that is, kung tatanggapin mo pa rin siya...

kiel said...

it sounds like you have to let kulot go. after explaining yourself, pinili pa rin nya ang menor de edad. kung ako, i'll be magnanimous, and try not to loose grace and integrity.

it doesn't seem like it now, but i bet you'll be ok again.

mrs.j said...

grabe..

whats with kulot?
i know i dont know him pero bakit ganun siya?

ipagpalit ba ang 7 years sa weeks?
nagiisip ba siya?

sorry te ha...pero i dnt think its fair...ilang bses na? worth it pa ba?

Ming Meows said...

ma-sisisi yan si kulot

Ming Meows said...

ma-sisisi yan si kulot

blagadag said...

maghanap ka rin kaya ng 14 years old madam. i display mo kay kulot kahit ilang araw lang. baka bumalik sya uli sa balay mo. pero bantayan mo uli yung 14 years old, baka hadain rin ni kulot.

Empress Maruja said...

I see dalagang ina in the making.

loudcloud said...

matagal na akong lurker dito pero eto ang entry na magpaparamdam na talaga ako.

you have my sympathies.

pero di mo rin mapipigilan si kulot to discover what he really wants for himself.

sabi nga niya, may history kayo.

yun, eventually, marerealize niya ang weight nun.

hopefully by that time na maliwanag na pag iisip niya hindi ka na naka move on.

meanwhile, have courage.

your admiring supporter,
loudcloud

Maldito said...

we cannot blame kulot naman..lalaki pa din siya at iba parin naman ang lasa ng Puche keysa sa the-the.

o siya..nagpaparamdam lang ako sayu madame mandya...dahil matagal mo nakaming napapaligaya...at kailangan mo na ding mag cheer up...

kung ako din naman kay kulot maghahanap pa din ako sa relasyon na tanggap ng soceity..

o siya..take care mandaya.

_maldito

Anonymous said...

tanggalan mo ng sustento si kulot...

eli said...

hmmmm...ganda at ang husay ng pala ng mga kwento dito.

goddess said...

naiiyak ako.

Ewan said...

kahit ano pang age nung gurl...
wala pa rin tayong pechay