Muntik na akong di makasama sa Camiguin. Nagkasakit kasi ang mother-out-law ko. Pneumonia. Naospital.
"Sure ka?" tanong ko kay Kulot isang araw bago ang alis namin.
"OO, di na ako sasama. Walang mag-aalaga kay Mama," sabi niya.
"Di na rin kaya ako sumama," sabi ko.
"Sumama ka na. Kaya ko to. Nakakahiya naman kay Eric. Isa man lang sa atin ay makasama," paliwanag niya.
Sumama ako. Pero sa Camiguin, sige pa rin ang text namin. Nangungumusta.
"Ikaw pa rin ang bantay?" text ko.
"Wala naman kasing papalit," sagot niya.
"Ang mga kapatid mo pala?" tanong ko.
"May trabaho si Ate. Si Jayson, bantay sa araw. May klase si Bryan," sagot niya.
"E ang Kuya mo?" tanong ko.
"Ewan," tanging sagot niya.
Wala namang regular na trabaho ang Kuya ni Kulot. Dapat nagbabantay siya sa gabi pero hindi. Si Kulot ang nagbabantay sa gabi. Umuuwi ito sa araw para maligo, magbihis. Si Jayson naman ang bantay sa araw. Pagdating ng alas-sais, sa loob ng limang araw, palitan sila sa pagbabantay.
At noong makalabas na ng ospital si mother-out-law, di natapos ang problema ni Kulot. Inabutan niya kasing ginagamit ng Kuya nya ang pinatayo naming bakery. Ginawa nya itong pasugalan.
Nag-init ang ulo ko. Tumuwid ang buhok ni Kulot sa galit.
"Hihiramin lang daw nya habang di pa natin ginagamit," sabi ni Kulot sa akin.
"Hindi pa nga natin nagagamit, pinasukan na nya ng malas," sabi ko.
Mas malalim ang hirit ni Kulot.
"Buhay pa si Mama, nagpasugal na sya," sabi niya.
May tama sya.
Thursday, October 2, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
16 comments:
Clap Clap Clap for Kulot! Maganda ang linya.... pang indie witty comedy! Tse!
ipabaranGAY mo na mam. mahirap yan bawiin na hindi klaro sa barangay justice. dapat may nakakaalam na sa inyo ang bakery. pero subukan mo ring kausapin si kuya. di ba, sya naman ang nakadonselya sa yo? baka gusto lang magpapansin uli kasi si kulot ang namumuro ngayon.
napaka prinsipyadong tao talaga nitong si Kulot eh no? galing!
hahaha. ang witty ng kulot. wagi. at bakla.. ano ang Borikat?
lyka, talagang bumilib ako kay kulot. love ko na sya
blagadag, di kailangang ipabarangay, nanay lang nila ang katapat. kasi nanay nila ang may-ari ng lupang kinatatayuan ng pwesto namin
at hindi ko type ang kuya nya. minsan lang nangyari yon, ayoko na maulit pa
r-yo, kaya nga love ko na sya e
jericho, borikat is prostitute (hindi prostituted ha)
Nagmamature na si Kulot. Astig!!
Bad si kuya! hmft! sana maayos nyo yan ate M. ipa-raid nyo kaya? Hihi
May point nga naman si Kulot.
I am so proud of Kulot. ;)
ay dapat ipasok sa pugon ang kuya na yan. lintek siya.
mugen, korek
mel, ayokong iparaid at baka lumaki pa ang issue. ang totoo, tumigil na sila, tinakot ni kulot na isusumbong sa nanay nila
empress, may point nga sya, at di ko nakita yon ha
tristan, ako rin
neneng, ang puso... wag masyadong high blood
i feel you pain! minsan leche ang relathieves! i don't mean to compare kasi leche talaga ang aking relathieves. one pangkin of mine na iniwanan ko nang condo ko sa ortigas, ang leche at ginawang resort at motel sa daming pukekang na ino-oring! ang gago at pinost pa sa friendster! pa-wine wine pa na nagmistulang gucci gang ang mga puta. kung ikokompara mo yang brother ni kulot sa mga tarantado kong pangkin sa pinas? santo yang brother ni kulot.
nice to be back here... Ate mandaya, namiss ko blog mo...
scarlet ba yan o si kulot?!
impakta si bradir, ha!
pero bongga si kulot! profound!
on second thought, bakit kaya nagtatanong si jericho kung ano ang borikat? tinawag kaya syang borikat? may kakilala yang tinawag na borikat? niyaya syang mag borikat? may love syang borikat? anu va? inday, kape nga at pakidala na rin ng yosi na nasa mesa. isama mo na ang lighter, ha.
Post a Comment