Noong Sabado nag-umpisa ang baking class namin ni Kulot. Alas sais pa lang ng umaga ay gising na kami. Dapat sana ay hindi kami late dahil alas otso ang klase. Pero hindi, may ibang plano ang Kulot. Feeling siguro niya ay cake sya at kailangang maganda ang presentation.
Mga kalahating oras sya sa banyo. Sa umpisa, akala ko constipated sya, pero rinig ko ang pagbuhos nya ng tubig, ibig sabihin noon ay naliligo na sya. Pero ang tagal pa rin niya maligo. Alam ko na— gumagawa sya ng commercial ng shampoo at sabon.
Nang makalabas sya ng banyo, turn ko na naman para maligo. Ilang minuto lang ako kasi late na. Pero paglabas ko, di pa ready ang Kulot. Nasa harap pa rin ito ng salamin— inaayos ang kanyang buhok. Ang tagal. Pabalik-balik ang suklay.
Noong nakuntento sa ayos ng buhok nya, akala ko magsusuot na ng t-shirt, di pa pala. Ang hinayupak, ang Nivea body lotion ko ang pinagdiskitahan.
“Hoy!” sigaw ko.
“Dry ang skin, baka aircon ang room,” sabi niya.
“Ka-cheapan ang school natin, di aircon ang rooms don,” sabi ko.
“Baka lang,” sabi niya.
Pinabayaan ko sya. Pero may ginawa pa sya. Ginamit nya ang aking Oil of Olay.
“Hoy!” sigaw ko uli.
“Konti lang,” sabi nya.
“Anong konti lang?” tanong ko.
“Konti lang naman yan o,” sagot niya habang pinapakita ang Oil of Olay sa kanyang palad.
“Hindi ganyan ang paggamit niyan,” sabi ko.
“Paano pala?” tanong niya.
“Sa tips lang ng fingers nilalagay yan, hindi sa palad. Mahal yan kaya dapat tipid,” sabi ko.
“E di sa leeg ang sobra,” sabi niya.
Haaaaay.
Nang matapos na nya ang kanyang mga ritwal e quarter to eight na. Papalabas na kami ng gate nang sinabi nyang may nakalimutan sya, sabay balik sa bahay.
“Ano nakalimutan mo?” tanong ko pagbalik nya.
“Magpabango,” sagot niya habang nakangisi.
A ewan.
Nag-taxi kami papuntang school. Di kami late. Mas marami pa sa amin ang huling dumating. Fifteen lang kami sa klase. Tama si Kulot, aircon ang room namin. Pero sabi ng teacher, si Ms M, na sa aircon room daw muna kami tutal lecture pa lang naman ang gagawin niya. Next week, doon na daw kami sa katabing kitchen room— hindi aircon at mukhang super init.
OK lang ang first day of school namin. Wala gaanong hirap. Lecture lang naman. Puro lang theories and baking terms. Pero may problema kay Ms M na sa tingin ko ay magiging problema ko rin para kay Kulot. Baka kasi dahil teacher si Ms M ay iisipin na ni Kulot na tama lahat ng sasabihin nya.
“Alam ko namang mali sya,” nasabi ni Kulot sa akin pagkatapos ng klase namin.
Ano ba ang mga mali ni Ms M?
Marami. Eto ang ilan:
Ang pagbigkas nya ng Yeast ay Yest.
Ang Crust niya ay Crush.
Ang Wheat niya ay Wet.
At minsan ay nadudulas sya. Ang Flour nya ay Floor.
Monday, September 3, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
20 comments:
Mataray na si Kulot a. Bad influence ka yata. :-)
good luck to your schooling, baka after that ay magtayo na kayo ng bakeshop? di ba nice idea naman yun?
i miss your photos.
Wetty ang Kulot. Wala kang dapat ipangamba.
Ang daming ritwal ni Kulot. Hindi ka ba naba-bother diyan? :p
oo nga, post ka naman dito ng picture ni Miss M.
y not.haha..naloka ako sa tinipid na oil of olay. ahihihih..
baka nga naman ang spelling tlga ng crust e crush..nagkamali lang c manong webster.
nyahaahahahaha!!
taray ni kulot..banidoso..wahaha
bili mo nalang po ng master at ponds.oh di ba? nag-endorse talaga..haha
Aay vanidoso na ang Kulotz parang pareho na kayo ate, well sa tgal na ba ninyong nagsasama ay di pa mahawa si Kulotz. Baka..... ewan....worrying na yan.....
naku sigirado kng magiging kaagaw yang si ms m!
ahahhahay
opisyali bading na si kulot
nanghimantay jud
how happy happy
Miss M???Mandaya ba eto!!!
kaw nalang ang maglecture,,,nya c miss m sa kitchen...
nyhahahahahaha
...at nagpabango pa a... baka maganda ang titser nyo... wahehehehehe... (^_^) V peace
Hindi ko sure kung bading din si Kulot ha. Pero sure ako na ang bading ay si Mandaya!
Hindi puwede sa call center ang beauty ni titser
siguro naman e dahil mahal na rin ni kulot si mandaya e bading na rin sya. straight ka pa rin ba kung may romantic love ka na sa kapwa mo lalaki, kahit sexually attracted ka pa rin sa babae?
taray ni kulot..
english teacher na din pala..
Ano ba yang Ms. M na yan... Sayang ang pabango ni Kulout!
Isa lang ang masasabi ko. Ang mga asawang bigla na lang nag-aayos sa katawan na di often ginagawa before.... QUESTIONABLE!
Good Luck sa inyong dalawa!
kaloka si miss em ah..anu ba itsura nya? para ba siyang si malu fernandez? yung kolumnistang nanlait sa ofw hahaha
hoy, si kulot nga ba yung nag-sign ng bisaya sa Wuhoo Yehyeh entry ko? china-charing mo yata ako. at any rate diak naman maawatan yung sinabi niya.
ay! ayaw ata i post ang comment ko ha... uy mandy may galit ka ata sa akin!
:-)
i was here ate mandaya. ahihihi.
greetings from Doha Qatar. :D
Post a Comment