Monday, December 29, 2008

Babes

Ilang araw din syang makulit na nagte-text sa akin.


"Niloloko mo lang ako e," minsang text ko sa kanya.


"Hindi a. Kung gusto mo magkita tayo," sagot niya.


At nagkita nga kami. Hindi ko inexpect na sya ang makikita ko.


Bago kasi magpasko ay nakita ko na sya sa dagat. Naliligo sila ng barkada nya. Kasama ko noon si Fiona, Johnny, ang asawa nyang si Fatima at ang anak nilang si Jomat. Naglunch lang kami sa beach. At naandon nga sya at ang dalawang barkada nya. Nakamotor lang sila. Bumabad sa tubig ng isang oras at umuwi pagkatapos.


Ayaw nyang sabihin kung kanino nya nakuha ang cel number ko. Basta lang daw. Kaya noong magkita kami sa elementary school, akala ko kabarkada lang ni Pandesal ang makikita ko. Si Juven pala.


Nineteen years old na sya pero second year high school pa rin. Dumaan daw sa pagiging bulakbol. At ang claim nya ngayon, "mabait na ako."


Ang balita nga ay mabait naman na bata itong si Juven. Gumigising ng alas kwatro ng madaling araw para magluto ng almusal.


"Nakakaawa kasi si Mama kung sya pa ang gigising nang maaga," sabi nya sa akin.


Lunes hanggang Biyernes, aral ang inaatupag. Mula eskwela, diretso ng bahay. Natutulog ng maaga. Kung Sabado naman, pumupunta sya sa bukirin nila. Apat na ektarya ng niyugan.


"Pero may mga tanim ako. Saging," sabi nya.


"Mga gulay naman kay Mama," dugtong nya.


Mahaba pa ang usapan. At hindi ko ito tinapos sa hada. Naghiwalay kami ng uwi noong gabing iyon.


Pero kinabukasan, sa bahay sya naghapunan. Nagluto ako, isang bagay na hindi ko ginagawa mula noong hiwalayan. Pati fruit salad gumawa ako.


Konti lang ang kinain nya, busog na daw sya. Sa isip ko, ito pala ang sikreto nya at bakit parang wala syang taba sa katawan, puro muscles.


Konti lang din ang kinain ko para naman di nya masabing matakaw ako.


Nagkwentuhan na naman kami. Hanggang madaling araw.


"Ano ang assurance ko na hindi mo ako lolokohin?" tanong niya sa akin sa gitna ng aming pag-uusap.


"Seven years ako sa relasyon, ako ang niloko, hindi ako ang nanloko," sagot ko sa kanya.


Kwentuhan na naman.



"Ano gusto mong tawagan natin?" tanong nya.


"Bahala ka," sagot ko.


Mula noon, lahat ng sentence nya ay may "Gang," short for Gang-Gang, kalimitang tawag ng isang lalaki na naglalambing sa isang babae.


Napilitan din akong ibalik sa kanya ang paglalambing. Mula noon, may "Babes" na ang lahat ng sentence ko.


Balik kami sa kwentuhan. Nakakapagod na kwentuhan. Hanggang sa makatulog kami.


Di ko na matandaan kung bakit kinabukasan ay nagkaroon ako ng chikinini sa dibdib-- sobrang laki nito na nagmukha itong pasa.


Eto si Babes

Saturday, December 27, 2008

Tuta




Si Fiona at ang alaga naming tuta-- si Eping.


Pambukid ang pangalan ng aso.


Mabait naman si Eping.


Lumalabas sya ng bahay kung gustong umihi. Ganon din kung gusto nyang magbawas.


Hindi rin sya maselan sa pagkain-- kahit ano nilalafang nya.


Mahilig din sya kumain ng cake.


Siya si Eping. Hindi ito palayaw ng Josephine o Josefina.


Kapangalan nya ang bilat ni Kulot.

Wednesday, December 24, 2008

Pasko na naman...

Dahil di mabuo-buo ang grupo ng mga bayot sa bukid (kanya-kanyang lakad kasi), ibinabalik ko ang photo nina Patricia, Fiona, Glydel, Re-Re at Red.


Malipayong Pasko sa inyong tanan!


Sunday, December 21, 2008

Ooops

Noong gabing inapakan ng walanghiyang waitress ang mahaba kong buhok, dumating si Pandesal.


Sa harap ng barkada nya, naayos ang lahat. Nag-sorry ako.


"Hindi ko naman talaga type si Takloy. Si Fiona ang may gusto," pagsisinungaling ko.


"At di ka dapat magselos sa amin. Di ka namin tataluhin," sabi ni Ken-Ken.


Ngiti lang ang reaction ni Pandesal. Ako naman, habang tumatagal, mas close sa kanya hanggang wala ng espasyo para sa holy spirit sa pagitan namin. Kiniliti ko sya. Kunwari ayaw tumawa. Kiniliti ko uli, tumawa na. OK na kami.


Hinawakan ko ang kamay niya. Pero hindi para magpa-sweet. Tiningnan ko lang kung malinis ang mga kuko nya. Malinis naman. Medyo rough nga lang ang kanyang kamay.


"O-order ako kay Chona, ang Avon lady sa aming lugar, ng lotion bukas," naisip ko.


Naisip ko rin na bigyan sya ng facial scrub, moisturizer and sunblock. Kailangan niya ng make-over.


Hindi nagtagal ang inuman namin.


"Maaga pa laro namin bukas," sabi nya.


Umalis sila. Pero bago yon, kiss muna sya sa cheek ko. Pagkatapos ng halik, hinawi ko ang aking buhok, niligpit ito sa likod ng aking tenga.


Naghiwalay kami ng landas. At habang kami'y papauwi ni Fiona, nasalubong namin ang isang grupo ng mga bagets. Pa-cute kami kahit madilim. Ang ending, nauwi ko ang isa. Bata. Sariwa. Walang alam. Andaming kiliti sa katawan.


Kinabukasan, galit na naman si Pandesal. Kapitbahay pala nila si bagets.


"Friends na lang tayo," text niya sa akin.


Gusto ko syang sagutin ng "marami na akong friends" pero di ko ginawa.


"OK" lang ang sinagot ko.

Tuesday, December 16, 2008

Seloso

Sobrang seloso si Pandesal.


Nakita namin ang mga barkada niya sa palengke noong Sabado ng gabi. Nag-iinuman sila. Kami naman ni Fiona, join.


"Pati kami pinagseselosan," sabi ni Ken.


"Di tayo natuloy sa beach kahapon kasi nagselos. Sabi, dapat konti lang daw. Wala yatang tiwala sa amin," sabi naman ni Badig.


"Ready na kami nang bigla na lang nagbago isip nya," dugtong ni Abla.


"Bakit daw?" tanong ko.


Sa una ay ayaw pa nilang sagutin pero pinilit ko.


"Kasi kasama si Takloy," sagot ni Ken.


Deadma ako.



"Pati yung pagpunta namin sa bahay nyo, ayaw nya ng marami ang kasama," sabi ni Abla.


"Kaya nga pagkatapos kain lumabas kami at sya lang naiwan sa loob kasi iba tingin nya sa amin," dugtong ni Badig.


"Di namin alam kung bakit sya ganon," sabi ni Ken.


Deadma pa rin ako.


Naubos ang beer. Umorder ako. At nang papalapit na ang waitress, biglang sumigaw si Fiona.


"Miss, dahan-dahan! Naapakan mo buhok nya," sabi niya sabay turo sa akin.


Deadma ang mga boys. Di nila na-gets.

Saturday, December 13, 2008

Malandi ako

Ayaw na ni Pandesal sa akin.


Akala ko "first tampuhan" lang namin. Hindi pala.


Nalaman kasi niyang type ko rin si Takloy. Siya yung lalaking nasa photo.


Eto naman kasing si Ton-Ton, ang nagbugaw sa akin kay Pandesal, tsismoso.


"May number ka ni Takloy?" tanong ko kay Ton-Ton.


"Wala. Y?" tanong niya.


"Wala lang. Type ko sya," sagot ko.


At nakarating ito kay Pandesal. Sinabi ba naman ni Ton-Ton na type ko si Takloy sa harap mismo ni Pandesal. Nag-iba daw ang mukha. Bigla na lang daw itong umalis.


Hindi na sya nagtext sa akin.


Kung ayaw nya sa akin, ayaw ko na rin sa kanya.


Hindi ako ang margarine para sa kanya. Hindi ako ang kapeng magpapalambot sa kanya.


Bahala sya sa buhay niya. Bahala sya at ang abs niya.

Friday, December 12, 2008

Si Pandesal

Pagkagaling Manila, dumiretso ako ng General Santos City. May inasikaso lang. Agad-agad din akong umuwi ng bukid.


Nagkita kami ni Pandesal. May pasalubong ako sa kanya. Isang shirt na nakita ko Makati Ave. On Sale sya. P300 lang. Pero hindi ko tinanggal ang original price tag na P700.


Masaya ang Pandesal. Kita naman.

Saturday, December 6, 2008

Things

OK na sana ako kay Mr. Pandesal. Wala na sana akong problema. Pero ibang klase sya kung magtext. Lahat ng message tinatapos sa question mark.


"Ano gawa mo?" text ko.


"Laro basketbol?" reply niya.


As in lahat ng text talaga. Tulad ng:


"2log na ako. Nyt?"


"Kumain ka na? Ako tapos na?"


"Nagsisibak ng kahoy?"


"Nagluluto?"



Palalampasin ko yan. Malay ko ba kung yon lang talaga ang estilo nya sa pagtext. At least kapag may nanloko na magtext gamit ang celphone nya, malalaman ko na hindi sya dahil walang question mark.



Maypagka-sweet si Pandesal. Laging may "Good Morning?" at "Good Night?"


Kaninang umaga, paggising ko, nakapasok na ang text nyang "Good Morning. Nakaalis ka na?"


Papunta kasi ako Manila. Mula bahay hanggang airport, sige ang text namin. At noong boarding na, nagtext ako sa kanya ng "Sige na, papatayin ko na ang cel. Papasok na kami eroplano."


Pinatay ko ang cel.


Paglapag ng Manila, binuksan ko agad ang cel at pumasok ang huling text niya.



"Taker?" sabi niya.


Napaisip ako.


"Salamat. Manila na ako. Ikaw din, ingat ka," sagot ko sa text niyang isa't kalahating oras bago ko nabasa.



"Things?" reply niya.



Napaisip uli ako.



"Ur welcome," ang sagot ko.

Thursday, December 4, 2008

Pandesal

Masaya ako ngayon. Isang linggo matapos kong tapusin ang relasyon namin ni Kulot may nagtext sa akin.


"Pwede ka maging textmate?" tanong niya.



"At sino ka?" mataray na tanong ko.


"Si Elmer," sagot nya.


"At saan mo naman nakuha number ko?" tanong ko uli.


"Kay Ton-Ton," reply nya.


Si Ton-Ton ang love interest ni Fiona. Malayong kamag-anak ni Kulot. At si Elmer ay kapitbahay niya.


At ang Elmer, walang tigil ang pagtext sa akin.


"Gusto mo tayo na?" tanong nya sa text.


"Ano ka? Di pa nga tayo nagkikita," sabi ko.


"Basta tayo na. Ano tawagan natin?" pilit na text niya.


"Tawagin mo akong Love. Tatawagin kitang Cholera," sagot ko.


Sinagot lang nya ako ng "jejeje."


Noong huling uwi ko sa bukid, napagkaisahan naming magkita.


Umiinom kami ng mga bakla ng magtext sya.


"Nahihiya akong lumapit. May dalawa akong kasama. Nasa bakeshop kami," text niya.


At timing naman ang pagdating ng isang kabarkada ni Kulot. Magandang pagkakataon. Tumayo ako, pinilit si Fiona na samahan ako papuntang bakeshop. Doon ko nakita si Elmer.


Cute sya. Matangkad. Biente anyos. Inaya ko syang join sa amin.


Nakailang bote rin kami nang mapansin naming nawala na ang mga bakla. Pati mga kasama niya umalis din. Inaya ko syang maglakad. Sa elementary school ang ending namin.


Nagkwentuhan kami. Naghalikan. Nagromansahan. Pero di ko itinuloy. Naisip ko, hindi pa panahon. Naisip ko, marami pang panahon.


Pero bago kami naghiwalay, humiling ako.


"Pwede pasilip?" tanong ko.


"Ng ano?" tanong nya.


Itinaas ko ang kanyang puting t-shirt. Nasiyahan ako sa nakita.


May baon syang pandesal. May abs sya.


Masaya ako.

Monday, December 1, 2008

Mali Ako



Eto ang pwesto. Maliit lang sya.



Sabi nga ni Bagtak ito lang ang pulang pwesto sa buong probinsya.



Bakit pula?



"Kasi nakakagutom ang pula," sabi sa akin noon ni Kulot.



Pero sa loob nito, ang kulay dilaw. Bakit dilaw?



"Kasi umiiwas ang mga ipis sa dilaw,' sabi ko sa kanya.



Asul ang bubong. Ewan namin kung bakit.



Pumunta ako kahapon sa pwesto. Nagkita kami ng Nanay ni Kulot.



"Sayang kung ipapagiba mo ito," sabi niya.



Hindi ako makapagsalita.



"Rentahan ko na lang sa January. Gagawin kong tindahan," dugtong nya.



Tiningnan ko ang pwesto. Pula. Masakit sa mata. Mas masakit sa dibdib.



"Hindi po. Ipapagiba ko po sya," nasabi ko.


"Sigurado ka? Sayang kasi," sabi nya.


"Habang nakatayo yan, mare-remind lang ako. Habang naandyan kasi yan, para akong multong ligaw. Di alam saan papunta. Di makagalaw. Di ako maka-move on," sabi ko.



Hindi sya umimik.


"Yan ang magsisilbing tuldok sa relasyon namin," dagdag ko.


Nagpasalamat ako sa kanya.


"Kung di dahil sa pagtanggap mo sa akin hindi rin kami tatanggapin ng community," sabi ko.



Totoo naman kasi. Wala akong naging problema sa pamilya ni Kulot. Ito rin marahil ang dahilan bakit wala kaming naging problema sa mga tao dito sa bukid. Buong bukid alam ang relasyon namin. Malaki ang pasasalamat ko sa pamilya ni Kulot.



"Salamat din sa lahat ng nagawa mo para sa amin, para sa anak ko," sabi ng Nanay ni Kulot.



Hindi matagal ang pag-uusap namin. Umalis ako. Diresto ng terminal. Bibyahe papuntang city.


Hinatid ako ng Kuya ni Kulot sa terminal.


Seven years ago, nagpaalam ako sa Kuya ni Kulot.



"Gagawin kong boyfriend ang kapatid mo ha," nasabi ko noon sa kanya.



"Sino don?" tanong niya.



"Si Kulot," sabi ko.



"Ano? Ang dungis non," sabi nya.



Kahapon, ni-remind ako ng Kuya ni Kulot.



"Sabi ko na nga sa yo noon e," sabi nya.



"Ang sabi mo madungis sya," sabi ko.



"At sinabi ko rin na malabnaw ang utak ng kapatid ko," dugtong niya.



"Hindi ko narinig yon," dugtong ko.


Nagtawanan na lang kami.

Saturday, November 29, 2008

Sino'ng masama?

Nasa bukid ako ngayon.


Hindi ko magawang ipagiba ang itinayong pwesto.

Hindi pala ako ang ganong tipo ng tao.

Naisip ko, hindi naman ito digmaan. Hindi pwede ang “matira ang matibay” sa usaping ito.

Noong binawi ko ang mga manok at baboy, akala ko masasaktan ko sya. Sya ang target noon, pero bakit pati ako nasaktan. Parang ang bigat sa dibdib. Parang lahat ng tubig ko sa katawan ay umakyat papuntang ulo, gustong kumawala sa aking mga mata. Pero hindi ako umiyak. Yon yata ang dahilan bakit lagi na lang masakit ang ulo ko.

Noong hiniwalayan ako ni Kulot, galit ang naramdaman ko. Sabi ko sa sarili, hindi pwede ito. Feeling ko wala syang karapatang gawin yon sa akin. Para sa akin, ako ang dapat magsabi ng “pahinga na tayo.” Kaya noong pumunta sya ng city pumayag akong tumira sya sa akin sa pag-aakalang maaayos ang lahat. Akala ko kaya ko. Kasabay ng pag-aakalang yon ay ang planong dapat ako ang aayaw. At ginawa ko naman.

Hindi kasingbigat ng hiniwalayan ang sitwasyong ikaw ang nakipaghiwalay. Kung ikaw kasi ang hiniwalayan, tinatanong mo ang sarili mo “bakit?” Ngunit kung ikaw ang kumalas sa relasyon, di ka na magtatanong. Alam mo na ang sagot.

At kahit alam mo na ang sagot, hindi ka pa rin mapalagay. Nasa isip mo pa rin ang gumanti. Yon ang nangyari sa pagbawi ko sa manok at baboy. Ipinakita ko sa kanya na kaya kong tapatan ang kasamaan nya, kung kasamaan nga ba ang tawag don.

At di pa ako nakuntento. Gusto kong ipagiba ang pwesto. Madali lang sana gawin yon, pero natatakot ako na ang bawat pakong bubunutin ay parang pakong ibinabaon sa dibdib ko. Na ang bawat plywood, kahoy o posteng babaklasin ay paranga plywood, kahoy o posteng ihahampas sa akin. Na sa bawat pasakit na gagawin ko ay sampung beses na pasakit sa sarili ko. Kung sasaktan ko sya, para ko na ring sasaktan ang sarili ko.

At ang mas malala ay ang katotohanang kapag sinaktan ko sya para na rin akong naging sya.

Kung ganon man ako kasamang tao at itutuloy ko ang pagtibag sa pwesto, titigil ba ako? Magiging sapat na ba para sa akin yon? O kailangan ko pang gumawa ng ibang bagay na ikakahiya ni Lucifer dahil di nya iyon makakayanang tapatan?

Ang tanong ay hindi kung sino ang mas masama sa amin. Ang tanong ay kung sino ang hindi.

Tuesday, November 25, 2008

Plan A2

Nasa custody na ni Fatima ang baboy.


"OK na tayo sa baboy at manok. Pag-uwi ko na lang dyan ipapademolish ang pwesto," text ko kay Kulot.


Pwesto ang tawag namin sa pinatayong bakery sa lupa nila Kulot. Pero hindi na bakery ang naging plano namin. Nagkataon kasing tumaas ang presyo ng harina kaya naisipan naming magbago ng negosyo. Nagkataon ding nagkaroon ng krisis sa bigas noon.


"Bigasan na lang. Atsaka feeds sa manok at baboy," maalala kong sabi ni Kulot sa akin noon.


Sumang-ayon ako sa plano nya.

"Sa November na natin umpisahan. Itaon natin sa birthday mo ang opening," sabi ko noon.


Sumang-ayon sya sa plano ko.

Pero di sumang-ayon ang tadhana. May dumaang mabahong bilat. Nasira ang mga plano.


Balak kong umuwi sa bukid ngayong Biernes. May appointment ako kay vice governor Mayo Almario. Magpapasalamat ako sa kanya sa pagtulong nya kay Eproy sa application nito para maging pulis.

At sa aking pag-uwi, ipapagiba ko na ang pwesto.


"Balak ni Mama gamitin ang pwesto. Tindahan daw," text ni Kulot sa akin.


"Hindi pwede. Ipapagiba ko yan," sagot ko.


As usual, di agad nakasagot ang Kulot.


"Kung yan ang desisyon mo, wala akong magagagawa," text niya.


Di ko na sya sinagot. Pero humirit pa sya.


"Matagal na tayo. Sana man lang may maiwan sa ating pinagsamahan," text niya.


Di ko sya masagot.

Sunday, November 23, 2008

Plan A1

Success ang Plan A. Eto ang karugtong ng plano-- ang hatian.


May mga manok panabong kami. Aabot siguro ng 30 lahat. Pero wala akong balak kunin ang kalahati nito.


"Ipadala mo kay Eproy yung pinahiram ng kapatid ko," text ko sa kanya kahapon.


Papuntang city kasi si Eproy, final interview sa police application niya.


Hindi agad nagreply ang Kulot. Tinext ko si Eproy. Ilang minuto lang ay sumagot si Eproy.


"Pwede ba raw wag muna dalhin ang inahin kasi nililimliman pa ang mga itlog?" text ni Eproy.


"Hindi," sagot ko.


"Pwede ba raw ipasisiw muna ang mga itlog?" tanong uli ni Eproy.


"Sabihin mo sa kanya ibigay na ang manok. Isosoli ko na sa kapatid ko. Sabihin mo rin sa girlfriend nya ipalimlim ang mga itlog," sagot ko.


"OK," sagot ni Eproy.


Dumating ang Eproy sa city na may dalang manok.


Pero meron pang problema. May dalawang baboy kaming inaalagaan niya. Ibebenta sana namin sa pasko.



"Gusto mong mag-alaga ng baboy?" text ko kay Fatima, asawa ng kaibigan naming si Johnny.



"Meron?" mabilis na sagot.


"OO, paghahatian na namin ni Kulot yung mga baboy namin," sagot ko.


"Naghatian na? Wala na pala talagang pag-asa?" tanong nya.


"Wala na. Kaya kung gusto mo, ikaw na mag-alaga. Ibenta natin sa pasko," sabi ko.


"Kailangan ba talagang paghatian?" makulit na tanong niya.


"OO, para wala ng koneksyon," sagot ko.



Pwede ko namang kunin ang dalawang baboy. Ako ang bumili noong mga biik pa ito. Ako rin ang bumibili ng feeds. Inalagaan lang naman nya. Kumbaga, sa akin nanggaling ang mga hayop na baboy na yon.


Pero iba ang nasa isip ni Fiona. Para sa kanya dapat paghatian ang mga baboy. May karapatan daw si Kulot sa kanyang mga alaga.


"Para naman meron syang separation pay," text niya sa akin.



Bukas, kukunin na ni Fatima ang baboy ko.

Thursday, November 20, 2008

Plan A

Birthday ni Kulot bukas. Fiesta din sa kanila sa Sabado.



Kagabi (Wednesday), uminom kaming dalawa ni Kulot. Bago pa nito, nagchat kami ni Jericho. Sinabi ko sa kanya ang plano kong tapusin na ang lahat kay Kulot.



Unang bote ng Red Horse, di ko pa rin nasabi ang gusto kong sabihin kay Kulot.



Pangalawang bote, wala pa rin akong nasabi. Medyo lasing na.



Pangatlong bote, iba ang lumabas. Ang libog namin.




Nagkabuhay ang "Oh Yeah" moment namin. Ang sarap. Para kaming mga hayok.



Natulog kaming di ko man lang nabanggit ang aking plano.



Ngayong hapon lang, habang hinahanda ni Kulot ang dadalhin gamit sa kanyang pag-uwi sa bukid. Mamimiesta sya. Doon na rin sya magse-celebrate ng birthday niya bukas.


"Dalhin mo na lahat," sabi ko.


"Ha?" tanong niya.


"Dalhin mo na lahat ng gamit mo. Di ko na kaya," sabi ko.


"Di mo na kaya ang ano?" tanong nya.


"Ang ganito. Ang itago ang relasyon natin," sabi ko.


Natigil sya sa pag-eempake. Naupo. Hinarap ako.


"Ayoko na ng ganito. Tinanggap kita noon kasi akala ko kaya ko. Hindi pala," sabi ko.



"Kakausapin ko sya. Ipapaalam ko sa kanya na tayo pa rin," sabi nya.



"Hindi kita pinapapili. Hindi ikaw ang dapat magdesisyon sa usaping ito. Desisyon ko ito. Ayoko na," sabi ko.


Mahaba pa ang naging pag-uusap. Hindi ako nagpadala sa pangangatuwiran nya, o sa mga plano nya.


Hinatid ko sya sa sakayan ng bus.


Hindi ko na inantay pa ang kanyang pag-alis.




Pag-uwi ko ng bahay, nakatanggap ako ng text mula kay Kulot.


"Nakasakay na ako. Salamat," text niya.

Monday, November 17, 2008

Hindi ako

Hindi ako nakatiis. Pagkalipas ng dalawang oras, nakialam ako.


"Sino raw ang textmate niya?" tanong ko kay Kulot.


Ayaw ako sagutin.


"Bahala ka kung ayaw mo sagutin. Basta ako, gusto kong tumawa. Buti nga sa yo," sabi sabi ko.


"Si Bungol," sagot nya.


"Sino'ng Bungol?" tanong ko.


"Si Junel," sagot nya.


"Junel?" tanong ko uli.


"Pinsan ko," sabi nya.


Tumawa ako nang pagkalakas-lakas.


Ilang oras nang tahimik si Kulot. Nag-iisip yata.


"Pag-uwi ko, kakausapin ko sya," sabi nya.


"Sino?" tanong ko.


"Ang babae," sagot nya.


Sadyang "babae" lang ang tawag namin sa kanya.


"Ano naman ang sasabihin mo? E madali namang mag-deny. Tulad ng ginagawa mo sa akin," sabi ko.


Tumingin lang sya.


"Ngayon alam mo na kung ano ang pakiramdam ko kapag may textmate kang iba," dugtong ko.


Nakatingin pa rin sa akin.


"Kakausapin ko sya. Sasabihin kong tayo pa rin. Sasabihin kong wala ako sa Tagum at naandito ako sa yo," sabi nya.


"Tapos?" tanong ko.


"Dapat tanggapin nyang tayo pa rin. Hindi na natin itatago," sabi nya.


"Kaya mo?" tanong ko.


"OO," sagot niya.


"Kaya mong harapin ang galit ng mga magulang niya? Dahil sa ginagawa mo, para mo na ring niloko anak nila," sabi ko.


"Seryoso naman ako a," sabi niya.


"Hindi seryoso ang maging girlfriend mo sya pero tayo pa rin. Hindi seryoso ang itago mo sa kanya ang relasyon natin. Hindi seryoso ang sabihan mong nasa Tagum City ka para maghanap ng trabaho e naandito ka lang pala sa akin," sabi ko.

Natahimik uli ang Kulot.

Friday, November 14, 2008

Pagtanggap

Isang linggo na si Kulot sa bahay ko city. Tinanggap ko sya hindi lang dahil gusto ko pa sya. Tinanggap ko sya dahil alam kong babalik at babalik sa kanya at sa babae nya ang mga ginawa nila.


Wala pang isang linggo sa bahay si Kulot, nakatanggap ito ng text sa isang kabarkada nya sa bukid.


"Patawag naman," sabi nya sa akin.


"Ayoko nga," sabi ko sa pag-aakalang sa babae nya sya tatawag.


"Emergency lang, tatawagan ko si Balong," sabi nya.


"Sure ka si Balong?" tanong ko.


"Sure nga," sagot nya.


Halatang naiinis na ang Kulot kaya pumayag na rin ako.


Si Balong nga ang kausap nya. Naka-loudspeaker sa umpisa pero pinatay rin nya para sila-sila lang nga magkarinigan. Mga limang minuto rin silang nag-usap ni Balong. Pagkatapos, natahimik ang Kulot.


"Bakit raw?" tanong ko.


Wala pa rin imik.


"Hoy," kulit ko.


"May ka-textmate daw sya," pabulong na sabi nya.


"Sino ang may textmate?" tanong ko.


"Ang babae," sabi nya.


Di na ako nagtanong pa. Hinayaan ko siya sa problema nya.


Wala pa akong ginagawa nyan ha pero nabubulabog na sila.

Tuesday, November 11, 2008

Hustisya

Ang pamangkin kong si Tuesday. Grade Two. Namumublema sa subject niyang RE-ED o religious education. Kinokontra ang mga madre sa Assumption College of Davao.


Unang tao daw sina Adan at Eba, ayon sa madre.


"Pero paano ang evolution of man na napanood ko sa National Geographic?" tanong niya.


Iba naman ang pagtingin nya sa isyu ng pagpapatawad. Ang turo daw kasi sa kanila ay kailangang magpatawad kahit na ano pa man ang kasalanan ng isang tao.


"Kahit na sinampal niya ako?" tanong ng pamangkin ko.


"OO," sagot ng madre.


"Sister, kahit na sinuntok nya ako?" tanong uli.


"OO, kasi yon ang gusto ni God," sagot uli ng madre.


"Kahit na nagka-blackeye ako, forgive ko pa rin sya?" kulit ng bata.


"Yon nga ang gusto ni God," giit ni sister.


"Kahit na ninakawan ako, kinuha ang lahat sa akin, pati bahay ko?" tanong pa rin ni Tuesday.


"OO nga," di matinag na sagot ng madre.


Ikinwento ito ni Tuesday sa amin. Nahirapan kami kung ano ang sasabihin.


"Kasi hindi pwedeng forgive na lang nang forgive," sabi niya.


Wala pa ring nakaimik sa amin.


"Pwede ko naman sya ipa-barangay. Idemanda kaya. O di kaya gantihan," dugtong ng bata.



Nagsalita ang tatay niya.



"Kung gusto mong pumasa, forgive ang isasagot mo," sabi ng kapatid ko.



"Iba sa school, iba sa totoong buhay," dugtong ko.


Naniniwala ako sa statement ko. Mahirap unawain ang konsepto ng pagpapatawad. Madaling sabihing madaling magpatawad samantalang may mga taong ang hirap patawarin. Madali ring sabihing mahirap magpatawad samantalang may mga tao namang kay daling patawarin.


Naniniwala ako sa pagpapatawad. Naniniwala rin ako sa karma.


Nag-uumpisa na nga ito kay Kulot at sa babae nya.

Saturday, November 8, 2008

Sino'ng Kabit

"Dito muna ako," sabi nya.


Hindi agad ako nakaimik. Masaya na hindi. Naguguluhan.


"Paano sya?" tanong ko.


"Di nya alam na naandito ako," sagot ni Kulot.


"Ano pala alam nya?" tanong ko.


"Na nasa Tagum City ako. Sabi ko doon muna ako sa isang kamag-anak habang naghahanap ng trabaho," sagot niya.


Di ko na sya tinanong kung gaano katagal ang balak nyang tumigil sa akin. Pero may dala syang dalawang manok panabong. Ibig sabihin noon, medyo matagal. Di naman kasi pwedeng bisita lang ang pakay niya ay with matching manok pa.

Natulog lang kami noong gabing dumating si Kulot. Di pa ako ready. Chos!

Kinabukasan, maaga syang bumangon. Nagluto ng almusal. Sunny Side Up eggs at danggit. Pagbangon ko, nakaready na ang breakfast. Nililinisan nya ang ibabaw ang gas range.


"Di mo ito nililinis ano? Ang dumi na o," sabi nya.

Smile lang ako.

Kumain muna kami bago nya itinuloy ang gingawa. Pagkatapos ng gas range, nagwalis sya ng bahay. Ang bait ni Kulot. Pati lababo, nilinis nya.


Tapos sa labas naman. Inayos nya ang aking mga tanim.

"Di dapat nakalinya ang mga pots. Dapat pagkumpulin ang iba't-ibang sizes para maganda tingnan," sabi niya.


Smile uli ako.

Pagkatapos, pinaliguan nya ang kanyang mga manok.






Nang matapos ang lahat ng gawain, inasikaso naman nya ang kanyang sarili. Ginawa ang isa sa mga bagay na natutunan nya sa mga bakla. Threading para matanggal ang kanyang facial hair

Wednesday, November 5, 2008

Moving In

Dahan-dahang napupuno ang sampung units dito sa tinitirhan kong apartment.

Nasa Door 7 ako. Ang katabi kong Door 8 ay maglola ang nakatira. Mabait ang matanda. Ang anak niyang si Lani ay naanakan ng isang opisyal ng manufacturer ng sabon, shampoo. Cute ang anak nyang si Elena. Laging nasa bahay. Tumatubling sa sofa.


Sa Door 9, isang pamilya. May bata ring limang taong gulang.


Sa Door 10, mas malaking pamilya. May aso na di gaanong cute at dalawang ibong nagsasalita ng "Pangit." Hindi namin type ang pamilyang ito. Medyo burara. Medyo marumi ang labas ng bahay nila.


Sa Door 6 naman, bagong pamilya. May isang anak, wala pang dalawang taon. Mataba ang bata pero hindi cute. Sigurado akong di sya kagandahan paglaki. Pero ang daddy, medyo cute. Turn off nga lang dahil gutay-gutay na ang underwear niyang sinampay.


Sa Door 3, pinay at ang asawa niyang hapon. May anak na makulit. Seven-years old yata. Pero ang tsismis, hindi anak ng hapon ang bata.


May lilipat daw ngayong linggo sa Door 5. Bagong pamilya rin. Six months old daw ang anak. Sana cute ang daddy.


Kahapon, nagkita kami sandali ni Bananas. Kumain ng pasta habang pinag-uusapan ang isang raket na pagkakaperahan. Pag-uwi ko, may lumipat sa bahay ko.


Malaki ang dalang bag.




Di man lang sya nagpasabi na lilipat na pala sya sa bahay ko.

Nanonood sya ng TV nang dumating ako.

Sunday, November 2, 2008

Moving On

Ang hirap gawin. Sinubukan ko.


Noong isang gabi, may party sa bahay ni Bill. Mga kaibigan lang at ilang bagong kakilala.


May lechon de leche, pasta negra, pasta pataka (yung kahit ano na lang nilagay pero masarap), beer at emperador brandy.


Naandon din para kumanta si Jeremie, ang bulag na bilat na kumakanta sa Kanto Bar sa MTS. Acoustic ang drama nya. Pass the hat lang ang bayad.


At dahil mga kaibigan ko sila, may sinet-up sila sa akin na lalaki. OK sana ang guy. Medyo Cute. Pero may pero.


Nakareserve ang isang kwarto para sa amin.



"It's time to move on," sabi ng kaibigang kong si Jingle habang papunta kami ng guy sa room.


Pero hindi ako naka-move on. Mahirap.


Hindi magaling sa kama ang lalaki. Parang robot.


Sa kalagitnaan ng "Not-So Oh Yeah" moment namin, tumigil ako. Tumayo. Nagbihis.


"Bakit?" tanong niya.


"Wala," sagot ko.


"Bakit nga? Di mo ako type?" tanong uli nya.


"Hindi, nasa akin ang problema," sagot ko.


"Subukan natin uli," sabi nya.


"Wag na," sabi ko.


"Sige na," sabi niya sabay hawak sa kamay ko.


Hinayaan ko syang hubarin ang shirt ko. Hinayaan ko syang hubarin ang pantalon ko. Pero sadyang di marunong si lalaki.


Tinigilan ko sya.


"Galingan mo naman para maka-move on ako," sinabihan ko sya.

Friday, October 31, 2008

Sa aking katahimikan

Eto ang pinagkakaabalahan ko ngayon. Dahil wala ng magbibigay sa akin ng flowers, plant na lang ako para sa sarili ko. At dahil walang lupa sa harap ng apartment, sa paso lahat.





Si Eproy, pinsan ni Kulot, ang tumao sa place ko noong ako'y namalagi sa bukid. Mabait si Eproy. Iginapang ng kanyang nanay na OFW ang kanyang pag-aaral. At dahil wala namang problema, sa bahay ko sya pinatira para makatipid. Walang ni isang bagsak na grade sa kanyang pag-aaral. Natapos nya ang kursong criminology sa loob ng apat na taon. Pagka-graduate, nagreview kaagad at kumuha ng board exams. Pumasa naman.

Ngayon, naga-apply sya bilang pulis. Umuwi sya sa bukid kahapon. Sa lunes pa raw malalaman ang resulta ng neuro exams nila.


Habang ako'y tahimik na nagtatanim, nagtext si Kulot.


"Bakit mo inutusan si Eproy na kausapin ang nanay ng babae?" tanong nya.


"Ha?" tanong ko.


"Kinausap ni Eproy ang nanay ng babae," text niya.


"E ano paki ko dyan?" tanong ko.


"Sabi ng babae, inutusan mo raw si Eproy," sabi nya.


"Gaga pala sya. Di ko inutusan si Eproy na gawin yan," tanggi ko.


Totoo. Di ko inutusan o pinakiusapan man lang si Eproy na kausapin ang nanay ng bilat. Sa pagkakaalam ko kasi, ang nanay mismo ang gusto kausapin si Eproy para kausapin nito si Kulot para hiwalayan ang kanyang anak. Yon ang sabi sa akin ni Eproy bago sya umalis.


Sinabi ko ito kay Kulot. Ayaw niya maniwala kasi yon daw ang sabi ng bilat. Ako raw ang may utos.


"Itanong mo kaya sa nanay," text ko.


"Iyon nga ang gagawin ko. Malalaman natin ang totoo," sabi nya.


"Nananakot ka?" tanong ko.


"Basta, malalaman natin ang totoo," diin nya.


Mga dalawang oras natahimik ang Kulot. Inunahan ko na sya.


"O ano? Natanong mo na?" text ko.


"OO. Sorry, tama ka," sagot niya.


Eto na ang chance ko. Sinunggaban ko na.


"Gaga pala yang girlfriend mo e. Nananahimik ako dito tapos iintrigahin nya ako. Di ko sya inaaway, tapos uunahan nya ako," sabi ko.


"Wag na nating palakihin to," sabi ni Kulot.


"Wag nya akong hahamunin. Pinabayaan ko kayo. Wala kayong narinig sa akin," sabi ko.


"Sorry na nga. Di na mauulit," text ni Kulot.


"A basta, puta yang girlfriend mo," reply ko.


Natahimik ang Kulot.

Thursday, October 30, 2008

Balik City

Sumama ako sa coverage ni Bananas sa Lanao del Norte. Gusto kong makalayo. Gusto kong makahanap ng mas nakakaawang sitwasyon. Hindi pala ako ang pinakakawawang nilalang sa mundo.


Pagbalik, diretso ako dito-- ang two-bedroom apartment na inuupahan ko sa city. Ito ang love nest namin ni Kulot noong nag-aaral pa sya. Napakaraming alaala.


Kaming dalawa ang pumili ng kulay ng sofa. Pati laki nito ay ayon sa sukat nya. Dapat daw kasi komportable sya habang nanonood ng TV.





Lumang TV at ang rack na ginawa niya. Sadya itong di ginamitan ng sandpaper, o pininturahan man lang. Pinirmahan pa nya ito. Sa likuran, makikita rin ang gas range na binili namin noong nag-aaral pa kami ng baking. Dito nya niluto ang kanyang unang cookies.





May tatak ni Kulot ang bahay na ito. Mula sa mga pakong minartilyo niya para maisabit ang aking "Tree" painting, hanggang sa kung bakit ganito ang anggulo ng wall fan.


Alam kong di ko matatakasan ang mga alaala. Pero alam kong matatakasan ko sya.

Sunday, October 26, 2008

Akala

Akala siguro ni Kulot na papayag akong maging kabit. Doon sya mali.


Akala siguro nya hindi ko malalaman ang katotohanang namumublema sya sa kanyang bagong karelasyon, na hindi aprubado sa kanya ang mga magulang nga babae.


Akala siguro nya ako ang dahilan at bakit ayaw sa kanya ng mga ito. Ayaw nila hindi dahil may relasyon kami ni Kulot; ayaw nila dahil menor de edad ang babae.


Akala siguro ni Kulot malulusutan niya ang ganitong problema, na ito ay isang challenge lamang sa kanilang relasyon.


Akala siguro nya ay nasa telenobela sya, at “You and Me Against the World” ang takbo ng kwento.


Akala lang nya yon.


Syangapala, nasa Cagayan de Oro ako ngayon. Next destination, Lanao.


Pagbalik ko ng Davao, di muna ako uuwi ng bukid. Sabi nga nya, pahinga muna. Yon ang gagawin ko.

Thursday, October 23, 2008

Kabit

"Gagawin mo akong kabit?" text ko kay Kulot


"Hindi naman sa ganon. Ayoko lang maghiwalay tayo," sagot niya.


"Hiniwalayan mo na nga ako," mabilis na sagot ko.


"Kaya nga sinasabi ko sa yo na pwede namang tayo pa rin pero itatago lang natin ang ating relasyon," sabi niya.


"Bakit mo gustong tayo pa rin e may girlfriend ka na?" tanong ko.


"May pinagsamahan tayo. Matagal na tayo," sagot niya.


"Hindi mo naisip yan bago ka nanligaw sa babae?" tanong ko.


Walang sagot.


Gusto kong prangkahin pero di ko nagawa.


"Sa tingin mo, di magbabago pagtingin ng girl sa yo kung wala ka ng pera, kung wala ka ng porma?" tanong ko.


"Hindi sya ganon," mabilis nyang sagot.


"Kung disenteng babae sya, dapat hindi ka nya sinagot habang tayo pa. Bakit ngayon lang sya nagdemand na hiwalayan mo ako?" text ko.


Walang na namang sagot.


"Noon pa man naandyan na ako. Gusgusin ka pa lang, naandyan na ako. Kahit noong namumuti pa sa an-an ang noo mo, naandyan na ako. E sya, ngayon lang," sinabi ko kahit alam kong di dapat.



Wala pa ring sagot.


"Ayokong relasyon natin ang nakatago. Alam ng lahat na tayo. Malalaman ng lahat na siningitan ako. Sya ang lalabas na kahiya-hiya. Ayokong maging kabit," deklarasyon ko.


"Sorry. Hindi kita mapipilit," text niya.


Matagal bago ako nagkalakas ng loob na itanong sa kanya kung sino ba ang babae niya.


Ayaw sagutin. Huwag na lang daw.


Dahil ayaw nyang sagutin, ako ang nagimbestiga. Tinext ko ang isang kaibigan niya. Sinulsulan. Tinakot hanggang mapilitang sabihin sa akin kung sino ang bilat.


Maliit ang bilat. Bata pa. Kinse anyos pa lang.

Wednesday, October 22, 2008

Demotion

Lunes ng tanghali. Sixteen hours matapos akong hiwalayan ni Kulot. Nagtext sya.


"Sorry kagabi. Nalasing ako," text niya.


Matagal bago ako ng nagreply ng "Anong magagawa ng sorry mo? Nasaktan na ako. Di rin nito mabubura ang katotohanang may GF ka na."


Matagal rin bago sya nagtext uli.


"Napilitan lang akong magtext kagabi. Gusto kasi nya hiwalayan kita. Gusto nya mabasa ang text ko sa yo," sabi nya.


"At ginawa mo naman," mabilis na reply ko.


"Pero ayoko talagang maghiwalay tayo," giit nya.


"E ginawa mo na. Hiniwalayan mo na ako," giit ko rin.


"Ginawa ko lang yon para di nya ako hiwalayan," sabi nya.


"Ayaw mong kayo ang maghiwalay, tapos ako ang hiniwalayan mo?" tanong ko.


Matagal bago sya nagtext ng "Pwede pa rin naman tayo a."


"Tapos, sya?" tanong ko.


"Itago lang natin," sabi niya.


"Ang alin?" tanong ko.


"Ang relasyon natin," mabilis na sagot niya.


Gagawin nya akong kabit.

Tuesday, October 21, 2008

Bago ang Hiwalayan

Sabado. Buong hapon syang nasa bahay. Binabantayan ang nilulutong Dulce de Leche para sa gagawing Banoffee Pie. Birthday ng pamangkin nya kinabukasan.



Habang niluluto ang dalawang lata ng condensed milk, nagbake rin kami ng chocolate cake at banana muffins. Ang muffins ay para i-serve sa novena para sa tatay ni Fiona. Namatay ito noong October 14.



Linggo. Buong araw wala ang Kulot. May party sa kanila.



Mga alas otso ng gabi nang magtext sya sa akin.



Ang sabi niya: "Sasabihin ko na ang totoo. May girlfriend ako. Ayaw kong maghiwalay kami. Pahinga muna tayo."



Ako ang hiniwalayan ni Kulot.

Monday, October 20, 2008

Pahinga

Ayon na rin sa ilang comments sa aking huling post, kailangan kong i-assess ang relasyon namin ni Kulot.


Ayon kay Blagadag: "That gasul incident should teach you the first lesson on living alone. teach yourself the most basic like firewood gathering, gasul tank switching, and on to watch boys other than kulot. kung break, break. kung martyrdom, mag fact-finding mission ka uli. kung si kulot, wag kang pagpa stretch. relax ka lang. kung di mo kaya, rebonding na lang kayo uli ni kulot for the nth time."


Ayon kay Lyka: "Sana tinawag mo na lang si Fiona! Sige ka at maunahan ka ni Kulot. Good luck!"


Ayon kay Mel Beckham: "Ay, wala gihapon.. Parang reflex na talaga 'pag u need something done, si Kulot dayon ang first thing in mind. Think it over Ate M. 'wag padalos-dalos."


Ayon kay Ate Sienna: "Bakit kasi kailangan may mga ganung eksena na kapag dumating ang time na magkaroon ng babae sa eksena eh magiging factor yun ng pag-dadalawang isip sa relasyon nyo? kung mahal ka nya, bakit may ganung mga thought balloons? pero may dramang "priority ka pa rin"? consuelo de bobochina? so ano ka talaga for him, for the meantime na wala pa yung babaeng yun sa buhay nya?"


Hindi pala solusyon na may reserba kang tangke ng gasul to keep the flame burning.

Hindi pala solusyon na naandyan ang Kulot para magpalit ng tangke.

Linggo, hiwalay na kami ni Kulot.

Sunday, October 12, 2008

Masasanay din

Dalawang araw din akong nawala sa bukid. Tinakasan ang nararamdamang DDD. Pumunta ako ng city para makapag-isip. Ibinili ko na rin ng pasalubong si Jericho. May kaibigan kasing pumunta ng Hong Kong.


Andami palang cute sa city. Lalo na kung araw. Ang babango pa ng mga boys. Mga bagong ligo. Pero ang init. Di na ako nasanay maglibot ng city sa araw. Kailangan ko ng mas mataas na SPF sa aking sunblock.


Sabado ng gabi, pumunta ako kina Bananas. Nagluto ng pasta. Nabusog.


At noong pauwi na ako mula kina Bananas, nagtext ang aking mga city friends. Lalabas daw kami.


Una naming pinuntahan ang Urban. Disco. Pero di ako sumayaw. Uminom lang ako. At noong medyo may tama na, lumipat kasi sa Beeracay. Ang daming bading. Feeling ko I'm home.


Linggo ng umaga, bumalik ako sa tunay kong home, ang bukid. Lulan ng bus, nabuo ang aking desisyon. Kakalas ako sa relasyon namin ni Kulot. Bakit ko pa nga ba hihintaying dumating ang panahong sya ang umalis? Mas mabuti na yong sa akin manggaling and first move.


Pitong taon lang naman sya sa buhay ko. Di naman kami magkadugtong ng bituka. Di naman ako ang hanging hinihinga nya. Ganon din sya sa akin. Naisip ko, kakayanin ko ang mawala sya.


Naisip ko rin na hindi ko pwedeng paghandaan ang pagdating ng panahong sya ang magdesisyon. Kasi, kapag pinaghandaan, para na ring gusto mong mangyari. Mas maigi pang paghandaan ko ang aking life plan, o di kaya memorial plan.


At pag-uwi ko sa bukid, desidido na ako. Ia-announce ko na ayaw ko na. Kaya ko. Masasanay din ako na wala sya.



Nagluluto ako ng hapunan nang mawalan ng apoy ang stove. Ubos na ang gasul. Kinuha ko ang celphone. Nagtext.



"Punta ka naman dito, naubos ang gasul. Itransfer mo yung gasul ng oven. Di ako marunong e," text ko kay Kulot.



Ilang minuto lang ay nasa bahay na ang Kulot.

Friday, October 10, 2008

Hiling

Humiling ako ng drama sa relasyon namin ni Kulot. Ibinigay naman.

Nag-umpisa ito nang may natanggap na text si Kulot. Nabusy sya sa pagtetext. Nagduda ako.


“Sino yan?” tanong ko.


“Wala,” sagot nya.


“Anong wala e nagtetext ka dyan?” tanong ko uli.


“Wala to, textmate lang,” sagot niya.


“May kinalolokohan ka na naman?” tanong ko.


“Hindi a,” sagot niya.


“Girlfriend mo?” pangungulit ko.


“Sa text lang,” sagot niya.


Inamin nya. May girlfriend sya. Sa text lang.



“Kailan lalampas sa text yan?” tanong ko.


“Hindi mangyayari yon. Nasa city sya. Naandito ako. Di ko pa nga nakikita to. Malay ko kung maganda o pangit,” sabi niya.


Hindi ako kunteto sa sagot.


“Harap-harapang lokohan naman yata yan,” akusasyon ko.


“Hindi kita niloloko. Libangan lang to,” sabi niya.


Tumahimik ako.


“Mula noong nagkabalikan tayo, hindi ako nagloko. Walang iba, ikaw lang,” sabi nya.


Naniwala ako. Totoo naman e.


“Sasabihin ko sa yo kung may girlfriend na ako,” dugtong nya.


Nabigla ako.


“May plano ka?” tanong ko.


“Wala pa. Pero kung dumating man ang panahon, sasabihin ko sa yo. Hindi kita lolokohin,” sagot niya.


“Paano tayo? Paano mga plano natin?” tanong ko.


“Pagdating ng panahon, ikaw naman ang magdedesisyon,” sagot niya.


“Paano ako?” tanong ko.


“Sasabihin ko naman sa babae e. Ikaw naman ang nauna,” sagot niya.


“E kung di sya pumayag?” tanong ko.


“Paiintindihin ko sya,” sagot nya.


“Paano kung papipiliin ka nya?” tanong ko.


“Ewan ko. Di ko pa masagot yan. Sasagutin ko yan pagdating ng panahon,” sagot nya,


Natahimik kami pareho. Matagal.


“Kung ikaw ang nasa lugar ko, ano kaya mararamdaman mo?” tanong ko.


“Ewan ko. Di ko alam,” sagot niya.



Natahimik na naman kami.



“Ngayon pa lang, nasasaktan na ako,” tanging nasabi ko.

Wednesday, October 8, 2008

Accidental

May Accidental Tourist. May Accidental Firing. Ibang klaseng Accidental ito.

Nag-beach ang mga bakla noong Sunday. Kasama sina Fiona, Patricia, Samuel, Tita Agot Edgar, Enching, Fifi, Maricel, Mahal, Petra and Re-Re. Exclusive Bading. Sponsored by balikbayan Eric.

Pagdating sa Adolfo's beach resort, di exclusive ang naganap. Sa kabilang cottage kasi ay may isang grupo ng boys. Masaya ang mga bakla.

At dahil mahiyain ang mga bading, inantay muna magdilim bago naglandi. Ang problema, nang dumating ang gabi, sobrang dilim naman. Para kang nakapikit. Pero ito ang gusto nila -- mga bakla at boys.


Kanya-kanyang lipatan ang mga bakla sa cottage ng mga boys. Kanya-kanyang luhod.


"Join ako," announce ni Edgar habang papalapit sa kabilang cottage.


At dahil madilim nga, kapa lang ginawa ni Edgar. Nang makahipo ng hita, dali-dali nitong kinapa paakyat, binuksan ang zipper. Lumuhod. Sumubo.


Isang minuto na ay di pa rin tapos ang performance ni Edgar.


Dalawang minuto, ngalay na ang panga nya.


Tatlong minuto, nagsalita ang may-ari ng ari.


"Hoy bakla! Aso ka talaga. Ako ito," sabi ng baklang Enching.

Sunday, October 5, 2008

Masikip

Noong isang linggo pa naubos ang lubricant namin. Sinaid na nga e. Kulang na lang hiwain namin ang tube tulad ng ginagawa namin sa toothpaste.

Eto ang itsura nya.



Sa gitna ng chat/conference ng rainbow bloggers kagabi, naitanong ko kung safe ba gamitin as lubricant ang KY Massage Oil.

Eto kasi ang pasalubong sa amin ni Eric.



Di ako sure kung safe ba o hindi.

Ewan ko ba at bakit sa anim na pwedeng pagpilian, eto ang ginamit namin. We had a "warming" night.



Binigyan ko ng masahe si Kulot. Pinadapa ko sya. Inumpisahan ko sa batok niya, pababa sa kanyang likod.


"Ang daming hangin ano?" tanong niya.


"Hindi yata hangin to e," sagot ko habang patuloy sa pagmamasa sa kanyang likod.


"Ano pala?" tanong nya.


"Natutulog na mantika," sagot ko.


Tumawa sya. Tapos, sinabing: "Diinan mo pa."

Sinunod ko naman. Bumaba ako hanggang pwet niya. Ibinaba ng kaunti ang kanyang underwear. Minasa ang bilugang ass cheeks nya. Tinaas ang briefs. Ang hita naman nya ang target ko. Pataas. Pababa. Sinama pati singit. Bumaba uli ang aking mga kamay. Sa binti naman. Sinama pati talampakan. Sinuntok-suntok ko ito. Tapos, mula talampakan, paakyat na naman ako-- binti, hita, singit. Sinabayan ni Kulot ng pag-exhale ang bawat pisil ko, ang bawat himas ko.


"Harap," utos ko.

Humarap sya.


"Bakit di mo sinabing may baon ka palang patola? Sinama na sana natin kanina sa pancit," sabi ko.


Nakangisi ang Kulot. Kinuha ang kamay ko. Nilagay sa kanyang...

Dali-dali kong inalis ang aking kamay. Nandiri ako. Pakiramdam ko ang dumi-dumi ko. Pakiramdam ko nababoy ako.

Gaga! Itinuloy ko ang dapat mangyari -- "Warming" night.


Sa huli, nadiskubre kong pwedeng gamitin ang KY massage oil bilang lubricant.

Madulas sya, pero di kasing dulas ng KY Jelly.

Nasaktan ako, pero di gaanong masakit.

Tinanong ko si Kulot kung ano feeling.

"Masikip," sabi niya.


Bumalik na ang aking virginity.

Thursday, October 2, 2008

Family Feud

Muntik na akong di makasama sa Camiguin. Nagkasakit kasi ang mother-out-law ko. Pneumonia. Naospital.


"Sure ka?" tanong ko kay Kulot isang araw bago ang alis namin.


"OO, di na ako sasama. Walang mag-aalaga kay Mama," sabi niya.


"Di na rin kaya ako sumama," sabi ko.


"Sumama ka na. Kaya ko to. Nakakahiya naman kay Eric. Isa man lang sa atin ay makasama," paliwanag niya.


Sumama ako. Pero sa Camiguin, sige pa rin ang text namin. Nangungumusta.


"Ikaw pa rin ang bantay?" text ko.


"Wala naman kasing papalit," sagot niya.


"Ang mga kapatid mo pala?" tanong ko.


"May trabaho si Ate. Si Jayson, bantay sa araw. May klase si Bryan," sagot niya.


"E ang Kuya mo?" tanong ko.


"Ewan," tanging sagot niya.


Wala namang regular na trabaho ang Kuya ni Kulot. Dapat nagbabantay siya sa gabi pero hindi. Si Kulot ang nagbabantay sa gabi. Umuuwi ito sa araw para maligo, magbihis. Si Jayson naman ang bantay sa araw. Pagdating ng alas-sais, sa loob ng limang araw, palitan sila sa pagbabantay.


At noong makalabas na ng ospital si mother-out-law, di natapos ang problema ni Kulot. Inabutan niya kasing ginagamit ng Kuya nya ang pinatayo naming bakery. Ginawa nya itong pasugalan.


Nag-init ang ulo ko. Tumuwid ang buhok ni Kulot sa galit.


"Hihiramin lang daw nya habang di pa natin ginagamit," sabi ni Kulot sa akin.


"Hindi pa nga natin nagagamit, pinasukan na nya ng malas," sabi ko.


Mas malalim ang hirit ni Kulot.


"Buhay pa si Mama, nagpasugal na sya," sabi niya.

May tama sya.

Thursday, September 25, 2008

Para kay Lyka

Dahil minsan lang magrequest si ATE Lyka, eto si Fiona.


With shades




Taas ang mga kamay




Dipa




Luhod




Higa




Liyad





Lonely kuno




Sakay ng bangka with Kaye





Nagpapicture with the mangingisda



Nalulunod



Buhay na buhay

Wednesday, September 24, 2008

Camiguin

Dumating si Erika, ang barkada naming nurse sa America. Nag-aya syang pumunta sa Camiguin. Pero limited lang pwedeng sumama- yung lang type nyang isama.



Sa barge-- Mahal, Kaye, Erika, Fiona, Roger, Edgar at Tata (nakaupo)




Sina Roger at Tata (mga straights sila) ay dating taga-bukid na nagtatrabaho ngayon sa Cagayan de Oro. Si Edgar naman ay dati ring taga-bukid na ngayon ay nagtatrabaho sa Davao City.




Sa pool ng Paras Beach Resort -- Mahal, Edgar, Fiona at Kaye



Up Next: Tour around the island ngayong hapon

Sunday, September 21, 2008

Ang Karugtong

Pahinga muna, tapos, tanungan na at kodakan, kodakan at tanungan. Nag-umpisa na rin ang free clinic namin. Dok, anong kailangan nyo? Mesa raw. Ano pa Dok? Isang mesa pa ra para sa mga gamot. Dok, meron pa? Interpreter, hindi sya marunong mag-Muslim. Ano Dok, may problema pa ba? Meron pa. Ano? Upper Respiratory Tract Infection, TB, Ulcer, Pagtatae at Ascariasis. Ano? Pakiulit nga, hindi ko nakuha. Mga sakit yan ng mga evacuees.

Gabi na’y hindi pa tapos ang panggagamot. Dok, paano yan, walang kuryente dito? Gasera na lang. Dok, kakain na, Sige, bukas na lang uli. Dok, hindi sila nakakaintindi. Mamang interpreter, paki-interpret.

At nakakain na nga, dapat pahinga ang kasunod, pero hindi, assessment daw ng mga nagawa at mga hindi nagawa. Pagkatapos ng assessment, pagpaplano para bukas. Ba’t, anong meron bukas? Aakyat pa raw sa lugar ng pinangyarihan. Ano? OO. Saan yon? Ilang bundok pa raw. Pinataas ang kamay ng mga gustong sumama. Lima lang pwera ako. Kailangan kong sumama, kailangan ko ng pictures. Nagtaas ako ng kamay. Anim na kami. Anim lang kami? OO, kaya’t matulog na kayo para makapag-ipon ng lakas. At natulog na nga kami.

Alas-kwatro pa lamang ay ginising na ako. Aalis na raw. Ha? Ang aga naman. Para daw hindi kami abutan ng init. Maliligo lang ako. Wag na raw. Magha-halfbath. Wag na rin daw. Hilamos, pwede? Sige. Toothbrush, pwede? Bilisan mo! Binilisan ko.

Kung ano ang hirap ng una naming lakaran, doble, triple ang sumunod. Ang tataas ng bundok, ang lalalim ng mga ilog. Hawakan mo ako. Baka anurin ako ng ilog. Pakidala naman ng camera bag ko, baka mabasa. Shit! Nadulas ako. Malayo pa ba? Malapit na. Saan pa? Nguso ang pinangturo. Yon ang masama dito, hindi yata alam ng guide ang salitang malayo, puro na lang malapit na. Kaya mo pa? OO. Sana magpahinga. Sana magpahinga. Please lang, magpahinga naman. OO magpapahinga, maghahanap lang daw ng may masisilungan. Saan yon? Nagturo ng naman ng nguso.

Hinto raw muna, sabi ng isang kasama. Salamat, nadinig rin ang dasal ko. Pero hindi, hindi raw dito hihinto, sa unhan pa raw. Hindi pala narinig ang dasal ko. Saan? Sa unahan, sa may kubo. Anong kubo? Akala ko ba nasunog na ang mga bahay dito? Hindi pala kubo, bahay-bahayan pala.

Bahay-bahayan ang tawag ko ron dahil bubong lang ang meron. Bubong na cogon na pinatirik ng apat na patpatng kahoy. Apat silang nakatira don, dalawang mag-asawa at dalawang anak na puro madudungis. Tamang-tama naman ang dating namin dahil pananghalian na. Isa uling pasasalamat, gutom na ako. Anong ulam? Sa kanila, gulay. Sa amin, sardinas. Sawa na kami sa sardinas, sawa na sila sa gulay. E di nagswap. Tuwang-tuwa kami. Lalo na sila. Pwes, wala ng problema, kainan na.

Mahabaging Diyos ng mga langaw, bakit pati nilikha nyo’y hinayaang mag-evacuate. Aba, ang mga langaw na ire, uunahan pa yata kami sa pagsubo. Bahala na, dapat may laman ang tiyan, mas malaki naman ang subo namin kaysa sa langaw. Subo, inom, subo inom, subo, inom hanggang sa mabusog. Pagkabusog, yosi. Pagkayosi, kodakan na, Pose dito, pose doon. Pati langaw pose din. At last, natapos din ang pictorial. Lakad na naman daw. Na naman?

Bundok na naman. May napapansin yata ako, pataas nang pataas ang mga bundok dito.

Dalawang bundok na lang daw.

Ang ayaw, magpaiwan, dadaanan na lang pagbalik. Ayaw kong magpaiwan, dalawang bundok na lang. OO, dalawang bundok na lang pero pataas nang pataas ang mga bundok dito. Diyos ko! Bakit gumawa ka pa ng mga bunok? Bakit hindi na lang puro patag? Wala akong magagawa. Ginusto ng Diyos yon. At wala akong magagawa, dalawang bundok na lang.

Akyaaaaaaaaat. Babaaaaaaaaa. Akyaaaaaaaaat. Babaaaaaaaaa. Natapos rin ang dalawang bundok. Ang dalawang bundok na di ko maubos-maisip kung bakit ginawa ng Diyos.

Sa tuktok ng bundok may ilang bahay-bahayang tila tent ng boyscouts na yari sa cogon. At dahil may bahay-bahayan, may mapapahingahan. Pahinga muna. Isang oras munang pahinga! Kalahati lang daw. Sige, kahit kalahati, basta pahinga. Natapos ang kalahating oras na pahinga. Pinatawag ang mga nasunugan, interview portion na.

KLIK! Nagkaroon ng encounter doon sa kabilang bundok ang military at mga rebelde. Namatayan ang mga military. Sa galit, sinunog ang mga bahay namin, pati yung ilang kabang bigas, sinunog din.

Nakita ho ba ninyo? Ang mga military nga ba talaga ang nagsunog? Baka naman mga rebelde?

Hindi mga military yon. Nang magkaputukan kasi, doon ako nagtago sa mga kawayan. Tapos, nagwithdraw ang mga rebelde. May dumating na helicopter, kinuha yung mga patay na kasama ng mga military. Tapos, pinagbabaril nila ang mga bahay, mabuti na lang nagsialisan na ang mga tao. Tapos, sinunog nila ang mga bahay.

OK. Military na kung military ang nagsunog. Pero kanina pa ako nandito, saan ang mga ebidensya? Saan ang mga nasunog na bahay. Sa likod ng bundok na yan. Ano?

No choice, kailangan ng ebidensya bago makapaghusga. Isang bundok na naman. Babaaaaa. Akyaaaaaaaaaat. Wala ng mga bahay, puro abo. Eto ang ebidensya. Eto ang abo. Kodakan na naman. Ubos na ang black and white film ko, rewind, binunot, pinasok ang slides film. Kodakan na naman. Natapos ang pictorial, naubos ang shots, abo pa rin ang dating bahay.

Bumalik kami sa datng bundok, sa mga bahay-bahayan na akala mo’y tent ng boyscouts. Hindi pa kami nakakababa sa bundok, biglang hanging malakas. Uulan yata. At totoo nga, umambon. Takbo. Takbong mabilis. Hingal. Hingal-kabayo. Nakarating kaming buhay, mamasamasa nga lang. Nakisilong kami sa mga T’boli. Nakatawa sila. Kami yata ang pinagtatawanan. At nagawa pa nilang tumawa? Pero wag isnabin, mag ginto sila sa ngipin.

Wala ng ambon, wala na ring hangin. Maglakad daw uli. Saan? Pauwi. Kailangan bang umuwi kaagad? Pwede bang bukas na lang? Mauna na kayo, susunod ako. Teka, hindi. Hindi ko kayang mag-isa. Baka anurin ako ng ilog. Pwede mamaya-maya na lang? Hindi raw, gagabihin sa daan. May flashlight ako. Hindi pwede, delikado. Walang lusot. O sya, umpisahan na ang paglalakad nang makarating ng maaga.

Hindi nagkatotoo ang sabi nilang mas mabilis raw ang pabalik kaysa papunta. Ang pabalik at papunta ay walang pinagkaiba, pareho ang layo, pareho ang daan, kaya’t pareho din ang pahirap at dusa.

At nakabalik nga kami nang buo pwera lang sa gasgas, sugat at lupaypay na katawan. At taas-noo kong ipinangangalangdakan na nakaya ko, kinaya ko, para sa Sambayanang Moro.

Sunday, September 14, 2008

Circa 1989

May nahalungkat akong maikling kwento na isinulat ko noong 1989. Eto yung nga panahong ako'y payat pa, may eyeglasses, cute at masarap. Bata pa ako noon kaya medyo bata pa rin ang style ko sa pagsusulat.

Eto.




Sa sasakyan pa lang nakikita ko na kung gaano kalayo ang lalakarin namin. Kung bakit ba naman ako ang napiling ipadala ng grupo para sa fact-finding mission na to? Hindi ko naman nilagay sa application form ko na ang hobby ko ay mountain climbing, at ni sa panaginip hindi ko inilusyong i-conquer ang mga bundok o isa man lang sa mga bundok ng Mindanao.

OO, Mindanao, specifically sa Upper Sepaka, Surallah, South Cotabato. At bakit? May human rights violations daw, may evacuation at sunugan ng bahay. At ano naman ang kinalaman ko doon? Moro Human Rights Center ang pangalan ng pinagtatrabahuan ko at obviously, covered namin ang lahat ng Moro areas sa ibabaw ng Pilipinas.

OK, naandoon na ako, ako pinadala, ako ang magdusa. Pero ang ikinasasama ng loob ko ay hindi basta-bastang lakaran ‘to, akyatan ang tawag dito.

Nag-umpisa ang akyatan at babaan sa mga bundok. Mabuti na lang at maagang nag-umpisa, hindi pa masyadong tirik ang araw. Pero hindi mapipigilan ang pagtirik ng araw. Doble pahirap, hindi ka lang mapapagod sa lakaran, mababagot ka pa sa init. Kung super init ang araw, super taas din ang mga bundok.

Diyos ko! Hihimatayin ako! Diyos ko! Madudulas ako! Diyos ko! Hindi ko na kaya! Hindi yata narinig. Tuloy pa rin ang lakaran at tawiran ng ilog.

Inabot kami ng pananghalian sa daan. Naglabasan ng mga baon- baong nakabalot sa dahon ng saging. Natapos ang kainan at ibig sabihin, lakaran na naman. At tuloy na naman ang pagdurusa.

Matapos ang ilang oras na akyatan at babaan, huminto kami. Tinuro ng guide ang lugar— nasa baba ng bundok. Isang malaking “SALAMAT” ang nabanggit ko. Pero binawi ko yon nang makita ko ang dadaanan namin pababa. Puro bato at puro matutulis pa.

Unang hakbang…OK lang. Pangalawa, pangatlo, pang-apat, panglima… Putangina! Dumulas ang paa ko. Nagmura ako, papalit-palit ang puntangina at shit sa bibig ko. Tinawag ko ang Diyos pero hindi ako narinig. Tinawag ko uli, hindi pa rin. Naisip ko, hindi Diyos meron dito. Moro area ito kaya dapat Allah.

Tinawag ko si Allah, at himala, natigil ang pagkadulas ko. Nakatawa lahat ng kasamahan ko, tumawa na rin ako. Patawarin sana ako ng Sambayanang Moro sa pagmumura ko. Isang malaking pasasalamat kay Allah. Isang malaking pasasalamat dahil sa aking pagkadulas, naunahan ko lahat ng kasamahan ko. At higit sa lahat, isang pasasalamat at nakarating na kami.

(Itutuloy)

Tuesday, September 2, 2008

Magnanakaw

Sya si J. Batang Bading. High School student pa. Nakikibarkada sa amin.

Mabait sana pero malikot ang kamay.

Una niyang ninakawan si Meanne-- P100 pesos in P20 bills

Tapos ako -- shampoo and conditioner in sachets

Si Meanne uli -- eyeliner

Ang huli si Kaye -- P2,000


Banned na si J sa bahay ko.


"Hindi pwedeng sa tuwing naandito sya ay itatago ko ang aking valuable," sabi ko.


"Korek. Nasanay pa naman tayo na nakabukas ang mga kwarto," sabi ni Fiona.


"At nakakalat ang mga wallets," dugtong ni Kaye.


Wala kaming ebidensya na si J nga ang kumukuha sa mga nawawalang pera o gamit namin. Pero nagsimula ang lahat noong sumasama sya sa amin. At dahil ako ang may-ari ng bahay, banned pa rin sya.


Eto pa ang isang magnanakaw. At eto pa.

Meron pang isa.

Friday, August 29, 2008

Panalo

Fiesta sa San Agustin, isang purok dito sa amin, noong Huebes.

Inilaban ni Kulot ang manok namin sa sabong. At dahil takot akong sumugal ng malaki, maliit lang ang napanalunan namin.


Nasa parlor ako noong ibinalita ni Kulot ang pagkapanalo namin.


"Eto o, kulang na yan ng dalawang daan, binalato ko kay kuya," sabi nya.


Binilang ko ang pera. Tama naman. Kinuha ko ang perang ipinusta ko.



"O yan, sayo na yan," sabi ko sabay abot sa kanya ang napanalunan namin.



"Sure ka?" tanong nya.


"OO. Kukunin ko lang pera ko, sayo na lahat ng panalo," sagot ko.


Nakangisi ang Kulot. Nagpasalamat at mabilis na umalis.


Makalipas ang kalahating oras, bumalik sya.


"Namili ako para sa bahay namin," sabi niya, bitbit ang dalawang plastic bags-- gulay, karne, isda, bigas at iba pa.


Ako naman ang nakangisi.


Umuwi sya sa kanila para ihatid ang mga napamili. Pero bumalik din agad.


"Samahan mo ako," sabi nya.


"Saan?" tanong ko.


"Sa ukay-ukay," sabi niya.


Go kami. Kahit mainit sa ilalim ng mga tents, OK lang sa akin. Matapos ang isang oras, nakabili sya ng anim na shirts -- 3 for P100. Ako, apat -- P50 each.


Nag-ukay-ukay din ang mga bakla.


Si Patricia, naka-ukay ng "gown" sa halagang limang piso.


Pag-uwi sa bahay, kahit walang laba, sinukat nya ito.


At nagpapicture



At namisikleta




Nangdelihensya ng yosi sa mga tumatagay ng tanduay



Natural, may disco kinagabihan. At kanya-kanyang paghahanda ang ginawa ng mga bakla, kasama ang mga bisitang sina Alton at Karay




Group Picture: (left to right) Red, Patricia, Glydel, Alton, Karay at Fiona

Monday, August 18, 2008

Baby Bayot




Siya si Kenjo, ang baby bayot.

Dala-dala sya ng Nanay niyang si Julie noong nagbakasyon kami sa Bali-Bali Beach Resort sa Island Garden City of Samal dalawang linggo na ang nakakaraan.


Anim na taong gulang pa lang si Kenjo pero sigurado na akong bakla sya. Kita naman sa photo niya.

At dahil nasa Kinder II na ang bading, absent sya noong magliwaliw kami. At sa pagbalik nya, ni-require sya ng kanyang Teacher Janiz na magreport sa klase kung ano ang ginawa niya sa kanyang pagkawala.


Sa tulong ng kanyang ina, nagprepare ang baby bayot sa kanyang report. With complete powerpoint presentation pa ng mga pictures namin sa resort.

Eto ang buod ng kanyang report-- Si Marlee (anak rin ng isang kasamahan namin), ang malaking swimming pool at ang apat na bading (ako, si bananas, si Rolanda at si Didi).


Excited ang bata. Kumpleto detalye ang kanyang report.


"Matatawa ka kay Kenjo?" text ni Julie a day before sa scheduled reporting.


"At bakit? Ano namang kagaguhan ang ginawa niya?" tanong ko.


"Ang discription ba naman sa yo sa report niya ay "baklang parang nanay,'" reply ni Julie.


"Potang bata yan. Bakit naman ako naging parang nanay?" tanong ko ulit.


"Kasi malaki daw tiyan mo. Para ka raw buntis. Tapos, lagi mo raw silang sinisigawan ni Marlee na wag sa malalim na part ng pool," sagot ni Julie.


Potang bata!


Totoo namang lagi akong nakabantay sa mga bata.

"Hoy! Doon sa mababaw!"

"Sssst. Balik don!"

"Wag dyan, malalim na dyan!"

"Kenjo, baka mahulog ka dyan!"

"Kenjo, wag masyadong malakas ang swing!"


At eto ang pinakamaganda-- "Kenjo, kunan mo kami picture," habang ang apat na bading ay nagpose sa tabi ng pool with matching quarter turns. Todo kuha naman ng picture ang baby bayot.



Dapat noong Friday ay nagreport na si Kenjo sa kanyang lamyerda sa Davao. Pero walang nangyaring reporting.


"Ayaw kasi ng teacher niya na isali yung part na 'apat na bading'," text ni Julie sa akin.


"Bakit daw?" tanong ko.


"Kasi hindi raw yon kasali sa bakasyon nya. Dapat daw yung mga nangyari o description ng place, ng pool ang ireport niya," sabi ni Julie.


"Ang tanga namang teacher yan," sabi ko.


"Isinumbong ko na sa principal," text ni Julie.


Sabi din daw ni Teacher Janiz, pwedeng ituloy ang reporting ni Kenjo pero puputulin na ang part na na-mention ang apat na bading. Di raw magandang halimbawa sa mga kaklase nya.



"Pero ayaw ni Kenjo. Sabi nya, hindi kumpleto ang story kung wala yung part na yon," text ni Julie.


Si Kenjo. Six-years old. Baby Bayot. Nakatikim ng discrimination.

Thursday, August 14, 2008

Gusto ng Baboy

Marami na ang nagtanong sa akin kung kumusta na ang pinatayo naming bakery ni Kulot. An sagot ko- tapos na sya. Aktuali, tapos na ang main "building." Pero andami pang kailangang gawin, bilhin.


Nirechannel ko kasi ang budget.

Nagretire kasi noong May ang nanay ko. At dahil alam nyang mabuburyo sya sa bahay, nagparinig na magpapatayo daw sya ng tindahan sa may gate sa amin. Sabi niya, may pera naman daw sya na manggaling sa kanyang pension.

Ngunit iba mag-isip ang nanay ko. Tindahan ang unang plano pero computer ang unang binili.


"Bakit computer?" tanong ko.


"Tatanggap ako ng typing job. Mabilis naman akong magtype e. Marami dyang mga estudyante. Isang upuan lang ang term paper para sa akin," sagot niya.


"Akala ko ba tindahan?" tanong ko ulit.


"Kaya nga i-finance mo muna ang pagpapatayo ng tindahan, babayaran na lang kita paglabas ng lump sum ko," ang nakangiting sagot niya.


Masunuring anak ako. Ipinaliwanag ko naman kay Kulot. OK lang daw. Pamilya daw.


Kaya delayed ang opening ng bakery namin. Pero di naman kami nauubusan ng order. Lagi namang may nagbi-birthday sa bukid. Nagpapa-bake din ng banana cake ang Fiona-- hinihiwa nya ito ng pagkanipis-nipis at ibinebenta niya ito ng limang piso sa mga kasabayan niya sa internet cafe.


At dahil dito, wala gaanong ginagawa ang Kulot. Sa nakaraang dalawang linggo, busy sya sa "pag-ready" sa isang manok namin.


"Para masabong natin sa fiesta sa San Agustin," sabi niya.


"Basta hanggang dalawang libo lang ang ipupusta ko," sabi ko.


OK lang daw.


Noong isang linggo, may suggestion ang Kulot.



"Mag-alaga kaya tayo ng baboy," mungkahi niya.


"Ha?" tanong ko.


"Para sa pasko may maibenta tayo. Dalawang biik lang, ako mag-aalaga," sabi niya.


"Saan mo naman bubuhayin?" tanong ko.


"Sa amin," sagot niya.


"E ang mga kapitbahay? Residential area kaya yung lugar niyo," sabi ko.


"Walang magrereklamo. Ang magreklamo, paalisin ko. Amin kaya ang lupang nirerentahan nila," confident na sagot niya.


May punto sya.


Naka-OO ako sa plano nya.


"Kay Kuya na lang tayo kukuha ng biik, P1,300 lang ang isa. Mura na yon," sabi niya.


OO din ang sagot ko.


Pero kahapon, naiba ang ihip ng hangin.


"Huwag na lang tayo kay Kuya kuha ng biik," sabi niya.


"Bakit?" tanong ko.


"E ang asawa niya, iba ang presyo. P1,400," sabi niya.


Wala naman sanang problema sa akin ang isang daang pisong pagkakaiba sa presyo, pero matigas ang Kulot.


"Pati tayo pinapatos. Para namang di tayo pamilya," sabi niya.


Gusto ko ng baboy. Gusto ko rin ng baby.

Wednesday, August 6, 2008

Painggit lang po

Nasa city ako ngayon. May gala kami ni Bananas. Bitches sa beach ang drama namin bukas. Makakasama namin ang mga dating kaibigan at katrabaho. Reunion daw.


Sa Bali-Bali Beach Resort sa Samal ang punta namin.


Excited na ako.

Gusto kong mahiga dito



At magswimming pagsapit ng gabi


Ayaw sumama ni Kulot.


"Di ko naman kilala lahat ng kasama mo," sabi niya.


"E di ipakilala kita," sagot ko.


Pero ayaw pa rin nya.


Alam siguro nyang gusto kong gumawa ng ganitong eksena

Monday, August 4, 2008

Si Ako

Busy ang mga bakla sa pag-gagayak para sa kanilang nightly chatting. At dahil wala naman akong ginagawa, nagpamake-up ako kay Fiona. Inayos ni Glydel ang buhok ko- tunay yan.

At nagpa-picture ako.

Eto ang kinalabasan



Comment ni Kulot: "Para kang matandang puta."

Sagot ko: "Para sa yo puta ako."

Tuesday, July 29, 2008

Rerun

Sa aking pagsi-surf sa net, nakita ko ang isang post ko sa dati kong blog-- noong ako ay dalaga pa. Ipinost din ito ng isang blogger. Lumabas ito January of 2007. Nagpapasalamat pa rin ako at may nakita ako, kahit isa man lang sa mga sinulat ko noon. Para sa akin, mas maganda ang mga kwento ko noon. Mas may buhay.

Kaya eto ang re-posting ng "Sabong."

Isinulat ko ito habang hiwalay kami ni Kulot.

Enjoy!


Pumayag ako na magkita kami ni Kulot. Pero hindi ako pumayag na sa bahay ang venue. Kailangan neutral ground. Ayoko rin sa kung saang madilim na lugar lang kami magkikita. Ano pa lang gawin niya sa akin. Paano kung may makamundo syang balak? Paano ako manlalaban? Ano lang ba ang lakas ng isang babae?

Anyway, ang neutral ground: Ang Bread Master. Ang natatanging 24-hour coffee shop dito sa bukid naming. Para sa mga bakla, ito ang aming Starbucks.

Alas dies ng gabi ang aming usapan. Pagdaan ko ng kanto papuntang Bread Master, naandon na sya kaya sabay kaming naglakad pero walang imikan.

Umorder ako ng kape. Siya, as usual, Milo.

Wala pa ring imikan. Ayokong ako ang mauna. Idea nya ito, sya dapat ang unang magsalita.

“Bakit ganon ang desisyon mo?” tanong niya.

“Ha?” tanong ko.

“Bakit ka biglang sumerender?” tanong niya.

Nakuha ko ang punto niya.

“Kasi bigla kang umatras. Di ba ikaw ang gustong mag-aral uli, tapos bigla kang aatras,” sagot ko.

“Hindi ako umatras. Sabi ko kung di pwede sa 22, sa June na lang ako papasok,” sabi niya.

“Ang klase nag-umpisa noong January 16. Ayaw mo kasi gusto mo sa 22. Mas marunong ka pa sa school. Tapos kung sa June ka naman papasok, ano gagawin mo January to June? Tatambay?” sabi ko.

Tumahimik sya.

“Bakit nga ba di ka pwede ng 16? Anong napakaimportanteng okasyon na di mo pwedeng ipagpaliban?”

“May sabong noong 15,” sagot niya.

Umiinit na ulo ko. Ang sarap sigawan. Ang sarap buhusan ng mainit na kape. Pero di ko magawa kasi nga nasa public place kami.

“Inuna mo pa ang sabong kesa sa pag-aaral?” mariin na sabi ko, halatang pinipigilan ang galit.

“Manok mo naman ang sinabong ko e,” mabilis na sagot niya.

OO, may manok kami. Bigay ng brother ko sa amin.

Ako naman ang natahimik.

“May pag-asa pa tayo?” sabi niya.

Di ako sure kung paano niya sinabi yon. Gusto kong makasiguro.

“Ano yan, tanong o deklarasyon?” tanong ko.

“Tanong,” sagot niya.

Di ako makasagot.


“May bago ka na?” tanong niya.

“Ikaw, may bago ka na?” patanong na sagot ko sa tanong niya.

“Wala,” sagot niya.

Naniwala ako.

“Ang balita may bago ka na raw,” paakusang sabi niya.

“At sino raw?” tanong ko.

“Si Jayson,” mabilis na sagot niya.

“Hindi totoo yan,” sagot ko sa tanong ni Kulot, sabay higop sa kapeng ngayon ay malamig na.

“Totoo,” diin nya.

“Isang kape pa nga, yung bagong kulo na tubig ha,” order ko sa waitress.

Sa isip ko, ngayon kailangan ko ng kape para magkaniyerbos ako at magka-heart attack hora mismo. Sa isip ko rin, kailangan ni Kulot ng dibersyon.

“Aminin mo na,” sabi niya.

At ayaw niya akong tantanan.

“Ano naman ang aaminin ko e wala nga?” sagot ko.

“Kilala kita,” sabi niya.

“Kaya nga e, kilala mo ako, bakit ayaw mong maniwala sa akin?” tanong ko.

“Kasi nga nagsisinungaling ka,” sagot niya.

At tinawag pa akong sinungaling.

“Mas pinapaniwalaan mo pa yang mga nagkakalat ng tsismis dyan kesa sa akin?” tanong ko.

“Mas pinapaniwalaan ko ang nagsabi sa akin,” sagot niya.

“At sino naman ang may sabi?” tanong ko.

“Si Jayson mismo,” mabilis na sagot niya.

“Miss, saan na ang kape ko?” tanong ko sa waitress.

Nagpapakulo pa raw ng tubig. Punyeta! Lakasan niyo ang apoy. Dalhin nyo sa impyerno para instant kulo.

“Natahimik ka?” tanong niya.

“Ano pala sinabi ni Jayson?” tanong ko.

“Sabi mo raw na kung pwede sya na kapalit ko. Na pumayag sya pero palipasin muna ng isang buwan para di pangit tingnan,” sagot ni Kulot.

Wala akong masabi. Totoo naman kasi. Humanda ang tsismosong Jayson na yan.

“Ibig sabihin niyan wala na talaga tayo?” tanong niya.

Tahimik pa rin ako.

“Gusto ko lang malaman— hiniwalayan mo ba ako kasi may plano ka kay Jayson?” tanong niya.

“Hindi. Dahil umatras ka sa plano,” mabilis na sagot ko.

Sya naman ang tumahimik.

“Ngayong di ka natuloy sa pag-aaral, ano gagawin mo? Wala ka na rin sa tindahan. Di ba kaya nga nasa tindahan na si Jayson kasi nga mag-aaral ka? Paano yan ngayon? Tatambay ka lang? Maghihintay ka lang na abutan ko ng pera? Ano magiging dating mo nyan? Callboy? Ano magiging dating ko nyan? Customer?” sunod-sunod na tanong ko.

Walang sagot.

“Hindi mo na ako mahal?” tanong niya.

Ako naman ang walang sagot.

“Akala ko ba mahal mo ako?” tanong niya.

Gusto ko syang sagutin ng: “Akala ko rin.”

Hindi ko nagawang magsinungaling.

“Mahal,” ang sagot ko sa tanong niya.

Nang marinig niya ito, nakita ko ang saya sa kanyang mga mata. Ngingiti na sana sya nang sinabi kong: “Pero kaya kitang tiisin.”

Nagbago uli ang kislap sa kanyang mga mata. Nawala ito. Natahimik sya. Naka-bullseye ako.

"Hanggang kailan mo ako titiisin?" tanong niya.

Hindi ko sinagot.

"Ano ba dapat kong gawin?" another tanong.

"Magbago," tanging sagot ko.

"Promise, magbabago na ako," sabi niya.

"Hindi na ako naniniwala sa mga promise, promise na yan," sabi ko.

"Promise nga," mabilis na dugtong niya.

"Magbago ka muna," sabi ko.

"Ha?" tanong niya.

"Magbago ka muna bago kita tatanggapin uli," sagot ko.

"So wala na muna tayo?" tanong nya.

"Hanggang di ka nagbabago, walang tayo," sagot ko.

Natahimik uli sya.

"Paano yan ngayon?" tanong nya.

"Ha?" tanong ko.

"Paano mo makikita na nagbago nga ako kung wala na tayo?" tanong niya.

"Ikaw ang maghanap ng paraan," sagot ko.

Matagal na katahimikan bago sya nag-ayang umuwi. At habang naglalakad kami, nagtaka ako nang lumiko din sya sa daang papuntang bahay.

"Saan ka?" tanong ko sa kanya.

"Sa inyo ako matutulog," sagot niya.

"Hindi pwede," sabi ko.

"Bakit naman?" tanong niya.

"Kasi nga wala na tayo," sagot ko.

"Bakit, di ba pwedeng matulog sa inyo kahit wala na tayo?" tanong niya.

"Hindi," mabilis kong sagot.

"Paano ko mapapatunayang nagbago na nga ako kung di naman ako pwedeng matulog sa bahay mo?" tanong niya.

"Basta hindi pwede," sagot ko.

Ang totoo, gusto ko ring ipakita sa kanya na di ako nagbibiro sa sinabi kong kaya ko syang tiisin.

At naghiwalay kami ng daan.

Pagdating ko sa bahay, naandon si Jayson, nakahiga sa sofa habang nanonood ng DVD.

"Nagkabalikan kayo ni Kuya?" tanong ni Jayson sa akin.

"Hindi," sagot ko.

"A ok," sabi niya.

"Sa tingin mo, ano dapat ang nangyari? tanong ko sa kanya.

"Ewan ko," sagot niya.

Alam niyang gusto ko ng kausap. Pinatay niya ang TV at DVD player.

"Kung ikaw ang nasa posisyon ko, ano gagawin mo?" tanong ko.

"Di ko masabi," sagot niya.


Playing safe ang Jayson.


"Eto na lang. Kung ikaw ang nasa posisyon ng Kuya mo, ano gagawin mo," tanong ko uli.

"Mag-aaral," mabilis niyang sagot.

Nakapag-isip ako.

"Gusto mong mag-aral?" tanong ko.

"OO naman," sagot niya.

At dahil buo pa naman ang pang-down payment sa dapat na pag-aaral ni Kulot, nagdesisyon ako at sinabi kay Jasyon na: "Sige, ikaw ang mag-aaral."

Mahaba pa ang usapan namin. Sabi ko maghahanap kami ng school na Sabado lang ang pasok. Tuloy pa rin ang pag-manage niya ng negosyo. Kumbaga, para lang syang nag-day off tuwing Sabado. Sabi ko rin dapat ayusin nya ang pagpapatakbo ng negosyo kasi doon kukunin ang pang-tuition at pangggastos niya. OO daw.

Nang matapos ang pag-uusap, eto ang kanyang sinabi: "Dito ako matutulog."

Sinagot ko sya ng: "Hindi, uuwi ka sa inyo."


P.S.

Nakapagdesisyon din akong bumalik sa pagsagot sa mga comments at questions ng mga mambabasa ng blog na ito.


(At sa mga may kopya ng dati kong posts: paki-email naman sa mandayamoore@gmail.com. may reward: ibibigay ko sa inyo ang natitirang puri sa aking katawan)